Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Taste of Sky

Ventrecanard

II. Talambuhay ng may akda

- Ang may akda ng kwento ay piniling huwag ilantad and kaniyang tunay na pangalan
ngunit makikita sa ibang plataporma na siya’y labing walong taong gulang at nag-aaral
ng medisina paaralan ng La Salle. Ang kaniyang unang kwento ay ang Taste of Sky at
sinulat niya ito para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

III. Tema o Paksa

- Ang storya ay tungkol sa isang babaeng biktima at nakaligtas mula sa bagyong Yolanda.
Ang babaeng sumisimbulo bilang pag-asa, ang babaeng muling nakabangon at lumaban
sa lahat ng nagging pagsubok niya. Tungkol ito kung paano nahanap ni Behati ang
kaniyang boses upang maghatid ng inspirasyon sa marami, kung paano siya nagmahal
at sa huli ay nabigo ngunit bumangon pa din.

IV. Tauhan

- Behati Azalea Monzanto: isa siyang Flight Lieutenant ng Universal Aeronautics and
Space Administration, tinagurian at kilala bilang Woman of Hope. Natatanging babae na
hindi mo lang basta makikita kung saan. Matigas ang kanyang ulo pero matapang
siyang babae.

- Rylandrien Peter Armstrong: siya ay isang Space Commander ng Universal Aeronautics


and Space Administration. Ang asawa ni Behati, ang makulit at mapangasar na Pedro ni
Behati. Ang lalaking handing gawin ang lahat para sa kaniyang minamahal, ang lalakeng
handing kalabanin ang lahat ng papagitna sa kanilang dalawa, at ang lalaking
nagmamay-ari ng pinakamagandang mata.
- Allison Monzanto: pinsan siya ni Behati, siya na lamang ang natitirang kapamilya niya at
ang kaniyang best friend.

- Air Chief Commander Deborah Mitts: higher commander ni Engineer Wright at ang kaniyang
minamahal.

- Commander Dale Gabriel Jensen: ang unang sumalubong kay Behati at naglibot sa kaniya sa
iba’t-ibang lugar sa kanilang station.

- Commander Graham Bell: ang lalakeng nakilala ni Behati at Peter sa nangyaring sakuna sa
Thailand. Siya din ang lalakeng tinawag siyang palaaway at bitter sa kasal ng dalawa.

- Commander Sanders: ang kaibigan ng tatay ni Peter

- Aaron: ang batang nailigtas ni Behati sa Thailand.

- Lance Gomez: ang napangasawa ni Allison.

- Professor Shiela Wilson: ang dating kasintahan ni Engr. Wright at siya ang nakilala ni Behati at
Peter sa isang labanan sa ibang bansa.

- Gravint Skynard Armstrong: ang bunga ng pagmamahalan ni Behati at Peter.

V. Tagpuan

Nangyari ang unang tagpuan ng kwento sa probinsiya nina Behati kung saan pinakanaapektuhan ng
bagyo at kung saan sila unang nagkakilala ni Peter. Ang pangalawa naman ay sa UASA na kung saan
napili ni Behati magtrabaho bilang Air Soldier. Habang ang pangatlong tagpuan ay sa Myanmar, kung
saan naganap ang digmaan ni Behati at Peter kalaban ang mga terorista at kung saan din nila unang
nakilala si Professor Shiela Wilson. Sa pang-apat naman ay nangyari sa Thailand, dito kinasal ang
kaniyang pinsan at kung saan nagging maging kasintahan silang dalawa ni Peter. Sa Thailand din
nangyari ang isa pang sakuna, isang tsunami ang nagging dahilan kung bakit namatay ulit ang ilang daan
na tao ngunit nailigtas naman sila ni Behati. Ang pang-lima naman ay sa Guatemala City kung saan
nangyari ang isang volcanic eruption, dito naganap at Nakita ng maraming tao kung paano lumipad si
Behati at nagligtas ng maraming tao. Dito siya tinaguriang Woman of Hope. At ang panghuli naman ay sa
kalawakan at Mars. Sa Mars ang huling misyon nina Behati at Peter at sa kalawakan naman nangyari ang
kasal nilang dalawa. At sa kalawakan din nangyari ang huling pagkakataon na nakita ni Behati ang
malalim na kulay asul na mat ani Peter.

VI. Suliranin

Sa huling kabanata ng kwento, nagkameron ng misyon sina Behati na pumunta sa Mars upang
maghatid ng isang bagay para sa mga tao duon upang makatulong sa kanilang research. Ngunit habang
sila’y pabalik, merong asteroid na tumama sa isang spaceship nila at nang nalaman naman ni Behati na
ang isang dahilan kung bakit may sira sa isang spaceship nila ay dahil na din ng isang imbentor duon na
sinadyang sirain ang spaceship. Sa huli ay napagdesisyunan na sirain ang asteroid sa pamamagitan ng
lumang spare part ng spaceship at yun ang pinaniwala ni Peter sa kaniyang asawa. Alam niyang walang
mangyayaring pagbabago sa direksyon ng asteroid kung sakali man na tumama nga yung tatlong parte
na iyon. At alam din niyang hindi papaya si Behati sa natitira niyang ideya kaya nilihim niya iyon at pinili
niyang manatili para mailigtas ang kaniyang asawa at kaibigan ng tatay niya. Kaya sa huli, hindi na
nakasama ni Behati si Peter, hindi siya nakilala ng kanilang anak dahil pumanaw na ang kaniyang pedro.

VII. Mahalagang Bagay

Mahilig gumamit ng mga simbulo ang may akda ng kwento. Sa kwentong ito, ang ginamit niya ay ang
langit. Makikita kung paanong madalas tumingin si Behati o si Peter sa langit, ang langit din ang isa
psang parte ng kaniyang pamagat. Kinumpara ni Peter ang kaniyang pagmamahal sa sa kalawakan at
sinabi niyang higit pa doon ang kaniyang pag-ibig para sa kaniya. Langit din ang tanging nagpapaligaya
kay Behati bago niya pa mahalin si Peter.

VIII. Aral
Madaming mapupulot na aral sa kwentong ito, ngunit ang pinakagusto ko sa lahat at ang
pinakatumatak sa akin ay ang pagbangon mo kahit sobrang dilim na ng lahat. Na madaming dahilan
upang sumuko ako ngayon, pagod na ako, ubos na ubos na, pero alam kong sad ulo ng maraming
hadlang na iyon, alam kong merong magsisilbing liwanag upang tulungan akong tumayo sa
pinakamahirap kong pagkakataon. Yung taong hindi ako susukuan, hindi ako iiwan, at hindi ako
papabayaan kahit anong mangyari. Ito yung aral para sa akin, na oo matapang ka, oo kaya mo ito, kaya
mo yan pero hindi araw-araw ay kaya mo ang lahat. Sa kwentong ito natutunan ko na pwede pala akong
maging mahina? Hindi ko pala kailangan itago ang magandang ako. Sa kwentong ito ko din natutunan at
alam kong matututunan ng lahat na kailangan mong tumalon para makalipad, para makita ang
napakagandang langit at para maabot ang pinakataas.

You might also like