Filipino1 - q2 - Mod5 - Pagsulat NG Mga Letra Nang May Tamang Laki at Layo Sa Isa't Isa - v3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Pagsulat Ng Mga Letra Nang May
Tamang Laki At Layo Sa Isa’t Isa
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagsulat Ng Mga Letra Nang May Tamang Laki At
Layo Sa Isa’t Isa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Renielyn S. Manlosa


Tagaguhit (Cover) : Joshua Rey V. Aguinaldo
Editor : Carmelita V. Gimena
Tagasuri : Edilyn Joy P. Pague

Tagapamahala : Reynaldo E. Manuel Jr., PhD, CESE


Schools Division Superintendent

Lorena P. Serrano, CESE


PSDS, OIC-ASDS

Mga Miyembro : Francis J. Buac


Chief Education Supervisor, CID

Billie V. Baybayan
Education Program Supervisor-Filipino

Vivian D. Echalico
Education Program Supervisor-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region X - Division of Oroquieta City
Office Address: Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City
Telefax: 088-531-0831
E-mail Address: depedoroquieta@gmail.com
1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Pagsulat Ng Mga Letra Nang May
Tamang Laki At Layo Sa Isa’t Isa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan.
Hinikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon X –
Dibisyon ng Lungsod ng Oroquieta sa
depedoroquieta@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at
mungkahi.
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita ………… v


Alamin ………… 1
Subukin ………… 2

Aralin 1 Pagsulat Ng Mga Letra Nang May Tamang


Laki At Layo Sa Isa’t Isa

Balikan ………… 3
Tuklasin ………… 5
Suriin ………… 6
Pagyamanin ………… 7
Isaisip ………… 8
Isagawa ………… 9
Tayahin ………… 11
Karagdagang Gawain ………… 12
Susi Ng Pagwawasto ………… 14
Sanggunian ………… 15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat
Ng Mga Letra Nang May Tamang Laki At Layo Sa Isa’t Isa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

v
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat
Ng Mga Letra Nang May Tamang Laki At Layo Sa Isa’t Isa.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

vi
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

vii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
4. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

viii
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

ix
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsusulat nang


may tamang laki at ayos sa isa’t isa ang mga letra.
Matapos mong mapag-aralan ito, inaasahang ikaw ay
makasusulat ng mga letra nang may tamang laki at
ayos sa isa’t isa.
Mahalaga ito upang maging maayos at maganda
ang inyong sulat kamay.

Subukin

Panuto: Isulat nang may tamang laki at ayos sa isa’t


isa ang letra o titik.
Aralin
Mga Tanong Tungkol Sa
1 Napakinggang Pabula
Learning Competency:
Nakasusulat nang may tamang laki at ayos sa
isa’t isa ang mga letra.(F1IPU-IIa-1.11:c 1.2; 1.2a)

Balikan

Ang pagsulat ng letra na may tamang laki at layo sa


isa’t isa ay mahalaga. Mahalaga ito sapagkat
nakatutulong ito upang makikilala mo ang mga maliliit at
malalaking titik ng ating Alpabetong Filipino at ang layo
nila sa isa’t isa. Sa ngayon, pag-aaralan mo ang mga
letra na may tamang laki at layo sa isa’t isa.
Ang malaking titik ay ang nauuna sa hanay at ang
maliit na titik ay ang ikalawa sa hanay. Tingnan din ang
layo nila sa isa’t isa, magkalapit o magkatabi lang ang
malaki at maliit na titik. Tulad halimbawa ng mga makikita
mo sa ibaba.

2
Tuklasin

Ipapakita sa iyo ngayon kung paano ang pagsulat


ng mga letra nang may tamang laki at layo sa isa’t isa.
Tingnan nang maigi ang pagkakasulat ng mga letra at
ang layo nila sa isa’t isa.

Suriin

Tandaan na ang pagsusulat ng mga letra o titik


malaki man ito o maliit ay dapat na nakasulat nang may
tamang laki at ayos sa isa’t isa upang maging maayos
ang ating sulat-kamay at malinaw nating mabasa at
maunawaan ang ating sinusulat.

Isaalang-alang din natin ang layo nito sa isa’t isa


upang maiwasan ang pagkakadikit-dikit ng pagkakasulat
nito at madali lang itong basahin.

3
Pagyamanin

Isulat nang may tamang laki at ayos sa isa’t isa ang


letra o titik ng alpabeto. Isulat sa patlang ang sagot.

Isaisip

Ang pagsusulat ng mga letra o titik malaki man ito o


mallit ay dapat na nakasulat nang may tamang laki at
ayos sa isa’t isa upang maging maayos ang ating sulat-
kamay at malinaw nating mabasa at maunawaan ang
ating sinusulat.

4
Isagawa

Panuto: Sundin sa pagsulat ang tamang laki at ayos


ng mga letra o titik sa alpabeto. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

5
Tayahin

Panuto: Isulat ang mga letra na may tamang laki at


layo sa isa’t osa sa mga espasyong nakalaan.

6
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang tamang laki at ayos ng mga letra


o titik sa alpabeto sa nakalaan na patlang.

7
Susi sa Pagwawasto

8
Sanggunian

Aklat
Pinagyang Pluma 5 Wika at Pagbasa 6 Phoenix Publishing
House

Internet

https://images.kaplanco.com/catalog/largepopup/2916
6.jpg
https://i.pinimg.com/originals/82/f6/35/82f63527159cab7a
094c160a0d605e7e.png
https://i.pinimg.com/600x315/6a/54/a2/6a54a2ce6855c9
a115fc56d0c7f18597.jpg

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region X – Division of Oroquieta City

Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City

Telephone Number: (088) – 531-0831

Email Address: depedoroquieta@gmail.com

You might also like