Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DETAILED LESSON PLAN IN

FILIPINO 6

Prepared by:

MARIA KAREN J. MADRIDEJOS

Applicant
DETAILED LESSON PLAN

FILIPINO 6

Nilalaman: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. Naisasalaysay


muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita

A. Pamantayang pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap

Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s


theatre o dula-dulaan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. Naisasalaysay muli ang


napakinggang teksto gamit ang sariling salita
Code: F6PB-IVf-5.6
Kagamitang Panturo: CG-pp138, Mga larawan, tarpapel, slide deck, activity sheet

Guro Mag-aaral
Panalangin Panalangin ng mga mag-aaral

Magandang umaga mga bata! Meron bang Wala po.


lumiban sa klase ngayong araw na ito?

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at o


pagsisimulan ng bagong aralin

Ibigay ang posibleng sanhi at posibleng bunga ng mga


sumusunod na pangyayari sa larawan.

Sanhi: naiwang kandila


Bunga: pagkasunog ng mga
bahay

Sanhi: Basura sa kanal


Bunga: Sakit
Sanhi: Factory at mga sasakyan
Bunga: Sakit

Sanhi: Malakas na bagyo


Bunga: pagkasira ng mga
kabahayan

B. Paghahabi ng bagong aralin

Paghawan ng balakid
Tuklasin Mo

Ang kuwentong iyong mapakikinggan ay tungkol


sa bayanihan na halos nakatatak na sa mga Pilipino.
Alamin kung ano ang kahulugan ng salitang ito sa
pamamagitan ng mga larawang ibibigay.

Suriin ang mga larawang ipakikita.


 Ano ang ipinakikita ng larawan?  Bayanihan
 Ano ang nauunawaan mo sa salitang  Pagtutulungan ng mga
bayanihan? Pilipino
 Paano mo ito maisasagawa sa tahanan? Sa  Pagtulong sa gawaing
paaralan? Sa pamayanang kinabibilangan ang bahay, pagtulong tuwing
bayan ng Paete? brigade eskwela, at
pagtulong sa mga
gawaing pangpamayanan
(Itegrasyon sa ESP at Araling Panlipunan: Kultura ko
Ipinagmamalaki ko) ang bayanihan ay bahagi n gating
kultura. Mayaman an gating bansa sa kultura na
kinagigiliwan ng mga taga ibang bansa lalo na an
gating gawi at asal.

(Localized Pagpapakita ng mga Larawan ng mga taga


Paete na Nagbabayanihan)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

Pagganyak:
Itanong: Naranasan nyo na bang masunugan? Magbabahagi ang mga
mag-aaral ng kanilang
(Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan
sariling karanasan)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Pangganyak na tanong:

Sa ating kuwento ang pangunahing tauhan ay


nasunugan

Bakit kaya nagsisi si Mang Selo sa kaniyang mga


ginawa? Mamaya malalaman natin ang sagot sa
tanong na yan.

Pamantayan sa pabasa

1. Tumayo ng tuwid.
2. Bumasa ng may katamtamang lakas ng boses.
3. Unawaing mabuti ang binasa o napakinggan.

Pagbasa sa Kuwento:

NAMULAT SI MANG SELO Babasahin ng mga bata ang


Si Mang Selo ay isa sa mga may kaya sa kuwento
kanilang baryo. Ngunit siya ay maramot. Hindi siya
mahingan ng abuloy para sa kawanggawa.
Isang araw nagkaroon ng malaking suning sa
kanilang pook. Natupok ang bahay niya at lahat ng
kanyang ari-arian. Ang salaping naitago niya ay
nanakaw pa nang kasalukuyang nagkakasunog. Wala
siyang nailigtas maliban sa damit na suot niya sa
katawan.
Pagkaraan ng sunog, nagging parang pulubi ni
Mang Selo. Wala siyang ma hingan ng tulong. Halos
lahat ng tao sa baryo ay nasunugan.
Walang anu-ano, dumating ang tulong ng Krus
na Pula. Isa si Mang Selo sa tumanggap ng tulong na
pagkain at damit. Halos matulo ang luha ni Mang Selo
sa pagsisisi.
“Diyos ko!” nasambit ni Mang Selo. “Patawarin
po Ninyo ang karamutan ko. Ngayon ko lamang lubos
na naunawaan na malaki pala ang napapakinabang sa
Krus na Pula. Kapag ako’y muling pinalad, hindi na ako
magkakait ng tulong a Krus na Pula.”

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

Gawin Natin: Piliin sa mga larawan ang wastong


pagkakasunod sunod na pangyayari sa binasang
kuwento.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)

Pangkatang Gawain:

a) Pagbibigay ng guro ng mga pamantayan


sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain
(integrasyon sa ESP na binibigyang diin
na ang paggawa ng anumang bagay ay
kailangan may tiwala sa sarili.)
b) Ipaliwanag ang pagmamarka sa bawat
pangkat sa pamamagitan ng RUBRIK.
c) Pagpapangkat ng bata.

Panuto: Pakinggan ang kuwentong “Ang


Langaw at ang Kalabaw” na
Pakinggan ang kuwentong “Ang Langaw at ang babasahin ng lider at pagkatapos ay
Kalabaw” na babasahin ng lider at pagkatapos pagsunod sunurin ang mga
ay pagsunod sunurin ang mga mahahalagang mahahalagang pangyayari sa
pangyayari sa kuwento na nakasulat sa papel. kuwento na nakasulat sa papel.
Isalaysay ito sa harap ng klase gamit ang Isalaysay ito sa harap ng klase gamit
sariling salita.
ang sariling salita.
 
ANG LANGAW AT ANG KALABAW
Isang araw habang si
Kalabaw ay masayang-masayang
naliligo sa ilog. Napuna niya ang
isang langaw sa kaniyang tabi.
“Langaw anong ginagawa mo
rito?”pagalit ang tanong ni Kalabaw.
“Pasensiya ka na. Hindi lamang ako
makalipad sapagkat nabasa ang
aking pakpak,” malungkot ang sagot
ni Langaw. “Ganon ba? Hintayin mo
ako at lulutasin ko ang iyong
problema,” sabi ni Kalabaw kay
Langaw.
Ilang minutong nagdaan at
bumalik si kalabaw na may dala-
dalang mga dahon, inilagay ni
Kalabaw ang isang dahon sa
kaniyang bibig at dahan-dahan
niyang ipinahid sa pakpak ni
Langaw.
Patuloy na ginawa ito ni
Kalabaw upang matuyo ang pakpak
ni Langaw. “Kalabaw maraming
salamat sa iyong pagtulong. Marahil
kung wala ka ay namatay na ako,”
masayang wika ng Langaw.
Hayun, may kalabaw na
kumakain ng damo. Barilin mo na at
baka makawala pa,” ang sabi ng
mangangaso sa kaniyang kausap.
Nakaakma na ang baril nito nang
dumating si Langaw. Lumipad siya
nang paikot ikot sa tainga ng
mangangaso hanggang sa bigla na
lamang napaputok nito ang baril.
Nang marinig ni Kalabaw ang
putok, kumaripas ito nang takbo.
Makalipas ang isang lingo, muling
nagkita ang dalawa at naikuwento
ni Langaw kay Kalabaw ang
kaniyang ginawang pagbabayad ng
utang na loob.
 
1. si Kalabaw ay masayang-
masayang naliligo sa ilog

2. Hindi lamang ako makalipad

3. si kalabaw na may dala-


dalang mga dahoon

4. Lumipad siya nang paikot


ikot sa tainga ng
mangangaso

5. Nang marinig ni Kalabaw ang


putok, kumaripas ito nang
takbo
 

G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na


buhay

Paano mo ikukuwento sa ibang tao ang isang kuwento Ikukuwento ito ng may tamang
o pangyayari na iyong napakinggan o nasaksihan? pagkakasunod sunod ayon sa
nabasa o napakingan
H. Paglalahat ng Aralin

Paano napagsusunud-sunod ang mga detalye ng Uunawaing mabuti ang kuwento


isang kwento ? upang maisalaysay muli gamit
ang sariling salita
I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Panuorin at unawaing mabutiang kuwento.


A. Isulat ang 1, 2, at 3 sa patlang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento?
_____1. Mapanganib ang gubat kaya nangako sila sa isa’t isa
na magkasama kahit anong mangyari.
_____2. Ilang saglit pa ay may narinig silang malakas na
tunog mula sa isang oso na papalapit sa kanila.
_____3. May dalawang magkaibigan, si Ron at si John na
nagpasyang libutin ang buong mundo nang magkasama. At
napagpasyahan nilang pumunta sa kagubatan.

B. Paano nakaligtas si John sa oso matapos siyang iwan


ni Ron? (2 puntos)
4-
5.__________________________________________

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin


at remediation

Basahin ang kuwentong “Ang Alamat ng Pinya” at


isalaysay ito ng may tamang pagkakasunod-sunod
gamit ang sariling salita.

Prepared by:

MARIA KAREN J. MADRIDEJOS


Applicant

You might also like