Professional Documents
Culture Documents
Ap7 q3 Slm7 v2 Final-Copy Feb092021
Ap7 q3 Slm7 v2 Final-Copy Feb092021
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Neokolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Neokolonyalismo
Unang Edisyon, 2020
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
ii
Mga Tala para sa Guro
Kailangan gumamit ng mga gabay na tanong upang maiugnay ang natapos na
aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito. Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga rubrik na gagamitin
sa pagmamarka sa ilang gawain.
Alamin
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Mababakas na sa
kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa ating bansa patuloy ang
pagpasok ng impluwensya ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Ito ang
pangunahing dahilan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop. Ating
tuklasin at alamin ang bagong aralin. Handa ka na ba? Simulan na natin ang
iyong pagkatuto.
1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may
mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Ekonomiya C. Kolonyalismo
B. Industriya D. Neokolonyalismo
____________2. Ang tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag-
uugnay sa mga bansang tulad ng China, Gitnang Asya, Persia,
Kanlurang Asya at Europe.
C. Caravanroute C. Kolonyalismo
D. Kalakalan D. Silkroute
2
____________9. Produktong may ugnayan sa pag-aangkat sa ibang bansa.
A. Export C. Industriya
B. Import D. Silkroute
___________15. Ito ang naging pamilihan ng mga kalakal na gawa ng mga dayuhan.
3
Aralin Neokolonyalismo:
1 Ang Bagong Istilo Ng
Pamamaraang Kolonyalismo
Balikan
10. Siya ang tinawag na Iron Lady of India dahil sa haba ng kanyang
panunungkulan bilang unang babaeng Punong Ministro ng India. ( ARIDIN
HIDGAN)
4
Tuklasin
Gawain
Panuto:Ano ang mga salitang naiisip mo kapag nakikita mo ang salitang
sumusunod. Sumulat ng salita na naglalarawan sa salitang nasa loob ng hugis.
Pagkatapos mong maibigay ang mga salita, pagsamahin mo ang dalawang salita
upang makuha ang tema ng leksyon natin ngayon.
NEO KOLONYALISMO
Suriin
5
Ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga
tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating
mananakop na bansa ay may kapalit na
pagkontrol sa ekonomiya ng dating sinakop na
bansa. Sa ganitong paraan nagtatagumpay sila na
maitaguyod ang kanilang mga sariling interes.
Ang halimbawa ng neokolonyalismo ay maaaring
sa aspeto ng politika, ekonomiya, kalakalan,
kultura, at iba pa. Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng pagbibigay ng dayuhang tulong o
foreign aid ng mga mayayamang bansa sa mga
mahihirap na bansa.
1. Neokolonyalismong Politikal
Isang patunay na kanyang kontronlin ng
makapangyarihang bansa ang mga bansang mahihinay ay
sa larangan ng politika. Tahimik na pamamaraan ang
ginagawang pangkilos upang maimpluwensiyahan ang mga
mahihinang bansa. Ang halimbawa nito ay ang eleksiyon na
kung saan ito ay paraan ng pagbabatas sa ilalim ng
pamaraaang politikal.
2.Neokolonyalismong Pangmilitar
Ito ay ang pagtulong at pagsuporta ng
malalakas na bansa sa mga mahihinang bansa na
kung saan nagagawang tumulong ng mga kanluraning
bansa sa kanilang mga dating kolonya kapag ito ay
nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
Handa itong magbigay ng kanilang hukbong
sandatahan at iba pang tulong pangmilitar.
Halimbawa nito ay ang pagtulong sa Kuwait ng United States nang lusubin ito ng
bansang Iraq, nagbigay ng hukbong sandatahan ang bansang America upang
lumaban para sa Kuwait.
3.Neokolonyalismong Kultural
Isa sa paraan ng makapangyarihang bansa ay
gamitin ang kultura upang sila ay yakapin ng mga
mahihinang bansa. Sinisikap nilang panatilihin ang paraan
ng pamumuhay, kaugalian, paraan ng pananamit, sayaw,
awit, ostilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang
paraan ng kanilang pagdiriwang. Hinuhubog ng
6
makapangyarihang bansa ang kultura gamit ang mass media at edukasyon.Isang
halimbawa nito ay ang naganap sa India mula sa bansang Britain. Ang edukasyon
sa India ay ibinatay sa sistemang British at ginamit ang wikang Ingles sa pagtuturo
upang maging mahusay na manggagawa at kawani kanilang pamahalaang
kolonyal.
7
Ang (IMF) International Monetary Fund o Pandaigdigang Pondong
Pananalapi - ay isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang
mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din
ang pag-alok ng teknikal at pinansyal na tulong kapag hiningi.
Ang mga ilang mga bansa sa Asya ay napilitang yakapin ang ganitong
sistema upang makabangon ang kanilang naghihikahos na ekonomiyang bunga ng
digmaan.
Kabilang dito ang mga Arabong bansa
sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at
Kuwait na may hawak ng malaking reserba ng
langis sa daigdig. Kasama ang tatlong bansang
ito sa Organization of the Petroleum
Exporting Countries (OPEC) na siyang
nagkokokontrol ng presyo ng langis sa
pandaigdigang kalakalan. Nag-unahan ang
mga Kanluraning bansa na masakop ang mga
bansa sa Kanlurang Asya nang matuklasan
ang langis sa rehiyon.
8
Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa
kanilang sariling mga paa at hindi na umasa pa sa mga makapangyarihan at
maimpluwensiyang bansa. Nagsilbing hamon din sa kanila na kaya nilang
matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga makapangyarihang
bansa.
Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng mga
Kanluranin, may mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi
nakatutulong sa pag-unlad ng mga ito. May mga pandaigdigang kompanya ang
nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa. Ang liberasyon ng
ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng mga
pamilihan ng pagpapaunlad ng mga bansa na wala namang maitutumbas sa
malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.
Gawain:
Panuto. Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong. Bumuo ng mga pangungusap.
1. Ano ang neokolonyalismo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Nagaganap pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng isang halimbawa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang importansya ng International Monetary Fund at World Bank?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain: Nais kong makita ang iyong natutuhan, maaari mong markahan ang
galing mo sa pagsagot gamit ang mga gabay na tanong na lohikal na nakaayon sa
mga tanong na sinagot mo sa itaas. Sa iskalang 1 hanggang 5, kung saan ang 5
ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa, markahan mo ang iyong sariling
gawain. Isulat ang iskor sa kolum na nasa kanan.
9
Kalakalan sa Timog at Kanlurang Asya
Tinatawag na kalakalan ang anomang transaksiyon na nagaganap sa dalawang
tao, maging sa mga bansa.
May dalawang klase ng kalakalan:
a. Barter – ito ay simpleng pakikipagkalalan na hindi ginagamitan ng
salapi. Nagaganap ang kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan
ng mga produkto sa ibang produkto hanggat nagkakaroon ng kasunduan
sa dalawang panig.
b. Money economy- ang pakikipagkalakalan ay nagaganap sa
pamamagitan produkto at salapi.
10
Mga Ilang Kaganapan Sa Kalakalan, Kultura at Ekonomiya
ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
a. Ang Asya ay naging malaking pamilihan ng mga produktong gawa ng mga
bansang Asyano at mga dayuhang mangangalakal.
b. Naging magkakompetisyon ang bansang India at mga bansang Ingles sa
industriya ng paghahabi.
c. Ang malaking reserba ng langis ay
pinangungunahan ng mga bansang Arabo tulad
ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait. Ang mga
bansang nabanggit ay kabilang din sa
Organization of Petroleum Exporting Countries
(OPEC) na siyang kumokontrol sa pamilihan ng
langis sa pandaigdigang kalakalan. Ito rin ang
naging dahilan kung bakit maraming
mangangalakal ng langis tulad ng Pilipinas,
Pakistan, India, Thailand, Sri Lanka at
Indonesia ang bumibili sa mga bansang Saudi
Arabia, Iraq at Kuwait.
d. Kontrolado ng bansang India ang pagluluwas
ng bigas habang ang Sri Lanka naman ang nangunguna sa bentahan ng tsaa sa
pandaigdigang kalakalan.
e. Ang sentro naman ng information technology ay ang Bangalore , India.
f. Naging matatag din ang ugnayan ng mga bansa sa pagtatatag ng South Asian
Association for Regional Cooperation (SAARC) noong 1997. Ito ay nagsilbing
forum sa India at Pakistan na siyang may hawak ng usaping panseguridad at
pang-ekonomiya sa Kanlurang Asya.
11
Pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto tungkol sa mga
epekto ng kalakalan dulot ng mga pagbabagong pang-ekonomiya at
pangkultura ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay maaari
mong sagutin ang katanungan sa baba.
Gawain:
Panuto: Buuin ang concept web. Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na
concept web.
Ito ay uri ng
kalakalang
panlabas na kung
saan ang mga
Anong uri ng produkto ay
kalakalan ang iniaangkat mula sa
tumutukoy sa ibang bansa.
pagpapalitan ng Ito ay uri ng
kalakal sa ibang kalakalang
bansa? panlabas na kung
saan ang mga
Ano ang kahulugan produkto ay
ng kalakalan? iniluluwas sa ating
bansa.
Anong uri ng
kalakalan ang
Ano ang
tumutukoy sa
kahalagahan ng
pagpapalitan ng
kalakalan?
kalakal sa loob
lamang ng bansa?
Pagyamanin
12
________________1. Sa panig ng Saudi Arabia, sa ilalim ng pamumuno ni Haring Ibn
Saud, Disyembre taong 1950 nang ito ay nakipagkasundo sa Arabian American Oil
Company (ARAMCO) na ang 50% kita sa nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi
Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita ng bansa.
Gawain B: Basahin ang mga halimbawa. Dapat bang tanggapin ang mga
sumusunod? Isulat ang “ “ kung dapat at “ “ kung hindi dapat.
_________1. Musika at pelikulang dayuhan
_________2. Tulong militar
_________3. Produktong dayuhan
_________4. Madalas na pag-utang
_________5. Tulong gamot, pagkain at edukasyon
Gawain C: Base sa mga sagot mo sa itaas, ipaliwanag kung kailan naging hindi
dapat tanggapin ang pagtulong mula sa ibang bansa at paano mo ito maiwawasto?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
13
Isaisip
Isagawa
14
Tayahin
GAWAIN I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
Barter Kalakalan
Money Economy Silkroute
First World Neokolonyalismo
Harry Truman Kalakalang Panloob
Haring Ibn Saud Import
____1. Ang tatlong bansang nakapaloob sa OPEC ay ang Saudi Arabia, Iraq, at
Kuwait.
____2. Iniluluwas ng bansang India ang mga produktong tulad ng mahahalagang
bato, alahas, tela, kemikal, bakal, carpet, at iba pa.
____3. Third World ang tawag sa mga bansang maunlad ang ekonomiya at
industriya.
____4. Ang dalawang uri ng kalakang panlabas ay import at export.
____5. Si Yasser Arafat ang tagapangulo ng Palestine Liberation Organization.
15
Karagdagang Gawain
B E L A N I H C R I A P T I
A A U L U E C H S I A O U C
R I H N E N S H B I A R R E
I T D R I A I A L F G I K L
N Y H N A L R A G A N D E O
A J A P I A T S A B I C Y W
R A I N I I S Y I H S R K E
I B S D P I L I P I N A Y L
S O U N I T E D S T A T E S
N A P M M U I G L E B D A N
S I N G A P O R E L A N D S
16
17
Isaisip Tayahin
Gawain 2: Umpisahan Mo, 1. B
Itutuloy Ko! 2. A
3. D
1. Tsina/China 4. B
2. Oldest Living 5. B
Civilization of the World 6. C
3. Yellow River 7. B
4. Paring-hari 8. C
5. Calligraphy 9. B
10. A
11. C
12. D
13. C
14. D
15. A
Subukin Tuklasin Pagyamanin
1. B Gawain: Pasyalan Mo! Gawain 1: Puno-an Mo!
2. C
3. B 1. China 1. Huang Ho
4. C 2. Tsino 2. Paring-hari
5. B 3. Huang Ho 3. Calligraphy
6. D 4. Great Wall of China 4. Oracle Bones
7. B 5. Calligraphy 5. Kabihasnang Shang
8. C
9. D Gawain 2: Pusuan Mo!
10. D
11. B 1.
12. A
13. A 2.
14. C
15. A 3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. Asya: Pagkakaisa ng Pagkakaiba. Pasig City:
Eduresources Publishing, Inc. 2014.
Mateo, Grace Estela C. etal. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc. 2012.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: