Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St., Poblacion West, Umingan Pangasinan

ARALING PANLIPUNAN 10
(Unang Markahan, Unang Linggo)

Mga Layunin:
Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
a) Maipapaliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu;
b) Masusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig; at
c) Makilala ang mga primarya at sekondaryang pahayag.

Mga Nilalaman:

I. Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


Ang salitang “Kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay
ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula sa ika-20 dantaon hanggang
sa kasalukuyan. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang maituturing na
kontemporaryo.
Ang salitang “Isyu” ay nangangahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaapekto sa lipunan.
Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa
lipunan.
Kontemporaryong Isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag at nagpapabago
sa kalagayan n gating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyan.

Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu:


Tulong ng mga gabay sa pagsusuri ng kontemporaryong isyu tayo ay higit na makauunawa ng
mga nilalaman ng mga isyu, narito ang ilang sa mga gabay na tanong:

 Kahalagahan
a) Bakit mahalaga ang isyu? 
b) Sino ang naapektuhan ng isyu?
c) Paano ito nakaapekto?
 Pinagmulan
a) Gumamit ba ng iba't ibang sanggunian upang pagaralan ang isyu?
b) Mapakakatiwalaan ba ang nagpaliwanag?
c) Paano ba tintuturing ng media ang isyu?
 Perspektibo
a) Ano-ano ang mga perspektibo sa isyu?
b) Alin dito ang maipaglalaban sa isyu?
c) Ano ang papel ng mediasa pagpapalaganap ng isyu?
 Mga Pagkakaugnay
a) Paano nabago ang isyu sa paglipas ng panahon?
b) Ano-ano ang mga maaring konsideasyon sa hinaharap?
c) Paano ito maiuugnay sa iba pang mga isyu?
 Personal na Damdamin
a) Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri?
b) Ano-ano ang maaari sanang nagawa upang maiwasan ang isyung ito?
 Epekto
a) Ano ang nagaganap sa lokal, pambansa, pandaigdig na lebel tungkol sa isyu?
b) Ano-ano ang mga isansagawang hakbang ng iba't ibang tao ukol rito?
 Maaaring gawin
a) Ano ang magagawa tungkl sa isyu?
b) Paano makakakilos ukol sa isyu?

II. Mga sanggunian tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu


1. Pahayagan
2. Magasin
3. Radyo
4. Telebisyon
5. Internet
6. Impormal na talakayan
7. Pormal na talakayan
8. Saksi
9. Dokumento

Ang ilan sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at ibang panig ng mundo (basahin mula sa
batayang aklat sa pahina 7-8)

III. Mga kasanayang kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

a. Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian


(mahalaga ang mga sanggunian ng impormasyon sapagkat sa tulong ng mga ito
higit na nauunawaan natin ang mga pangyayari at isyu sa ating bansa)

Primaryang Sanggunian- orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o


ginawa ng mga taong nakaranas ng mga ito. (mga halimbawa ay mula sa
batayang aklat sa pahina 9) Sekundaryang Sanggunian- inihanda o isinulat ng
mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala. (mga halimbawa ay
mula sa batayang aklat sa pahina 9)

b. Pagtukoy sa katotohanan at Opinyon

Katotohanan (totoong pahayag o pangyayari, pinatutunayan sa tulong bf


mga katwal na datos, may ebidensya)

Opinyon (Kuro-kuro, palagay, ompresyon o haka-haka; saloobin at kaisipan


ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan)
c. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
(ang paglalahad ay dapat balanse, kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi
kabutihan ng isang bagay)

d. Paghihinuha, Paglalahat at Konklusyon

Hinuha (hula/educated guess tungkol sa isang bagay)


Paglalahat (kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago ang konklusyon)
Konklusyon (desisyon, kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral)

Gawain:
Sa isang BUONG PAPEL humanap ng isang isyung nagaganap sa iyong pamayanan o pangyayaring
iyong nabalitaan sa mga internet. Gamit ang pormat sa ibaba.

Isyu:
a. Primaryang Sanggunian-
b. Sekundaryang Sanggunian-
c. Ano ang nabuo mong pananaw tungkol dito?

Takdang Aralin: Ipaliwanag ang sumusunod.


(3-4 na pangungusap)
1. Kalian maituturing na suliranin ang isang kontemporaryong isyu?
2. Bakit mahalaga ang balanseng pagpapahayag ng mga kontemporayong isyu?
3. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Bumuo ng SLOGAN na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporayong isyu.

Inihanda nina:

Bb. Abigail Q. De Guzman at


Bb. Camille Joy F. Cada
Mga guro sa Araling Panlipunan 10

You might also like