Professional Documents
Culture Documents
In Darkest Night, You Are Close Like No Other: Spirit Lead Me Where My Trust Is Without Borders
In Darkest Night, You Are Close Like No Other: Spirit Lead Me Where My Trust Is Without Borders
Naranasan mo na bang umiyak mag-isa? Iyak - na pasuko na, na pagod na, na parang batang pinagkaitan ng lahat. Lingid sa
kaalaman mo kapatid, the One who is higher stands by your side always.
Nagkaroon ka na ba ng trust issues dahil sa mga taong nangako sa’yo pero paulit-ulit kang binigo? Promises are meant to be
broken, ika nga nila. Pero alam mo ba na may pangakong hindi napapako? Nangako na hindi nangbibigo?
Nakakaranas ka ba ng pagsubok na sobrang hirap? Na parang dead end na? Na parang nangliliit ka na? Na feeling mo sobra-
sobra para sa kakayanan mo ang nararanasan mo ngayon? Kapatid, maging si David tayo na nagawang labanan at pabagsakin
si Goliat sa ngalan ni Yahweh.
Minsan na bang pumusyaw ang iyong tiwala? Kumupas ang iyong pananampalataya?
Kapatid, kakatagpuin ka ng Lord sa iyong panalangin.
Pagod na pagod ka na ba sa mga efforts na ine-exert mo pero parang wala namang nangyayari? Napagod ka lang.
Kapatid, when you start to acknowledge Jesus in everything you do, you’ll see how He moves.
Nawalan ka ba ng trabaho?
Nagsarado ang negosyo?
Walang kasiguraduhan sa susunod na mangyayari?
Walang tigil ang takbo ng isip sa katatanong ng “Paano na ako ngayon?”
In every situation, in your little and much – He provides. Sing praise! And let that praise resound!
Kapag akala mo tapos na ang lahat at ang choice mo na lang ay manlumo, never forget that Jesus is a WayMaker.
He works in ways we cannot see.
Kapag akala mo ang nangyayari sa paligid ay imposible nang maayos, never forget that Jesus is a Miracle Worker.
He does miracle so great.
Kapag akala mo nakalimutan ka na ni Lord, never forget that Jesus is a Promise Keeper.
His promises forever stand.
Kapag akala mo pinabayaan ka na ng Diyos na maging makasalanan, never forget that Jesus is the Light in your darkness.
He reigns forevermore - no darkness can hide in the presence of light.