Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Region V
Sangay ng Camarines Sur
Camarines Science Oriented High School
Pili, Camarines Sur

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Taong Panuruan 2020-2021
Abril 10, 2021
4:00-5:00

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nabibigyan simbolo ang bawat tauhan sa aralin


 Nailalahad ng maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinion at saloobin.
 Nakagagawa ng maikling dula tungkol sa Katapatan sa Pag- ibig.

II. PAKSANG ARALIN


Panitikan: Ang babae at ang kanyang limang mangingibig
Kagamitan: Larawan, mga kagamitang biswal
Pagpapahalaga: Ang mga babae ay mayroon talino at lakas na kayang labanan ang
mga lalaking may mataas na katungkulan o kapangyarihan sa batas.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral


PRELIMINARYONG GAWAIN
 Panalangin (Mananalangin)
 Pagpapulot ng mga kalat at pag
papaayos ng mga upuan.
 Pagtsek ng atendans (Magtsetsek ng atendans)
 Pag babalik aral

PAGLALAHAD NG KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
Bago tayo dumako sa ating pormal na
talakayan, narito ang kasanayang
pampagkatuto natin para sa araw na ito.

(Ipapaskil ng Guro ang kasanayang


Pampagkatuto)

Sino ang maaaring makapagbasa? Mag-aaral: Nabibigyan simbolo ang mga


tauhan sa aralin. Nailalahad ng maayos at
wasto ang pansariling pananaw, opinion at
saloobin.Nakagagawa ng maikling dula
tungkol sa Pag-ibig na tapat.

Magaling!

PAGGANYAK

Panuto: Ngayon bago tayo magsimula sa


ating panibagong aralin ay mag kakaroon
muna tayo ng isang maikling gawain.
Tatawagin natin itong Blind Musical.
Mayroon ako ditong inihandang mga linya sa
kanta. Ngayon, pipili tayo ng dalawang
kalahok lahat ng isinulat na linya ng kanta ay
ikakalat sa sahig. Samatala, ang mga kalahok
ay gagawa ng kwento batay sa aking ibibigay
na paksa at kailangan ang mga linya ng kanta
ay maisama sa kanilang dayalogo.

Ang paksang aking ibibigay ay patungkol sa


magkasintahan.

Nauunawaan ba? Opo.

Kung ganoon ay maaari na kayong (Magsisimula na sa kanilang Gawain)


magsimula.

Mahusay ang inyong ipinakita, tunay ngang


kayo ay magaling sa larangan ng pag-arte

PAGLALAHAD

Anong naramdaman niyo klas habang


ginagawa ang gawain? Masaya po.

Magaling! Dahil ang tatalakayin natin sa


araw na ito ay isa sa mga Kwento ng
Nobelang Isang Libo’t Isang Gabi ng Saudi
Arabia na Pinamagatang “ Ang babae at ang
kanyang Limang Mangingibig. Ito’y isinalin
sa Filipino ni Julieta U. Rivera.

PAGTALAKAY

Ngayon mayroon ako ditong inihandang mga


larawan. Sa mga larawang ito nakapaloob ang
buod ng kwento na tatalakayin natin sa araw
na ito.Mayroon akong ibibigay na kopya at
tatawag ako ng ilang mag-aaral upang basahin
ang buod ng kwento.Makinig kayong lahat
sapagkat may mga katanungan akong
inihanda

Nauunawaan po ba?
Opo.

Mahusay! Narito ang unang larawan.

Sino maaring makapagbasa?

Sige nga Julia.


Nagkaroon ng kabiyak ang
isang babaeng mangangalakal
na isang manlalakbay. Lagi
siyang iniiwan nito dahil
kailangang pumunta sa iba’t
ibang bansa.Dahil dito, nahulog
ang loob ng babae sa isang lalaking mas bata
sa kaniya. Gayunman, nakulong ang lalaki
kaya naman gumawa ng paraan ang babae
para makalaya ang lalaki.Lumapit siya sa
limang lalaki upang tulungan siya. Ngunit
lahat ng lalaking ito ay hiniling ang kaniyang
katawan kapalit ng tulong nila. Pumayag siya
ngunit may plano siya para sa limang lalaki.
Nagpagawa siya ng isang malaking kabinet sa
karpintero, isa sa lalaking nilapitan niya.

Mahusay! pakibasa ang nilalaman ng Pinapunta niya ang limang lalaki sa


ikalawang larawan Joshua. magkakasunod na oras. Unang
dumating ang cadi. Pinaghubad na
siya ngunit biglang may kumatok.
Sabi ng babae asawa niya raw iyon
kaya nagtago ang lalaki sa cabinet.

Dumating din ang pulis. Gumawa


muna ito ng kasulatang pinapalaya
Magaling! Dumako naman tayo sa ikatlong na ang lalaking sinabi niyang
larawan. Bea, pakibasa. kapatid niya lamang pero
karelasyon niya.May kumatok at
pinapasok din ang lalaki sa kabinet.

Sunod na dumating ang


vizier at hari at ganun din
Tumpak! Gerald, pakibasa ng sunod na ang nangyari at nagtago
larawan sila sa cabinet dahil may
kumatok.

Dumating ang karpintero at sinabi


Alamin naman natin ang huling larawan. ng babae na may kailangang
Kim, pakibasa. ayusin sa loob ng cabinet.
Nakulong ang limang lalaki sa loob habang
nakalaya naman ang lalaki dahil sa kasulatan.
Nagpakalayo-layo na ang babae at ang
kanyang kasintahan at hindi na nagpakita sa
. luigar na iyon. Samatala, hiyang hiya ang
tatlong lalaki dahil naisahan sila ng babaeng
mababa ang estado sa buihay.

Batid kong naunawaan ninyong mabuti ang


inyong binasa kung kaya’t may mga katanungan Opo
akong inihanda. Handa na ba?

Kung ganoon , narito ang unang katanungan.


Para po saakin tama po ang kanyang ginawa
Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan
dahil para naman ito sa kapakanan ng
sa kwento?
kanyang minamahal.

Mahusay! sino pa may ibang kasagutan? Ikaw


Para po saakin mali po ang kanyang ginawa
nga Shiela.
sapagkat mailalabas niya nga sa kulungan ang
kanyang minamahal subalit ang kapalit naman
nito ay panlilinlang sa kapwa.
Tama ang iyong mga kasagutan. Sa una
nagtaksil ang babae subalit sa kanyang
ikalawang pag-ibig ay ginawa nya ang alam
niyang makakabuti para sa kanyang
minamahal at upang hindi siya
mapagsamantalahan ng limang lalaki.
Para saakin gagawin ko ang lahat para sa
Kung kayo ang nasa kalagayan ng babae
aking minamahal dahil hindi matatawag na
gagawin niyo rin ba ang lahat para lamang sa
pag-ibig kung hindi ka handang
inyong minamahal?
magsakripisyo para sa iyong minamahal.

Para saakin ipinakitang malakas ang babae sa


Magaling! Sa inyong pananaw saan bahagi ng
bahaging nalinlang niya ang mga lalaking
kwento pinakita na malakas ang babae?
may kapangyarihan at mataas ang estado sa
buhay.

Mahusay! Dahil sa Saudi Arabia ang mga


babae ay tinuturing na mahina at nasa
mababang antas na estado sa buhay dahil wala
silang karapatang makapag-aral o mamuno.

Kung kayo ang tatanungin nangyayari ba sa


Opo, nangyayari po sa kasalukuyan ang
kasalukuyan ang ipinakitang asal ng limang
ipinakitang karakterisasyon ng limang lalaki
lalaki sa kwento? Magbigay ng halimbawa at
halimbawa na lamang ang mga may mataas
ipaliwanag.
na katungkulan sa ating bansa sila ang may
kakayahan tumulong sa mahihirap subalit
ginagamit nila ang kanilang posisyon upang
manghamak ng kapwa Pilipino.
Tumpak ! Dahil ang nagyayari sa
kasalukuyan ay hindi nagiging pantay ang
karapatn ng mahihirap at mayayaman.

PAGPAPALAWAK

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan ay mag


kakaroon muli tayo ng isang pangkatang
gawaing. Hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng
isang dula patungkol sa “Tapat na pag-ibig” .
Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto
para sa paghahanda at tatlong minuto para sa
presentasyon. Ang maingay na pangkat ay
babawasan ng puntos.
Opo
Maliwanag po ba?

Bago yan narito ang ating pamantayan sa


pagmamarka.

Pagkamalikhain 30%
Hikayat sa madla 40%
Presentasyon 30%
100%

(Pagkatapos ng tatlong minuto)


(Presentasyon ng unang pangkat)

Magaling bigyan natin sila ng “Spartan clap”


(Presentasyon ng pangalawang pangkat)

Mahusay, bigyan naman natin sila ng “Wow


Magic Clap”

(Pagbanggit sa mga puntos na nakuha ng


bawat pangkat)

PAGLALAHAT

Tunay ngang labis na ninyong naunawaan ang


ating aralin Opo
Tama ba?

Kung gayon ay maghanda sapagkat mayroon


akong ilang mga katanungan sainyo.
Ang tinalakay po nating sa araw na ito ay isa
Tungkol saan ang tinalakay natin ngayon? sa kwento ng Nobelang Isang Libo’t Isang
Gabi ng Saudi Arabia na Pinamagatang “ Ang
babae at ang kanyang Limang Mangingibig.

Magaling!

Para po saakin sinisimbolo ng babae ang


Sa inyong sariling pananaw ano kaya ang pagiging matalino at malakas na kayang
sinisimbolo ng babae sa kwento? labanan ang mga lalaking may mataas na
katungkulan sa lipunan.

Mahusay! At sinisimbolo din niya ang


pagiging matapang na harapin ang mga may
kapangyarihan sa lipunan kahit siya ay nasa
mababang antas lamang ng buhay.

Sino pa ang mayroong katanungan sa ating Wala na po.


aralin? Paglilinaw?

I. PAGTATAYA

Kung gayon, ay pakitago na ng lahat ng gamit sa ibabaw ng inyong mesa, at ihanda ang sarili
sa maikling pagsusulit, kumuha ng isang buong papel.

1. Pumili ng isang tauhan sa aralin ay bigyan ito ng simbolo at ipaliwanag.

2. Ilahad ng maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinion at saloobin tungkol sa


aralin.

IV. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik at pag aralan ang ating susunod na paksa ang tungkol sa Magasin.

Inihanda ni:

JANE A. MORILLO

Tagapagpakitang-Turo

You might also like