Bakit Sinusunod Natin Ang Katuruang Judio

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kami kasi ay nagpasakop na sa Bayan ng Dios.. Kayo hindi pa ba?

Hindi pa kayo kasama dahil hindi yan itinuro sa inyo. Sana makabilang ka rin
pagdating ng araw sa Bayan ng Dios.

Bakit kami sumusunod sa Kautusang para sa Hudio?

SAPAGKAT KAISA NA KAMI SA BAYANG ISRAEL NA BAYAN NG DIOS.

Efeso 2:11-14:

"Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una,

mga GENTIL SA LAMAN,

tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga


kamay:

Na kayo nang panahong yaon ay mga HIWALAY KAY CRISTO,

na mga DI KABILANG SA BANSA NG ISRAEL,

at MGA TAGA IBANG LUPA TUNGKOL SA MGA TIPAN NG PANGAKO,

na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.

DATAPUWA'T NGAYON kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay INILAPIT SA
DUGO NI CRISTO.

Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na

KANIYANG PINAGISA ANG DALAWA, at IGINIBA ANG PADER na nasa gitna na


nagpapahiwalay,"

1. Noon mga Hentil tayo sa laman


2. Hindi pa kabilang sa Bayang Israel
3. Itinuturing noon ng mga taga ibang lupa tungkol sa mga Tipan ng Pangako.
4. Dumating si Cristo at inilapit niya tayo sa Kanya
5. Giniba ang Pader na nagpapahiwalay at pinagisa ang dalawa.

SAMAKATUWID. KAMI'y KABILANG NA SA BAYANG ISRAEL.. IPINAGKAISA NA KAMI NI CRISTO SA


KANYANG BAYAN.

KUNG KABILANG NA KAMI SA BAYAN NG DIOS NA ISRAEL.. ANO ANG KALAGAYAN NATIN BILANG
MGA GENTIL?

Rom. 2:28-29:

"Sapagka't siya'y HINDI JUDIO KUNG SA LABAS LAMANG; ni magiging pagtutuli yaong
hayag sa laman; Datapuwa't siya'y

JUDIO SA LOOB;

at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang


kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios."

Mga Judio na raw sa loob o Spiritual.

BUKOD SA KABILANG NA KAMI SA BAYANG ISRAEL AT HUDIO SA SPIRITUAL.. BAKIT KAILANGAN


NAMING SUNDIN ANG ARAL NG MGA HUDIO?

Rom. 3:1, 2:

"Ano nga ang KAHIGITAN NG JUDIO? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? MARAMI SA
ANOMANG PARAAN: ANG UNA SA LAHAT, AY

IPINAGKATIWALA SA KANILA ANG MGA ARAL NG DIOS."

Sa mga JUDIO pala ipinagkatiwala ang ARAL NG DIOS eh. Yan ang tinatawag na "ARAL NA
BUHAY".

Gawa. 7:38:

"Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya
sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang

NAGSITANGGAP NG MGA ARAL NA BUHAY UPANG IBIGAY SA ATIN:"

Kaya ang mga Hentil na KABILANG NA SA BAYAN NG DIOS AY PAWANG MGA TAGASUNOD NA RIN
NG ARAL NA BUHAY NA IPINAGKATIWALA SA MGA JUDIO. At ang mga tumututol dito ay
maliwanag na HUWAD AT HINDI KABILANG SA BAYAN NG DIOS. ANG DALA NILA AY ARAL NA
PATAY.

You might also like