Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WEEK 3 and 4

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN

Pangalan:_________________________________ Score:___________
Grade and Section:_________________________ Parent’s Signature:________________

PART 1. (Written Output)

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ang titik ng sagot sa isang sagutang papel.
1. Aling pangkat ng tao ang kumakatawan sa suplay?
a. Konsyumer b. Prodyuser c. Retailer d. End User

2. Ano ang tawag sa dami o bilang ng produkto at serbisyong handang ipagbili sa magkakaibang presyo sa isang takdang
panahon?
a. Timbang b. Suplay c. Demand d. Budget

3. Ano ang grapikong paglalarawan ng kaugnayan ng presyo sa dami ng suplay ng isang produkto o serbisyo?
a. Price index b. Kurba ng suplay c. Iskedyul ng suplay d. Batas ng suplay

4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?


a. bahay-kalakal b. tindahan c. bodega d. daungan

5. Alin sa mga sumusunod na di-presyong salik ang nakapagbabago ng suplay sa pinakamabilis na panahon?
a. espekulasyon ng mamimili b. pagbabago ng teknolohiya
c. pagbabago sa salik ng produksyon d. pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

6. Kung ikaw ay isang negosyante, alin ang magiging batayan mo para magtakda ng presyo ng mga produktong handa
mong ipagbili sa pamilihan?
a. Panahon b. lokasyon ng pamilihan c. gastos sa produksyon d. magkano ang kikitain

7. Alin sa mga sumusunod ang naaayon sa batas ng suplay?


a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang suplay.
b. Mas marami ang produktong handang ipagbili kapag mataas ang presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, tumataas din naman ang suplay ng mga konsyumer.
d. Ang suplay ay nakabatay sa pangangailangan ng mga mamimili.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng paitaas patungong kanan?


a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa suplay.
c. Sumasabay ang dami ng suplay sa pagtaas ng presyo.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng suplay.

9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang
produkto. Halimbawa, kung 30,000 lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa
Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit sa bilang na ito, anim lamang ang may interes na
magbenta ng kabuuang 20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang maituturing na suplay ng
sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Paano nakaaapekto ang mga sakuna tulad ng bagyo at baha sa suplay ng pagkain ng mga Pilipino?
a. Bumababa ang presyo ng mga produktong naaani
b. Nagtataas ng presyo mga bilihin dahil sa nalubog sa baha
c. Marami ang nasisirang produkto sa mga pagawaan at bodega
d. Nalulugi ang mga magsasaka dahil sa pagkasira ng mga pananim

11. Bago dumating ang isang malakas na bagyo, paano mo matitiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa bahay niyo?
a. Pagbili ng mas maraming stock ng pagkain
b. Pangungutang sa kapitbahay na may sari-sari store
c. Pagtatanim ng gulay para may aanihin pagkatapos ng bagyo
d. Paglipat ng bahay na mas malapit sa trabaho ng magulang ko
12. Sa pagsisimula pa lamang ng lockdown dulot ng pandemikong COVID-19, paano tinugunan ng mga Pilipino ang
nagkakaubusang face mask sa pamilihan?
a. umasa sa binibigay ng gobyerno
b. nag-order online mula pa sa ibang bansa
c. nagsuot na muna ng panyo panakip ng bibig
d. gumawa ng sariling face mask na yari sa retasong tela o damit

13. Ang mga sumusunod na sitwasyon maliban sa isa ay sumasalamin sa wastong paraan ng mga Pilipino upang
tugunan ang kanilang pangangailangan kahit kulang sa badyet?
a. bumili ng patingi-tingi upang makamura
b. nagpupunta sa ukay-ukay para makabili ng murang damit
c. humingi ng tulong mula sa pamahalaan
d. magtanim ng gulay upang hindi na kailangang bumili

14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan mula sa tiyak na pagkalugi sa gitna ng COVID-
19 pandemic?
a. Nagpapautang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno
c. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.
d. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhang negosyante

15. Bakit kinakailangan ang matalinong pagpapasya sa pagdaragdag ng suplay sa pamilihan?


a. Makaiiwas sa pagkalugi ang mga prodyuser.
b. Marami ang makabibili sa abot-kayang presyo.
c. Magiging sikat ang tindahan ng produktong may dagdag na suplay.
d. Mas tataas ang kita ng mga negosyante kapag marami ang mamimili.

Part 2. (Performance Output)

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa pamilihan. Suriin kung ano ang mangyayari sa presyo at suplay
ng produkto. Isulat sa malinis na papel ang iyong kasagutan. (5pts)

1. Ang mga kumpanya ng electric motorcycle ay nag-anunsyo na hindi na sila gagawa pa ng motor na pinaandar ng
kuryente. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa presyo ng modelong ito ng motor? Bakit?

2. Ang mga lokal na tindahan ay nagbebenta ng isang uri ng T-Shirt sa halagang P300. May mga bumibili nito ngunit hindi
ito gaanong mabili sa pamilihan. Ngunit nang makita ito ng mga mamimili na isinusuot ni Dingdong Dantes, dumami ang
bumili at benta nito. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa presyo nito? Bakit?

3. Isang bagong uri ng cellphone ang inilabas bago sumapit ang Agosto 24, kung kailan inaasahang magbubukas ang
klase sa kabila ng pandemiya. Maraming bumili sa mga kaklase at kaibigan mo para sa online learning. Dahil sa dami
nang may gusto nito, ang presyo nito na P30,000 ay hindi nagbago sa buong buwan. Ano sa palagay mo ang mangyayari
sa presyo nito sa buwan ng Setyembre? Bakit?

You might also like