Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ORGANIZATION FOR TRANSFORMATIVE WORKS

Ang Komite ng Pagsasalin ay binubuo ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang


panig ng mundo. Ang aming pangunahing tungkulin ay
ipamahagi ang mga nilalaman ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha)
at ang mga proyekto nito sa mga tagahangang hindi nagsasalita ng wikang
Ingles.
Tinutulungan din namin ang iba pang mga komite at boluntaryong grupo sa
OTW na makipag-ugnayan sa mga tagahanga at tagagamit na hindi nagsasalita
ng wikang Ingles.
Ang komite ay binubuo ng mga tagasalin at ng mga katiwala ng mga
boluntaryo. Ang mga tagasalin ay napapangkat ayon sa wika. Sila ang
nagsasalin at namamatnugot ng mga naisaling teksto. Ang mga katiwala ng
mga boluntaryo ang namamahala at nakikipag-ugnayan sa mga pangkat.
Gumagawa rin sila ng iba’t ibang tungkuling administratibo, tulad ng paggawa
at pag-upload ng mga dokumento, pagsubaybay sa mga deadline,
pakikipagpanayam sa mga aplikante, at pagsasanay ng mga bagong
boluntaryo.
Sinasalin ng Komite ng Pagsasalin ang mga materyal at proyekto ng OTW,
tulad ng pangunahing site ng organisasyon at ang mga FAQ ng Archive of Our
Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Sinasalin din namin ang mga balita at
anunsyo ng mga proyekto ng OTW, tulad ng mga anunsyo ng Open Doors
tungkol sa kanilang pag-aangkat, mga balita ukol sa AO3, mga kampanya para
sa pangagalap ng miyembro ng OTW at pati na rin ang mga video subtitle.
Tumutulong din kami sa Konseho ng mga Patakaran at Laban sa Pang-aabuso
at Komite ng Tulong sa pamamagitan ng pagsalin sa mga mensahe’t hiling ng
mga tagagamit na hindi nakasulat sa wikang Ingles. Tumutulong din kami sa
pagtugon sa mga pampublikong komento na hindi rin nakapaskil sa wikang
Ingles.

LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary


Language Teacher Education 

Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.


Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga
pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa:
Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan.
Pinagdala sila ng mga piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang
vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-
seminar na nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga
edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa.
Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature,
Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.

Children’s Communication Center Association


Nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tulad ng “Mga Kuwentong
Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, “Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at
iba pa.

Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)


Ang layunin ng PATAS ay ang maitaguyod ang mga karapatan ng mga
tagasalin sa wastong pagkilala, mapalakas ang hanay ng mga tagasalin sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng akreditasyon, patuluyang pagsasanay para
sa lalong pagpapataas ng antas ng kasanayan ng mga tagasalin, makatulong
sa pagsisinop ng mahalagang akdang naisalin na bilang pagpapayaman ng
korpus ng literature ng pagsasalin, at makapagbigay ng libreng serbisyo sa
pamayanan bilang mga pangunahing tagakonsumo ng salin.
Nagkaroon sila ng kumperensyang may temang Tagpo at Tagpuan: Pagsasalin
ng/sa mga Disiplina sa Nagbabagong Panahon.

You might also like