Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kapayapaan, Ating Ihatid!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Kapayapaan, Ating Ihatid!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Jhanie R. Lapid
Co-Awtor - Content Editor : Gelliza Z. Quiambao
Co-Awtor - Language Reviewer : Marlon D. Paguio
Co-Awtor - Illustrator : Renalyn L. Muli
Co-Awtor - Layout Artist : Jhanie R. Lapid

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer F. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

Edukasyon sa
Pagpapakato
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kapayapaan, Ating Ihatid!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Alam mo ba ang iba’t ibang programa ng ating pamahalaan na may kaugnayan sa


pagpapanatili ng kapayapaan? Nakikiisa ka ba sa mga programang ito?

Naipapakita mo ba ang paggalang sa karapatang pantao ng iyong kapwa?

Paano mo naman igagalang ang opinyon at ideya ng iba?

Nakapaloob sa modyul na ito ang pakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa
ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan. Matutulungan
ka rin dito na higit mong mapaganda ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa.

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na naipamamalas mo ang


kakayahang:

* Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may


kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan. (EsP5PPP – IIIf – 29)

1.1. paggalang sa karapatang pantao


1.2. paggalang sa opinyon ng iba
1.3. paggalang sa ideya ng iba

Subukin

Isulat ang salitang WASTO kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa pakikiisa sa kapwa
at HINDI WASTO naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa isang sagutang papel.

____________1. Mahina lamang ang ginagawang pagpapatugtog ng


pamilya Cruz dahil alam nila na may pandemya ngayon.

_____________2. Nais ni Ace na siya ang masunod sa kanilang proyekto


dahil siya ang lider ng kanilang grupo.
1
______________3. Mahinahong pinakinggan ni Amy ang paliwanag ng
kaniyang miyembro tungkol sa ideya niya sa kanilang gagawing dula-
dulaan.

______________4. Matiyagang pinakikinggan ni Kapitan Juanito ang


opinyon ng bawat isa hinggil sa gagawing pamimigay ng ayuda.

______________5. Pinagtawanan ni Tonyo ang kakaibang ideya ni Ivan


tungkol sa tinanong ng kanilang guro.

Aralin
Kapayapaan, Ating Ihatid!
1
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ay isang programa na nagbibigay
ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap
na pamilyang Pilipino. Ang Department of Welfare and Development o DSWD ang
namamahala dito. Kabilang ba ang pamilya ninyo rito?

Sadyang napakarami ng programa ng pamahalaan lalo na sa pagpapanatili ng


kapayapaan. Ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID19, napakahalaga na
makiisa tayo sa mga programang ito hinggil sa pangkalusugang pangkaligtasan ng
ating pamilya. Nasusunod ba ninyo ang mga ito?

Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, mahalagang maisabuhay mo ang


pakikiisa sa mga programang ito. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng paggalang
sa karapatang pantao, paggalang sa opinyon ng iba at maging ang paggalang sa
ideya ng iba.

2
Sa modyul na ito higit mong
matutuklasan na kasiya-siya ang
pakikiisa sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa
kapayapaan.

Handa ka na ba? Tara at dagdagan


ang iyong kaalaman ukol dito.

Balikan

Bago tayo magsimula, halina’t magbalik-aral muna tayo! Magtala ng limang


programa ng pamahalaan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran. Isulat
sa iyong sagutang papel.

1. ______________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa
ikalimang baitang upang maipakita ang pakikiisa nang may
kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan.

3
Tuklasin

Mahilig ka bang tumula? Halina at basahin mo ang tula na nasa ibaba.

Kapayapaan, Ating Ihatid


Ni: Jhanie R. Lapid

Kaibigan, isa ka rin ba?


Sa pamayanan ika’y nakikiisa.
Alituntuning ipinapatupad nila
sinusunod at isinasabuhay pa.

Iba’t ibang programa hatid ng pamahalaan


Sa iyong pakikiisa, tiyak ang tagumpay
Paggalang sa karapatang pantao, bigyang kahalagahan
Maging sa opinyon ng iba o ideya man ‘yan.

Bilang isang bata, paggalang ay tupdin


Sa pakikipagkapwa-tao isaisip man din
Sa mahinahong pakikinig sa opinyon ng iba
Pagkakasundo-sundo ay iyong makikita.

Sa aking kababayan, aking mensahe


Sa ating pamahalaan, tayo’y makiisa parati
Ikaw at ako, tulong-tulong tayo
Sa pagpapanatili ng kapayapaan, kayang-kaya natin ‘to.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Tungkol saan ang iyong tulang binasa?

2. Ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa?

3. Ano-ano ang dapat bigyan mo ng paggalang?

4. Tulad ng unang linya sa unang saknong, isa ka rin ba? Bakit?

5. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?

4
Suriin

Ang pamahalaan ang nangangalaga at nagbibigay proteksyon sa kaniyang mga


nasasakupan. Ito ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan. Ang pagiging mapayapa ng bansa ang isa sa
pangunahing responsibilidad ng mga namamahala dito. Bilang responsableng
mamamayan, kailangan na makiisa tayo sa mga proyekto o programa nito.

Narito din ang ilan sa mga programa na nangangalaga sa karapatang pantao:

 Bantay Bata 163 - may layuning protektahan ang mga bata laban sa anumang
uri ng pang-aabuso.

 Child Protection Policy – ipinapahayag nito na ang mga bata ay may karapatan
upang maprotektahan laban sa pang-aabuso at pananamantala.

 “Laban Kontra Droga” - isang programa na pumupuksa sa paglaganap ng mga


krimen sa ating bansa. Ang mga tao na sangkot dito ay binibigyan ng
pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang mga sarili bilang paggalang sa
kanilang karapatang pantao.

 Human Rights Education – katuwang ng Commission on Human Rights ang mga


akademikong institusyon at mga civil society organizations sa pagtataguyod ng
mga programa para sa edukasyong pangkarapatang pantao kagaya ng mga
memorandum of agreement on human rights education, pagdevelop ng mga
education curriculum at teaching exemplars para sa mas epektibong pagtuturo ng
karapatang pantao sa kabataan.

Ang mga programang ito ay nagnanais na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan


sa lahat ng panig ng ating bansa.

Ang paggalang sa karapatang pantao ay nagdudulot ng matiwasay na pamumuhay


saan mang pamayanan. Sa pakikiisang ito, nabubuo ang kasiya-siyang samahan at
magandang relasyon na nagpapanatili ng pagkakaunawaan.

Narito naman ang ilang magagandang dulot ng paggalang sa opinyon at ideya ng iba:

- May maayos at matatag na samahan.


- Mapanatili ang pagkakaunawaan.
- Matuto na makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig.
- Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao.

5
- Maiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa.
- Makatulong sa tiyak na gawain na nangangailangan ng iyong ideya o opinyon.

Pagyamanin

Gumawa ka ngayon ng isang maikling liham para sa iyong malapit na kaibigan na


nanghihikayat na makiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na
may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan. Gawin mo ito sa isang buong
malinis na papel.

________________,

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

__________________________

Isaisip

Ano ang iyong natutuhan sa aralin na ito? Kumpletuhin mo ang pangungusap sa


loob ng bubble icon? Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang natutuhan ko sa aralin ay


___________________________________
___________________________________
___________________________________.

6
Isagawa

Gawin ang akrostik sa ibaba. Magbigay ng mga salita na kaugnay ng aralin sa


modyul na ito. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

K–
A–
P–
A–
Y–
A–
P–
A–
A–
N–

Tayahin

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang sa karapatang


pantao, opinyon, at ideya ng iba at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong papel.

1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa sa


gagawing programa sa mga nakikipag-away sa kanilang lugar.

2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na magbantay sa checkpoint


para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar.

3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at hinayaan


niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kaniya.

7
4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang
ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.

5. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at
opinyon ng kanilang kapwa.

6. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at


nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly.

7. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga kagawad


tungkol sa nalalapit na kapistahan.

8. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang kapitbahay tungkol sa


mga tuyong dahon sa kaniyang bakuran.

9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na umalis
ng gabi.

10. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng iba.

Karagdagang Gawain

Isulat mo sa loob ng puso ang mga programa ng pamahalaan na nakiisa ang inyong
pamilya. Maaaring interbyuhin mo ang iyong mga magulang o kahit sinong
miyembro ng inyong pamilya. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

8
9
Karagdagang Tayahin Isagawa
Gawain
1. MALI Gawain 1
- Depende sa sagot 2. TAMA
3. MALI - depende sa sagot
ng bata
4. MALI ng bata
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. TAMA
Isaisip Pagyamanin
- depende sa sagot ng Gawain 1
bata
A F
B G
D
Tuklasin Balikan Subukin
- Depende sa sagot - Depende sa sagot 1. WASTO
ng bata ng bata 2. HINDI WASTO
3. WASTO
4. WASTO
5. HINDI WASTO
Susi sa Pagwawasto
Rubrik sa Pagtataya ng Liham
Pamantayan 5 4 3 Puntos
Nilalaman Lubusang naipakita Naipakita ang Simpleng naipakita
ang panghihikayat panghihikayat ang panghihikayat
na makiisa nang na makiisa nang na makiisa nang
may kasiyahan sa may kasiyahan may kasiyahan sa
mga programa ng sa mga programa mga programa ng
pamahalaan na ng pamahalaan pamahalaan na may
may kaugnayan sa na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayaan pagpapanatili ng kapayaan
kapayaan
Paggamit ng Walang mali sa May 1 – 3 na May 4 o higit pang
bantas at pagkakagamit ng maling paggamit maling paggamit ng
malaki at malaki at maliit na ng bantas at bantas at malaki at
maliit na titik titik. Nagamit ng malaki at maliit na maliit na titik
wasto ang mga titik
bantas
Paggamit ng walang mali sa may 1 – 3 maling May 4 o higit pang
mga Salita paggamit ng salita paggamit ng mga pagkakamali sa
salita paggamit ng mga
salita
wastong-wasto at May 1 – 2 bura/ Hindi mabasa at may
kalinisan at
napakalinis ng dumi sa 3 o higit na bura/
kaayusan
pagkakasulat pagkakasulat dumi sa pagsusulat
Kabuuang Puntos

Rubrik sa Paggawa ng Akrostiks


Pamantayan 1 2 3 ISKOR
Angkop na angkop
Di-angkop ang mga Angkop ang mga
Salitang ginamit ang mga salitang
salitang ginamit. salitang ginamit.
ginamit.
Magkaugnay na
Di-kaugnay ang Magkaugnay ang
Kaugnayan ng magkaugnay ang
mga pahayag na mga pahayag na
pahayag sa paksa mga pahayg na
ginamit sa paksa. ginamit sa paksa.
ginamit sa paksa.
Nakasunod sa Nakasunod sa lahat
Pagsunod sa Di nakasunod sa
ilang panutong ng panutong
panuto panutong ibinigay.
ibinigay. ibinigay.
Kawastuhan ng Wasto ang ilang Wastong-wasto ang
Di wasto ang
mga salitang mga salitang lahat ng ginamit na
ginamit
salitang ginamit
ginamit. salita.
Kalinisan at Di gaanong malinis Napakalinis at
Malinis at maayos
kaayusan ng at maayos ang napakaayos ng
ang pagkakagawa
pagkakagawa o pagkakagawa at pagkakagawa at
pagkakasulat at pagkakasulat.
pagkakasulat. pagkakasulat.
KABUUAN NG ISKOR

10
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa MakabagongPanahon.
Quezon City: Vibal Group, Inc.

DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p. 84

BANTAY BATA - LINGKOD KAPAMILYA 2021, Corporate.abs-cbn.com,


https://corporate.abs-cbn.com/lingkodkapamilya/bantay-bata/article/pid-
1578624554221/bantay-bata-163-philippine-dental-association-collaborate-to-
promote-child-oral-health/, [Retrieved 09 January, 2021]

Plan-international.org, https://plan-
international.org/sites/files/plan/field/field_document/annex_b.pdf, [Retrieved 09
January, 2021]

Commission on Human Rights of the Philippines, Facebook.com,


https://www.facebook.com/chrgovph/posts/isa-sa-pangunahing-mandato-ng-chr-
ang-pagbibigay-impormasyon-at-kaalaman-sa-mga-/1377413555708519/,
[Retrieved 09 January, 2021]

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan- Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

12

You might also like