Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

2 Mathematics

Unang Markahan - Modyul 4


Mga Bilang ng Ordinal at Pera:
Ating Basahin at Sulatin
M2NS-lf-20.1
Mathematics – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Mga Bilang ng Ordinal at Pera:Ating Basahin at
Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary : Leonor Magtolis Briones
Undersecretary : Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Manunulat : Luzcel D. Cruz
Editor: : Irmina S. Santos
Bethylene C. Esquivel
Geofrey M. Granada
Tagasuri : Erwin S. Santiago
Tagaguhit : Luzcel D. Cruz
Dibuhista : Geofrey M. Granada

Management Team

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Name Agnes R. Bernardo, PhD

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
2
Mathematics
Unang Markahan - Modyul 4
Mga Bilang ng Ordinal at Pera:
Ating Basahin at Sulatin
M2NS-If-20.1
Introductory Message
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 2 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Bilang ng Ordinal at Pera: Ating Basahin at
Sulatin.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang paman-
tayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangan-
gailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang saril-
ing pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Bilang ng Ordinal at Pera:Ating Basahin at Sulatin.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pa-
mamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatu-
paran ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang

1
kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong
sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin ni-
tong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatu-
to.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong lak-
tawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matu-


Balikan lungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasa-
nayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pag-


sasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
Pagyamanin mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pag-
wawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

2
Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-
Tayahin sukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutu-
hang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasa-
nay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, hu-
wag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging ita-
nim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng maka-
hulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi: Kaya mo ito!

3
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusu-
nod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
 Matukoy ang mga halaga ng pera hanggang isandaan at
ordinal na bilang mula 1st hanggang 20th.
 Maipadama ang kahalagahan ng halaga ng pera at ordinal na
bilang .
 Mabasa at maisulat ang pera at ordinal na bilang sa paraang
pasimbolo at pasalita.

Panuto: Isulat ang halaga ng pera at ordinal na bilang sa simbolo.


1. Sandaang piso-_______________________
2. First - _____________________________
3. Tenth - ____________________________
4. Limampung piso - ____________________
5. Sampung sentimo - ___________________

Panuto: Pagtapatin ang mga larawan sa Hanay A sa mga salita sa


Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

____1. A. Sandaang piso

4
____2. B. Third

____3. C. Dalawampung piso

____4. D. Sampung piso

____5. E. Limampung piso


F. Ninth

Panuto : Dagdagan ng st, nd, rd, o th ang mga sumusunod na bilang.


11_____ 19_____ 20_____ 5_____ 3_____
1______ 16_____ 2______ 13____ 17_____
Panuto : Lagyan ng P para sa perang papel at c para sa sentimo.
Isulat nang buo ang inyong sagot sa patlang.
1. 15.20 - _____________
2. .50 - _______________
3. 37.75 - _____________
4. 100.00 - ____________
5. .25 - _______________

Mga Tala sa Guro


Maghanda pa ang guro ng iba’t ibang paraan ng pagtataya sa
pagsukat ng natutuhan bukod sa ibinigay sa modyul. Sa gayon,
mahihinuha ng guro kung may pagkakaugnay-ugnay (congruence)
ang layunin (objective), paglinang ng aralin (instruction) at pagtataya

5
Mga Bilang ng Ordinal at Pera:
Ating Basahin at Sulatin

6
Si Anna ay nakapulot ng pitaka. Ito ang laman ng pitaka.

Magkano ang laman ng pitaka? Kaya mo ba itong pagsunud


sunurin mula sa pinakamaliit na halaga hanggang sa pinakamalaking
halaga gamit ang ordinal na bilang?

Paano nga ba ang pagsulat at pagbasa ng pera? Narito ang paraan


ng pagsulat at pagbasa ng pera.
1. Una, isulat ang pangalan ng numero bago dumating sa tuldok (.)
at dugtungan ng salitang piso.
2. Pangalawa, ang basa sa tuldok (.) ay “at”, isunod ito sa salitang
piso.
3. Pangatlo, isulat din ang pangalan ng numero pagkatapos ng
tuldok (.) at sundan ng salitang sentimo.

HALIMBAWA :
1. Tatlumpu’t lima
2. Tatlumpu’t limang piso
3. Tatlumpu’t limang piso at
4. Tatlumpu’t limang piso at dalawampu’t lima
5. Tatlumpu’t limang piso at dalawampu’t limang sentimo

7
Iba pang halimbawa :
1. P62.25 - animnapu’t dalawang piso at dalawampu’t limang sentimo
2. P15.50 - labinglimang piso at limampung sentimo
3. .35 c - tatlumpu’t limang sentimo
4. P75.00 - pitumputlimang piso
5. P10.05 - sampung piso at limang sentimo

TANDAAN: Inilalagay ang pandang P sa unahan ng buong pera at c


naman sa sentimo.

Paano naman ang pagsulat ng ordinal na bilang?

Para makapagsulat ng ordinal na bilang, isunod sa mga numero


ang mga letrang st para sa numerong 1 (1st , una ), nd para naman
sa numerong 2 (2nd , ikalawa ), rd para naman sa numerong 3 ( 3rd ,
ikatlo ), th para naman sa numerong 4 pataas ( 4th, ikaapat ). Maliban
na lamang ika-labing isa, ika-labingdalawa at ika-labingtatlo (11th ,
12th, 13th ), ang iba pang numero tulad nila ay ginagamitan ng letrang
th.
Paano ba isinusulat ang ordinal na bilang?
Sagot : Ang ordinal na bilang tulad ng halaga ng pera ay
isinusulat ng pasalita at pasimbolo.

Maaari mo bang ipakita ang tamang pagsulat ng ordinal na numero?


Sagot: Ang 12th ay maaaring isulat nang ika-labingdalawa.
Ang 3rd ay maaaring isulat nang ikatlo.
Pagyamanin
Independent Activity 1
Panuto:
Bilangin ang halaga ng perang papel at barya.Isulat ang halaga sa sim-
bolo.Bilangin kung ilang piraso ang pera at isulat sa ordinal na bilang.

Mga perang papel at barya Pasimbolo Ordinal


na bilang

Halimbawa: P40.00 2nd

1.

2.

3.

4.

5.

8
Independent Assessment 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na halaga. Isulat ang halaga nito sa


salita.
1. P 25.25 - ___________________________________________
2. P 76.10 - ___________________________________________
3. P 43.75 - ___________________________________________
4. P 60.00 - ___________________________________________
5. .50 c - ______________________________________________

Independent Activity 2
Panuto:
Gamit ang kalendaryo, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Agosto 2012
1. Ano ang ordinal na bilang ng Agosto 19 ? ___________
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

1 2 3 4

5 6 7 8 9 10 11

12 13 14 15 16 17 18

19 20 21 22 23 24 25

26 27 28 29 30 31

2. Ano ang ordinal na bilang ng ikatlo na Huwebes ng Agosto simula


Agosto 2? ___________
3. Ano ang posisyon ng Sabado kung ang isang linggo ay
magsisimula sa araw ng Linggo? _________
4. Ang Huwebes ay pang-ilang araw sa loob ng isang linggo?____
5. Anong ordinal na bilang ng ikalawang Miyerkules? ________
Independent Assessment 2

Panuto: Ayusin ang halaga ng pera mula sa pinakamaliit hanggang sa


pinakamalaking halaga gamit ang ordinal na bilang.
1. P 23.50

2. P 43.50

3. P 33.50

4. P 11.75

5. P 11.50
Independent Assessment 3
Panuto: Piliin ang tamang pagkakasulat ng halaga ng pera sa
simbolo.Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. animnapu’t limang piso at limang sentimo


A. P 65.50 B. P 65.05 C. P 65.55
2. sandaang piso
A. P 100.00 B. P 100.20 C. P 100.50
3. pitong piso at labinlimang sentimo
A. P 17.10 B. P 7.15 C. P 70.15
4. siyamnapung piso at dalawampung sentimo
A. P 90.25 B. P 90.20 C. P 90.30
5. walumpu’t dalawang piso at sampung sentimo
A. P 80.10 B. P 82.20 C. P 82.10

9
Ano ang ordinal?
- Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng isang numero, tao, o bagay.

Paano mo malalaman ang ordinal na bilang ng isang bagay?


 Kung ang mga bagay ay nakahanay, maari na nating gamitin ang
ordinal na bilang.

Paano sila isinusulat?


 Ang bawat numero ay dinudugtungan ng letra, tulad ng mga
sumusunod:

1 - 1st - Una
2 - 2nd - Ikalawa
3 - 3rd - Ikatlo
4 - 4th - Ikaapat

Paano ang tamang pagsulat at pagbasa ng pera?


Sagot :
1. Una, isulat ang pangalan ng numero bago dumating sa tuldok (.) at
dugtungan ng salitang piso.
2. Pangalawa, ang basa sa tuldok (.) ay *at*, isunod ito sa salitang
piso.
3. Pangatlo, isulat din ang pangalan ng numero pagkatapos ng tuldok
(.) at sundan ng salitang sentimo.
Paano isinusulat ang halaga ng pera ?
Sagot : Isinusulat ito sa paraang pasimbolo at pasalita.

10
Panuto:Basahin at sagutin ang sitwasyon. ( 5 puntos )
Noong nakaraang bakasyon, tumulong si Eleonor sa kaniyang
nanay sa pagbenta ng mga basahan. Dahil dito, nakapag-ipon siya.
Ito ang kaniyang naipon :

Magkano lahat ang kaniyang naipon ? _____________________

Panuto: Basahin ang pangungusap sa loob ng kahon at sagutin ang


sumusunod na mga tanong.

I LOVE MATHEMATICS AND IT MAKES ME WONDER

1. Ano ang ika-labindalawang letra sa pangungusap? _________


2. Ano ang ika-labing anim na letra sa pangungusap ? _________
3. Ano ang posisyon ng unang letrang I sa pangungusap ? ______
4. Ano ang posisyon ng letrang C simula sa salitang wonder? ____
5. Ano ang posisyon ng ikatlong E simula sa salitang wonder ? ____

11
Namili si nanay sa Bigte Public Market ng mga kakailanganin sa
paghahanda sa kaarawan ni tatay. Narito ang kanyang mga pinamili:

Alimango - P60.50 mais - P40.00 upo - P10.00


Ubas - P80.00 itlog - P22.50 saging - P58.00
Sorbetes - P99.00 regalo - P100.00 hipon - P85.00
Ampalaya - P25.75 pakwan - P66.00 luya - P5.00
Manga - P15.00 tinapay - P30.00 melon - P31.00
Fries - P35.00 manok - P75.00 okra - P10.00
Isda - P100.00 hito - P38.00

Panuto: Isulat ang halaga ng mga sumusunod na bagay sa salita at


ilagay kung pang-ilan sila sa listahan gamit ang ordinal na bilang.
(kaliwa-pakanan)

Pinamili Ordinal na Halaga sa salita


bilang
1.saging
2.alimango
3.regalo
4.ampalaya
5.okra
12
13
SUBUKIN
1.P100.00
2. 1st
3. 10th
4. P50.00
5. .10 c
BALIKAN
1. C
2. A
3. D
4. B
5. F
TUKLASIN
A. th th th th rd
st th nd th th
B. 1. P15.20
2. .50 c
3. P37.75
4. P100.00
5. .25 c
INDEPENDENT ACTIVITY 1
1. P65.00 3rd
2. P100.00 6th
3. P100.00 1st
4. P58.15 11th
5. P80.30 5th
INDEPENDENT ASSESSMENT 1
1. dalawampu’t limang piso at dalawampu’t limang sentimo
2. pitumpu’t anim na piso at sampung sentimo
3. apatnapu’t tatlong piso at pitumpu’t limang sentimo
4. animnapung piso
5. limampung sentimo
Susi sa Pagwawasto
INDEPENDENT ACTIVITY 2
1. 19th
2. 16th
3. 7th
4. 5th
5. 8th
INDEPENDENT ASSESSMENT 2
1. 3rd
2. 5th
3. 4th
4. 2nd
5. 1st
INDEPENDENT ASSESSMENT 3
1. B
2. A
3. B
4. B
5. C
ISAGAWA
( 5 puntos )
P 91.20
TAYAHIN
1. A
2. S
3. 1st
4. 20th
5. 10th
KARAGDAGANG GAWAIN
1. 16th limampu’t walong piso
2. 1st animnapung piso at limampung sentimo
3. 10th sandaang piso
4. 4th dalawampu’t limang piso at pitumpu’t limang sentimo
5. 20th sampung piso
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Catud, Herminio Jose.,Ferera, Shierly., Padilla, Danilo., and Can-


dido, Rogelio: Mathematics 2
Teacher’s Guide Tagalog, First Edisyon. Reviewer: Laurente A.
Samala. 2013

Catud, Herminio Jose.,Ferera, Shierly., Padilla, Danilo., and Can-


dido, Rogelio: Mathematics 2
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog, First Edisyon. Reviewer: Lau-
rente A. Samala. 2013

https://www.depedlrmds.com/grade-2-learners-materials-learning-
materials/

14
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like