Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Filipino 11

GAWAING PAGKATUTO MODYUL


Ang mga Nakalap na Tala At Organisasyon ng Papel

Pangalan: __________________________ Q4W7


Seksiyon: __________________________ Petsa: ______________

Simulan Natin
Gawain 1
Sadyang malaking hamon ng paggawa ng sulating pananaliksik ngunit sa sipag
at determinasyon mong matuto at makagawa ay hindi imposibleng magtagumpay ka.
Napakalaki ng iyong tungkulin at responsibilidad bilang mananaliksik. Hindi biro ang
maging matiyaga, masipag, at maparaan. Kung nagawa mo ang mga pagsasanay at
pagpapalalim na gawain sa mga naunang aralin ay abot kamay mo na ang iyong
tagumpay. Nagustuhan mo ba ang mga ito o nahirapan ka? Lagyan ng tsek (✔️) ang
damdaming angkop sa iyong nararamdaman habang ginagawa mo ang bahagi ng
sulating pananaliksik.
1. Pagpili sa Paksa

⬜ Naging madali ang gawaing ito para sakin.

⬜ Sinubok ng gawaing ito ang pasensiya at tiyaga ko.

⬜ Naging mapanghamon ang gawaing ito.

⬜ Umabot sa puntong muntik ko nang hindi matapos ang aking sulatin.

2. Pangalap ng Paunang Impormasyon

⬜ Naging madali ang gawaing ito para sakin.

⬜ Sinubok ng gawaing ito ang pasensiya at tiyaga ko.

⬜ Naging mapanghamon ang gawaing ito.

⬜ Umabot sa puntong muntik ko nang hindi matapos ang aking sulatin.

1
3. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

⬜ Naging madali ang gawaing ito para sakin.

⬜ Sinubok ng gawaing ito ang pasensiya at tiyaga ko.

⬜ Naging mapanghamon ang gawaing ito.

⬜ Umabot sa puntong muntik ko nang hindi matapos ang aking sulatin.

4. Pagbuo ng Panimulang Balangkas at Konseptong Papel

⬜ Naging madali ang gawaing ito para sakin.

⬜ Sinubok ng gawaing ito ang pasensiya at tiyaga ko.

⬜ Naging mapanghamon ang gawaing ito.

⬜ Umabot sa puntong muntik ko nang hindi matapos ang aking sulatin.

5. Pagbuo ng Pansamantalang Bibliyograpiya

⬜ Naging madali ang gawaing ito para sakin.

⬜ Sinubok ng gawaing ito ang pasensiya at tiyaga ko.

⬜ Naging mapanghamon ang gawaing ito.

⬜ Umabot sa puntong muntik ko nang hindi matapos ang aking sulatin.

Suriin ang iyong naging damdamin sa paggawa ng bawat bahagi ng iyong sulating
pananaliksik.

Alin sa mga bahagi ng ppananaliksik ang naging madali para sa iyo? Bakit kaya naging
madali para sa iyo ang paggawa ng bahaging ito?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Alin sa mga bahagi ng pananaliksik ang sumubok ng iyong tiyaga at pasensiya?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2
Alin sa mga bahagi ng pananaliksik ang humamon sa iyong kakayahan? Bakit ka kaya
nahirapan sa paggawa ng bahaging ito?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Bakit sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa iyong pasensiya at kakayahan ay


nananatili ka pa rin sa pagsisikap matapos ang iyong sulating pananaliksik? Saan ka
humuhugot ng lakas at determinasyon?

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Alam Mo Ba?
ETIKA NG MANANALIKSIK
Bilang mananaliksik, kailangan mong malaman ang mga etikang dapat sundin
upang maiayos mo ang iyong gawain. Kauna-unahan sa mga ito ang katapatan. Ang
pagiging matapat ay pangunahing katangian ng isang mananaliksik. Walang puwang
ang plagiarism sa pananaliksik. Nararapat lamang na kilalanin mo ang pinagmulan ng
mga kaisipang iyong ginamit. Maaaring humingi ng permiso sa may akda, at kung hindi
ito pumayag ay huwag na itong gamitin. Tandaan: isang krimen ang tahasang
pangongopya o pandaraya sa pananaliksik. Ang mga sumusunod ay ilang uri ng
plagiarism:
 pag-angkin sa gawa ng iba
 pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit ito pa ang may
kaunting pagbabago sa ayos
Dapat ding iwasan ang pagpapaigsi sa gawain. Kung minsan, sa kagustuhan nating
matapos agad upang hindi na mapagod pa at pinipilit na natin itong tapusin kahit
hindi pa sapat ang mga datos o impormasyon. Hindi na tuloy masusuri kung malalim
ang mga nakalap na impormasyon at nagreresulta ito sa mabilisang pagbibigay ng
konklusyon para matapos lamang.
Kailangan ding maging obhetibo sa sariling pananaliksik. Ang mga personal na
opinyon, lalo na kung walang matibay na basehan, ay hindi makatutulong sa iyong
papel.

3
Sadyang mahalaga ang papel ng mananaliksik, ngunit sa sikap at tiyaga kasama na
ang pagsaalang-alang sa mga etikang nabanggit ay hindi malayong
mapagtagumpayan mo ang hamong ito.

Alamin
Kasanyang Pampagkatuto at Koda
 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
F11EP – IVij - 38

Balikan
Ang mga Nakalap na Tala
Pagsasaayos
Sa ikaapat na aralin ay natutuhan mo ang paggamit ng mga notecard at
paggawa ng tentatibong bibliyograpiya, sa puntong ito ay matututuhan mo naman
isaayos ang mga nakalap mong tala. Ang sumusunod ay ilang paraan upang
makatulong sa pagsasaayos ng mga nakalap mong tala na isinulat mo sa mga
notecard.
 Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard
 Maghanda ng isang notebook o maaaring i-encode sa iyong computer ang
anumang kaisipan, tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang
binabasa ang mga nakalap mong tala sa mga notecard.
 Suriin mo ang nga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o
nangangailangan pa ng pananaliksik.
Bago pa man mangyari ang pangangalap ng datos, buo na o halos buo na ang
iyong tesis sapagkat maaaring makabuo ka na ng opinyon o posisyon tungkol sa
paksang ito lalo na kung pamilyar ka na o nakapagbasa ka na tungkol sa paksang ito.
Maaari ding mapatatag ang tesis matapos ang pangangalap ng datos. Tandaan na
nakaugnay sa tesis ang lahat ng bahagi ng sulating pananaliksik.

Pagsusuri

4
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguraduhing ang mga impormasyong
nakuha ay konektado sa binuong tesis. Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang
mga nakalap na tala, makikita mong may mga talang nararapat isama at mayroon din
namang hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa binuong tesis. Huwag
kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang pangunahin at
pantulong na ideya.
Upang lalo mong maunawain ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat mo
ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala. Matapos isa-isahin ang
mga tala, timbangin kung sapat na ba ang nakalap upang mapagtibay nito ang binuong
tesis at anumang pahayag na isasama mo sa iyong papel. Matapos ang masusing
pagsusuri ng mga nakalap na tala, maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis.
Tuklasin
Gawain 2
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Sa pagsasaayos ng mga nakalap na tala, bakit kinakailangang maghanda ng
notebook o computer?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa pagsusuri ng nakalap na impormasyon, ano ang kinakailangang gawin kung
hindi pa sapat ang mga ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bakit kinakailangang nakaugnay ang tesis sa lahat ng impormasyon o talang
kakalapin at maging sa lahat ng bahagi ng sulating pananaliksik?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Makakatulong ba ang pagsulat ng iba pang komentaryo tungkol sa paksa at
nakalap na tala habang isinusulat ito? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Mayroon ka pa bang ibang paraang alam upang sistematikong maisaayos at
masuri ang mga nakalap na tala? Ibahagi mo ito sa klase.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 3

5
Gaano kalayo na ang inabot ng iyong ginagawang pananaliksik? Ano-anong
impormasyon pa ang kailangan upang maging matagumpay ang pagbuo mo ng
iyong sulatin?
________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Suriin
Organisayon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod mo
namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyong sulating pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.
Mahalaga ang organisasyon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito
ang susi upang madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang na
humanap ng paraan upang mahusay na mapagtagpi-tagpi ang mga talang nakalap.
Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-organisa ng
papel:
1. Kronolohikal – Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon
ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay
naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.
Halimbawa:
 Ang political dynasty sa Pilipinas
 Ang ebolusyon sa telepono
2. Heyograpikal o batay sa espasyo – Ginagamit ito kung ipapakita at
ipapaliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo.
Halimbawa:
 Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at pamantasan
 Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
3. Komparatibo – Ginagamit ito kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad
at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.
Halimbawa:
 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
 Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
4. Sanhi/Bunga – Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o
bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at sisiyasatin
ang bunga, o kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.
Halimbawa:
 Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer games

6
 Ang dahilan ng maagang pag-aasawa
5. Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-
himay ng isang buong kaisipan.
Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
 Ang katotohanan sa likod ng modus ng “tanim/laglag-bala”
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa
organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-
develop ang iyong papel. Kung minsan nga ay nagagamit ang lahat ng mga prinsipyong
nabanggit, ngunit karaniwang may isa o dalawang prinsipyo kang gagamitin upang
maisulong o ma-develop ang iyong papel.

Panghuling Balangkas
Matapos mong pag-isipan kung ano o ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo
upang ma-organisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling
balangkas. Ngunit hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas”
dahil maaari mo pa rin itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat
marami pa ring ideya o kaisipang pumapasok sa iyong isip.
Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin
at pangsuportang ideya. Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat
lebel o antas ng balangkas. Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling
balangkas ay hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador.
Pagyamanin
Gawain 4
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Bakit kailangang isaayos at suriin muna ang mga nakalap natala bago isipin
kung paano ito i-oorganisa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paghambingin ang mga prinsipyo ng pag-oorganisa ng papel. Ano o ano-ano
ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito? Mayroon bang mga
prinsipyong magkakaugnay sa isa't isa? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?
Kung wala, bakit sa iyong palagay, hindi ito interrelated? Pangatwiranan ang
itong sagot.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang ilang bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng panghuling
balangkas?

7
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Sa itong palagay, ano ang naitutulong ng isang maliwanag na panghuling


balangkas sa pagsulat ng iyong draft o borador?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tayahin
Gawain 5
Ano o ano-ano sa iyong palagay ang mga prinsipyong gagamitin mo para
sa iyong pananaliksik na papel? Bakit ito o ang mga ito ang gagamitin mo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 6
Natutukoy ang mga taglay na katangian ng isang mahusay na mananaliksik.
Marahil sa puntong ito ay masasabi mong isa ka nang ganao na mananaliksik
na may taglay na mga kahanga-hangang katangian. Natatandaan mo paba ang mga
sitwasyong humawasa at magpalutang sa mga katangiang ito? Balikan ang mag
pangyayaring ito. Pumili sa loob ng kahon ng limang katangiang sa tingin mo ay nahasa
habang pinaghahandaan mo ang pagsulat ng iying sulating pananaliksik. Ikuwento mo
kung bakit mo nasabing nahasa ang katangiang ito sayo.

matiyaga maparaan sistematiko maingat

Analitikal kritika matapat responsable

1. Katangian:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________
2. Katangian:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

8
________________________________________________________________
________________________________________________________
3. Katangian:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________
4. Katangian:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________
5. Katangian:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________

Sanggunian:

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. Pagbasa at Pagsusuri bg Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Phoenix Publishing House, INC. 120-124

Susi sa pagwawasto:
Sariling Sagot ng mga mag-aaral.

Inihanda ni

Mary Jane R. Dela Cruz


Teacher-II/FILIPINO-SHS
Malabanias IS-SHS

You might also like