EPP 5 HE Module 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

5

EPP/TLE
HOME ECONOMICS
Quarter 2 – Module 8:
PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN
2

EPP/TLE- Grade 5
Quarter 2- Module 8:
Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director:
Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional
Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Writer: Maria Corazon M. Baldon, T-III Albay Central School


Editor: Gina B. Baronia MT- I, Tamaoyan Elementary School
Illustrator:
Consultant: Raul B. Buendian, EPS EPP/TLE/TVL
Management Team:
Gilbert T. Sadsad, Regional Director
Jessie L. Amin, Assistant Regional Director
Francisco B. Bulalacao Jr., CLMD Chief, ROV
Christie L. Alvarez, Regional EPS EPP/TLE/TVL
Crestito M. Morcilla, Schools Division Superintendent
Fernando C. Macaraig, Assistant Schools Division Superintendent
Imelda R. Caunca, Division CID Chief
Raul B. Bendian, Division EPS EPP/TLE/TVL
3

Naisasagawa ang Pagluluto

Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto

Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa


paghahanda at pagluluto ng pagkain di paggamit ng mga sangkap na may food
artificial additives.
EPP5HE-0j-29

Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag-kainan (food


presenatation).

Nakakalikha ng ilang paraan ng kaakit-akit na paghahanda ng pagkain.


Naipapaliwanag ang dapat tandaan / mga alituntunin sa paghahanda ng
mesa at paghahain (principles of table setting.).
EPP5HE-0i-30
4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5


Pangkalahatang –idea (Overview):

Ang paghahanda at pagluluto ng pagkain para sa pamilya ay


nangangailangan ng tamang pamamaraan upang ito ay maging kaakit-akit para sa
lahat. Kung ikaw ay makapaghahanda at makapagluluto ng pagkain ito ay
magdudulot ng kasiyahan at katuparan sa sarili at sa iyong pamilya.

Ang modyul na ito ay makakatulong sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.


Binigyan diin ang iba’t ibang gawaing-kamay sa paghahanda at pamamaraan ng
pagluluto ng pagkain na makakatulong upang maging kaakit-akit ang pagkain para
sa buong pamilya. Nilalaman din dito ang mga dapat na panuntunang gawi sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain, ang mga pamamaraan ng paghahanda ng
Hapag-kainan at ang iba’t ibang Estilo sa pagdudulot ng Pagkain.

Sa modyul na ito, matuto kang ng mga hakbang sa paghahanda at pagluluto


ng pagkain.

Aralin 1: Mga Gawaing-kamay sa Paghahanda ng Pagkain

Aralin 2: Mga Pamamaraan ng Pagluluto

Aralin 3: Paghahain at Pagdudulot ng Pagkain

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo na ang…

 pagsasagawa ng pagluluto ng masustansiyang pagkain para sa pamilya


ayon sa tamang pamamaraan ng paghahanda ng mga sangkap.
 masunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.
 maisasagawa ang pagluluto na di gumagamit na ng mga sangkap na may
artificial additives
 makapagsasa-ayos ng hapag-kainan sa kaakit akit na paraan
 maipapakita sa pamilya ang mga estilo sa pagdudulot ng pagkain.
5

Paano ka matututo mula sa Modyul?

Alam ko excited ka na pag-uumpisa ng modyul na ito, andito ang


mga bagay na dapat tandaan upang maayos at wasto mo magagaw
ang mga ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat panuto.

2. Gawin nang wasto at maayos ang bawat panuto.

3. Sagutin ang Pre-test bago magsimula sa aralin.

4. Makamit ang 75% na antas ng masteri sa pagsusulit

5. Gumawa nang masigasig at tapat.

6. Sagutin ang Post –test.

TALASALITAAN
Food Artificial Additives. Isang uri ng pampalasa na hindi galling sa
kalikasan kundi likha ng tao.

Table Appointments. Mga kagamitan na inilalagay sa hapag-kainan na


kabilang ditto ang dinnerwares, glasswares, flatware at linens.

Temperature. Nagsasaad kung gaano mainit o malamig ang ihahain na


pagkain

Texture. Ang mga pagkain ay maaaring malambot, malutong, mamasa-masa


at chewy ika nga .

PRE-TEST
Sa pagsisimula ng mga gawain; sagutin nang wasto at maayos ang PRE-
TEST na para sa iyo; para malaman at matiyak ang inyong kaalaman ukol sa paksa
o aralin.
Magsimula ka na! Bawat tanong ay may isang (1) tamang sagot.
PANUTO: Suriin at bilugan ang wastong titik ng tamang sagot.

1. Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain, alin ang kinakailangang hakbang


ang dapat na iyong gawin maliban sa isa?
6

a. piliin ang tamang uri ng pagkain


b. alamin na nasa oras ang pagluluto
c. gumamit ng apron tuwing maghahanda
d. iwasan ang maghugas ng kamay
2. Alin ang uri ng food additives ang madalas na taglay ng mga pagkain tulad ng
soda drinks, cereal, chewable vitamins at iba pa?
a. Artificial Sweeteners c.Monosodium Glutamate ( MSG)
b. Sodium Nitrate d.Potassium Bromate
3. Sa paghahanda ng pagkain tulad ng patatas, karot, hilaw na papapaya at
pipino, ano paraan ang ginagawa mo sa pag-aalis ng mga balat nito?
a. Paghihimay c. Pagkakaliskis
b. Pagtatalop d. Pagdidikdik
4. Kung ikaw ay naatasan na maghanda ng hapag-kainan, ano ang madalas na
table appointments o kagamitan ang dapat nasa kaliwang bahagi ng Plato?
a. Baso b. Kutsara c. Tinidor d. Panlamesang kutsilyo
5. Sa pagdudulot ng pagkain , alin ang uri ng estilo ang may taga pagsilbi o
waiter lalo na sa mga pormal na okasyon?
a. Russian Style b. Family Style c. Blue-Plate d. Buffet
6. Sa pagdudulot ng pagkain , alin ang uri ng estilo ang may
taga- pagsilbi o waiter lalo na sa mga pormal na okasyon?
a. Russian Style b. Family Style c. Blue-Plate d. Buffet
7. Sa paghahanda ng pagkain tulad ng patatas, karot, hilaw na papaya
at pipino, ano paraan ang ginagawa mo sa pag-aalis ng mga balat nito?
a. Paghihimay c. Pagkakaliskis
b. Pagtatalop d. Pagdidikdik

8.Sa pagluluto alin ang madalas na gumagamit ng mantika o langis?


a. Paglalaga c. Pag-iihaw
b. Pagprito d. Pagpapakulo
9. Ano ang madalas na ginagamit kapag may hihiwaing pagkain sa
hapag-kainan

a. Baso b. Kutsara c. Tinidor d. Panlamesang kutsilyo

10. Sa pagdudulot ng pagkain alin ang madalas na Uri na kung saan


lahat ng pagkain ay nsa hapag-kainan at ikaw mismo ang mamimili
ng kakainin?
a. Buffet style b. Family style c. Rusisia Style d. Blue Plate

Kumusta ang pagsasanay? Nasagot mo ba nang tama ang bawat aytem?

Kung tama ang lahat ng sagot mo, magaling! Marami ka nang nalalaman
tungkol sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang
modyul na ito para mabalik-aralan ang mga bagay na nalalaman na.
7

Kung mababa ang iyong iskor, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na
ito! Tutulungan ka nitong maintindihan ang ilang mahahalangang kasipan na
magagamit mo sa araw-araw.

Learning Activities:
ARALIN 1: Mga Gawaing-Kamay sa Paghahanda ng Pagkain

Ang mga pagkain ay may iba’t ibang pamamaraan ng paghahanda at


pagluluto upang magkapagdudulot ng kasiyahan at katuparan sa sarili at para sa
buong pamilya.

Sa paghahanda ng pagkain, may mga hakbang na dapat sundin upang


maging ligtas ang taong naghahanda o nagluluto, gayundin ang mga pagkain na
lulutuin. Narito ang ilang panuntunan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.

1. Maging maingat sa paggamit ng matutulis


at matatalim na kagamitan.
2. Iangkop ang temperatura ng paglulutuan
para maiwasan ang pagkasunog

ng pagkain.
3. Maghugas ng kamay bago hawakan ang
mga lulutuin.
4. Takpan ang mga sangkap na niluluto.

6. Tanggalin ang mga alahas sa kamay.

7. Gumamit ng apron, headband o hairnet.

8. Panatilihing malinis ang working area.

9.Hugasan nang husto ang mga sangkap tulad


ng kamatis , gulay, karne o isda bago hiwain.

10. Tiyakin ang tamang oras na ilalaan sa

pagluluto.

Bilang kasapi ng pamilya , lagi mong


tatandaan ang mga hakbang na nabanggit sa itaas.
Siguraduhin mo na mapapanatiling maayos at malinis
ang mag inihandang pagkain.
8

Ngayon, bigyang-diin natin ang mga pamamaraan sa paghahanda ng pagkain


na kabilang sa mga gawaing-kamay.

1. Pagtatalop- madalas gumagamit ng peeler o kutsilyo sa pag-aalis ng balat ng


prutas o gulay.

2. Pagbabalat- ito ay maaaring gawin sa hinog na prutas o gulay gamit ang mga
kamay.

3. Paghihimay- ang mga pagkain tulad ng tinapa, nilagang manok o gulay na


malunggay na dumaran dito upang mahiwalay sa mga pinong bahagi ng pagkain.

4. Paghihiwa- ginagawa upang maputol ang mga pagkain sa paraan paputol,


pakuwadrado, o pahaba.

5. Pagbabati- ito ay pagdagdag ng hangin sa hinahalong pagkain gamit ang tinidor,


pambati o electric mixer.

6. Pagsasala- madalas na ginagawa sa paghihiwalay ng likido sa buo-buong laman


ng sangkap.

7. Pagdikdik- ginagawa ito na gamit ang almires sa mga pagfkain tulad ng mani,
paminta, ulo ng hipon at luya.

8. Paghahalo- ito ay ginagawa upang pagsama-samahin ang mga sangkap ng


pagkain.

9. Pagigiling- ginagawa ito sa mga pagkain tulad ng karneng baboy, malagkit na


bigas, tsokolate o cacao upang gawing pino gamit ang gilingan.

10. Pagkakaliskis- madalas ginagawa sa pag-aalis ng kaliskis sa isda.

Subukin Natin: Ano ang Gagawin Mo?


A. Gamit ang chart: Magtala ng mga dapat gawin na mga panuntunan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.

Pangkalusugan Pangkaligtasan
1. 1.
2. 2.
3. 3.

B. Itala ang angkop na gawaing-kamay sa paghahanda ng pagkain ayon sa


mga sangkap.
9

URI NG SANGKAP PARAAN NG PAGHAHANDA

1. Luya o Ginger - __________________________________________

2. Kamatis - __________________________________________

3. Patatas - __________________________________________

4. Itlog - __________________________________________

5 . Tinapa- __________________________________________

C. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang


sagot.

1. Si Dalhia ay magsasaing. Alam niya na naubos na ang malinis na tubig sa


lalagyan na pinagkukunan nila ng tubig. Ano kaya ang gagawin niya?
a.Kunin na lang ang tubig na nasa balde sa loob ng kanilang palikuran.
b.Umigib ng malinis na tubig.
c.Huwag na lang magsaing
d.Bumili na lang ng kanin.

2. Si Keliana ay naghiwa ng karne gamit ang tadtaran at kutsilyo. Wala silang ibang
tadtaran ngunit kailangan niyang maghiwa ng kamatis at sibuyas ano ang
pangkalusugang gawi ang dapat niyang gawin?

a. Gamitin na rin ang mga ito.


b. Hugasan muna ng mabuti ang tadtaran at kutsilyo bago ito
gamitin.
c. Hiwain na lang ang kamatis at sibuyas sa ibabaw ng mesa.
d. Manghiram sa kapitbahay.
3. Naapansiin ni Thylane ang hawakan ng kanilang kutsilyo ay uuga-uga na dahil
wala ng itong turnilyo. Paano niya ipapakita ang pagsunod para sa kaligtasan?
a. Kumpunihin bago gamitin.
b. Tangalin na lang ang sirang hawakan.
c. Hindi na lang ito gagamitin.
d. Manghiram na lang sa kapit-bahay.
4. Si Balthazar ay nakaramdam ng pagtawag ng kalikasan habang siya ay naghihiwa
ng ilang sangkap para sa kanyang pagluluto. Saglit siyang pumunta ng palikuran.
Sa pagpapatuloy ng kanyang gawain paano niya maipapakita ang pagsunod sa
tuntunin ng pagluluto.
a. Agad-agad na ipagpatuloy ang ginagawang paghihiwa.
b. Madaliang maghugas ng kamay.
c. Padluyan ng tubig sa gripo ang kanyang kamay.
d. Maghugas nang mabuti ng mga kamay gamit ang sabon bago
ipagpatuloy ang ginagawang paghihiwa.
5. Si Ellie ay maghihiwa ng karneng baboy para sa kanyang resipeng Adobo.
Napansin niya na mapurol na at kinakalawang na rin ang kutsilyo. Ano kaya ang
ginawa ni Roy?
a. Ginamit pa rin niya ang kutsilyo.
b. Hinugasan niya ang kutsilyo.
10

c. Nanghiram siya sa kapitbahay.


d Kumuha si Roy ng hasaang bato at hinasa niya upang maalis
ang kalawang at maibalik ang talim nito.

ARALIN 2: Mga Pamamaraan ng Pagluluto

Nabatid na natin ang mga paraan sa paghahanda ng mga sangkap sa


pagkain. Kung ikaw ay magluluto ng pagkain, maaari mo ba gawin ang mga
nabanggit na pamamaraan sa paghahanda? Alamin mo ngayon ang mga iba’t ibang
pamamaraan sa pagluluto.

1. Paglalaga (Simmer)- pagpapakulo ng pagkain sa


maraming tubig tulad ng Nilagang baka at baboy,
2. Pagpiprito ( Fry )- pagluluto ng mga pagkain tulad ng
isda, manok at baboy sa kumukulong mantika maaaring
lubog sa mantika (deep-fry) or konting mantika o langis
(pan fry).
3. Paggisisa (Saute) – pagluluto sa konting mantika ng
bawang, sibuyas o iba pang sangkap bago ihalo sa
pangunahing sahog ng pagkain.
4. Pag-iihaw (Grill) – ginagawa sa isda, karne at manok na
kung saan niluluto sa ibabaw ng nagbabagang uling.
5. Paglilitson – pagluluto nang buo sa hurno o sa ibabaw
ng nagbabagang uling tulad ng litsong baboy.
6. Pagpapakulo (Boil) - pagpapainit ng likido hanggang sa
umabot ng 100 degrees Celsius.
7. Pagsasangkutsa- pagluluto ng pagkain upang mapanatili ang lasa o timpla
bago ito lubusang lutuin.
8. Paghuhurno (Bake) – pagluluto ng pagkain tulad ng tinapay, cakes, cookies
at iba pang pagkain gamit ang oven.
9. Pagpapasingaw (Steam) – pagluluto sa pasingawan ng pagkain o steamer
sa mga pagkain tulad ng puto, siopao at siomai.
10. Pagtutusta (Toast) – pagluluto hanggang maging malutong ang pagkain
tulad ng tinapay.

Sa pagluluto ng mga pagkain tinitiyak natin na ito ay nagawa sa tamang


pamamaraan at ligtas para sa ang ating pamilya. Subalit sa pagluluto nararapat din
natin na iwasan ang paggamit ng mga artificial food additives. Narito ang mga
artificial food additives na dapat iwasan sa pagluluto ng pagkain.

1. Atificial sweeteners- nagtataglay nito ang iba’t ibang soda drinks, cereal,
flavored vitamins at iba pa.
2. High Fructose Corn Syrup- karamihan meron nito ang mga pagkain
tulad ng yogurts, canned vegetables, kendi , mga doughnuts at tinapay
11

3. Monosodium Glutamate (MSG)- isang uri ng pampalasa na ginagamit sa


mga sitsirya at sa mga pagkain na maalat
4. Trans Fat- matatagpuan ito sa mga margarina, chips at crackers
5. Sodium Nitrate/ Sodium Nitrite– matatagpuan sa mga pagkain tulad ng
tocino, hotdogs, cured meats, corned beef at smoked fish.
6. Potassium Bromate- makukuha nanam ito sa mga tinapay.

ARALIN 3: Paghahain at Pagdudulot ng Pagkain

Ang paghahain at pagdudulot ng mga pagkain sa hapag-kainan ay isang


paraan upang mahikayat ang mga kakain. Ang kaakit-akit na paghahanda ng
nilutong pagkain ay kasinghalaga ng linamnam nito. Narito ang ilang hakbang sa
pagsasayos ng hapag-kainan ayon sa kagamitan o table appointments.

a. PLATO– madalas na inilalagay ang plato o pinggan sa gitna ng placemat na


nakatiyaha na may sukat na isang pulgada (1”) mula sa gilid ng pinggan.
b. KUTSARA- inilalagay sa kanan bahaging ng plato .
c. TINIDOR – inilalagay sa kaliwa bahagi ng plato
d. BASO – inilalagay sa kanan bahagi ng plato malapit sa tulis ng panlamesang
kutsilyo.
e. PANLAMESANG KUTSILYO – inilalagay sa kanan ng plato nakaharap ang
talim sa pinggan.
f. SERBILYETA (Table Napkin) – nilalagay sa kaliwa ng tinidor o sa gitna ng
plato.

Pagdudulot ng Pagkain sa Iba’t ibang Estilo

1. Filipino Style- ang mga kagamitan nakalagay na


sa mesa at ang lahat ng pagkain ay nakalagay
sa bandehado o serving dishes. Ang bawat
pagkain ay ipapasama sa mga kumakain at
naglalagay sa sariling pinggan o plato.
12

2. Blue Plate Style – Ang mga pagkain ay


naka ayos sa bawat pinggan bago ilagay sa
hapag-kainan. Ang mga panauhin ay
makakakain kaagad pagkaupo sa hapag-
kainan.

3. Russian Style - Ito ay isang pormal na pagsisilbi ng pagkain. Madalas ito ay


ginagawa sa mga espesyal na okasyon at
sa mga mamahaling restaurant o hotels.
Pinakamahal na table appointments ang
ginagamit. Ang estilong ito ay karaniwang
ginagamit ng mayayamang pamilya kapag
may handaan.

4. Buffet Style – Ito ay ginagawa sa mga


birthday, anniversary, pistahan, graduation
o sa mga okasyon na madami ang bisita.
Ang mga pagkain ay nakaayos sa mesa,
mga pinggan, kubyertos, tasa, platito at
baso at nasa isang bahagi ng hapag-
kainan. Ang mga panauhin ang bahala sa
kanilang sarili na pumili ng kanilang nais
kainin.

5. Smorgasbord – Isang uri ng pagdudulot


ng pagkain sa mga restaurant o hotels na
tinaguriang “ Eat all you can”. Madalas ang
tao na kakain ay kinakailangang
magbayad sa halagang nakatala bago
13

kumain. Ang mga pagkain ay nakalagay sa mga trays mula sa appetizers ,


main dishes at hanggang sa panghimagas o dessert. Kinakailangan na
kumain ng walang tira o masayang na pagkain.

Mahalaga na magiging maayos at angkop ang uri ng pagdudulot ng pagkain o estilo


para sa ikakasiya o satisfaction ng mga panauhin o mga kakain.

GAWIN at ALAMIN:

Self-Test 1. Panuto: Sagutin nang wasto at maayos


Isulat sa patlang kung AYON sa isinasaad ng kaisipan o pangugusap at DI AYON
kung hindi wasto ang kaisipan.

___1. Ang food artificial additives ay matagal ng ginagamit na pampalasa sa mga


pagkain na sobrang paggamit nito ay nakakasira sa ating kalusugan.

___2. Alamin ang mga natural na pampalasa ng pagkain na maaaring mabili sa mga
pamilihan o palengke.

___3. Kinakailangan ang artificial food additives upang maging malusog ang
pangangatawan ng isang tao.

___4. Ang sariwang isda ay may malinaw na mata, mapula ang hasang at kapitkapit
ang mga kaliskis sa balat.

___ 5. Hindi na kinakailangang bumibili ng maramihang sangkap tulad ng asin,


mantika , tuyo at sibuyas sa araw-araw.

Self-Test 2. Gamit ang mga Larawan. Itala ang ang mga angkop na pamamaraan
sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.

1. ________________________ 2. ___________________________
14

3. ______________________________ 4. _________________________________

5. __________________________________

Self- Test 3. Paano mo maipapakita ang sariling kahusayan sa paghahanda ng


Hapag-kainan . Sagutin ng TAMA o MALI ayon sa pangungusap.

_______1.Inilalagay ang kutsara sa kaliwang bahagi ng pinggan.

_______2. Sa paglalagay ng plato sa mesa ito ay nakatihaya.

_______3. Ang serbilyeta ay madalas inilalagay malapit sa tinidor.

_______4. Hindi mahalaga ang pagiging kaakit-akit ng hapag kainan.

_______5. Inilalagay ang kutsilyong panlamesa sa katabi ng pinggan kapag may hihiwain

sa inihandang pagkain.
15

POST TEST
PANUTO: Suriin at bilugan ang wastong titik ng tamang sagot.

1. Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain, alin ang kinakailangang hakbang


ang dapat na iyong gawin maliban sa isa?

a. piliin ang tamang uri ng pagkain


b . alamin na nasa oras ang pagluluto
c. gumamit ng apron tuwing maghahanda
d. iwasan ang maghugas ng kamay
2. Alin ang uri ng food additives ang madalas na taglay ng mga pagkain tulad ng
soda drinks, cereal, chewable vitamins at iba pa?
c. Artificial Sweeteners c.Monosodium Glutamate ( MSG)
d. Sodium Nitrate d.Potassium Bromate
3. Sa paghahanda ng pagkain tulad ng patatas, karot, hilaw na papapaya at
pipino, ano paraan ang ginagawa mo sa pag-aalis ng mga balat nito?
c. Paghihimay c. Pagkakaliskis
d. Pagtatalop d. Pagdidikdik
4. Kung ikaw ay naatasan na maghanda ng hapag-kainan, ano ang madalas na
table appointments o kagamitan ang dapat nasa kaliwang bahagi ng Plato?
b. Baso b. Kutsara c. Tinidor d. Panlamesang kutsilyo
5. Sa pagdudulot ng pagkain , alin ang uri ng estilo ang may taga pagsilbi o
waiter lalo na sa mga pormal na okasyon?
b. Russian Style b. Family Style c. Blue-Plate d. Buffet
6. Sa pagdudulot ng pagkain , alin ang uri ng estilo ang may
taga- pagsilbi o waiter lalo na sa mga pormal na okasyon?
b. Russian Style b. Family Style c. Blue-Plate d. Buffet
7. Sa paghahanda ng pagkain tulad ng patatas, karot, hilaw na papaya
at pipino, ano paraan ang ginagawa mo sa pag-aalis ng mga balat nito?
c. Paghihimay c. Pagkakaliskis
d. Pagtatalop d. Pagdidikdik

8.Sa pagluluto alin ang madalas na gumagamit ng mantika o langis?


a. Paglalaga c. Pag-iihaw
b. Pagprito d. Pagpapakulo
9. Ano ang madalas na ginagamit kapag may hihiwaing pagkain sa
hapag-kainan

a. Baso b. Kutsara c. Tinidor d. Panlamesang kutsilyo

10. Sa pagdudulot ng pagkain alin ang madalas na Uri na kung saan


lahat ng pagkain ay nsa hapag-kainan at ikaw mismo ang mamimili
ng kakainin?
16

a. Buffet style b. Family style c. Rusisia Style d. Blue Plate

TANDAAN MO!

Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain laging tandaan na bumili ng pagkaing


bago, sariwa , napapanahon at masustansiya.

Sanayin ang sarili sa paghahanda ng hapag-kainan na kaakit-akit at


malikhaing pamamaraan sa pagdudulot ng pagkain nang may kasiyahan.

Isaalang-alang ang kaligtasan at kalusugang gawi sa paghahanda at


pagluluto ng pagkain para sa mag-anak.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
1. Gumawa ng maikling talata kung paano ka tumutulong sa inyong ina sa
paghahanda at pagluluto ng pagkaing sariwa, mura at masustansiyang
pagkain.
2. Panoorin ang slides ukol sa paghahanda ng pagkain gamit ang website:

https://www.slideshare.net/bestinenarsus1/ibat-ibang-gawaing-kamay-sa-
paghahanda-ng-pagkain

Mga Kasagutan
Pre- Test

1. D 6. A
2. A 7. B
3. B 8. B
4. C 9. D
5. A 10.A

Post Test

1. D 6. A
2. A 7. B
3. B 8. B
4. C 9. D
5. A 10.A
17

Gawin at Alamin

Self-Test 1

1. Ayon 2. Ayon c, Di- Ayon 4, Ayon 5. Ayon

Self-Test 2

1. Paghihiwa
2. Pagtatalop
3. Pagdidikdik
4. Pagpapsingaw
5. Paglalaga

Self-Test 3

1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

References:

Barza, Maria A.etc, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, Binagong


Edisyon 2010, Sta. Teresa Publications, Inc. Manila 2012

Ventura, Ana B. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,


Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006

Peralta, Gloria A.etc. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,


VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016

You might also like