Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IBONG Adarna (SAKNONG 007 - 080)

MGA TAUHAN
DON PEDRO
DON JUAN
DON DIEGO
HARING FERNANDO
DONYA VALERIANA

MGA TAGPUAN
KAHARIAN NG BERBANYA
PIERDAS PLATAS
BUNDOK TABOR

TALASALITAAN
NAPAGLIMING – napag-isipan
MABUNYING - dakila;bantog;marangal
ULIRAN – modelo;mabuting halimbawa
PAGLIYAG – pagmamahalan
MAPUGTO – maputol;mapatid
KUTYA – uyam;libak
HUNGKAG – walang laman;mahina ang ulo
KINAMTAM – nakuha
PANTAS – eksperto;dalubhasa
MINAGALING – minabait
TALINGHAGANG – hiwaga;misteryo
LUMBAY – lungkot
NILILO – nilinlang;trinaydor;pinagtataksilan
TAMPALASAN – buhong;masamang tao
NALULUNOS - labis na nalulungkot;naaawa sa sarili
NAPAHIMLAY – napahiga;nakapagpahinga
GUNAMGUNAM – diwa;isipan;dili-dili
NAHAPIS – nalungkot;nangayayat sa pag-aalala
NARATAY – pumayat nang husto dahil sa pagkakasakit
LIYAG – mahal;sinta;mutya;giliw
BAGABAG – ligalig;balisa
NAKATALOS – nakaalam
PANAGIMPAN – panaginip
MONARKA – hari
TUMALIMA – sumunod;sumang – ayon
KAPAGDAKA – kaagad-agad;mabilisan
HAGAP – isipan;ideya;kutob
MATAHAK – mapuntahan;marating
LUNAS – gamot
BINAGTAS – nilakbay;tinungo;dinaanan
PATA – pagod;pagal;hirap
MAHINUSAY – matagumpay
MAYAMUNGMUMG – malago;madahon;mayabong
LUMAGI – tumira;tumahan
MAPAWI – mawala;maglaho
MARAHUYONG – maakit;maenggayo
NAGTUTULIN – nagmamadali
NAGULAYLAY – nahimlay;napahinga
NAINO – namalayan
PINANGULAG – pinagpag
NAG-AALIMPUYONG – naglalagablab
NAGUPILING – napahinga;napahimlay
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI
-- NAGKAROON NG MASAMANG PANAGINIP SI
HARING FERNANDO.
-- NOONG NAGKASAKIT SI HARING FERNANDO AY
PINAPUNTA NIYA SI DON PEDRO SA BUNDOK TABOR.
-- PAGDATING NI DON PEDRO SA PIEDRAS PLATAS
AY NATULOG SIYA.DUMATING ANG IBONG ADARNA
AT KUMANTA NG PITONG BESES. DUMUMI ITO AT
NAPATAKAN SI DON PEDRO AT NAGING BATO.

ANG BUOD
SAKNONG 07 - 29
Si Don Fernando, ang hari ng Berbanya, ay mabait at
iginagalang ng lahat, mahirap man o mayaman. Mataas
ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang
kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay sobrang
ganda at walang katulad sa bait.
Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay,
Don Diego ang pangalawa at si Don Juan ay Bunso. Si Don
PeDro ay may magandang tindig. Si Don Diego naman ay
mahiyain at mahinahon magsalita. At si Don Juan naman
ang pinakamabait sa kanilang tatlo at sobra magmahal.
Silang tatlo ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang.
SAKNONG 030 - 045
Naging maganda ang kalagayan ng Berbanya sa mabuting
pamumuno ni haring Fernando. Ngunit isang gabi ay
nagkaroon siya ng masamang panaginip. Si Don Juan daw
ay napahamak at pinatay ng dalawang tao. Matapos na
mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa
isang balon.
Nagiing mahina ang hari dahil sa labis na kalungkutan.
Nagkasakit siya ng malubha at naging mahina ang
kanyang katawan. Walang nakakaalam kung ano ang
kaniyang sakit maliban sa isang manggagamot. Ang sakit
daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip.
Ang tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong
Adarna na nakatira sa Bundok Tabor. Ito ay tumitigil sa
Piedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.
Agad na inutusan niya si Don Pedro na mapunta sa
bundok para kunin ang ibon.
SAKNONG 046 – 080
Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya
ng isang kabayo at naglakbay sa loob ng tatlong buwan
papunta ng Bundok Tabor. Nakita niya ang punongkahoy
ng Pierdas Platas, na kumikislap na parang diyamante.
Mayabong at bukod tangi ang mga dahon ng puno.
Nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Noong nakatulog siya
dumating ang Ibong Adarna. Umawit ang ibong adarna ng
pitong beses at nagbago ang balahibo ng pitong beses.
Dumumi ang ibon at napatakan si Don Pedro at naging
bato ito.

You might also like