Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ADDITION HILLS INTEGRATED SCHOOL

Acacia Lane Ext., Welfareville Compound, Addition Hills, Mandaluyong City


ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig

Pangalan: Petsa:

Baitang at Seksyon: Iskor:

MODYUL 1: HEOGRAPIYA AT SINAUNANG PAKSA: HEOGRAPIYANG PANTAO


KABIHASNAN SA DAIGDIG
MELC: Napahahalagahan ang natatanging kultura IKALAWA AT IKATLONG LINGGO
ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig
(lahi, pangkat-etnolingguwistiko at relihiyon sa
daigdig. (AP8HSK-Ie-5)

HEOGRAPIYANG PANTAO
- Ito ay distribusyon ng mga tao, ang kanilang katangiang kultura at mga gawain sa ibabaw
ng mundo.
APAT NA SAKLAW NG HEOGRAPIYANG PANTAO
A. WIKA
 Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
PANGUNAHING PAMILYA NG WIKA SA DAIGDIG
1. Afro-Asiatic
2. Austronesian
 Tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng Malayo Polynesian na kabilang sa
malaking pamilya ng wika sa daigdig, kabilang dito ang wikang Filipino.
3. Indo-European
 Pinakamadaming gumagamit na wika.
4. Niger-Congo
5. Sino-Tibetan

B. REHIYON
 Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao patungkol sa kinikilala
nilang diyos.
 Nagmula sa salitang “religare” na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnay ang kabuuan nito”.
 Nagiging batayan ang relihiyon sa pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
MGA KILALANG RELIHIYON SA DAIGDIG
1. Kristiyanismo
 Relihiyong may pinakamaraming taga-sunod.
 Si Hesus ang itinuturing na Messiah o “The Anointed One” ng Israel.
 Bibliya ang batayan ng kanilang relihiyon.
 Pope/Papa pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko.
 Sa Rome, Italy partikular sa lungsod ng Vatican, matatagpuan ang sentro ng
Simbahang Katolika.
2. Islam
 Isa sa pinakabatang relihiyon na nakabatay sa katuruan ni Mohammed tungkol sa
pagsamba at pagsunod sa iisang diyos na si Allah.
 Pangalawa sa may pinakamaraming tagasunod at pinakamabilis na bahagdan ng
paglaki ng populasyon.
 Mecca pinakamabanal na lugar para sa mga Muslim.
 Qur’an (Koran) pinakabanal na aklat ng mga Muslim.
 Salat ang pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw na nakaluhod
sa lupa at nakaharap sa direksyon ng Mecca.

3. Hinduismo
 Nagmula sa wikang Persia na “Hindu” na nangangahulugang India.
 Pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
 Ang Hinduismo ay nangangahulugang “relihiyon ng mga tao sa India”.
 Vedas ang pinakamatandang kasulatan ng mga Hindu at pinaniniwalaang
pinakamatandang banal na kasulatan.
 Ito ay maituturing na Politeismong relihiyon (maraming kinilalang diyos).
 Brahma-“tagapaglikha”
 Vishnu- “tagapanatili’
 Shiva-“tagawasak”
4. Budismo
 Ito ay isa sa relihiyong nangibabaw sa Asya.
 Ito ay nagkakaisa sa pananalig sa aral ni Buddha.
 Dharma ang tawag sa mga aral ni Buddha.
 Siddharta Gautama ang sinasabing nagtatag ng relihiyong Budismo.
 Gautama “Ang Isang Naliwanagan” o “The Enlightened One”.
 Nirvana ay tumutukoy sa pagtatamo ng espiritwal na kapangyarihang walang
pagkakasakit, kasakiman, kapootan at panlilinlang.
 Monghe ay ang tawag sa mga taong nagtatalaga ng kanilang buhay sa mga aral ni
Buddha.
C. LAHI
 Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat.
 Bayolohikal na katangiang pisikal ng isang pangkat.
MGA LAHING PINAGMULAN
 Australoid
 Yellow Race
 Negroid
 Caucasoid

D. PANGKAT-ETNIKO
 Mula sa salitang Griyego na ethnos na nangangahulugang mamamayan.
 Ang miyembro nito ay may magkakatulad na wika, relihiyon kaya malinaw ang kanilang
pagkakakilanlan.
GAWAIN 1: PAGTATAPAT (MATCHING TYPE)
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Kaluluwa ng kultura A. Kristiyanismo
2. Salitang ugat ng relihiyon B. Relihiyon
3. Pamilya ng wikang Filipino C. Austronesia
4. Salitang Griyego ng mamamayan D. Religare
5. Sistema ng mga paniniwala at ritwal E. Lahi
6. Matandang relihiyong umunlad sa India F. Wika
7. Relihiyong may pinakamaraming tagasunod G. Hinduismo
8. Pamilya ng wikang may pinakamaraming gumagamit H. Indo-European
9. Pagkakakinlanlang bayolohikal ng pangkat ng tao I. Etniko
10. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan J. Ethnos

GAWAIN 2: “ART-ista Ka Na”


Panuto: Gumawa ng isang poster sa buong “oslo paper” na may temang KULTURA: PUNDASYON
NG PINAGMULAN.
RUBRIK SA PAGMAMARKA: PAGGAWA NG POSTER

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATAMONG PUNTOS


(5)
Nilalaman Naipapakita at naipaliliwanag nang maayos
ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa
paggawa ng poster.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa
Konsepto paglalarawan ng konsepto.
Pagkamapanlikh Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster.
a
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
upang maipahayag ang nilalaman ng
konsepto at mensahe.
KABUUAN _______
20

GAWAIN 3: ISA KANG “MAKATA”


Panuto: Gumawa ng isang “malayang tula” na nagsasaad ng iyong damdamin hinggil sa kahalagahan ng
KULTURA.
RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG MALAYANG TULA

NAPAKAGALING MAGALING KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN NATAMONG


NG PAGSASANAY PUNTOS
(10) (8) (6) (4)

Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal ang


makahulugan ang makabuluhan ang lalim ang kabuuan ng tula.
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng
tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwati simbolismo/pahiwatig simbolismo na pagtatangkang ginawa
g na nakapagpaisip na bahagyang nakalito sa mga upang makagamit ng
sa mga mambabasa. nagpaisip sa mga mambabasa. simbolismo.
Piling-pili ang mga mambabasa. May Ang mga salita
salita at pariralang ilang piling salita at at di gaanong
ginamit. pariralang ginamit. pinili.
KABUUAN
_______
20
GAWAIN 4: VENN DIAGRAM

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat


relihiyon. Gawin ito sa isang buong “oslo paper”.

HALIMBAWA:

P P
A P A
G A G
K G K
A K A
K A K
A K A
T A T
U I U
L B L
A A A
D D
ANO-ANO ANG PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD NG MGA SUMUSUNOD?

K
R
I H
S B
II
T U
NS
I D
DL
Y S
UA
A I
IM
N M
S
I O
M
S O
M
O

(10pts) (10pts)

SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain 1: PAGTATAPAT (MATCHING TYPE)
1. (F) Wika 6. (G) Hinduismo
2. (D) Religare 7. (A) Kristiyanismo
3. (C) Austronesia 8. (H) Indo-European
4. (J) Ethnos 9. (E) Lahi
5. (B) Relihiyon 10. (I) Etniko

GAWAIN 2: “ART-ista Ka Na”

- Gawing batayan ang rubriks

GAWAIN 3: ISA KANG “MAKATA”


- Gawing batayan ang rubriks

GAWAIN 4: VENN DIAGRAM

SANGGUNIAN:
- Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig, Modyul ng Mag-aaral.
- https://www.slideshare.net/dexterwasin/relihiyong-islam
- https://www.slideshare.net/PrincessSarah17/hinduismo-86232330
- https://www.slideshare.net/jonnel4545/heograpiyang-pantao-51257395
- https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/pagtatag-ng-kristiyanismo
- https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/mga-relihiyon-sa-asya-part-2
Inihanda ni:

Bb. Genevieve M. Evangelista


Teacher 1
Addition Hills Integrated School

You might also like