Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Urdaneta City Campus


Urdaneta City, Pangasinan

Pangalan: _______________________________________________________________________________

Kurso at Taon:_________________________________ Petsa: __________________________

Gawain Blg. 4

KARATULASTASAN

Pagpapakahulugan sa larawan ang pangunahing tunguhin ng gawain. Kasamang malilinang sa


ugnayan ng larawan at talastasan ang mga sumusunod:
 Pagtukoy sa paksa
 Pagmamasid sa paligid
 Pag – uugnay ng paksa sa larawan
 Pagdiskurso sa nais palutanging paksa
 Pag – unawa sa paglalapat ng paksa sa paraan ng pagbuo ng tula
 Panimulang pagtataglay ng kahusayan sa potograpiya
Para sa gawaing ito, ang mga sumusunod na paksa sa ibaba ang maaaring pagpilian:
 Tsismisan
 Umpukan
 Talakayan
 Pagbabahay-bahay
 Pulong-bayan
 Komunikasyong di-berbal
 Mga Ekspresyong lokal
o Maaaring sumangguni sa lecture notes na akin nang nalathala sa MS Teams para sa kaukulang
impormasyon para sa mga nabanggit na paksa.

Mga hakbang sa pagsasakatuparan:

1. Pumili ng gagamiting kamera na may malinaw at magandang kalidad ng kuha. Maaaring


gamitin ang simpleng digital na kamera o cellphone.
2. Hanapin ang sabjek na kukunan. Kailangang may makitang natatanging kwento. Tanging
mga orihinal na larawan sa lansangan, sa sariling komunidad, sa loob ng tahanan o anomang
pampublikong lugar ang maaaring gamitin bilang materyal na pagkukunan. Nakalimita ang
pagwiwikang ito (batay sa paksa o tema) na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lipunan.
Hindi ito dapat na gawing artipisyal o pinilit lamang gawan ng kuwento.
3. Ang sukat ng larawan ay 8R o 8 x 10 pulgada. Maaaring i-edit ang larawan upang mabigyang
– pansin ang maliliit na detalye gaya ng tingkad o dilim ng kulay, kontras, hipo (texture) ng

Page 1 of 2
larawan o anomang makatutulong pa sa pagpapaganda ng kuha. Inaasahang lalapatan ng
watermark ang imahen upang mapangalagaan ang pagmamay – ari ng kumuha rito. Hindi
maaaring i-edit ang kuha na magdudulot ng pagbabago sa orihinal na diwa ng larawan.
4. Lalapatan ng tula sa anyong tanaga (apat na taludtod o linya na mayroong pitong pantig at
tugma) ang larawan.
5. Magiging batayan sa pagmamarka ang sumusunod na pamantayan:
BATAYAN SA PAGHATOL
20% - Sabjek Abilidad na makahanap ng natatanging pagwiwika ng sining
20% - Estilo Kasiningan at pagkamalikhain sa tamang anggulo ng pagkuha sa
sabjek: buhay at makatotohanang pagkakakuha nito; kaayusan
20% - Interpretasyon Naaangkop at naaayong pagsasatula ng pagwiwika ng larawan;
haraya at talinghaga sa bahagi ng talastasan
20% - Orihinalidad Pagpasok ng sarili sa ginawang karatulastasan; paglikha sa halip
na paggaya; at pag – angkin sa likhang – sining
20% - Tuhog Kaugnayan sa tema; kabuluhan ng napiling pagwiwika ng lipunan
100% KABUOAN: ______________________

Page 2 of 2

You might also like