Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 Week 1.1
Filipino 10 Week 1.1
FILIPINO 10
Pamagat:
Pangaral
Layunin
a.Nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;pokus ng
pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ngpaghahambing sa sariling kultura ng ibang bansang tagaganap;
b.Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy,
pagpapadaloy ng mga pangyayari at pangwawakas. )
c.Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan;
d.Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakayahan ng binasang akda gamit ang mga binigay na tanong at
binasang parabula.
e.Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda;
Nilalaman
Pangaral
Ang Alibughang Anak
Independensiya ni Chuang Tzu(Dinastiyang Chou)
Mga Panandang Pandiskurso
ARALIN 1: PANGARAL
Isa pang anyo ng tradisyonal na pagkukuwento ay ang parabula. Katulad ng pabula, karaniwang
maikling salaysay ito na nagtuturo ng moralidad o ng kinikilalang mga pamantayang moral ng isang
komunidad o lipunan. Realistiko ang banghay ng parabola at ang mga tauhang gumagalaw ay tao. Hindi
ito katulad ng pabula na ang gumaganap ay mga hayop. May katangian ding misteryoso at
mapagmungkahi (ng kahulugan )ang tono ng parabula. Ipinahihiwatig sa pagitan ng mga pangyayari ang
kahulugan nais ipamalay sa mambabasa. Sa iba-ibang karanasan at konsepto ng mambabasa, may
tendensiya na maging bukas sa maraming interpretasyon ang isang parabula.
Kapag nagkamali o nagkakasala ka sa isang tao, kaibigan man o kapamilya, ano ang iyong
ginagawa bilang paghingi ng kapatawaran? Isulat sa mga hugis-puso sa ibaba ang iyong natatanging
paraan.
Ikaw ba ang panganay, gitna o bunso sa iyong pamilya? Ani sa tingin mo ang mga pribiliheyo
at/o responsibilidad bilang panganay/gitna o bunso sa pamilya? Iguhit sa bawat kahon an gang simbolong
kakatawan sa pribilehiyo at/o responsibilidad na ito.
Ano ang ipinangangaral sa iyo ng maikling parabula? Ano ang mga mabuting katangian na taglay ni
Chuang Tzu? Isulat ito sa mga bituin at sa kasamaan o di kagandahang ugali at isulat sa loob ng bilog.
Inihanda ni :
Mika Padilla