Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 1

Wikang Filipino

Modyul 003 WIKANG FILIPINO

Layunin:

1. Nakapagbibigay ng mga tiyak at kongkretong impormasyon ukol sa wikang


Filipino at sa kasaysayan nito;
2. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap at matalunton ang mga sanhi at
bunga ng pagkakaroon ng pambansang wika;
3. Nailalahad ang mga batas na may epekto noon hanggang ngayon sa wikang
Filipino;

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Anumang mayroon ang kasalukuyan ay mahalagang pag-aralan ang pinagmulan upang


maipaliwanag ang ilang pangyayari na may epekto mula sa nakaraan. Tulad ng isang wikang
umuusbong at nagbabago ay dapat taluntunin ang kasaysayan upang maunawaan ang
kabuuan at ambag sa kalikasan ng yumayabong na wikang umiiral sa ngayon.

PANAHON NG PRE-KOLONYAL

Batay sa nakalap na impormasyon at pag-aaral ng mga dalubhasa, ang lahi at


wikang pinagmulan ng Pilipino ay nanggaling pa sa Austronesians (Ma. Luisa
M. Cantillo, et. Al. 2016). Ang salitang Austronesian ay nagmula sa salitang
Latin na auster(hangin) sa Timog at ng Griyegong nesos (Isla). May dalawang
teorya kung saan nagmula ang mga Austronesians: (A) nanggaling sa Tangway
Course Module
Malayo at nakarating sa Indonesia, Pilipinas, mga kapuluan sa Pacific at
Madagascar. (B) Nagmula sa talampas Tunnan sa Tsina simula noong 200 B. C.
E.

Sinasabing ang wikang Austronesian ay batayan ng maraming wika sa


Pilipinas. Ang mahigit walumpung wika sa Pilipinas ang nag-uugnay sa mga
Austronesian kung saan hawig ang pagbilang numero ng mga Ifugao, Tagalog,
Cebuano, mga Maranaw at iba pa.

Samakatuwid, mahihinuhang ang wikang Filipino ay ambag ng iba’t ibang wika


mula sa iba’t ibang lahi at kultura mula sa iba’t ibang dako ng daigdaig. Kaya
hindi rin nakapagtatakang maging multikultural ang bansang Pilipinas lalong
lalo na sa wika.

Nag-iiba-iba man sa wika ay may ilang pagkakahawig o pagkakatulad naman


sa paraan ng pagsulat o alpabeto ang bansang Pilipinas na tinatawag na
baybayin.

Ang baybayin ay dating nakabaybay sa salitang bai-bayin mula sa Timog


Katagalugan.

Ayon sa ilang mananaliksik isa lamang ang baybayin sa paraan ng pagsulat o


alpabeto ng mga sinaunang katutubo. Sa ibang panig ng bansa tulad sa
Pampanga ay kulitan ang kanilang tawag sa kanilang alpabeto, sa Mangyan
naman ay surat at sa mga Bisaya naman ay Badlit. Ano man ang katawagan
ay makikitang katangian ay papantig ang paraan ng pagsulat o isang pantig
ang tinataglay ng bawat karakter o simbolo.

Ang ilang purista sa paggamit ng baybayin ay hindi nagkakaroon ng kaltas ng


isang letra kaya kung babaybayin ang salitang buhay ay magiging bu-ha. Hindi
naging malinaw ang nagging sistema sa pagbasa at pagsulat dahil ang ilang
datos at ebidensya ng pinagmulan at orihinal na kultura ng mga sinaunang
katutubong Pilipino ay binura ng mga Espanyol dahil sa hangaring
makapagtatak ng panibagong kulturang iiwan nila sa mga katutubong Pilipino.

PANAHON NG ESPANYOL
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 3
Wikang Filipino

Mula nang tinanggap ng mga sinaunang katutubong Pilipino ang mga Espanyol
maraming nagbago dahil sa pagyakap ng mga Pilipino sa hangarin ng mga
Espanyol.

Isa sa mga pagbabagong iyon ay ang pagpapalit ng paraan o paggmit letra na


mula sa baybayin ay naging Romanisado na ang ginagamit na letra. Itinuro ang
abecedario. Maging ang panitikan ay nakatuon lamang sa relihiyon. Sa
sitwasyong yaon hindi nakapagtatakang nagkaroon na rin ng mga pagbabago
sa kultura.

Nang tuluyang pamahalaan ng hari ng Espanya ang Pilipinas ay nagkaroon ng


kautusang pangalagaan ang mga katutubo at ituro ang mga wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit hindi ito sinunod ng mga prayle at pamahalaan bagkus sila
ang nag-aral sa wikang bernakular at saka itinuturo ang konsepto ng relihiyon
sa pamamagitan ng partikular na wika sa isang lugar.

Nabanggit sa isang bahagi ang pagbura ng ilang kultura sa ilang bahagi ng


bansa ng mga Espanyol ngunit matapos ang maisagawa ang pagbubura ay siya
namang pagsusulat at pag-aambag ng aklat ng mga prayle ukol sa kulturang
mayroon ang mga sinaunang Pilipino.

Nag-ambag ng mga aklat ang mga prayle na nauukol sa relihiyon at moralidad,


gayundin ang ilang aklat na gabay sa pagsasalin ng mga dasal sa wikang Kastila
tungo sa wikang Tagalog at ilang diksyunaryo tulad ng mga sumusunod
(Marga B. Carreon, et. Al. 2017):

 Doctrina Christiana Lengua Española De Tagala (1953)

 Urbana at Feliza ni Modesto Castro

Course Module
 Vocabulario dela Lengua Tagala ni Padre Pedro De San
Buenaventura (1613)

 Vocabulario De La Lengua Pampango ni Padre Bergano


(1732)

 Vocabulario dela Lengua Bisaya ni Mateo Sanchez (1711)

Kung susuriin sa sakop na panahon ay kailangang marunong sa dalawang wika


o bilingual ang kaalaman at kakayahan ng isang tao dahil wikang bernakular
at wikang Kastila ang umiiral.

Kaya naman sa panahong ito ay lumaganap din ang pagbuo ng mga panibagong
salita o wika dahil sa impluwensya ng mga Espanyol. Hindi nakakapagtakang
may naiwang mga wikang naging dayalekto sa kasalukyan tulad ng Chavacano
na may pagkakatulad sa wikang Kastila. May mga pag-aangkin ding ginawa sa
ilang wika na naging ekspresyon at tuluyan nang naging bahagi ng wikang
Tagalog at Filipino.

Sa loob ng mahigit tatlong daang taon hindi naturuan ang mga katutubo ng
wikang Kastila maliban na lamang kung sila ay mayaman ang estado sa
lipunan. Kung naturuan man silaý hindi ganap ang pag-unawa sapagkat
pagkakabisado lamang ang isinagawa sa ilang dasaling nasa wikang Kastila.

Panahon ng Propaganda

Ang propaganda ay pagpapakalat ng anumang ideya, balita, impormasyon


totoo man o hindi upang maging sanhi ng anumang akusasyon o magkaroon
ng epektong maganda o hindi maganda sa isang pangkat o organisasyon.

(1872-1892) Sa panahong iyon ay unti-unting nagiging palasak na ang


kamalayan, kalayaan at maraming naghahayag ng mga opinyon at saloobin
ukol sa mga isyung panlipunan tulad sa lugar ng Europa.

Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkaroon na rin ng propaganda sa Pilipinas ay


dahil sa mga sumusunod:

 Ang pagbubukas ng Suez Canal upang magkaroon


ng malayang kalakalan sa pagitan ng Asya at
Europa.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 5
Wikang Filipino

 Dahil may mga naglakas ng loob na mag-aral


upang matulungan ang bansa ay nagkaroon ng
pagkakataong maihayag ang mga katiwalian at
mga karapatang dapat natatamo ng mga Pilipino.
Karamihan sa mga taong ito ay naihahanay sa
mga Mestizo de Sangley (anak ng negosyanteng
Tsino at isang katutubong Pilipino, Mestizo de
Español kapag anak ng isang purong Espanyol at
isang Pilipino). Kaya naman nakapasok ang
diwang liberal sa Pilipinas.

 Ang pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos


Maria Dela Torre na nais magkaroon ng pantay na
pagtingin sa mga mamamayan, at;

 Pagpaslang sa GOMBURZA.

Kung susuriin ang ginamit na wika nina Dr. Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at iba pa ay ang wikang Kastila na isang pagsubok
sapagkat diretsahan ang pagpapaalam sa kalaban nang gamitin ang wikang
Kastila at hindi naging madali ang paghahatid ng impormasyon sapagkat hindi
ito nakasalin sa wikang bernakular.

Naging sentimiyento naman ni Dr. Jose P. Rizal na ang wika mismo na mayroon
sa isang bansa ang dapat na gamitin upang pagtibayin at mapalalim ang
katauhan ng damdaming makabayan ng mga mamamayan ng bansa.

Dahil na rin sa tulong ng nakararami naging epektibo ang mungkahi at ideyang


ito ni Dr. Rizal dahil sa malinaw na pakikipag-ugnayan ng mga taong
nakaunawa at nanindigan.
Course Module
Nang maisakatuparan ang mga mungkahi at mga ideyang ibinahagi ng mga
nagpasimula nito sa kasaysayan ng Pilipinas ay ipinagpatuloy ito ng mga
pangkat sa bansa.

Nang magkaroon ng konstitusyong Biak na Bato noong 1899 ginawang wikang


opisyal na wika ang Tagalog. Naging instrumento ang wikang ito upang pag-
ugnayin ang mga nagkakaisang Pilipino sa buong bansa.

PANAHON NG AMERIKANO

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

(Bahagi mula sa tulang ‘Kung Tuyo Na ang Luha mo, Aking Bayan’ ni Amado V. Hernandez)

Mahihinuhang sa tula ay makikita ang lohika ng pagpasok ng mga Amerikano


sa tunggaliang Pilipino-Espanyol.

Matapos ang pagtulong ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay nabalitaan ang


ipinagbebenta ng mga Espanyol sa Amerikano ang Pilipinas sa pamamagitan
ng Treaty of Paris.

Nagkaroon na naman ng panibagong yugto ang pagbabagong naganap sa


wikang mayroon ang bansang Pilipinas.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 7
Wikang Filipino

Binigyang laya ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa edukasyon na laging


ipinagkait ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga Thomasites ang ipinadala ng bansang Amerika upang magturo sa mga
Pilipino at dahil sa napakaraming wika ang umiiral sa bansa ay nahirapan
silang magturo.

Ang ginawang wikang panturo at wikang opisyal upang maging mabisa umano
ang pagtuturo ay ang wikang Ingles dahil sa maraming pagkakaiba-iba na
wikang taglay ng bansa ngunit tinutulan ito ni Jorge Bacobo dahil mas mainam
umanong ituro ang mga paksa sa sariling wika. Ilan din sa mga sumusunod ang
tutol din sa paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo (Ma. Luisa M.
Cantillo, et. Al., 2016):

 Joseph Ralston na dating bise gobernador at


tagapagtaguyod ng edukasyong Amerikano. Ayon sa
kaniya ginagamit ng mga Pilipino ang mga katutubong
wika sa pang-araw-araw na gawain at hindi kailangang
gamitin ang wikang Ingles.

 Ang Syrian-American na si Najib Mitry na isang


manunulat. Na batay sa kaniya ay hindi dapat gawing
monolingguwal ang gamiting panturo.

 Si Saleeby na isang mananaliksik at manunulat. Para


naman sa kaniya ay kahit kailan ay hindi magiging
wikang panlahat ang wikang Ingles kahit pa gaano ito
kahusay na naituro dahil ang mga Pilipino ay may
kaniya-kaniyang wikang bernakular na ginagamit.

Course Module
Kahit tinutulan ito ng ilang tao o eksperto ay ipinagpatuloy ang wikang Ingles
bilang wikang panturo at wikang opisyal lalo na sa pamahalaan at naging
pantulong sa wikang bernakular upang makipagkomunikasyon sa iba pang
wika.

Kaya naman naging mataas ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga Kanluranin
dahil sa kung anong mayroon ang bansang Amerika tulad ng maunlad na
ekonomiya, marangyang pamumuhay at kakaibang kultura na kinagigiliwan.
Kung mapapansin sa kaisipan at sikolohika rin ng mga Pilipino partikular sa
wika na kapag magaling mag-Ingles ay matalino na.

Kapag tatanungin naman ang kalagayan ng wika ng bansa ay nalimot ito dahil
sa tuwirang pagtupad ng regulasyong Ingles ang dapat gamitin lalo na sa
paaralan at pamahalaan.

PANAHON NG HAPON

Nang pumasok naman sa bansa ang mga Hapon dahil sa pagtatakda ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging buhay naman ang kalagayan ng
wika sa bansa. Dahil sa Order Militar Blg.13 na nag-uutos na gawing wikang
opisyal ang wikang Tagalog at wikang Hapon. Naglalayon itong burahin ang
ano mang kultura, kaugalian at paniniwalang Amerikano sapagkat may
paniniwala ang mga Hapon na ang mga bansa sa mga Asya ay para sa Asya
lamang.

Dahil sa kautusang yaon ay naging mayabong ang panitikang Pilipino


particular na sa paggamit ng wikang Tagalog. Kaya naman tinawag ito
“Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog”.

PANAHON NG ‘MAKASARILI at MALASARILING’ PAMAMAHALA

Nang ibinigay na ng mga Amerikano ang pagkakataong pamunuan na


ng mga Pilipino ang bansang Pilipinas ay pinahayag ng iba ang isyu ukol sa
batas gayundin ang usaping pangwika.

1934
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 9
Wikang Filipino

Sa panahong ito ay pinangunahan ni dating Pangulong Manuel L.


Quezon ang pagsasabatas sa kikilalaning pambansang wika ng bansa.
Nagsagawa ng pagbuo at pagsusog ng ilang batas upang maging batayan ng
lahat.

1935

Nang mabuo na ang Saligang Batas ng Pilipinas ay nagkaroon na ng


pagtatadhana ukol sa wikang pambansa ng Pilipinas. Makikita ito sa Seksyon
3, Artikulo 14 ng Saligang Batas 1935. Nakasaad dito na:

“Äng Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.”

1936

Oktubre 27 ng taong nakatala ay naghayag si dating Pangulong Quezon


na bumuo ng isang organisayon na susuri sa lahat ng wikang umiiral sa bansa
at upang maaral ang pinakagamitin o umiiral na wika sa buong bansa na
magagamit bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Parehong taon sa tala, Nobyembre 13 ay pinagtibay na sa Kongreso ang


Batas Komonwelt blg. 14 na nagtatakda at nagtatatag sa Surian ng Wikang
Pambansa.

1937

Sa ika-12 ng Enero ay hinirang ang mga sumusunod na tao upang


suriin ang wikang umiiral sa buong bansa at alamin kung ano nga ba ang
magagamit na wikang pambansa ng Pilipinas

Tagapangulo: Jaime C. De Vera (Bisayang Samar-Leyte)


Course Module
Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)

Mga Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano)

Felix Salas Rodriguez (Panay)

Santiago Fonacier (Ilocano)

Casimiro Perfecto (Bikolano)

Hadji Butu (Moro)

Nang sumapit ang ika-9 ng Nobyembre, batay sa pag-aaral ng mga


tagasuri sa Surian ng Wikang Pambansa ay napagtibay na ang wikang Tagalog
ang wikang Pambansa ng Pilipinas alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 ng
Kautusang Tagapagpaganap.

Ang ilang dahilan kung bakit umano ang wikang Tagalog ang naging
wikang pambansa ay dahil sa mga sumusunod:

o Nahahawig umano sa ilang at ibang wikain sa bansa, mula sa


ponetiko, baybay, ortograpiya at iba pa.

o Ang wikang Tagalog ang may kakanyahan na madaling


intindihin.

o Ginagamit ang wikang Tagalog bilang midyum ng magkaibang


etniko, edukasyon, pamahalaan at kalakalan.

Matapos ang ilang pag-aaral at pagsusog sa pasyang gawing wikang


pambansa, noong buwan ng Disyembre 13, ang wikang Tagalog ay naglabas
muli ng kautusan ang dating Pangulong Quezon sa pamamagitan ng Kautusang
Tagpagpaganap Blg. 134 inihayag niyang ang wikang Tagalog bilang batayan
ng wikang pambansa.

1940

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril,


pinahintulutan na makapaglimbag ng mga diksyunaryo at isang Gramatika ng
Wikang Pambansa.

Sa parehong buwan at taon din ay ipinalabas ng dating kalihim na si


Jorge Bacobo ang isang Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 na Pagtuturong
Pambayan. Sinundan ng Sirkular Blg. 26 Serye 1940 ng Patnugot ng
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 11
Wikang Filipino

Edukasyon Celedinio Salvador, na nagtuturo ng wikang pambansa ay


sinimulan muna sa mataas na paaralang normal.

Buwan naman ng Hunyo ay pinagtibay ng Pambansang Kapulungan ang


Batas Komonwelt Blg. 370 na ang wikang pambansa ay siya ring wikang
opisyal ng Pilipinas.

1946

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakapagpalabas


ang Surian ng Wikang Pambansa ng isang diksyunaryo at patnubay ukol sa
ortograpiya ng pambansang wika.

1947

Ang dating Pangulong Manuel A. Roxas ay naglabas ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 84 na ang Surian ng Wikang Pambansa ay ipasailalim sa
Kagawaran ng Edukasyon.

1954

Ang Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan ni dating Pangulong Ramon


Magsaysay. Ito ay naghahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Pambansang
Wika mula Marso29 hanggang Abril 4. Itinatapat ang pagdiriwang sa
kaarawan ni Balagtas bilang pagpapahalaga sa makata.

1955

Muling lumagda si dating Pangulong Ramon Magsaysay ng isang utos


na tinawag na Proklamasyon Blg. 186. Naglalahad ito na ang Linggo ng Wika
ay ililipat sa petsa ng Agosto 13-19 bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng
dating Pangulong Manuel L. Quezon na kinilalang Ama ng Wikang Pambansa.

Course Module
1959

Agosto 13 nang magpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 mula


sa pamumuno ni dating Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, na ang wikang
pambansa ay tatawaging Pilipino.

1962

Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 ay inilabas ni Alejandro Roces


na ang mga sertipiko at diploma sa taong panunuran 1963-1964 ay ililimbag
sa saling Pilipino.

1963

‘’Gayunman, nayanig ang wikang “Pilipino” nang ihain ni Kongresista


Inocencio Ferrer ng Negros ang isang kaso laban sa pinalalaganap na wika ng
NLI at ibá pang ahensiya ng pamahalaan noong 8 Pebrero 1963 sa Court of First
Instance ng Maynila. Ipinawalangbisà ng Court of First Instance, Korte sa
Apelasyon, at Korte Suprema ang kaso subalit naging pagkakataón ito upang
umani ng batikos ang wikang Pilipino(…)’’

(Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion
G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; 2016)

1968

Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas ang isang kautusang Memorandum


Sirkular Blg. 172 na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at
tanggapan at mga sangay nito ay isusulat sa Pilipino. Maging ang pormularyo
ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaan ay
nag-uutos na sa Pilipino ito ihayag.

1969

Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ni Ferdinand


Marcos na nag-uutos na gamitin ang wikang Pilipino sa pagdiriwang Linggo ng
Wikang Pambansa, opisyal na komunikasyon at transaksyon sa pamahalaan.

Ang Memorandum Sirkular Blg. 227 na nilagdaan ni Ernesto Maceda,


dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na nag-uutos sa mga pinuno at
kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na isinasagawa ng Surian
ng Wikang Pambansa sa mga piling lugar sa Pilipinas.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 13
Wikang Filipino

1971

Sa nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang


Tagpagpaganap Blg. 304 ay inihayg niya ang paglilinaw ng mga tungkulin at
kapangyarihan ng Surian ng Wikang Pambansa.

1972

Nag-atas ang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Surian ng Wikang


Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa lahat ng wikang sinasalita sa bansa
na alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas.

1974

Naglabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ng pagpapatupad ng


Patakarang Bilingguwal na paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa
magkahiwalay na asignatura.

1978

Mula sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 ay nilagdaan ng dating


Ministro ng Edukasyon at Kultura na si Juan L. Manuel na isama ang
asignaturang Pilipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaan.

1986

Nagkaroon ng pagrerebisang muli ng konstitusyon ng Pilipinas upang


mapawalang-bisa ang Saligang Batas 1973. Pinagtibay ang seksyon ukol sa
wika.

1987

Sa Konstitusyong 1987, Artikulo XIV Seksyon 6:

Course Module
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring


ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

1988-1990

Ang dating Surian ng Wikang Pambansa ay tinawag na Linangan ng mga


Wika sa Pilipinas.

1991

Nang lagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Republic Act


Blg. 7104 na naglalahad na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay
tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino.

1997

Naglabas si dating Pangulong Fidel V. Ramos ng isang proklamasyon


Blg. 1041 na ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa.

2001

Mula sa Pangkagawaran Blg. 45, naglabas ang Komisyon sa Wikang


Filipino ng isang istandardisadong gabay sa ortograpiyang Filipino, ang 2001
Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2006

Nang mailabas ang kautusang Pangkagawaran Blg. 42 ay ipinasuspinde


ang implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino at nagtakda ng pansamantalang paggamit ng ilang gabay sa
ortograpiyang Filipino. Ito ay ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino.

2008
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 15
Wikang Filipino

Mayo nang maglabas ng isang burador ang KWF ng Gabay sa


Ortograpiya ng Wikang Pambansa na ang batayan ay ang 1987 Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2009

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng isang pinal na


ortograpiya dahil sa Sangay ng Lingguwistika, Ang Gabay sa Ortograpiyang
Filipino.

2013

‘’Hinimay ang mga programa at proyekto ng KWF mula 2013 hanggang


2015 na mahigpit na pinapatnubayan ng isang malinaw na bisyon, misyon, at
plano para sa wika. Sa pamamagitan ng artikulong ito ay matutunghayan ang
halaga ng pagpaplanong wika dahil dumaratíng ang panahong yayanigin at
paguguhuin ang mga naitatag na kaayusan ng isang wika. At ang pagyanig at
pagguhong ito ay lumalampas sa hanggahan ng wika—kung hindi
matutugunan, magiging banta ito sa lehitimidad ng Estadong kinakatawan ng
wikang ito at magiging panganib sa soberaniyang pambansa.’’

(Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion
G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; 2016)

Course Module
References and Supplementary Materials

Books and Journals

1. Marga B. Carreon, Rosalina S. Molines, Auggene John D.A. De Vega, Cely Y. David, Marites
D. Galang at Rachel T. Turrano; 2017;DUPIKAL, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kuluturang Pilipino;Malabon City;Mutya Publishing House, Inc.
2. Rolando A. Bernales, Elyria C. Bernardino, Aurea A. Cantillon, Gina E. Eugenio, Nelson
G. Ramirez, Rosalie G. Yap, Dolores N. Gonzales, Enrico M. Pilongo, Marilou S.
Alonzo;2014; WIKAT AT KOMUNIKASYON sa Nagbabagong Panahon; Malabon
City;Mutya Publishing House, Inc.
3. Ma. Luisa M. Cantillo, Arjohn V. Gime, Dr. Alexander P. Gonzales; 2016; SIKHAY Aklat sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang;
Quezon, City; St. Bernadette Publishing House Corporation.
4. Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion G.
Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; Isang Sariling
Wikang Filipino Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino; KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO; 2F Watson Building, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005; 2016
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 17
Wikang Filipino

Online Supplementary Reading Materials

1. INTRODUCTION TO PSYCHOLOGY;
https://opentextbc.ca/introductiontosociology/chapter/chapter1-an-introduction-
to-sociology/; Sept. 7, 2018

Online Instructional Videos

1. KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO;


https://www.youtube.com/watch?v=URzOZGMEfyM ; Oct. 3, 2018
2. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA;
https://www.youtube.com/watch?v=CDy8uBKmquU ; Oct. 3, 2018

3. Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa;


https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To; Oct. 3, 2018

Course Module

You might also like