Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Health Sciences

Year/Section: ___BSN3-E_______________________ RLE Group: _2_

Simulated Attitude Therapy Script

Episode 1
Type of Patient: Patient with dementia
Attitude Therapy Approach: Active Friendliness & Kind firmness

Scene 1

Nurse: Albert M. Santos Jr.

Patient: Grace Debora Joy C. Monje

Setting: Mental Health care facility

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Patient: (Nagbabasa ng diyaryo)

Nurse Albert: (Kumatok sa pintuan). Magandang umaga po ma’am. Ako si _________ ang inyong
nurse ngayong alas siyete ng umaga hanggang mamayang alas tres ng hapon.

Pasyente: (tiningnan ang nurse at ngumiti).

Nurse Albert: Kain na po kayo, sasamahan ko po kayo.

Pasyente: (Nakatulala lang sa pagkain.)

Nurse Albert: Bakit hindi niyo po ginagalaw pagkain niyo pagkain niyo?

Pasyente: (Hindi umimik, tiningnan lang ang pagkain at ang nurse).

Nurse Albert: Ganito po tutulungan ko po kayong kumain, meron po ditong soup at pandesal. Ano
pong gusto niyong unahin.

Pasyente: (Nakatulala.)

Nurse Albert: Okay po, subukan natin itong soup. Kain na po tayo, kaya niyo po bang kunin ang
inyong kutsara? Sige po kunin niyo na po.

Pasyente: (Tiningnan ang pagkain kinuha ang kutsara at binaba ito.

Nurse Albert: Sige tutulungan ko na po kayo.

Pasyente: (Tinititigan ang pagkain.)

Nurse Albert: Kinuha ang kutsara at tinulungan ang pasyente sa pamamagitan ng hand-under-
hand technique upang maibigay ang better eating experience at mas ma-enganyo ang pasyenteng
kumain).

*Wow mukhang enjoy na enjoy niyo po pagkain ngayon hah, gusto niyo pa?

Pasyente: (enjoying the food)

Nurse Albert: Wow, galing niyo po ah naubos mo ang inyong pagkain, nabusog po ba kayo?

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Pasyente: (Ngumiti)

Nurse Albert: (Iniligpit ang pinagkainan at tinulungan ang pasyente bumalik sa kanyang silid.)

Pasyente: Anong araw ngayon?

Nurse Albert: Ngayon po ay Linggo, July 25,2021.

Pasyente: Nod

Nurse Albert: (umalis saglit at kinuha ang daily timeline board)

-----------------------------------------------------a few moments later--------------------------------------------------

Nurse Albert: (nakabalik na ang nurse)

Pasyente: Anong araw ngayon?

Nurse Albert: Ngayon po ay Linggo, July 25, 2021 at narito po ang skedyul ng ating gagawin sa
araw na ito. (ipinaliwanag ang skedyul na nakalagay sa white board).

Pasyente: (Tumango)

Nurse Albert: Sige po ipost ko po ito sa pader para hindi mo po malimutan. Balik po ako mamaya
para sa inyong gamot. Kung may kailangan po ako I’m around tawagan niyo lang po ako. Enjoy
reading!

Pasyente: Okay!

-------------------------------------------------------------
END------------------------------------------------------------------------

SCENE 2

Nurse: Grace Debora Joy C. Monje

Patient: Albert M. Santos Jr.

Setting: in the lobby/garden of mental health facility

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasyente: Nasaan ang asawa ko, Nakita mo ba asawa ko?

Nurse Debora: Ano pong problema sir? Huminahon po kayo, huminga po kayo ng malalim,
‘inhale’.. ‘exhale’. Ako po si Grace Debora Monje ang inyong nurse. Nandito po kayo sa Mental
health facility kasalukuyang nagpapagalin…. Baka gusto niyo po munang magpahangin sa ‘garden’,
maganda po doon.

Pasyente: (Tumango)

----------------------------------------------------habang
naglalakad--------------------------------------------------------------

Nurse Debora: Mayroon po ka bang litrato ng iyong asawa para makita ko?

Pasyente: Mayroon (hinugot ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at ipinakita ang kanilang family
picture).

Nurse: Ang ganda naman po ng inyong litrato, ang saya-saya niyo rito. Pwede po na kayong

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

magkwento tungkol sa asawa niyo?

Pasyente: Palagi niya akong nilulutuan ng paborito kong adobo at ako naman pinapasyal ko siya sa
tabing ilog.

Nurse Debora: Awww ang sweet niyo naman pong mag-asawa.

Nurse Debora: Oh nandito na po tayo, di ba ang ganda dito naparakaraming halaman

Pasyente: Oo nga.

Nurse Debora: Oh, nandito pala ang mga ibang kasamahan natin. Tara at makipagkwentuhan tayo
sa kanila.

Pasyente : (Nakangiting tumango).

Nurse Debora: Huwag ka pong mahihiya magkakapamilya tayo dito ( tinapik ang balikat sabay
ngiti).

Pasyente: (tumango at nakihalubilo sa mg9 tumingin sa relo)a kasamahan)

Nurse Debora: (Sinamahan ang pasyente)

Nurse Debora: Ang galing niyo naman po pala, (tinignan ang oras sa relo).. ohh snack time na tara
po sa loob.

Mga Pasyente: (Pumasok na sila sa loob)

-----------------------------------------------------------END----------------------------------------------------------------

Episode 2
Type of Patient: Manipulative
Attitude Therapy Approach: Matter-of-Fact

Scene 1

Nurse: Vanessa Mae Alipio (Lily)

Patient: John Michael Esperanzate (Kalix)

Setting: in the Nurses station of mental health facility

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*naglakad si Kalix papuntang nurses station*

Nurse: Good evening sir, 11:30 na po ng gabi *tiningnan ang relo*. Ano po’ng ginagawa niyo dito?
May kailangan po ba kayo?

Patient: Gusto ko kasing tawagan ang anak ko.

Nurse: ano pong dahilan?

Patient: Napanaginipan ko siyang naaksidente. Gusto ko lang siyang kumustahin.

Nurse: Sir, pasensya na po kayo, hindi kop o pwedeng ipagamit ang telepono. Isa po kasi sa rules

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

and regulations ng hospital ay ang hindi po pag-gamit ng telepono ng lagpas 10 pm.

Patient: Sige na ang ganda ganda mo pa nga eh, pagamitin mo na ako. Wala naming nakakakita
oh, kahit saglit lang gusto ko lang masiguro na nasa maayos ang kanyang kalagayan.

Nurse: Sir, kailangan po nating sumunod sa patakaran ng hospital. Ako po ang manangot sa
gagawin ninyo.

Patient: Wala akong pakialam kung ikaw yung mananagot basta gusto kong tawagan an aking
anak. Bakit wala ka bang anak Nurse? Kung ikaw ang nasa sitwastyon ko, ano ang mararamdaman
mo?

*pilit na kinuha ang telepono*

Nurse: Kumalma po kayo ma’am, naiintindihan ko po na gusto niyong kamustahin ang anak niyo.
Maari mo naman po itong gawin bukas.

Patient: Wala kong pakialam sa mga rules niyo. Sabing ngayon na eh! Gusto kong makausap ang
aking anak ngayon na mismo!

*pilit na kinukuha ang telepono*

Nurse: Kumalma po kayo, sir. Bumalik na po kayo sa inyong kwarto. Matulog na po kayo. Bukas
niyo na po kausapin ang iyong anak, gigisingin ko po kayo.

Patient: Ayoko! Hindi nga ako makatulong dahil sa panaginip ko. At kaya nga ako nagpunta dito sa
nurses’ station dahil gusto kong makausap ang aking anak. Mahirap ba yung intindihin!?

Nurse: Pasensya na sir, kahit ano pong pilit niyo po sa akin hindi ko ibibigay ang gusto niyo.
Mahigpit na ipinapatupad po kasi ang bawal na paggamit ng telepono pag lagpas alas diyes na.
Respetuhin po natin ito. naiintindihan po ba natin?

Patient: Napakadamot mo naman. Saglit lang sabi e.

Nurse: Uulitin ko po sir, maaari mo pong tawagan ang iyong anak bukas. Kahit ako na po mismo
ang gigising sa inyo. Bumalik na po kayo sa inyong kwarto at matulog na.

Patient: Hirap mong pilitin, binabawi ko na iyong sinabi kong maganda ka. Ang pangit ng ugali mo!
Gisingin mo ako bukas ha!

*Kalix walks out*

Nurse: Sige po sir, gigisingin ko po kayo. Nawa’y mahimbing po ang tulog niyo.

-------------------------------------------------------------END---------------------------------------------------------------

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

SCENE 2

Nurse: John Michael Esperanzate (Jade)

Patient: Vanessa Mae Alipio (Kierra)

Setting: Mental health facility

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nurse: Good afternoon ma’am. Ako po si Jade, ang inyong nurse ngayon hanggang alas 3 ng
hapon. Narito po ako upang kunin ang inyong Vital Signs. Kumusta po ang pakiramdam niyo?

Patient: Maayos naman sir.

Nurse: Maayos naman po ba ang ating pagtulog?

Patient: Hindi nga po sir e. Mas mabuti po sana kung bibigyan niyo po ako ng gamot.

Nurse: anong gamot maam?

Patient: yung pampatulog ko po sana yung lagi kong iniinom Xanax po yata yon.

Nurse: ah, teka lang po maam, wala po kasing naprescribe sa inyo na gamot

Patient: pero yun po ang gusto ko eh, subok ko na po iyon.

Nurse: sige po maam, tatanungin ko lang po kay doc kung anong gamot ang nakareseta sa inyo

Patient: wag mo nang itanong! Bigyan mo nalang ako! Alam ko kung anong gamot ang kailangan
ko!

Nurse: Kalma lang po kayo maam, wag po kayong magalit. Una sa lahat yang gamot na sinasabi
niyo nakaka-addict po.

Patient: Kahit ngayon lang po sir, huling pagkakataon.

Nurse: Pasensya nap o ma’am, kailangan po natin sundin ang patakaran sa hospital na ‘to, pati na
rin ang iyong doctor. Ang gamot na iyon po ay prineprescribe ng doctor para sa pasyenteng
nangangailangan.

Patient: Kailangan ko ang gamot na iyon, hindi ko kayang mabuhay nang wala iyon.

Nurse: Uulitin ko po ma’am, ang gamot na iyon po ay prineprescribe ng doctor. Kailangan ng


maiging pagiingat, dahil ito po’y nakaka addict at maari po kayong maging dependent sa gamot na
ito.

Patient: Ibig mo po bang sabihin sir, hindi ako makakainom ng gusto kong gamot sir?

Nurse: opo maam, at nandito ka po ngayon dahil tinutulungan ka po namin para labanan ang
pagiging dependent mo sa gamit na iyon maam.

Patient: *natulala* Sige po, sir naiintindihan ko po

The next day…

Nurse: Good afternoon po maam. Kukunin ko po ulit vital signs niyo ma’am. Kumusta po kayo
ngayon ma’am?

Patient: Mabuti naman. ‘Di ba sinabi mong tutulungan niyo akong makawala sa adiksyong ito?

Nurse: Opo ma’am. Ibibigay po namin ang lahat ng aming masinsing pag-aaruga at mabisang

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

paggamot na iyong kailangan upang malagpasan mop o ang iyong adiksyon.

Patient: Salamat po nurse. Susundin ko po ang inyong rules and regulations dito sa hospital pati
na rin sa aking mga treatments.

Nurse: Natutuwa po ako na tinutulungan niyo po ang inyon g sarili upang malabanan ang inyong
adiksyon. O siya, una na ako ma’am. Magpahinga na po ulit kayo.

-------------------------------------------------------------END---------------------------------------------------------------

Episode 3
Type of Patient: Depressed
Attitude Therapy Approach: Kind firmness

Scene 1

Nurse: Baclig, Sheena Carmella

Patient: Salvador, Deemah Alyssa R.

Setting: Health Care Facility and Home (Telehealth)

Nurse: Good Morning ma’am!

How are you feeling right now?

I’m your nurse for today Ms. Sheena Carmella Baclig

Patient: I wish my life was over

Nurse: You wish your life was over? (asking for further explanation)

Patient: Ms. I just can’t do this, my life is pointless. (tries to explain what she meant)

Nurse: It sounds bad what else is going on with you, Ma’am?

Patient: I missed volleyball season and here I am, I can’t play anymore.

Nurse: Yes, you can if you will follow our activities

Patient: Clearly, you don’t understand… (smiles between the lines) (looks around and explaining
with hand gestures) killing me is the only way to make me feel better! And no one would listen to
me on what I’m talking about.

Nurse: How about let’s make a rule, okay? (explaining some suggestions for the patient could do)
Because I want to help you overcome it. I will listen to your concerns and let’s talk how beautiful
life is.

Patient: (takes a deep breathe) My life is a mess. I’m all alone here for years! (voice starts to
argue)

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Nurse: (speaks politely) I understand you on what you are going through right now

Let’s talk about how happy you are with your family and I will listen, okay?

Patient: FINE!

………….

Nurse: Glad to hear that from you

Let’s talk again tomorrow ma’am.) (smiles at the patient) I’m pleased that you expressed
to me your feelings about what’s wondering you. And I hope you will soon cope up with it.

-------------------------------------------------------------END---------------------------------------------------------------

Scene 2

Nurse: Baclig, Sheena Carmella Salvador, Deemah Alyssa R.

Patient: Baclig, Sheena Carmella H.

Setting: Mental Health Care Facility

So here’s my colleague dealing with her patient who suffers abuse from his husband for
years

Nurse: (greets the patient and smiles) Magandang araw, Ms. Villanueva.

Patient: (smiles awkwardly and looks away)

Nurse: (introduces self) Ako nga po pala si Nurse Deemah. Andito po ako para matulungan po
kayo sa mga concerns niyo ma’am. Ano po ang itatawag ko sainyo, ma’am? (smiles between the
lines)

Patient: Jane.. Jane nalang po ma’am. (voice is low)

Nurse: Okay Ms. Jane

Ano po ang naraaramdaman mo sa mga nagdaang araw?

Patient: (speaks with no mood) Nawawalan ako ng gana sa lahat…. Andami kong bayarin, nawalan
pa ako ng trabaho dahil sa pandemya hindi ko na alam na scam pa ko ng dalawang milyon na para
sana sa anak ko (tears comes out in her eyes)

*Nurse sees bruises on the patient arm.

Nurse: May mga pinagsasabihan ka ba patungkol sa mga dito jane?

Patient: Wala, Wala dahil ang pamilya ko nasa Mindanao at walang signal sa aming lugar. Ako lang
mag isa (the patients voice begins to crack)

Nurse: tahan na ms. jane nandito kana sa amin, safe ka dito at walang mananakit sayo

Ang gawin natin ngayon ay tandaan ang mga magagandang nangyari sayo, pwede ba
‘yon?

Patient: okay

*At nag usap ang dalawa patungkol sa mga magagandang ala-ala ni ms. jane

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Nurse: we did a great job today ms. jane… gawin natin to parati ha makakatulong sayo to

Nandito lang ako para makinig sayo at gabayan ka. (Patient smiled to the nurse)

Episode 4

Type of Patient: Aggressive


Attitude Therapy Approach: No demand

SCENE 1

Nurse 1: Sophia

Nurse 2: Joneenah

Patient: Shaina

Setting: Mental Hospital - Ward

(Sa labas ng kwarto ay naririnig ng dalawang nurse ang mga sinasabi ni Patient Shaina
na tila may kinakausap)

Nurse Sophia: Nurse Joneenah ready ka na bas a kung ano ang mangyayari
ngayon?

Nurse Joneenah: Basta Nurse Sophia, tandaan lang natin na dapat ay kalmado tayo at
kailan man ay wag natin pagtataasan ng boses ang pasyente.

(Bago tuluyang pumasok ang dalawang nurse sa kwarto, huminga sila ng malalim at
kumatok sila sa pinto tsaka pumasok at biglang napahinto sa pagsasalita ang pasyente)

Nurse Sophia: Magandang umaga sa iyo Shaina, balita namin, nagsisigaw ka raw sa
mga ibang nurse na pumapasok dito sa iyong kwarto. Pwede bang
malaman kung bakit?

Patient Shaina: (hindi umimik ang pasyente at maya-maya’y biglang nalang siya
nagsalita) Tama na bakit ba kayo pabalik balik dito. Bakit nandito na
naman kayo?!

Nurse Joneenah: Gusto ka naming tulungan at gagawin namin ang lahat para
gumaling ka. (maalumanay na sinabi ng nurse)

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Patient Shaina: (biglang kinuha ang lamesa malapit sa kanya na tila ba ibabato) wag
na wag kang lalapit, ayoko sa’yo. Kung hindi, ibabato ko to sa ‘yo!

Nurse Joneenah: Ibaba mo yan. Ayaw naming masaktan ka

Patient Shaina: Hindi! Ayoko! Ayoko pang mamatay! Kayong dalawa magsilayas
kayo kundi ihahagis ko ito sa mukha ninyo! Hindi ko kailangan ng
tulong niyo!

Nurse Sophia: Ibaba mo yan. Nandito lang kami para kamustahin ka. Ilang araw ka
na kasing hindi umiinom ng gamot mo.

Nurse Joneenah: Alam mo naman na mahalaga sa amin ang iyong kalusugan


Ginagawa namin to para matulungan ka, at para bumuti na ang
iyong pakiramdam.

Patient Shaina: Hindi! hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niyo. Masasaaktan lang
ako sa mga gagawin niyo! Papatayin niyo lang ako gaya ng ginawa
niyo sa aking ina at kapatid!

Nurse Joneenah: Hindi yan totoo. Gusto lang namin na mapabuti ang iyong
pakiramdam at para hindi ka manghina.

Nurse Sophia: Alam niyo naman po siguro ang mga pwedeng mangyari kung
patuloy po kayong manghihina.

Patient Shaina: Sabi na ngang ayaw ko eh! nakakaintindi ba kayo? Kung hindi kayo
aalis babatuhin ko kayo!

Nurse Sophia: Tama na yan, kung hindi ka pa titigil, tatawagan ko ang aming mga
kasamahan para kunin ka at itali.

Patient Shaina: (Tinitigan niya ang mga nurse at nanginginig sa takot at galit na
galit) unti-unti ibinaba ang lamesa at umiyak sa isang sukok

Nurse Joneenah: Kumalma ka muna sandali at babalik kami mamaya para ulit
kumustahin ka.

(pagkalabas ng dalawang nurse)

Nurse Joneenah: Ano nang gagawin natin? baka manghina siya kapag patuloy na
ayaw niyang magpalagay ng IV. Baka kung anong mangyari sa

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

kanya.

Nurse Sophia: Tama ka pero kailangan na mapakalma muna natin siya bago tayo
bumalik.

(pagkatapos ng isa at kalahating oras, bbumalik na ang dalawang nurse)

Nurse Sophia: Kumusta ka na Shaina, andito ulit kami. Tandaan mo na nandito


lang kami lagi para sa'yo.

Nurse Joneenah: Napansin ko na mas kalma ka na ngayon kaysa sa una naming bisita
ha? Huminga ka lang ng malalim at magiging maayos din ang lahat.

Nurse Sophia: Naiintindihan namin ang iyong saloobin pero lagi mong tatandaan
na nandito lang kami para sayo. Para tulungan ka. Kung anong
problema mo sabihin mo lang at nandito kami na makikinig sa’yo.

Patient Shaina: Hanggang diyan lang kayo! Huwag kayong lalapit!!

(Hindi na umimik ang dalawang Nurse at maya’t-maya ay biglang nagsalita ang


pasyente)

Patient Shaina: Ayoko sa kanya.. Pinatay niya ang aking ina at ang ang aking
kapatid! Masama siyang tao! Gustuhin ko mang tulungan sila pero
wala akong nagawa. Nakita ko nalang kung pano niya patayin ang
nanay at kapatid ko. Wala siyang awa. Wala akong nagawa!!! Hindi
ko naisalba si nanay at si ate.… Kasalanan ko! Kasalanan kong hindi
sila matulungan… (umiiyak habang nagsasalita)

Nurse Joneenah: Naiintindihan ka namin . Hindi mo kasalanan ang nangyari at


kailanman, hindi mo dapat sisihin ang iyong sarili. Alam kong galit
ka at namimiss mo narin ang iyong ina at kapatid.

Nurse Sophia: Huwag kang mangamba, andito lang kami para sa’yo. Ngayon, kami
muna ang mag-aalaga sa iyo. Sa ngayon, hindi nakakatulong sa iyo
ang mga ginagawa mo. Mas patuloy kang manghihina niyan.

Patient Shaina: Wag niyo akong sasaktan, huwaag niyo akong papatayin, parang
awa niyo.

(lumapit ang dalawang nurse)

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Nurse Joneenah: Hindi ka namin sasaktan. Andito kami na tutulong sayo para mas
bumilis ang pagbuti ng iyong kalooban. Kailangan mo lang maging
matatag sa ngayon.

-------------------------------------------------------END----------------------------------------------------------

Episode 5

SCENE 1
Type of Patient: Paranoid
Attitude Therapy Approach: Passive friendliness
Nurse: Sophia Kaye Aguinaldo

Patient: Joneenah Gaoiran

Setting: Mental Health Care Facility

Pasyente: (the patient is pacing and rocking--psychomotor agitation)


Nars: Magandang umaga po sainyo ma'am Jenny, ako si _____, ang nurse nyo po.
Kumusta po ang araw nyo? ( lumapit ang nurse pero may distansyang 4 talampakan)
Pasyente: ano? (Lips are moving to someone else)
Nars: okay lang po ba kayo maam?
Pasyente: (unfocused, distracted)
Nars: Sabihan nyo lang po ako maam kung may kailangan kayo, andito lang po ako para sa
inyo. ( showing the patient that the nurse is always there)

Pasyente: Asan ako? Sino ka? Ayoko dito. (Patient made the first move)
Nars: Nandito po kayo sa ospital ma’am, sa tingin nyo po ba ay ligtas kayo dito?
Pasyente: hindi, hindi ako ligtas kahit saan.
Nars: ang hirap po siguro sainyo itong nararanasan nyo ma’am. Ano yung kinatatakot nyo
po?
Pasyente: Papatayin daw nila ako (patient is frightened, looks at somewhere else in the
room)

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Nars: gagawin ko po ang lahat para maligtas ko kayo ma’am.


Pasyente: laughing (inappropriate affect)
Nars: maam, kailangan kong kunin ang blood pressure nyo, okay lang po ba? (Asking
permission before doing something to the patient)
Pasyente: (seeks advice to someone who isn’t there) Sabi nila, wag daw.
Nars: Alam kong ayaw nilang alagaan kita maam, pero gusto kitang gumaling, gusto mo
bang tulungan kita?
Pasyente: (delayed in answering questions) gusto ko nang umuwi, mas okay doon.
Nars: Bago ka po umuwi maam, may mga bagay po ba na pwedeng gawin natin upang
mas maramdaman mong ligtas ka patungkol sa mga boses? (picks an activity that the
patient engage in)
Pasyente: nanood ako ng tv, may ilaw sa gabi, nakikinig ako ng radyo para diko madinig
yung mga boses.
Nars: ay sige po, na on ko na po yung tv at sasabihan ko po yung nurse nyo mamayang
gabi na patayin ang ilaw nyo.
Pasyente: hotdog, bulldog, corndog (saying things that don’t make sense)
Nars: alis na po ako maam, maghahanap lang po ako ng radyo, babalik po ako.

(Nakahanap ng radyo ang nurse at binigay nya ito sa kanyang pasyente, nasunod din ang
kagustuhan ng pasyente kayat mas natulungan sya sa kanyang dinadanas).

-------------------------------------------------------END----------------------------------------------------------
Scene 2
Nurse: Shaina Ramos
Patient: Sophia Kaye Aguinaldo
Setting: Mental Hospital (receiving area)

Nurse: Magandang umaga ma’am, ako po si Shaina ang iyong nars ngayon.
Patient: ….. (Hindi umiimik, nakatingin lang sa nars)
Nurse: Kamusta ka naman po ma’am? (Saktong ngiti at inoobserba ang 4 talampakang
layo sa pasyente)
Patient: Okay lang.
Nurse: Maaari po bang malaman kung ano pangalan niyo ma’am?
Patient: ako si Sophia

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Nurse: Okay ma’am Sophia, pwede ko bang malaman kung ano po yung rason niyo bakit
kayo bumisita sa clinic?
Patient: Rason ng asawa ko, hindi ako!
Nurse: Kung gayon po ma’am, maaari ko bang malaman?
Patient: Sabi niya, nag-aalala siya sa akin at gusto niya lang mapabuti ang kalagayan ko…..
Nurse: Tuloy niyo lang po, nakikinig po ako.
Patient: Pero sa totoo ay wala namang mali sa akin.
Nurse: Ano po yung ibig niyo pong sabihin ma’am?
Patient: Gusto niya lang makasama yung babae niya kaya pinapunta niya ako dito!
Nurse: Paano mo naman po nasabi na may ibang babae po ang asawa niyo?
Patient: Sabik na sabik siyang pumasok sa trabaho niya dahil naroroong ang babae niya!
(nagagalit ang tono ng boses)
Nurse: Ano po ba ang trabaho ng asawa niyo?
Patient: Secretary siya ng CEO ng kompanya, iyon ang babae niya!
Nurse: Maaari ko po bang malaman kung paano?
Patient: Maaga siyang umaalis ng bahay at late nang umuuwi. Lagi pa siyang nag babaon
ng pagkain para ibigan doon sa babae niya!
Nurse: Gaano na po ito katagal?
Patient: Hindi ako sigurado, mag dadalawa o tatlong buwan na.
Nurse: Sige po ma’am, kakausapin ko po yung asawa niyo tungkol dito, sa ngayon po,
kakausapin na po kayo ni Doc. Tandaan niyo lang po ma’am na nang dito lang po ako para
tulungan kayo.
Patient: Mabuti naman kung ganoon.
Nurse: Okay po ma’am, maaaring tumayo na po tayo at pumunta na kay Doc para po pag-
usapan ang maaari naming maitulong sa sitwasyon niyo ngayon.
Patient: sige (tumayo)
Nurse: Okay po ma’am, samahan ko muna kayo.

Script writers:

Episode 1 – Santos, Albert Jr.


Monje, Grace Debora Joy

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Health Sciences

Episode 2 – Esperanzate, John Michael


Alipio, Vanessa

Episode 3 – Baclig, Sheena Carmella


Salvador, Deemah Alyssa

Episode 4 – Sophia Kaye Aguinaldo

Episode 5 – Joneenah Gaoiran


Shaina Ramos

#16S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte


 chs@mmsu.edu.ph  077 600 20-56 www.mmsu.edu.ph

You might also like