Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Schools Division of Eastern Samar

District of Llorente
Cantomco Elementary School
Llorente

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Baitang 3

Pangalan:_________________________ Baitang:___________ Petsa:_________________


Guro: ________________________________ Iskor: __________
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A. Ang Loro ni Lolo Kiko

May loro si Lolo Kiko.


Nagsasalita ang loro ni Lolo.
Keso ang paborito nito.
Aba! Nakawala ang loro!
Ay! Nasa puno na ang loro!

Bilang ng mga salita: 29


(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004

1. Ano ang alaga ni Lolo Kiko? (Literal)


a. aso
b. loro
c. pusa

2. Ano ang paborito ng alaga ni Lolo? (Literal) Paborito nito ang _________________ .
a. makalipad sa puno
b. makatikim ng keso
c. makausap si Lolo Kiko

3. Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang loro? (Paghinuha)
a. masaya
b. malungkot
c. nagalit

4. Saan kaya naganap ang kuwento? (Paghinuha) Naganap ang kuwento sa ____________ .
a. bahay
b. gubat
c. paaralan

5. Ano ang isa pang magandang pamagat sa kuwento? (Pagsusuri)


a. Si Lolo Kiko
b. Ang Loro sa Puno
c. Ang Alagang Loro

B. O Pagong!

O, pagong na maliit sa garapon nakatira.


Ikaw ba ay sasaya kapag nakawala ka
na?

O, batang mabait tulungan mo ako.


Paglabas ko rito masaya talaga ako.

Bilang ng mga salita: 30


(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004)

6. Nasaan ang pagong sa kuwento? (Literal)


Ang pagong ay nasa ___________________ .
a. loob ng hardin
b. loob ng garapon
c. labas ng garapon

7. Alin sa sumusunod na mga salita ang nagsasabi tungkol sa pagong? (Literal)


a. mabait
b. maliit
c. masaya

8. Sino ang nag-uusap sa kuwento? (Paghinuha)


a. ang mga bata
b. ang mga pagong
c. ang bata at ang pagong

9. Ano kaya ang nararamdaman ng pagong sa kuwento? (Paghinuha) Ang pagong ay


___________.
a. malungkot
b. masaya
c. galit

10. Bakit kaya sinulat ang kuwentong ito? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-kaalaman.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.

C. Reyna ng Duwende

Selina ang pangalan ng reyna ng mga


duwende. Lagi siyang nakaupo sa malaking
balde.

Berdeng balde ang paborito niya


at balat ng saging ang korona niya.
O! Kay saya ni Reyna Selina!

Bilang ng mga salita: 35


Sinulat ni:T. Nong

11. Para saan ang balde ng reyna? (Literal)


a. Upuan ito ng reyna.
b. Ginagamit ito sa paglalaba.
c. Lalagyan ito ng tubig ng reyna.

12. Ano ang nararamdaman ng reyna? (Literal) ______________ ang reyna.


a. Nag-aalala
b. Natutuwa
c. Napapagod

13. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa kuwento? (Paghinuha)


a. Hinahawakan ng mga duwende ang korona.
b. Ang korona ay may mamahaling diamante.
c. Galing sa prutas ang korona ng reyna.

14. Saan kaya naganap ang kuwento?(Paghinuha) Naganap ang kwento sa ______________ .
a. kaharian ng mga balde
b. kaharian ng mga saging
c. kaharian ng mga duwende

15. Bakit kaya sinulat ang “Reyna ng Duwende”? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.

D. Manonood Ako!

May karera ng kotse.


Makukulay raw ang mga kotse.
Manonood ako ng karera.
Magdadala ako ng kamera.
Magsisimula na ito.
Sasakay na ako sa bisikleta.
Mabilis ang andar ko.
Naku! Dumulas ang bisikleta!
Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!
Bilang ng mga salita: 42
Sinulat ni:T. Nong

16. Saan papunta ang bata sa kuwento? (Literal) Papunta ang bata sa _____________ .
a. parada ng mga kotse
b. karera ng mga kotse
c. karera ng mga bisikleta

17. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa mapapanood ng bata? (Literal)


a. Madaming bisikleta rito.
b. Makukulay ang mga kotse rito.
c. Makukulay ang mga bisikleta rito.

18. Bakit kaya mabilis ang andar ng bata? (Paghinuha)


a. Gusto niyang mapanood ang karera.
b. Sasali siya sa makulay na parada.
c. May kaibigan siya sa karera.

19. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasaktan ang bata sa kuwento?


(Paghinuha)
a. Mabilis and andar ko.
b. Naku! Dumulas ang bisikleta!
c. Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!

20. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa kuwento?
(Pagsusuri)
a. Parada ng mga Kotse
b. Karera ng mga Kotse
c. Karera ng Bisikleta

Schools Division of Eastern Samar


District of Llorente
Cantomco Elementary School
Llorente

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Baitang 4

Pangalan:_________________________ Baitang:___________ Petsa:_________________


Guro: ________________________________ Iskor: __________
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Ang Aso sa Lungga


May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad,
ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain.
Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya
hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa
loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas
na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang
humingi ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis,
nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

Bilang ng mga salita: 116


(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)

1. Saan nangyari ang kuwento? (Literal)


a. sa bukid
b. sa gubat
c. sa kalsada
d. sa lansangan

2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)


a. makakain
b. makakasama
c. mapapasyalan
d. matutulugan

3. Anong ugali ang ipinakita ng aso? (Paghinuha)


a. madamot
b. matakaw
c. masipag
d. mayabang

4. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga? (Paghinuha)


a. may harang ang labasan
b. may bitbit pa siyang pagkain
c. lubos na marami ang kinain niya
d. mali ang paraan ng paglabas niya
5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso? (Inferential)
a. natakot sa kanya ang aso
b. para matuto siya sa pangyayari
c. nainggit sa kanya ang isa pang aso
d. hindi rin ito makakalabas sa lungga

B. Si Muning!

Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain ni Muning.
May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid.
Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot, pero
hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si
Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May
puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si Susan!

Bilang ng mga salita: 122


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

6. Sino ang naghahanap ng pusa? (Literal)


a. ang kuting
b. si Muning
c. si Nanay
d. si Susan

7. Bakit niya hinahanap ang pusa? (Paghinuha)


a. ipapasyal niya ito
b. paliliguan niya ito
c. pakakainin niya ito
d. patutulugin niya ito

8. Saan niya nakita ang pusa? (Literal)


a. sa silid
b. sa silong
c. sa kahon
d. sa kusina

9. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon? (Paghinuha)


a. mga anak nito
b. mga kalaro nito
c. mga nahuli nito
d. mga kaibigan nito

10. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?? (Pagsusuri)


a. Nasaan si Muning?
b. Nasaan ang Kahon?
c. Ang Kahon ni Susan
d. Ang Pagkain ini Muning

C. Si Brownie

Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may
pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi
lamang siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at
tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran.

Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan
siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali
kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang
kanyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay
Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi
niya.

Bilang ng mga salita: 122


(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)

11. Saan naganap ang kuwento? (Literal)


a. sa bahay
b. sa paaralan
c. sa palengke
d. sa simbahan

12. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? (Paghinuha)


a. matapang
b. masungit
c. maharot
d. malikot
13. Ano ang napatay ni Brownie? (Literal)
a. pesteng ipis
b. pusang bahay
c. dagang bahay
d. ligaw na manok

14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?
(Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman.

D. Balat ng Saging

“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano iyon?”
Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang
ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng
balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka magtatapon.
Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng balat
ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.

Bilang ng mga salita: 128


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)


a. Mina
b. Lito
c. Lita
d. Tina
17. Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)
a. galit siya
b. maingay kasi
c. tinatakot niya si Lito
d. hindi marinig ang boses niya

18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha) a. nagalit siya
b. natuwa siya
c. natakot siya
d. nagtampo siya

19. Bakit nadulas si Mina? (Literal)


a. madulas ang sahig
b. di niya nakita ang nilalakaran
c. natapakan niya ang balat ng saging
d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig

20. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? (Pagsusuri)


a. Ang Basurahan
b. Ang Saging ni Lito
c. Pulutin ang Saging
d. Ang Sigaw ni Mina

You might also like