Professional Documents
Culture Documents
GED115 Complete Course Modules
GED115 Complete Course Modules
INSTITUTE OF EDUCATION
GENERAL EDUCATION
Facilitator
Pangalan :
E-mail :
Seksyon :
Oras ng Klase :
Oras ng Konsultasyon :
Impormasyon ng Kurso
Estado ng Kurso
Credits : 3 units
Kabuuang Oras ng Pagkatuto : 54 oras (18 linggo)
Estado ng Kurso : General Education Course
Pre-requisite : Wala
1
Deskripsyon ng Kurso
Ang kursong ito ay tumatalakay sa pagkakaiba-iba at kompleksidad ng mga lokal na
kultura at mga wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng interdisiplinaring perspektiba at lapit. Sa
tulong nito, tatahakin ng pag-aaral ang usapin ng kultural na gahum, pagkilala sa
multikultural na katangian ng lipunang Pilipino kasama ang pagpapahalaga sa mga
natatanging kultura ng mga rehiyon at wika nito. Layunin ng kurso na malinang ang mga
kasanayan sa malalim na pagsusuri at malawak na perspektiba sa pagtalakay ng mga
suliraning kultural at pangwika ng mga rehiyon. Ang kritikal na pagbabasa ng mga teksto ay
magpapalalim hindi lamang sa kakayahang mag-isip bagkus ay bubuo ng pag-aaral at/o
pananaliksik para sa panlipunang pagpapahalaga sa wika, kultura at identidad ng mga
lalawigan o rehiyon.
Bilang ng Linggo
Babasahin
Preliminaryong Gawain
Panuorin ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4
Pagpapalalim
Sagutin ang tanong na ito: “Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng wika at kultura?”
Limitahan ang kasagutan nang hindi hihigit sa limang pangungusap.
Sintesis
Bilang panghuling gawain, ibahagi ang iyong naiisip na paraan kung papaano ka
makaaambag sa pagpapaunlad ng wika at kultura ng Pilipinas. Sagutin ito nang hindi hihigit sa
limang pangungusap.
Rubrik:
Bilang ng Linggo
Babasahin
McFarland, C. (2004). The Philippine language situation. World Englishes, 23(1), 59-75 2.
Preliminaryong Gawain
Punan ang talahanayan ayon sa hinihingi ng bawat kolum. Isaalang ang mga konseptong
nakasaad sa babasahin.
4|Page
Pagpapalalim
Formative Assessment 1:
Gamit ang iyong sagot na nakalap mula sa preliminaryong gawain, sagutin angmga
sumusunod na tanong sa isang short bond paper:
1. Sa iyong palagay, paano nakikita ang hegemonya sa mga kategoryang ito:
a. paghiram ng mga salita mula sa isang wika;
b. populasyon ng mga ispiker;
c. pagtalaga ng pambansang wika.
Rubrik
A. Iskolarship at Kritik (15 puntos)
Ang awput ay nagpapakita ng analitikal at kritikal na pagbasa at naiugnay ang paksa sa
mga kasalukuyang konteksto.
Ang awput ay nagpapakita ng pag-unawa sa paksa.
Ang mga argumento ay malaya at pinagbasihan mula sa pananaliksik.
D. Presentasyon (5 puntos)
Ang awput ay naglalaman ng nararapat na impormasyon na nakabalangkas at nakasaad sa
patalatang paraan.
Formative Assessment 2:
Ayon sa artikulong binasa, may ilang mga katutubong wika na ginagamit sa Pilipinas ang
nanganganib na mawala sapagkat unti-unti nang nauubos ang mga gumagamit dito.
Ibigay ang iyong palagay hinggil dito.
Magbigay ng mga posibleng paraan upang mapigilan ang paglipol ng mga katutubong
wika.
Ilagay sa 4-5 na slides ng PowerPoint presentation ang balangkas lamang ng sagot.
Huwag maglagay ng “heavy text” o mala-talatang teksto sa slides.
Kalakip nito ay ang iyong boses na nagpapaliwanag sa detalye ng iyong sagot na hindi hihigit
sa 5 minuto.
Isumite sa pamamagitan ng email, Canvas o thumbdrive na may pamagat na
(Pangalan)_M2_P2.
Rubrik:
D. Presentasyon (5 puntos)
Ang awput ay naglalaman ng nararapat na impormasyon na nakabalangkas at hindi
nakasaad sa patalatang paraan.
Kaaya-aya ang disenyo ng presentasyon para sa manunuod.
Hindi humigit sa 5 slides ang ginamit na tumagal lamang ng hindi higit sa 5 minuto.
Naririnig ng malinaw at malakas ang tinig.
Bilang ng Linggo
Ika-5 hanggang ika-6 linggo (Pebrero 15-20, 22-27)
Babasahin
Demeterio III, F. P. (2009). Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang
Pilipino. LUMINA, 20(2).
Tiyak na InaasahangKasanayan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
Mabigyan ng katuwiran at halimbawa ang mahahalagang konsepto sa babasahin
kaugnay ng multikulturalismo.
Makilahok sa gawaing nagpapakita ng pagsasabansa nang may kamalayan ukol sa
multikulturalismo
Preliminaryong Aktibidad
1. Rehiyonalismo
2. rehiyonal na etnosentrismo
3. rehiyonal na diskriminasyon
4. imagined communities
5. industriyalisasyon
6. pribado at publikong domeyn
7. Gemeinschaft at Gesellschaft
Pagpapalalim:
Saliksikin ang mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Limitahan ang sagot sa
3 -5 pangungusap bawat tanong. (4 puntos bawat katanungan)
Rubrik:
Sintesis
Formative Assessment 3:
Ibigay ang iyong palagay at suhestiyon sa katanungan sa ibaba. Ibigay ang iyong katwiran
sa piniling argumento at ilatag ang mga paraan kung paano mo ito maisasakatuparan.
“Sa iyong palagay, kinakailangan bang burahin ang mga pangkat etnikong
kultura upang mabuo ang isang bansa o kailangan bang pangalagaan ang
pangkat etnikong kultura upang makatulong sa ating pagsasabansa?”
• Limitahan ang sagot sa isa hanggang dalawang pahina at binubuo ng 300 - 600 na mga salita.
• Sundan ang pormat na ito:
short bond paper, Times New Roman, 12, single spacing, justified, normal margin.
Wika at Ang awput ay lubos na Ang awput ay May ilang bahagi ng Ang awput ay hindi
Organisasyon sumusunod sa paradigma ng sumusunod sa awput ang hindi sumusunod sa
unibersidad sa U4CA. Ibig paradigma ng sumusunod sa paradigma paradigma ng
sabihin ay ang nilalaman ay unibersidad sa U4CA. ng unibersidad sa U4CA. unibersidad sa U4CA.
nagkakaisa, magkakaugnay, Ibig sabihin ay ang
klaro, konkreto, maigsi, at nilalaman ay Ang awput ay bahagyang Ang awput ay hindi
tumpak. nagkakaisa, nagpapakita ng mahusay nagpapakita ng
magkakaugnay, klaro, na estilo ng mahusay na estilo ng
Ang awput ay nagpapakita konkreto, maigsi, at pagkakasulat. pagkakasulat.
ng napakahusay na estilo ng tumpak.
pagkakasulat.
Ang awput ay
nagpapakita ng
mahusay na estilo ng
pagkakasulat.
Kalidad ng Ang awput ay gumagamit ng Ang awput ay Ang awput ay Ang awput ay hndi
Pananaliksik mga kilala at kapitapitagang gumagamit ng mga gumagamit ng mga kilala gumagamit ng mga
pangunahing pinagkukunan kapitapitagang at pangunahing kilala at pangunahing
ng impormasyon. pangunahing pinagkukunan ng pinagkukunan ng
pinagkukunan ng impormasyon. impormasyon.
Ang kontent ay impormasyon.
napakasusing sinaliksik at May ilang bahagi ang Hindi kinilala nang
ang mga konsepto ay Ang kontent ay hindi kinilala nang maayos gamit ang
maayos na kinilala gamit masusing sinaliksik at maayos gamit ang citation format.
ang citation format. ang mga konsepto ay citation format.
maayos na kinilala Ang mga argumento ay
Sinisiguro ng awput na ang gamit ang citation Ang mga argumento ay bahagyang
lahat ng mga argument ay format. bahagyang sinusuportahan ng mga
sinusuportahan ng mga sinusuportahan ng mga angkop na ebidensiya.
angkop na ebidensiya. Sinisiguro ng awput na angkop na ebidensiya.
ang lahat ng mga
argument ay
sinusuportahan ng mga
angkop na ebidensiya
maliban sa isa.
Presentasyon Ang awput ay naglalaman Ang awput ay Ang awput ay Ang awput ay
ng mga nararapat na naglalaman ng mga naglalaman ng mga naglalaman ng mga
impormasyon na lohikal na nararapat na impormasyon at impormasyon ngunit
nakabalangkas at nakasaad impormasyon na bahagyang hindi nakabalangkas at
sa patalatang paraan. nakabalangkas at nakabalangkas sa nakasaad sa patalatang
nakasaad sa patalatang patalatang paraan. paraan.
paraan.
TOTAL 20 PUNTOS
MODYUL 4
Suliranin sa Pag-aaral ng Literaturang Pilipino
Bilang ng Linggo
Ika-7 hanggang ika-8 linggo (Marso 1-6, 8-13)
Babasahin
Lumbera, B. (1997). The rugged terrain of vernacular literature. In Revaluation:
Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture (pp.87-93). Manila: UST
Publishing House.
Preliminaryong Gawain
Matapos basahin ang akda ni Lumbera, ipaliwanag ang tatlong suliranin sa pag-aaral ng
Literaturang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng Main Concept Map. Tingnan ang
halimbawa sa baba kung paano ito gawin.
Tatlong Suliranin sa
10 | P a g e
Pagpapalalim
Formative Assessment 4:
Batay sa mga nabanggit ni Lumbera na suliranin, pumili ng isa na nais mong
bigyanng suhestiyon sa pamamagitan ng paggawa ng Problem Solving
Organizer.
Mula sa tatlong nabanggit na kategorya, pumili ng isa na higit mong nais
bigyangpansin at solusyunan sa pamamagitan ng paglalapat ng tatlong
posibleng gawin upang iresolba ang suliraning ito. Bigyang ng kabutihan at
kahinaan ang bawat solusyong nilapat.
Pumili ng isa sa tatlong solusyon na sa tingin mo ay higit na nararapat para sa
suliraning napili at bigyan ng karagdagan pamamaraan upang limitahan ang di
magandang dulot ng solusyon ito nang sa gayon ay higit na makabuti sa
pangkalahatan ang napiling suhestiyon.
Sundan ang balangkas sa ibaba.
Isumite ito sa pamamagitan ng email, Canvas o thumbdrive na may pamagat
na (Pangalan)_M3_P4.
Problem-Solving Organizer
Napiling Problema
D. Presentasyon (5 puntos)
Ang awput ay naglalaman ng nararapat na impormasyon na nakabalangkas sa ibinigay na
problem solving chart.
Sintesis
12 | P a g e
MIDTERM SUMMATIVE ASSESSMENT
Bilang ng Linggo
Ika-9 na lingo (Marso 15-20)
Mga Babasahin
McFarland, C. (2004). The Philippine language situation. World Englishes, 23(1), 59-75
2.
Demeterio III, F. P. (2009). Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng
Bansang Pilipino. LUMINA, 20(2).
Lumbera, B. (1997). The rugged terrain of vernacular literature. In Revaluation:
Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture (pp. 87-93). Manila: UST
Publishing House.
Panuto
1. Gamit ang mga konseptong iyong natutunan mula sa mga babasahin, suriin ang wika o
kultura ng iyong komunidad upang malaman ang mga isyu o suliraning kinakaharap nito.
Maaaring tingnan ang mga aspekto ng wika o kultura na nasasapanganib o nabubura
dahil sa iba’t ibang mga dahilan.
2. Pumili lamang ng isang isyu. Gumawa ng balangkas na naglalaman ng mga
sumusunod:
(a) detalye ng suliranin,
(b) mga sanhi ng suliraning ito, at
(c) mga pamamaraan upang malunasan ito.
3. Isaalang-alang ang iyong mga limitasyon bilang mag-aaral at mamamayan sa pagbuo
ng mga solusyon para sa iyong napiling suliranin.
4. Lumikha ng isang infographics na naglalahad ng isyung iyong napili at ang
mga epektibong pamamaraan upang maresolba ito.
5. Gawin ito sa pinakamalikhaing pamamaraan na iyong makakaya at sundin
ang sumusunod na pormat:
24 x 36 inches (kapag portrait), 22 x 38 inches (kapag landscape)
300 pixels per square inch
JPG, PNG, TIFF o PDF
6. Maaaring tingnan ang Powerpoint Presentation (i.e. Gabay sa SA 1.pptx) bilang gabay sa
pormat at estruktura ng gagawing infographics.
7. Isumite sa pamamagitan ng email, Canvas o thumbdrive na may pamagat na
(Pangalan)_SA1.
Rubrik
KONSULTASYON NG GRADO
Ika-10 Linggo (Marso 22-27)
FINAL PERIOD MODYUL 5
Wika Bilang Simbolo ng Identidad
Bilang ng Linggo
Ika-11 hanggang ika-13 linggo (Marso 29-Abril 3, 5-10, 12-17)
Babasahin
Barbaza, P. E. (2014). WIKA AT IDENTIDAD: WIKANG BIKOL BILANG LUNAN
NG BIKOLNON, 1890-1956. Daluyan. (pp. 73-98)
Preliminaryong Gawain
Gawin/sagutin ang mga sumusunod:
1. Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang kabuuang identidad ng mga
Pilipino? Maaaring magbigay ng halimbawa.
2. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita:
• identidad
• multikulturalismo
• wika
• Kultura
Pagpapalalim
Formative Assessment 5:
Muling bisitahin ang babasahin ni Demeterio at hanapin ang kaugnayan nito sa teksto
ni Barbaza na patungkol sa multikulturalismo at sa pagbuo ng identidad na magpapatibay sa
pagsasabansa ng Pilipinas.
Tingnan ang mga punto na sumasang-ayon at sumasalungat sa isa’t isa.
Isaayos ang mga pahayag na iyong nakalap sa mga babasahin sa isang
talahanayan. Matapos ihanay ang mga ito ay gumawa ng sariling sintesis upang
mapatunayan ang iyong pagkakaintindi sa mga payahag na iyong binanggit.
Ang pormat na susundin ay ang sumusunod:
Uri ng Payahag Demeterio Barbaza Sintesis
Mga Pahayag na
Sumasang-ayon
Mga Pahayag na
Sumasalungat
Rubrik
Rubrik
Bilang ng Linggo
Ika-14 hanggang ika-16 linggo (Abril 19-24, 26-Mayo 1, 3-8 )
Babasahin
Amtalao, J. A. & Lartec, J.K. (2015). Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng
Kultura at Identidad ng mga Ilokano/The Language of Sillag Festival as a Reflection of
Culture and Identity of the Ilocano. MALAY, 27(2)
Preliminaryong Gawain:
Pumili ng tatlong (3) salita mula sa babasahin na lubhang nakapukaw ng iyong pansin. Ano ang
pagkaunawa mo sa kahulugan ng mga napili? Ano ang sinasabi ng mga ito hinggil sa wika,
kultura at identidad?
Pagpapalalim:
Matapos basahin ang akda, kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Ano ang pagkakilala
mo sa kultura at identidad ng mga Ilokano sa pamamagitan ng tatlong temangtinalakay?
Sa bawat tema, pumili ng dalawa o tatlo na para sa iyo ay lubos na nakapaglalarawan ng
kultura at identitad na natatangi sa mga Ilokano.
Wika ng produkto
2.
1.
Wika ng kasuotan /
kagamitan 2.
1.
Wika ng sayaw
2.
Formative Assessment 7:
Batay sa tatlong temang iyong tinalakay, ipaliwanag sa talatang hindi lalampas sa pitong
pangungusap ang ipinahihiwatig ng mga ito ukol sa kultura at identidad ng iyong
komunidad.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang isaayos ang iyong mga ideya.
1.
Wika ng Kasuotan /
Kagamitan 2.
1.
Wika ng Sayaw
2.
Rubrik:
C. Tema (6 na puntos)
Nakapagtala ng dalawa hanggang tatlong halimbawa sa bawat tema na ipinakikita sa
iyong komunidad sa pamamagitan ng pista o festival
Angkop ang mga halimbawang ito ayon sa hinihingi ng panuto.
Halimbawa ng Paggamit
Salita Kahulugan
sa Parirala o
Pangungusap
(Cebuano) umaga
Alas singko sa buntag ko
(kahulugan at hindi lamang
katumbas na salita sa wikang mibangon.
Halimbawa:
buntag Filipino)
Alas singko ng umaga ako
Sanggunian: nagising.
http://www.binisaya.com/nod
e/21?search=binisaya&word=
buntag&Search=Search
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Rubrik
Sintesis
Sa presensya ng inobasyon, ano ang maaaring gawin upang mapanatili ang pagdiriwang ng mga
festival sa kabila ng patuloy na paglawig ng modernisasyon sa bansa? Paano mapapanatili ang
wika, kultura, at identidad ng isang festival?
MODYUL 7
Kabuuang Pagsusuri
Final Summative Assessment
Bilang ng Linggo
Ika-17 linggo (Mayo 10-25)
Ika-18 Linggo (Mayo 17-22) – Pagpapasa ng Final Summative Assessment
Babasahin:
McFarland, C. (2004). The Philippine language situation. World Englishes, 23(1), 59-75
2.
Demeterio III, F. P. (2009). Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang pagbubuo ng
Bansang Pilipino. LUMINA, 20(2).
Lumbera, B. (1997). The rugged terrain of vernacular literature. In Revaluation:Essays on
Philippine Literature, Cinema and Popular Culture (pp. 87-93). Manila: UST Publishing
House.
Barbaza, P. E. (2014). WIKA AT IDENTIDAD: WIKANG BIKOL BILANG LUNAN
NG BIKOLNON, 1890-1956. Daluyan. (pp. 73-98)
Amtalao, J. A. & Lartec, J.K. (2015). Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng
Kultura at Identidad ng mga Ilokano/The Language of Sillag Festival as a Reflectionof
Culture and Identity of the Ilocano. MALAY, 27(2)
Preliminaryong Gawain
1. Isaisip ang mga aspekto ng wika at kultura ng iyong komunidad na nasa
panganib na mabura o maglaho dahil sa iba’t ibang mga dahilan.
2. Mag-isip ng isang isyu ukol sa wika at kultura na nasa panganib na mabura o maglaho
sa iyong komunidad.
3. Maaari ding isaalang-alang ang Infographics na iyong ginawa noong Midterms sa pag-
iisip ng mga isyung iyong naisip.
Pagpapalalim
1. Gamit ang isyung iyong naitala, lumikha ng isang maikling epektibong paraan upang ma-
resolba ito. Kaakibat ng pagreresolbang ito ang pagpapayaman ng ating wika at kultura sa
pamamagitan ng pagkilala ng mga salitang hindi na ginagamit sa iyong komunidad.
2. Ilista ang mga salitang iyong naiisip na sa palagay mo’y nararapat na ibalik, idagdag o
gamiting muli upang mapayaman ang wika at kultura sa Pilipinas.
3. Hindi limitado ang mga salitang iyong maiisip dahil hindi naman ito mamarkahan.
4. Ilagay ang isyu na iyong naisip kasama ng mga salitang sa palagay mo’y nararapat ibalik,
idagdag o gamiting muli sa isang Word file kasama ng mga assessments na iyong ipapasa.
5. Maaaring pagnilayan ang mga salitang iyong naisip kung ito ba ay sumasagot sa
tanong na sumusunod:
a. Ito ba ay nararapat na tangkilikin at gamitin ng mga tao sa buong Pilipinas?
b. Ano ang maaaring implikasyon nito sa mga tao kapag ito’y sinimulang gamitin?
c. Sa papaanong paraan maipapakita ang pagkilanlan ng mga Pilipino sa
salitang ito?
Sintesis
Summative Assessment 2:
Rubrik
A. Korpus (20 puntos)
Nakapagtala ng 20 salita o korpus na mula sa aspekto ng wika at kultura ng sariling
komunidad na nasasapanganib o nabubura dahil sa iba’t ibang dahilan