Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
GOV. ROQUE. B ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY INC.
Solsona

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11


Quarter 1- Week 1
Guro: Bb. Christine Khey G. Linda

MELCs: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.


Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.

ARALIN 1: Mga Konseptong Pangwika

Panimula: Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa buhay ng tao? Ang bawat nilikha ay naghahangad na
magkaroon ng kahusayan sa wika. Ito ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan.
Ang kakayahan sa paggamit nito na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan-kabiguan, tagumpay pakikipagsapalaran at maging ng kanyang ng kanyang mga pangarap at mithiin. Sa
pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika na nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa
kultura at kabihasnan.
Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ang kahulugan ng wika
blang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi static. Isa sa
mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang
kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at nakikita tungkol sa kanyang paligid.
Paghandaan Natin
Puso o Isip? Anong Pipiliin Mo?
Kantahin ang tatlong bersyon ng awiting “Mahal ko o Mahal ako” ni Edwin Marollano na pinasikat ni KZ Tandingan. Bigyan ito ng

Sino ang iibigin ko? Jino aru ang betchay kes? Who shall my heart choose?
Ikaw ban a pangarap ko? Jikaw ba na kyongarap kes? My dream, my love, my every dream?
O, siya bang kumakatok sa puso ko O ombs na kumokyotok sa arumbels? Or the one who’s giving me everything?
Oh, anong paiiralin ko? Oh! Anong eme ang mas award? Oh, should I listen to my heart?
Isip ba o ang puso ko? Jisip ba o ang arumbels? Or I heed what’s on my mind?
Nalilitong litong litong lito… Nauutik na ang kuning, utik… I don’t know what to do, to do…
Sinong pipiliin ko… Jinu bang pipiliin kes? Who would I rather choose?
Mahal ko o mahal ako? Bet ko o yung bet akes? The one I want or the one who loves me?

Katanungan:

1. Sa tatlong bersyon ng awitin, alin ang pinaka-nagustuhan mo? Bakit?

______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
2. Suriin ang tatlong bersyon ng awitin, anong wika ang napansin mong ginamit sa mga bersyong ito.

______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
3. May nabago ba sa mensahe ng awitin dahil sa pagkakaiba ng wikang ginamit?

______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
4. Sa aling wika mo lubos na naunawaan at naramdaman ang mensaheng ipinaaabot ng awitin?

______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________

5. Sa iyong pananaw, ano ang nagagawa ng wika sa ating buhay?

______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
Iba’t Ibang Pakahulugan sa Wika

Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay, samantalang ang salitang lenggwahe naman ay nagmula sa Latin at isinalin sa English bilang
language. Ang ibat’t ibang salitang ito ay tumutukoy sa “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog.
Ang dila rin ang representasyon ng pagbigkas ng isang tao ng mga makabuluhang kombinasyon ng mga salita upang makipagtalastasan. Ang
wika-sa malawak nitong kahulugan- ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon. Dati ay sa likhang tunog lamang ang isang
wika, ngunit sa paglipas ng panahon, kinikilala na ang mga biswal at pasulat na salita bilang bahaging komunikasyon. Samakatuwid, ang wika ay
ang gamit sa komunikasyon, may tunog man o wala. Maraming anyo ang wika. Maaaring oral o pasalita, pasalindila, pasulat o biswal at iba pa.
Ngunit maraming kahulugan ang maikakawil sa wika. Hindi lamang ito nakatuon sa anyong pasalita o pasulat ng mga gumagamit nito.

 Edward Sapir- Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaaring
salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.
 Lachica,1993 - Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila. Ang kakayahan ng mga tao na kontrolin ang mga
simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop.
 Caroll (1964) – ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
 Todd (1987) – ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Hindi lamang binibigkas na tunog kung di
ito;y sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang dawalang wikang magkapareho bagamat bawat isa
ay may sariling set ng mga tuntunin.
 Bram – ang wika ay nakabalangkas na Sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y
nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.
 Archibald Hill - Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
 Henry Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan.
https://www.academia.edu/33569345/Kahulugan_ng_Wika at SIKHAY p.4

Katangian ng Wika

1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ano mang wika sa mundo ay binubuo ng makabuluhan at sinasalitang tunog. Ang mga tao ay nakalilikha ng
tunog sa pamamagitan ng iba’t ibang sangkap o aparato sa pagpapatunog.
Halimbawa na lang sa isang tribu. Gumagamit sila ng isang uri ng sungay ng hayop upang makapaghatid ng mensahe sa kanilang pinuno
at sa kanilang buong tribu sa kung meron mang mga dayo o panganib na parating sa kanilang komunidad.
Dahil ang nililikhang tunog na ito ay makabuluhan, ito ay nagiging kasangkapan ng tao sa komunikasyon o pakikipagtalastasan.

2. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung papaanong ang mga maninirahan
sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.

Halimbawa: * Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa Pangasinan upang magkaroon ka ng
direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan.
Ang pagiging “arbitrary” ng wika ay maaari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan ng salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang
salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang salitang “aso” sa Ingles ang gamiting salita ay “dog”, sa Ilokano, ito ay “aso”,
sa Pangasinan ito ay “aso” maaaring pareho ang mga salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang gamiting salita
kaya’t ito ang pangkalahatang gamit sa salitang “aso”.
Tagalog Ibon
* Ilokano Bilit
Cebuano langgam
Bikolano gamgam

Ipinapakita ng halimbawa na magkakaiba ang mga salitang nabubuo sa mga taong walang relasyon o ugnayan sa isa’t isa. Ang esensya ng wika ay
panlipunan kung kaya magkakaiba ang salitang ginagamit ng mga taong kabilang sa iisang komunidad o lipunan.

Bakit sinasabi na ang wika ay arbitraryo? *Sinasabing arbitraryo ang wika sapagkat ang mga salita ay pinagkasunduan ng mga tao para gamitin nila
sa pang-araw-araw na pamumuhay. *Dahil sa arbitraryong wika, nakabubuo ang mga tao ng iba’t iba pang salita na sila lamang sa iisang bansa o
lugar ang magkakaunawaan. *Sapagkat ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa o lugar.

3. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.

Halimbawa: nag-aaral Sarah mabuti makapasa eksamin

Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang pangungusap tulad ng:

Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.

4. Ang wika ay komunikasyon (ginagamit). Ayon sa Alemang mamamahayag na si Otto Dietrich, komunikasyon ang payak na gamit ng wika at
nagaganap ito sa pagitan ng nakikinig (pinagbigyan ng mensahe/tagatanggap) at nagsasalita (nagdadala ng mensahe/tagabigay). Nagaganap ang
komunikasyon sa pagitan ng mga taong kasangkot sa isang panlipunang kaganapan o sosyal na penomena. Katulad noong unang panahon,
ginagamit na ang wika bilang komunikasyon sa maayos na pakikipagkalakalan. Sa pamamagitan ng aborigin ng mga bilang ay matutukoy kung ang
isang lahi ay nagkaroon ng ugnayan o interaksyon sa isa;t isa sa pamamagitan ng pakikipagkalakan. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang
wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.

Bakit kailangan gamitin ang wika? Kailangan gamitin ang wika upang hindi ito mawalan ng saysay at tuluyang mamatay.

5. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang mga tao ay may iba’t ibang kultura kayat magkakaiba rin ang kanilang wika. Dahil sa pamamagitan ng
wika, nasasalamin ang kultura ng isang bansa base sa pamumuhay ng tao, pananamit, pagsasalita at paniniwala. Ito ang paliwanag kung bakit may
mga kaisipan sa isang wika na walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. Katulad
ng mga salitang kanin, bigas, pagkain at batalan sa Filipino. Ang salitang snow o glaciers ay hindi matatagpuan sa Pilipinas kayat walang katumbas
nito sa ating wika kundi yelo lamang.

Dahil wala ito sa ibang kultura hindi nila alam ang katumbas nito. Kayat kung ang mga bagay-bagay ay hindi karaniwang makikita sa ating kultura at
maging sa ating kapaligiran, ito ay hindi rin bahagi n gating sariling bokabularyo. Kaakibat ng kultura ang wika sapagkat ang kultura ay ang paraan
ng pamumuhay ng tao, pananamit, pananalita, at paniniwala.

Paano naging kaakibat ng wika ang kultura? Ang wika ay kaakibat ng kultura sapagkat ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng tao,
pananamit, pagsasalita at paniniwala kaya kaakibat talaga ng kultura ang wika.

Ang wika ay may tiyak na ginagampanan sa buhay ng tao, gayon din ang kultura na nagbibigay ng buhay sa lipunang ginagalawan.

Halimbawa ay ang iba’t ibang baryasyon sa lutong kanin.


Iloko Tagalog Ingles (Descriptive)
Nabasa Basa Cooked rice (watery)
Nakset Sunog Cooked rice (burnt)
Nakusel Malata
Kirog Sangag =Cooked rice (fried)
Bagas Bigas Rice
Pagay Palay Palay Rice

6. Ang wika ay nagbabago o dinamiko. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan
ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Ang sensiya at
teknolohiya ay isa rin sa dahilan ng pagbabago ng wika. Kung dati ang salitang selfie ay hindi kasama sa ating leksikon, ngayon ay isinama na
sapagkat tinanggap na ito ng nakararami at naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Halimbawa rin sa larangan ng medisina, ang gamot na paracetamol. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ito ng bagong produkto na mas epektibo
at tinawag na Biogesic. At ngayon nga ay nagkaroon na naman ito ng bagong produkto na tinawag naman na Bioflu na kung saan ito ay epektibo
hindi lamang para sa sakit ng ulo kundi gamot din ito para sa sipon at ubo. At kailangang lapatan ng mga katawagan ang mga bagong produkto na
resulta ng pananaliksik. Ang pagbabago sa mga kahulugan ng mga salita ay dulot ng panahon, impluwensya ng makabagong media at teknolohiya.

Bakit nga ba nagbabago ang wika? Nagbabago ang wika sapagkat ito ay dinamiko. *Dahil sa pagiging malikhain at makabagong kalagayan ng tao,
nadaragdagan din ang wika ng bagong bokabularyo. *Nagbabago rin ang wika dahil sa pag-unlad ng agham at teknolohiya.

7. Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay. Ang wika ay sentro ng karanasan bilang tao. ang lahat ng konseptong tinataglay ng tao hinggil sa
mga bagay-bagay sa mundo ay nagmula sa kanyang wikang ginagamit. Masasabing ang wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao sapagkat gamit
ang wika, naipakikita ng tao kung paano niya nakikita ang mundo o ang kaniyang lipunang kinabibilangan. Hindi rin maipaparating ang mga
kaisipang taglay ng tao kung walang wikang ginagamit. Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan.
Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika.

https://philnews.ph/2019/07/22/katangian-ng-wika-at-kahulugan/ at SIKHAY p.4-7

Subukin Natin

A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong katangian ng wika ang inilalahad dito. Titik lamang ang isulat sa patlang
bago ang bilang.

a. Ang wika ay tunog. e. Ang wika ay nakabatay sa kultura.


b. Ang wika ay arbitraryo. f. Ang wika ay nagbabago.
c. Ang wika ay masistemang balangkas. g. Ang wika ay pantao.
d. Ang wika ay komunikasyon.

_____1. May mga salitang hindi mahanapan ng katapat na salita sa isang wika.
_____2. May mga salitang Hapon, Intsik, at Koreano ang magkakatulad ang ppagbaybay o ispeling ngunit nagkakaiba ng kahulugan kung ito’y
bibigkasin na.
_____3. Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
_____4. Ang wika sa mundo ay may patakarang sinusunod sa pagbubuo ng parirala at pangungusap.
_____5. Maraming mga salitang umuusbong na ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan.
_____6. Ang tao ay kayang matuto ng dalawa o mahigit pang wika sa kanyang buhay, bagay na hindi kayang gawin ng mga hayop.
_____7. Ang mga salitang hindi kayang tumbasan ng salita din sa ibang wika ay panghihiram ang tanging kinapupuntahan.
_____8. Ang bawat titik sa alpabeto ay may kani-kanyang kumakatawang tunog.
_____9. Kung minsan, kapag nagsasalita ang isang Bisaya sa mga Manilenyo, hindi naiiwasang mapagtawanan ang punto o “accent” nito.
_____10. Sinasabing ang wika ay bitbit ang identidad at kasaysayan ng lipunan.
_____11. Lahat ng wika ay may istrakturang sinusunod at ito ang batayan upang makapaghatid ng makahulugang mensahe sa ibang tao.
_____12. Hindi malayong sa mga susunod na panahon ay may mga umusbong pang maliliit na wika katulad ng jejemon o gay lingo dahil sa
nagbabagong panahon.
_____13. Karamihan sa mga Pinoy ay mahilig sa tsismis; marahil ito ang kasangkapan nila upang makapagsimula ng ugnayan sa iba.
_____14. May mga wikang tonal. May parang matinis o maingay sa tainga; ang iba naman ay maganda sa pandinig.
_____15. Kung minsan, ang mga jejemon at mga bakla lamang ang kadalasang ang nakauunawa sa kanilang usapan.

C. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kapag ang pangungusap ay tama at isulat naman ang titik M kapag ito ay mali.

_____1. Ang wika ay paraan ng pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat.

_____2. Ang dalubwika ay isang instrument ng komunikasyon.

_____3. Ano mang wika sa mundo ay may sinusunod na maayos na Sistema o tiyak na balangkas..

_____4. Ayon sa isang dalubwika, ang wika ay isang likas na makataong paraan sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin.

_____5. Binubuo ang wika ng mga sinasalitang tunog.

_____6. Ginagamit ang wika upang makapaminsala ng mga tao at kalikasan.

_____7. Ang wika ay may antas na pormal o impormal.

_____8. Kaakibat ng kultura ang wika.

_____9. Hindi mahalaga ang pagkakaroon ng antas ng isang wika.

_____10. Ang wika ay nagbabago.

You might also like