SDA - Spiritual Israel

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG GENTIL, AYON SA BANAL NA KASULATAN.

Paki check at baka isa kapa doon.

Pag sinabing Gentil, ang tinutukoy dito ay mga taong hindi Judio sa panahon ng mga
apostol. Turing sa kanila ay ang mga sumusunod:

1. Maruruming hayop - Gawa 10:28

2. Taga ibang lupa o dayuhan - Efeso 2:11

3. Hiwalay kay Cristo - Efeso 2:11

4. Hindi kabilang sa bansang Israel - Efeso 2:11

5. Walang pag-asa - Efeso 2:11

6. Walang Dios - Efeso 2:11

7. Makasalanan - Galacia 2:15

Kaya tinawag si apostol Pablo ng Panginoon na maging apostol sa mga Gentil, upang
ang kaligtasan ay makarating sa kanila, ganito ang ating mababasa,

" Maging hayag nawa sa inyo, na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga
Gentil...." Gawa 28:28

Si Cristo Jesus ay isang Judio - Lucas 2:11, kaya nasabi ni Juan ito, basa!!!!!,

" .........ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio." Juan 4:22

Mga naging Judio ang lahat ng iniligtas ni Cristo Jesus, nasusulat,

" Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at


mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga NAGING JUDIO. "
Gawa 2:10

Si Cristo Jesus ang Tagapagligtas ng mga Judio at ng mga Gentil - Juan 3:16, iisa
sila kay Cristo, nasusulat,

" Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang
magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. "
Galacia 3:28

Tatawagin silang mga, " spiritual Israelites ", ganito ang pagsabi ni apostol
Pablo,

" Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na
Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: Na
kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng
Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at
walang Dios sa sanglibutan. " Efeso 2:11-12

Ang mga Gentil ay tinawag upang maging mga Judio. At narito sila,

" ..... isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa
at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan
at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa
kanilang mga kamay; " Pahayag 7:9
" At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas ...." Roma 11:26

Sila ang mga Gentil na naging Judio sa espiritu.

You might also like