Math2 - Quarter3 - Mod13 - Constructs Squares, Rectangles, Triangles, Circles, Half-Circles, and Quarter Circles Using Cutouts and Square Grids - v2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

= 2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 13:
Constructs Squares, Rectangles,
Triangles, Circles, Half-circles, and
Quarter Circles Using Cutouts and
Square Grids

i
Mathematics – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 13: Constructs Squares, Rectangles, Triangles, Circles,
Half-circles and Quarter Circles Using Cutouts and Square Grids.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine C. Escalante
Editor: Nestor P. Nuesca EdD
Jocelyn A. Manalaysay, PhD Nenita J. Barro
Cindy D. Oliva PhD Bryan R. Capangpangan
Paolo D. Estores Ederlinda A. Capangpangan
Realyn B. Tanabe Ma. Cecilia R. Ortega
Tagasuri: Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria
Tagaguhit: Amie G. Gamboa
Tagalapat: Mauryl P. Maulawin

Tagapamahala:

Nicolas T. Capulong PhD CESO V


Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Dominador M. Cabrera PhD
Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 13:
Constructs Squares, Rectangles,
Triangles, Circles, Half-circles, and
Quarter Circles Using Cutouts and
Square Grids

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics sa
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pagbuo ng parisukat, parihaba, half-circle at
quarter circle sa pamamagitan ng pagtutupi at paggupit ng
papel at paggamit ng square grids!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
iv
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematics sa Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagbuo ng parisukat, parihaba, half-circle at quarter circle sa
pamamagitan ng pagtutupi at paggupit ng papel at paggamit
ng square grids!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

v
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

vi
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

vii
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

viii
Alamin

Sa modyul na ito, iyong malalaman kung paano


makagagawa ng parisukat, parihaba, tatsulok, bilog, half-
circle at quarter circle sa pagtutupi at paggupit ng papel
(paper folding/cutting) at paggamit ng square grids.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay


inaasahang

1. natutukoy ang hugis o mga hugis na nakapaloob sa


isang larawan;
2. nakagagawa ng representasyon ng parisukat,
parihaba, tatsulok sa pamamamagitan ng paper
folding/cutting at paper grids; at
3. nakagagawa ng representasyon ng bilog, half-circle,
at quarter circle sa pamamagitan ng paper
folding/cutting at paper grids.

1
Subukin
Tukuyin kung anong hugis ang magugupit sa bawat
paper grid. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Parisukat Parihaba Tatsulok Bilog

1. 4.

2. 5.

3.

2
Constructs Squares,
Aralin Rectangles, Triangles,
Circles, Half-circles, and
1 Quarter Circles Using Cutouts
and Square Grids

Balikan
Kilalanin ang mga half at quarter circles mula sa
mga hugis na makikita sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang
papel ang mga salitang “half circle” at “quarter circle” sa
bilang na naaayon dito.

1. 4.

2. 5.

3.

3
Tuklasin

Makulay ang ating bansa dahil sa mayamang


kulturang bumabalot dito.

Tingnan ang larawan. Ito ay halimbawa ng disenyo


ng telang gawa ng mga Yakan ng Zamboanga at
Basilan. Sila ay kinikilala sa kanilang katangi-tanging
husay sa paghabi.
Ano ang iyong napansin sa telang ito?
Ano-anong hugis ang nakapaloob dito?

Suriin

Masdan ang iyong paligid. Ang mga bagay na iyong


makikita rito ay kinapapalooban ng iba’t ibang simpleng
hugis na kumakatawan sa parisukat (square), parihaba
(rectangle), tatsulok (triangle) at bilog (circle).

4
Balikan natin ang larawan ng hinabing tela ng mga
Yakan sa unahan. Matutukoy mo ba ang mga hugis na
nakapaloob sa obrang ito?
Kung gagamit tayo ng paper grid o square grid,
maaari nating gayahin ang disenyo sa pamamagitan ng
pagguhit ng mga tatsulok katulad ng nasa ibaba.

Bukod sa tatsulok, ano pang mga hugis ang iyong


makikita? Iguhit mo ito sa iyong sagutang papel.
Maaari rin tayong makagawa ng iba’t ibang hugis sa
pamamagitan ng pagtutupi at paggupit ng papel o ang
tinatawag na paper folding at paper cutting.
Naririto ang pamamaraan sa paggawa ng iba’t
ibang mga hugis.
Paalala: Mag-ingat sa paggamit ng gunting. Mas
makabubuti kung magpapatulong sa mas nakatatanda.
A. Sundan ang pattern upang makabuo ng square o
parisukat.
1. Kumuha ng isang buong
papel at itupi ito sa gilid.

5
2. Ilapat ang pagkakatupi
nito. Dapat makabuo ka
ng hugis tatsulok.

3. Gupitin ang natirang


parihaba sa ibaba ng tatsulok.

4. Buksan ang papel upang maipakita ang


hugis parisukat.

B. Sundan ang pattern upang makabuo ng triangle o


tatsulok.

1. Kumuha ng isang
buong papel. Pag-
ugnayin ang
magkabilang gilid ng
papel nang pahalang
katulad ng nasa
larawan at itupi ito.
2. Pagkatapos ilapat ang
pagkakatupi, buklatin
ito upang makita ang
linyang pahalang na
magiging basehan ng
paggupit.
3. Gupitin ito.

6
C. Sundan ang pattern upang makabuo ng circle o
bilog.
1. Kumuha ng isang buong papel at tupiin ito sa gitna
tulad ng nasa larawan.
2. Muli itong tupiin sa gitna.
3. Ngayon, tupiin ito ng patatsulok o pahalang.
4. Tupiin muli ito ng pahalang ng dalawang ulit
hanggang sa magmukhang tatsulok na pahaba.
5. Gupitin ng medyo pakurba ang tinuping papel
malapit sa gitnang parte.
6. Buksan ang ginupit na papel upang makita ang
bilog.

D. Maaari ring gumamit ng square grids o graphing


paper upang makabuo ng mga hugis.

7
Narito ang pamamaraan upang makagawa
ng circle o bilog sa square grid:

8
Pagyamanin
A. Natatandaan mo pa ba ang katangian ng
bawat hugis? Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Tukuyin kung anong hugis ang
inilalarawan. Isulat sa papel ang titik ng iyong sagot
mula sa mga pagpipilian.
1. Ito ay hugis na may apat na gilid na
magkakasinghaba.
a. bilog c. parisukat
b. parihaba d. tatsulok

2. Ito ay hugis na may dalawang pares ng


magkakasinghabang gilid.
a. bilog c. parisukat
b. parihaba d. tatsulok

3. Ito ay hugis na walang simula o


wakas. Wala din itong gilid.
a. bilog c. parisukat
b. parihaba d. tatsulok

________4. Ito ay hugis na may tatlong sulok.


a. bilog c. parisukat
b. parihaba d. tatsulok
5. Ang hugis na ito ay kalahati ng isang bilog.
a. bilog c. parisukat
b. parihaba d. tatsulok

9
B. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang Tumpak kung tama ang
ipinahahayag ng pangungusap. Isulat naman ang Lisya
kung mali ang isinasaad nito.

1. Bukod sa pagguhit, maaari rin tayong


makagawa ng iba’t ibang hugis sa pamamagitan ng
paper folding o paper cutting.

2. Makabubuo tayo ng parisukat sa


pamamagitan ng pagtutupi ng isang buong papel
upang makabuo ng tatsulok at paggupit sa sobrang
bahagi nito.

3. Ang tatsulok ay hindi maaaring magkaroon


ng higit sa dalawang gilid.

4. Maaari rin tayong gumamit ng square grids o


graphing paper upang makabuo ng mga hugis.

5. Makagagawa tayo ng apat na quarter circles


mula sa isang buong bilog.

C. Bahagi ito ng panyong gawa ng mga Itneg ng Abra.

10
Gayahin ang disenyo nito sa pamamagitan ng
pagguhit ng mga tatsulok. Batayan mo ang nasa
halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

D. Sa larawan makikita ang anim na limang pisong iniayos


na magkakadikit.

11
Iyong sundan ang gabay sa pagguhit ng anim na bilog.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

E. Si Mang Mario ay isang masipag na karpintero.


Kasalukuyan niyang tinatapos maglagay ng tiles sa sahig
ng bahay na kanyang ginagawa. Maaari mo ba siyang
tulungang matapos ang paglalagay ng tiles sa sahig?

1. Ilang parisukat ang kailangang ikabit


upang matapos ang paglalagay ng tiles sa
sahig?
2. Kung tatsulok naman kagaya nito ang
ilalagay, ilan kaya ang kakailanganin ni Mang
Mario?
12
3. Kung parihaba naman na sakop ang
dalawang parisukat ang ikakabit, ilan kaya ang
kakailanganin?
F. Maaaring gumamit ng square grids upang makabuo
ng bilog gamit lamang ang lapis o ballpen.
Masdan ang mga larawan sa pagguhit ng bilog.
Pagsunud-sunurin ang mga ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng titik A hanggang E sa iyong sagutang
papel.

1. ___4.

2. ___ 5.

3.

13
G. Masdan ang robot na nasa ibaba. Ito ay halimbawa
ng drowing na binubuo ng iba’t ibang hugis.

Bilangin at punan ng bilang ang bawat hugis na


hinihingi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

a. Tatsulok -
b. Bilog/half-circle/quarter circle -
c. Parisukat -
d. Parihaba - ___________
e. Tatsulok at bilog - ____________

14
H. Sundan ang mga hakbang na isinalarawan.
Tukuyin ang hugis na mabubuo mula dito. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1.

a. parisukat c. tatsulok
b. parihaba d. bilog

2.

a. parisukat c. tatsulok
b. parihaba d. bilog

15
3.

a. parisukat c. tatsulok
b. parihaba d. bilog
4.

a. parisukat c. tatsulok
b. parihaba d. bilog

16
5.

a. parisukat c. tatsulok
b. parihaba d. bilog

Isaisip

Ang mga bagay na iyong nakikita ay


kinapapalooban ng iba’t ibang simpleng hugis katulad ng
parisukat (square), parihaba (rectangle), tatsulok (triangle)
at bilog (circle).
Paano ka makagagawa ng mga hugis na ito? Ano-
ano ang iyong maaaring gamitin?
Tandaan na laging mag-ingat sa paggamit ng
gunting. Ugaliing hingin ang tulong ng magulang para
dito.

17
Isagawa

Sundan ang mga hakbang na isinalarawan.


Tukuyin ang hugis na mabubuo mula dito. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1.

a. bilog c. quarter circle

b. half-circle d. biluhaba

2.

a. bilog c. quarter circle


b. half-circle d. biluhaba

18
3.

a. bilog c. quarter circle


b. half-circle d. biluhaba
4.

a. bilog c. quarter circle


b. half-circle d. biluhaba

5.

a. bilog c. quarter circle


b. half-circle d. biluhaba
19
Tayahin

Sundan ang mga hakbang na isinalarawan. Iguhit


ang mga hugis na mabubuo at isulat ang ngalan ng
mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1.

2.

20
3.

4.

5.

21
Karagdagang Gawain

Gamit ang natutunang mga pamamaraan sa


paggawa ng mga hugis, gumawa ng sariling disenyo na
nagpapakita ng iba’t ibang klase ng hugis at laki. Idikit ito
sa iyong sagutang papel.
Maaari mong pagbatayan ang larawang ito:

22
23
Karagdagang
Gawain
*Ang pagtatama ay
depende sa kung
matutugunan ang
hinihingi ng
pagsasanay na ito.
Tayahin Isagawa Pagyamanin H Pagyamanin G
1. c 1. a
1. parisukat 2. a 2. a 1. Tatsulok - 4
2. tatsulok 3. b 3. c 2. Bilog/half-
3. tatsulok 4. a 4. b circle/quarter circle -
4. bilog 5. c 5. a 11
5. bilog 3. Parisukat – 3
4. Parihaba – 14
5. Tatsulok at bilog –
15
Pagyamanin F Pagyamanin E Pagyamanin D Pagyamanin C
1. B 1. 18 na parisukat *Susundan ang putol- *Maaaring magkaiba-
2. E 2. 36 na tatsulok (dahil putol na guhit upang iba ang sagot.
3. D ang isang parisukat mabuo ang mga
bilog.
4. C ay katumbas ng
5. A dalawang tatsulok
3. 9 na parihaba
Pagyamanin B Pagyamanin A Balikan Subukin
1. tumpak 1. a 1. quarter circle 1. bilog
2. tumpak 2. b 2. half-circle 2. parisukat
3. lisya 3. d 3. half-circle 3. tatsulok
4. tumpak 4. c 4. quarter circle 4. tatsulok
5. tumpak 5. a 5. quarter-circle 5. parihaba
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Books:

Catud, Herminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and


Rogelio Candido. Mathematics Ikalawang
Baitang Kagamitan Ng Mag-Aaral: Tagalog, 1st ed.
Pasig City: Department of Education - Instructional
Materials Council Secretariat, 2013.

Catud, Herminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and


Rogelio Candido. Mathematics Grade 2: Teacher's
Guide, 1st ed. Pasig City: Department of Education
- Instructional Materials Council Secretariat, 2013.

Most Essential Learning Competencies Matrix K to 12


Curriculum Mathematics (Kindergarten to Grade
12)”, Department of Education, 2020, page
203.

Websites:

WordPress. “Pagguhit ng mga Hugis.” Accessed April 21,


2020.
https://mathinphilippineart.files.wordpress.com/201
5/04/fil-2_03.pdf.

WordPress. “Pagguhit ng mga Hugis.” Accessed April 21,


2020.
https://mathinphilippineart.files.wordpress.com/201
5/04/fil-2_04.pdf.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like