Week 1&2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagtatasa sa Asignaturang EsP – 10

(Linggo 1&2)
January 18-22, 2020

Pangalan:____________________________ Seksiyon:____________ Antas/Grade:________

Pangkalahatang Panuto: Ang pagtatasang ito ay binuo ng inyong guro sa antas sampo (10)
upang lubusang masuri ang iyong kaalaman sa mga naibigay na paksa sa linggo 1&2. Gawing
batayan ang ibinigay na mga modyul/tala sa linggo 1&2.

Pagsasanay A:
Panuto: Unawaiing mabuti ang pangungusap at isulat ang TAMA o MALI ang
konseptong sinasaad sa bawat aytem.

1. Ang makataong kilos ay maaring mabawasan o kaya ay mauwi sa


pagiging isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na
nakakapekto rito.
2. Hindi nawawala ang pananagutan nang isang tao sa kilos na ginawa
dahil sa takot kundi nababawasan lamang.
3. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na hindi nababawasan
ang pananagutan ng isang tao ngunit ito ay nawawala.
4. Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng
tao (act of man) dahil sa pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral
ng kaalaman at kilos-loob.
5. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa
anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa
buhay.
6. Ang pagiging mangmang sa pagsunod sa batas ng tao ay
maituturing na makataong kilos kung ang isang tao ay wala sa
matinong pag-iisip.
7. Walang pananagutan sa kanyang kilos ang taong nakaramdam ng
damdaming di niya nakayang labanan sa panahong maramdaman
niya ito at di inaasahan at di niya niloob o sinadyang gawin.
8. Ang paggawa ng pagpapasiya ng isang tao sa gitna ng impluwensiya
ng karahasan ay nakapagbibigay sa kanya ng panlabas na pwersa
upang gawin ang mali o labag sa kanyang isip at kilos-loob ay
kinakailangang maglapat ng pamamaraan sa gitna ng karahasan
bago masabing hindi siya mapanagot.
9. Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan.
10. Ang pananagutan ng isang tao ay maaring mabawasan o mawala
batay sa kilos na kanyang nagawa at mga salik na nakakaepekto
dito at sa dikta ng kanyang isip at kilos-loob.

Pagsasanay B.
Panuto: Ibigay ang salik na nakakapekto sa makataong kilos sa bawat
aytem.
Isulat sa patlang ang iyong tamang sagot.

_________1. Ang gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng


sistema ng buhay sa araw-araw.

_________ 2. Ito ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang


isang bagay na labag sa sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.

__________3. Ito ay ang pagkabagabag sa isip ng isang tao na humaharap sa


anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.

__________4.Ito ay tumutukoy sa matinding pag-asam o paghahangad na


makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na
nagdudulot ng mga sakit o hirap.
__________5. Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.

You might also like