Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Third Judicial Region


REGIONAL TRIAL COURT
Branch 5 (FC)
City of San Jose Del Monte, Bulacan

LENIE S. VALENZUELA-PAYAO,
Petitioner
,
CIVIL CASE NO. 322-M-2018
- versus – FOR: Declaration of Nullity of
Marriage
CRISTOPHER C. PAYAO,
Respond
ent.
X - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -X

PANGHUKUMANG SALAYSAY

Ako, LENIE S. VALENZUELA-PAYAO, Filipino, nasa hustong


edad at naninirahan sa Sitio Kutad, Barangay Pulong Sampaloc, Doña
Remedios Trinidad, Bulacan, matapos manumpa ng sang-ayon sa
batas ay nagsasalaysay:

PASIMULANG PAHAYAG

Ako ay tinatanong ni Atty. Arvin C. Llego bilang petitioner sa


kasong nabanggit sa itaas na bahagi ng salaysay na ito;

Na sinasagot ko ang mga tinatanong sa akin ng nasabing


abogado sa ilalim ng aking panunumpa sang ayon sa batas, na kung
ako man ay magsisinungaling sa salaysay na ito, ako ay maaring
mahabla ng kasong kriminal sa kasong false testimony o perjury;

PAHAYAG NG KATOTOHANAN

Atty. Llego (Tanong):

T(1): Kilala mo ba ang petitioner sa kasong ito na si Lenie S.


Valenzuela-Payao?

Lenie S. Valenzuela-Payao (Sagot):

S: Opo, ako po yan.

T(2): Maaari mo bang sabihin kung saan ka kasalukuyang


naninirahan ngayon?

1
S: Opo, kasalukuyan po akong naninirahan sa Sitio Kutad,
Barangay Pulong Sampaloc, Doña Remedios Trinidad,
Bulacan.

T(3): May katunayan ka ba na dito ka naninirahan?


S: Opo, nag-submit po ako ng Birth Certificate, Sworn
Barangay Certificate of Residency, xerox po ng aking
Voter’s ID at House sketch.

T(4): Ipakikita ko sa iyo itong mga Birth Certificate, Sworn


Barangay Certificate of Residency, xerox po ng aking
Voter’s ID at House sketch. Mangyaring sabihin mo sa
hukumang ito kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa
nabanggit mo.
S: Ito po yung sinasabi ko na isinubmit ko.

Counsel: Your Honor, these documents (Birth Certificate and


Barangay Certification) were previously marked as Exhibits “A”, “B”,
“C” and “D” respectively.

T(5): Gaano ka na ba katagal naninirahan sa address na


nabanggit mo?
S: Matagal na po dito na po ako ipinanganak pero tumira rin
po ako sa Baguio noon ng magpakasal po ako. Sa ngayon
po ay matagal na ako naninirahan dito.

T(6): Kilala mo ba ang respondent sa kaso na ito na si


Cristopher C. Payao?
S: Opo, siya po ang aking asawa.

T(7): May katunayan ka ba na siya ay asawa mo?


S: Opo, nagsubmit po ako ng Marriage Certificate namin.

T(8): May ipakikita akong Marriage Certificate, mangyaring


sabihin mo sa hukumang ito ang kaugnayan ng Marriage
Certificate na sinabi mo?
S: Ito po ang aming Marriage Certificate na isinubmit ko.

Counsel: Your Honor, this document (Certificate of Marriage) was


previously marked as Exhibit “F”.

T(9): Maaari mo bang sabihin kung saan at paano kayo


nagkakilala?
S: Nagtrabaho po ako noong 2008 sa Baguio sa isang leather
factory doon. Minsan po ay sumama ako sa mga katrabaho
ko sa isang party at doon ko po nakilala si Christopher na
katrabaho ko rin po.

T(10): Ano ang sumunod na pangyayari ng magkakilala kayo?


S: Nagkainuman po kami at nalasing ako. Hindi ko na po
alam ang mga sumunod na pangyayari kasi nagising na

2
lang ako na kasama ko si Christopher katabi ko siya sa
higaan.

T(11): Ano ang ginawa mo noon?


S: Wala po. Natakot po ako at naisip ko na maaaring may
nangyari sa aming dalawa.

T(12): Ano ang ibig mong sabihin na may nangyari?


S: Sex po. Pagtatalik po.

T(13): Ano ang sumunod na pangyayari?


S: Umuwi na po ako sa bahay ng kapatid ko. Doon po kasi
ako umuuwi habang nagtatrabaho ako sa Baguio.

T(14): Ano ang nangyari pag-uwi mo?


S: Galit na galit po ang kapatid ko. Pinag-uusapan na daw po
ako ng mga kapit-bahay dahil hindi ako umuwi magdamag
kasama ang isang lalaki?

T(15): Ano ang ginagawa mo?


S: Kinausap ko po si Christopher na makipag-usap sa mga
magulang ko kasi po natatakot ako sa maaaring reaksyon ng
mga magulang ko.

T(16): Ano ang nangyari?


S: Ipinakasal po kami ng mga magulang ko.

T(17): Kailan kayo ikinasal at saan?


S: Ikinasal po kami noong May 20, 2008 sa Sabang, Angat,
Bulacan. Christian wedding po yun at ang nagkasal sa
amin ay si Pastor Ponciano C. Tabora, ng Minister of Jesus
is Lord Church.

T(18): Ano na ang nangyayari pagkatapos ninyong ikasal?


S: Nagsama na po kami at sa Baguio po kami tumira noon.

T(19): Kumusta naman ang inyong pagsasama?


S: Hindi po maaayos.

T (20): Bakit?
S: Malayo po ang loob niya sa akin at hindi niya ako kinikibo.

T (21): Bakit?
S: Hindi ko po alam.

T(22): Hindi mo ba siya tinatanong?


S: Tinatanong po pero hindi nga po niya ako kinikibo hindi po
siya sumasagot.

T(23): Ano ang ginawa mo?


S: Wala po. Naisip ko po tuloy na napilitan lang talaga siyang
pakasalan ako.

3
T(24): Anong nangyari sa pagsasama ninyo?
S: Naghiwalay na po kami.

T(25): Bakit kayo naghiwalay?


S: Wala na rin naman pong patutunguhan ang pagsasama
namin eh. Lagi po siyang gabing-gabi na umuwi at lagi
pang lasing.

T(26): Alam mo ba ang dahilan?


S: Hindi po. Kapag tinatanong ko nga po siya ay hindi naman
sumasagot hindi niya ako kinikibo.

T(27): Ano ang naramdaman mo?


S: Nalulungkot po ako. Naiisip ko po na wala talaga siyang
pakialam sa akin, Naisip ko rin na baka may iba siyang
babae kaya ganun siya sa akin. Kinukumpronta ko siya at
nauuwi sa away pero kapag nagagalit na siya ay
tumatahimik na rin ako dahil natatakot ako sa kanya
malaking lalaki po kasi siya at baka saktan niya ako.

T(28): Nabanggit mo na baka may iba siyang babae, bakit mo ito


nasabi?
S: Yun po ang duda ko kasi hindi nga po niya ako kinikibo.

T(29): Ano ang ginagawa mo?


S: Dahil nga po nagduda ako na nakikipaglandiaan siya sa
babaeng nakatira malapit sa amin ay sinusubaybayan ko
po siya.

T(30): Ano ang nangyari?


S: Wala po. Pero noong kinumpronta ko po siya tungkol sa
babae niya ay pinagbintangan po niya ako na ako ay
nakikipagtext sa ibang lalaki pero paraan niya lang po yun
para sa pagtakapan ang pagloloko niya.

T(31): Ano pa ang masasabi mo tungkol sa kanya?


S: Siya po ay sugarol, nagsasabong po siya, nagto “tong-its”.
Mas mahaba pa po ang oras niya sa pagsasabong kesa sa
bahay. At kapag nasa bahay naman ay walang ginagawa
kundi manood ng TV at hindi ako pinapansin. Ayaw man
lang tumulong sa gawaing bahay. Hindi niya
ginagampanan ang tungkulin niya bilang asawa.

T(32): Ano pa ang masasabi mo?


S: Bukod po doon ay madalas ay ayaw niya magbigay ng
pambayad sa rent sa bahay, pati pambayad sa kuryente at
pang-grocery. Yung ATM niya nasa kanya lang. Ayaw niya
ibigay sa akin at ang katuwiran niya ay nag-iipon siya pero
wala naman akong nakikitang naiiipon niya. Puro lang siya
sugal at pag-iinom kasama ang mga kaibigan niya pati
mga pinsan niya.

4
T(33): Ano pa?
S: Ayaw niya po magbigay ng pera para sa pamilya. Hindi
siya nagbibigay ng suportang pinansyal.

T(34): Kung ganoon ay saan nagmumula ang pang-gastos ninyo


sa bahay?
S: Sa akin po kasi may trabaho din naman po ako. Sa akin po
lahat ang gastos sa bahay.

T(35): Masasabi mo bang siya talaga ang may kasalanan kung


bakit kayo nagkahiwalay?
S: Opo. Pero inaamin ko po may kasalanan din naman ako.

T(36): Bakit mo nasabi yan?


S: Siguro po ay naging demanding ako sa oras niya tsaka sa
pera kasi hindi naman siya nagbibigay. Pero siya po talaga
ang walang paki-alam sa pamilya. Basta ginagawa niya
lang ang gusto niya wala siyang paki-alam. Gusto niya siya
lagi ang nasusunod. Siya lagi ang tama. Hindi niya ina-
amin ang pagkakamali at mga kasalanan niya pero lagi
naman niya sinasabi na wala siyang ginagawang masama.

T(37): Ano pa?


S: Mas gusto pa niya kasama ang mga kaibigan niya at mga
pinsan. Nag-iinuman sila. Doon siya masaya at hindi kapag
kasama ako sa bahay. Ina-amin ko, nagseselos ako kasi
dapat mas masaya siya kapag kasama ako at dapat ako
lagi ang kasama niya kesa sa mga kaibigan at mga pinsan
niya.

T(38): Napansin ko na parang wala kang masayang sandali


kasama ang asawa mo?
S: Wala nga po. Hindi nga po niya ako halos kinakausap eh.
Hindi niya ako kinikibo.

T(39): Hindi mo ba talaga alam ang dahilan?


S: Hindi ko po talaga alam. Wala nga rin po akong gaanong
alam sa kanya eh. Pati nga po pamilya niya ay wala rin
akong alam eh.

T(40): Anong ibig mong sabihin?


S:” Bigla nga po kasi ang pagpapakasal sa amin at hindi ako
nagkaroon ng pagkakataon na ma-meet ang mga kaanak
niya. Tsaka hindi nga po kasi kami nagkaka-usap ng
maayos. Paano po kasi bihira nga siyang umuwi na diretso
sa bahay eh lagi siyang diretso sa inuman.

T(41): Ano pa ang masasabi mo?


S: Naalala ko po noong May 2010 yun. Yun ang unang
pagkakataon na Nakita ko ang pagkatao niya. Lasing na
lasing siya at nang tanungin ko siya kung saan siya galing
ay hindi siya sumagot at biglang sinipa ang pinto ng bahay
at sinira pa niya ang mga gamit sa bahay tapos hinawakan

5
niya ako at natakot ako kaya napatakbo ako at pumunta
ako sa bahay ng kapatid ko at humingi ako ng tulong.

T(42): Ano ang sumunod na pangyayari?


S: Kinausap siya ng kapatid ko at ng hipag ko pero hindi
naman siya kumikibo pero hindi rin siya humingi ng
paumanhin man lang.

T(43): Ano pang ang nagyari?


S: Naulit pa ang pangyayaring katulad noon at lagi akong
tumatakbo sa bahay ng kapatid ko para humingi ng tulong.
Palagi na siyang ganun kapag nalalasing hindi na siya
nagbago.

T(44): May iba pa bang pangyayari?


S: Opo. Noong August 2010 yun. Habang naglalaba ako ay
dumating si Christopher. Medyo nakakainom siya parang
tipsy lang po. Sabi ko sa kanya wag na siyang umalis at
tulungan na lang niya ako sa gawaing bahay pero hindi
niya ako pinakinggan at umalis pa rin siya at nakipag-
inuman. Nagalit ako kaya ni-lock ko ang bahay at wala
akong balak pagbuksan siya ng pinto pag-uwi niya. At pag-
uwi nga niya ay hindi ko siya pinagbuksan at galit na galit
siya at sinipa niya ang pinto kaya binuksan ko na rin kasi
nakaka-istorbo na sa mga kapit-bahay. Tapos pagpasok
niya galit na galit siya at pinaghahagis lahat ng
mahawakan niya tapos sinuntok pa niya ang salamin pati
bintana.

T(45): Ano ang ginawa mo?


S: Kinuha ko po ang cellphone ko at tatatawag po sana ko sa
mga magulang ko pero inagaw niya ang cellphone ko at
pinagbintangan niya na lalaki ko daw ang tinatawagan ko
pero hindi niya alam na nanay ko ang tatawagan ko.

T(46): Ano pang ang nangyari?


S: Natakot po ako at sinubukan kong tumakbo pero
nahawakan niya ako sa damit at nasira pa po ang damit
ko. Takot na takot ako at umiiyak na po ako noon at
nagmaka-awa na wag niya akong sasaktan pero hindi niya
ako pinakinggan at sa halip ay tinulak niya ako sa higaan
at hinampas pa niya ako ng chessboard. Hindi ako
makahinga noon at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng
malay pero hindi pa rin siya tumigil ibinaliktad pa niya ang
higaan at naipit ako sa ilalim. Hindi ako makagalaw
hanggang sa nakawala na ako. Pero Nakita ko siya na
kinuha niya ang kutsilyo. Takot na takot ako kasi baka
saksakin niya ako kaya pinilit kong makatayo at sinubukan
kong agawin sa kanya ang kutsilyo. Nag-agawan kami
hanggang nasugatan siya sa kamay at umalis siya.

T(47): Ano ang nangyari?

6
S: Pagka-alis niya ay tumawag agad ako sa mga magulang
ko.

T(48): Ano ang nangyari?


S: Sinabi ng magulang ko na wag akong matutulog dahil baka
balikan ako. Baka daw mapatay ako.

T(49): Ano ang ginawa mo?


S: Hindi nga po ako natulog hanggang kinabukasan tapos
dumating na po ang mga magulang ko at tinulungan nila
ako. Nakita nga po nila ang mga galos ko pati sa mukha.

T(50): Ano ang ginawa nila?


S: Kinausap po nila si Christopher pero tahimik lang ito at
walang bakas ng pagsisisi.

T(51): Ano pa ang nagyari?


S: Umalis na po ako kasama ng mga magulang ko at wala na
po akong bakalk bumalik pa.

T(52): Ano naman ang ginawa niya?


S: Wala po. Hindi man lang niya ako pinuntahan para sunduin
o kaya ay suyuin at hindi rin niya ako tinawagan man lang.

T(53): Sa ngayon ba ay may nagkakausap o kumunikasyon pa


kayo?
S: Wala na po pero ang balita ko ay may iba na siyang
pamilya sa Baguio at may anak na sila.

T(54): May anak ba kayo?


S: Wala po.

T(55): Ano pa ang masasabi mo tungkol sa kanya?


S: Hindi siya naging mabuting asawa sa akin. Hindi niya
nauunawaan ang responsibilidad ng may asawa. Gusto
niya siya lagi ang nasusunod tapos siya lagi ang tama.
Hindi rin niya ipinaramdam na mahal niya ako at mahalaga
ako sa kanya. Mas mahalaga pa sa kanya ang mga
kaibigan at kainuman niya. Hindi niya ako sinuportahan
bilang asawa niya at wala siyang pakialam sa pamilya at
maging sa pinansyal wala rin siyang suporta dahil ako ang
gumagastos sa bahay at pamilya. Nauubos niya lang ang
pera niya sa sugal at inuman. Pati ang oras niya ay
nauubos sa mga kaibigan niya at sa pakikipag-inuman.

T(56): May mga ari-arian ba kayong naipundar?


S: Wala po.

T(57): May mga pinagkakautangan ba kayong mag-asawa?


S: Wala rin po.

T(58): Sa ngayon ay wala na muna akong itatanong pa sa iyo.


May nais ka pa bang sabihin?

7
S: Wala na po.

Sa katunayan, ako ay lumagda ngayon ika-__ ng Nobyembre,


2020 dito sa San Pablo City, Laguna.

LENIE S. VALENZUELA-PAYAO
Nagsalaysay

Nilagdaan at pinanumpaan sa harap ko ngayon ika-__ ng


Nobyembe, 2020 dito sa San Pablo City, Laguna.

ATTY. ARVIN C. LLEGO


Counsel for Petitioner
No. 468, Santisimo Rosario,
San Pablo City, 4000 Laguna
Cellphone no. 09327965279
Email address: arvin.llego@yahoo.com
IBP O.R. No. 102422 1/2/2020
PTR No. 0958079 SPC 01/03/2020
Attorney’s Roll No. 71366
MCLE Compliance No. VI-0022894
Valid until April 14, 2022

You might also like