Fil10 3rd quarterPDF 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Berong National High School


Berong, Quezon, Palawan

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO- 10

Pangalan:_______________________ Petsa:__________
Iskor:_________

Panuto: Piliin at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. Panlapi b gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
___2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Pangangatuwiran b. paglalahad c. paglalarawan d. pagsasalaysay
___3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. Tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
___4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan
sa isip ng mambabasa.
a. Nobela b. karilyo c. dula d. maikling kuwento
___5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. Idyoma b. matatalinghagang pananalita c. simbolismo d. tayutay
___6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin b. malaya c. blangko berso d. tradisyonal
___7. Piliin ang pinakamalapit na salin.

“A negative mind will never give you a positive life.”

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”


b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

Para sa bilang 8-11


Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala n gating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa
tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay
ng mga tao , sa mundo, ito ay dahil sa nagging pambansang batayan ang
nakakamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela


___8. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang____________.
a. Pagtanggi at paglaban sa batas
b. Pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. Malalim na sakit na dala-dala n gating mga puso
d. Hindi pagkapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
___9. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. Pagtanggi sa rasismo
b. Pagkalugmok ng sarili
c. Espiritwal at pisikal na kaisahan
d. Paghihiwalay ng mga tao sa mundo
___10. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkakalugmok ng isang bansa ay ang ___________.
a. Pagpapahirap sa mamamayan
b. Pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. Pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. Di-pantay na pagtingin sa mga mamayang iaba-iba ang estado sa buhay
___11. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng _____________.
a. Paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran
___12. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
___13. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.” Ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. Nais b. mithi c. hangad d. pangarap
___14. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Itago b. ilibing c. kalimutan d. magpatawad
___15. Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa ______.
a. Kanlurang Asya b. Silangang Asya c. Kanlurang Africa d. Silangang Africa

Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong. Salungguhitan ang tamang
sagot.

Noong unang (16.) Time (Bagyo, Oras, Panahon) ang kalangitan at ang kalupaan ay mag-asawa. Sila ay
may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kaniya-kaniyang (17) Covered (palaruan,
nasasakupan, palayan). Si Langit ay dyosa ng (18) Galaxy (kalawakan, lupain, kalangitan) at si (19)
Pond (kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay dyosa ng Katubigan. Sina Langit at Tubigan ay (20)
Married (nag-iibigan, nagpakasal, magkababata) at an ganging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa
ang babae. Si Dagat ay (21) Chic (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay
mulato. Si Aldaw ay (22) Cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki ang katawan ay ginto. Si Bulan
ay isang (23) Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bitoon ang
(24) Only (tanging, marami, grupo) babae na maganda ang katawan at kulay (25) Silver (pilak, ginto,
tanso).

Tukuyin at salungguhitan ang mga ginamit na ekspresyong nagpapahayag ng layon o damdamin.

26. Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?


27. Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
28. Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
29. Halika, tingnan mo ito at napakarikit.
30. Pangako, hindi kita iiwan.

Inihanda Ni:

GELINE T. MILLENDEZ
Guro sa Filipino

II. Performance Assessment

Gumawa ng isang tula na may limang saknong at malayang taludturan. Talakayin sa tula ang naging
ambag sa panitikan ng bansang Africa. Gumamit ng mga pang-ugnay na salita.

Pamantayan:

Paksa – 30
Pang-ugnay na salita- 20

You might also like