Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LATABAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Lataban, Liloan, Cebu

ARALING PANLIPUNAN GRADE 7

Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________________ Iskor: _____________

PANUTO: Basahing Mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang
bansa bawat taon? a. Life Expectancy
b. Population Growth Rate
c. Population Density
d. Overpopulation

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang
maghanapbuhay upang mapa-unlad ang sarili at ang lugar na kinabibilangan?
a. Yamang Gubat
b. Yamang Lupa
c. Yamang Mineral
d. Yamang Tao

3. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?


a. antas nga kabuhayan
b. antas ng kaunlaran
c. antas ng kamuwangan
d. antas ng lipunan

4. Ang mga sumusunod ay ang nagiging epekto ng kasalatan sa aspetong kalusugan at


edukasyon sa isang bansa maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
a. maaaring tumaas ang paglaganap ng krimen sa lipunan
b. makatitipid ang pamahalaan sa mga gastusin
c. malaking bilang ng mga kabataang humihinto sa pag-aaral
d. maraming mga taong ang magkakasakit at dadapuan ng karamdaman

5. Ano ang pinakabago sa mga problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya lalong lalo
na sa Pilipinas na kailangan ng agarang aksyon?
a. Banta ng terorismo na nakaapekto sa seguridad ng mga bansa
b. Mabilis na pagdami ng populasyon
c. Pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19
d. Paglabag sa mga karapatan ng mga manggagawa

6. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?


a. Hieroglyphics
b. Cuneiform
c. Alphabet
d. Wala sa nabanggit

7. Ang pinakapuso sa lipon ng mga batas na ito ay “mata sa mata, ngipin sa ngipin”.
a. Code of Manu
b. Code of Hammurabi
c. Code of the Laws
d. Code of Nebuchadnezzar

8. Anong pilosopiya ang naging gabay ng mga Tsino sa kanilang pagkilos ng tama?
a. Legalism
b. Taoism
c. Buddhism
d. Confucianism

9. Ano ang kahalagahan sa mga kontribusyon ng mga sinaunang sibilisasyon sa


sangkatauhan?

a. Ito ang naging basehan ng ating pamumuhay sa ngayon


b. Ito ang nagbigay daan upang tumuklas pa tayo na magpapaunlad sa ating
pamumuhay
c. Ito ang ating naging gabay upang mapaunlad ang sarili at pamumuhay
d. Lahat ng nabanggit ay tama

10. Paano napapakinabangan sa sibilisasyon ngayon ang mga tuklas ng sinaunang lipunan at
komunidad sa Asya?
a. Ang tuklas ng sinaunang tao ang nagbigay sa ating ng kakayahang higit pa itong
mapaunlad
b. Ang tuklas nila ang naging instrumento at basehan ng pag-unlad ng ating teknolohiya at
pamumuhay
c. Ang tuklas nila ang nagbigay ng inspirasyon at nag pagaan sa ating pamumuhay
d. Lahat ng nabanggit ay tama

11. Anong prinsipyong pang-ekonomiya na nagsasaad na ang tunay na kayamanan ng bansa


ay batay sa dami ng ginto at pilak nito.
a. Merkantilismo
b. Nasyonalismo
c. Pilosopiya
d. Relihiyon

12. Anong kilusan ang inilunsad ng mga Kristiyanong hari upang bawiin ng banal na lungsod
na Jerusalem?
a. Kapitalismo
b. Krusada
c. Merkantilismo
d. Renaissance

13. Ito ay tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang bansa upang pagsamantalahan at
kontrolin ang lahat ng pamamalakad nito.
a. Kolonyalismo
b. Krusada
c. Merkantilismo
d. Renaissance

14. Ang mga Europeo ay nglunsad ng isang patakarang pang-ekonomiya na tinatawag na


merkantilismo. Ano kaya ang epekto ng patakarang ito sa mga bansang Kanluranin?
a. Sila ay nasisiyahan dahil sa pag-unlad ng kanilang kultura na ibinahagi nila sa mga
katutubo na kanilang nasakop.
b. Sila ay nag-uunahan sa pagsakop ng mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo upang
makamkam ang mga likas na yaman nito.
c. Hindi nila ramdam ang epekto ng merkantilismo sa kanilang buhay.
d. Naging mga mangangalakal ang mga Kanluranin.

15. Bakit sukdulan ang paghahangad ng mga Kanluranin na makapunta sa Asya?


a. Dahil sa pagnanais na mabago ang relihiyon ng mga Asyano.
b. Nais nilang makilala ang mga magagandang mga Asyano
c. Upang ipalaganap ang kanilang kultura.
d. Para pakinabangan ang mga liaks na yaman ng mga Asyano.

16. Sino ang isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na inilahad ang kagandahan ng
mga likas na yaman sa Asya?
a. Christopher Columbus
b. Marco Polo
c. Francisco Almeida
d. Vasco da Gama

17. Damdamin ng masidhing pagmamahal sa bayan.


A. Sosyalismo
B. Nasyonalismo
C. Imperyalismo
D. Kolonyalismo

18. Gumising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino


a. Dr. Jose Rizal
b. Sun Yat Sen
c. Mabini
d. Kemal Ataturk

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naging epekto ng Polo y Servicio o sapilitang
pagpapatrabaho ng mga kalalakihang may edad na 16 hanggang 60?
a. marami sa mga katutubo ang nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap
b. maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng kabuhayan
c. maraming katutubo ang naging Kristiyano at mas madaling napasunod ng mga Español.
d. maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila makapagtanim ng kanilang makakain

20. Paano nagsimula ang ugnayang naganap sa mga Asyano at Europeo bago paman ang
pananakop?
a. Dahil namangha ang mga kanluranin ng nabasa ang aklat ni Marco Polo.
b. Dahil sa pangangalakal at pagpapalitan ng produkto.
c. May mga Asyano na nakapag-aral at nag aasawa ng mga dayuhan.
d. Nabighani ang mga dayuhan sa magandang kultura ng mga taga Asya.
ANSWER KEY:
1. B
2. D
3. C
4. B
5. C
6. B
7. B
8. D
9. D
10. B
11. A
12. B
13. A
14. B
15. D
16. B
17. B
18. A
19. A
20. B

You might also like