Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan Iskor

Taon & Grade 10 Petsa


Pangkat

Guro Asignatura Filipino

Paksa Ang Aking Pag-ibig


(Tulang Pandamdamin mula sa England)
Tayutay

Kasanayang
Pampagkatuto Naibibigay ang kahulugan ng Koda (F10PT-IIc-d-
matatalinghagang pananalita 70.2)
na ginamit sa tula
Layuning Nasusuri ang kahulugan ng matatalinghagang salita sa
Pampagkatuto#1 tula/pangungusap.

Sanggunian Panitikang Pandaigdig 10

Subukan Mo
Gawaing Pangkaisipan 2.3.2

PAGLINAW NG KAISIPAN

Ang Kariktan ng Tula

Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa
paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at
mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa.

Pagsanib ng Gramatika at Retorika

Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.


Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula. Isa sa
madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag nang patayutay o tayutay.

Ang tayutay ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging maganda at


makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag sa isang tula. Kaya’t mainam na magsanib ang
gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga salita at pagkakabuo ng mga pangungusap na
sasabayan ng matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula.

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao,


bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng
dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay.

[2]
PAGPAPAKITA NG HALIMBAWA
tinitingala

iniidolo Bituin sa aking pinahahalagahan


paningin

iginagalang
nirerespeto
hinahangaan

PAGSASANAY

Panuto: Pumili ng isang matalinghagang pananalita na ginamit sa bawat


saknong ng tulang Ang Aking Pag-ibig. Ibigay ang kahulugan at
halimbawang sitwasyon na maaaring maiugnay mo dito. Gawin ito gamit ang H
tsart.

1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating


Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

2. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Kahulugan Sitwasyon
Matalinghagang
1. pahayag 1.

1.

2. 2.
2.

PAGATATASA

Panuto: Salungguhitan ang matalinghagang pananalita/tayutay na makikita sa


bawat saknong ng tula at tukuyin ang uri at ang kahulugan nito. (5
puntos bawat bilang)

1. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
(Ang Aking Pag-ibig)
Uri ng Tayutay __________________________________________________
Kahulugan______________________________________________________

2. Para ng halamang lumaki sa tubig,

[3]
Daho’y nalanta munting di madilig,
Ikinaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.
(Florante at Laura)
Uri ng Tayutay __________________________________________________
Kahulugan______________________________________________________

GAWAING PAGGANAP

Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


1. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa
pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang


ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

3. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

4. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

5. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay ngunit


tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

Inihanda ni:

CANDELYN L. CALIAO
T-II
Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=mourning%20clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=0CB4QtI8BKABqFwoTCNjxtp_Lgu4CFQAAAAAdAAAAABAS&biw=1349&bih=600#imgrc=tLXH2g_eYhcfpM

https://www.google.com/search?
q=think+picture&sxsrf=ALeKk00xJFanyvlEF6q9QskhjBZyDPo6BA:1609770369232&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi1qpz4vYLuAhV7w4sBHYTwAZcQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=FAfLJX8aqG
AJWM

https://www.google.com/search?q=writing+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiU37X5vYLuAhWJHaYKHWuxDgAQ2-
cCegQIABAA&oq=writing&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDOgQIIxAnOgUIABCxAzoCCABQprsQWIXIE
GCU1RBoAHAAeACAAagBiAGwBpIBAzMuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=gyXzX9SRLYm7mAXr4jo&bih=657&biw=1366#imgrc=iz3EsJmoyq0diM

https://www.google.com/search?q=silhouette+romeo+and+juliet+clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwi7yoi8v4LuAhUPg5QKHTJADzwQrNwCKAJ6BQgBEO4B&biw=1349&bih=600#imgrc=2dxllwY3tkMNPM

https://www.google.com/search?q=dula+picture+clip&tbm=isch&ved=2ahUKEwjAsO7lv4LuAhViy4sBHRTAAyUQ2-
cCegQIABAA&oq=dula+picture+clip&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeOgYIABAKEBg6BAgAEB5Q2kKWJ6bC2DapAtoAHAAeACAAcwHiAGrGpIBDTQuNS4xLjAuMS4wLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mt
d2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=cyfzX4CrJOKWr7wPlICPqAI&bih=600&biw=1349&hl=en#imgrc=J-s2zJNUPxO8YM

https://www.google.com/search?q=writing+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwi6l-rDxoLuAhU_zIsBHYyOA2QQ2-
cCegQIABAA&oq=wr+clipart+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB46BAgAEEM6AggAUO35AViF
nwJgkqwCaABwAHgAgAGTAYgB7AKSAQMwLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=gy7zX_rJEL-Yr7wPjJ2OoAY&bih=600&biw=1366&hl=en#imgrc=JJ8zMfN4bUmInM
https://www.google.com/search?
q=analysis&sxsrf=ALeKk0061sziYigZAx5XohTdHoEooMic_g:1610972027532&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjeisC7uqXuAhVY62EKHdqwDCEQ_AUoAXoECAMQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=9
Av3x5BycobgOM

[4]

You might also like