Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Ang Pilipino sa Pambansang

Kaunlaran
Modyul sa Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan

RHODA MAY B. ANDALLO


Developer

Department of Education • Cordillera Administrative Region

i
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra

Published by:
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this
material for commercial purposes and profit.

Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and


other copyrighted contents) included in this learning resources are owned by their
respective copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented by
the Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. in seeking permission to
use these materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership
over them. This module is intended for educational purposes and will be subjected
for further Learning Resource Copyright evaluation and the inventory of copyrighted
third party content will be prepared.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular ang Learning Resource Management and Development Unit, Department
of Education, Schools Division of Abra, bilang tugon para sa pagsasakatuparan ng
K12 Curriculum.
Ang kagamitang panturong ito ay pag-aari ng Department of Education,
Schools Division of Abra, Curriculum Implementation Division, Learning Resource
Management Section. Layunin nito na maiangat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
asignaturang Araling Panlipunan.

Date of Development : April, 2021


Resource Location : Schools Division of Abra
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level :9
Learning Resource Type : Module
Language : Filipino
Quarter/Week : Q4/W2
Learning Competency/Code : Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng
mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
AP9MSP-IVb-3

iii
PAGKILALA

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa lahat nang nagbigay


tulong, suporta, at kontribusyon upang maisulat ang modyul na ito.

Pasasalamat at pagkilala rin sa bumubuo ng Learning Resource Management


System ng Dibisyon ng Abra sa walang sawang suporta at paggabay upang mabuo
ang materyal na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa akin ng determinasyon, tiyaga at


karunungan.

Muli, maraming-maraming Salamat sa inyong lahat.

RHODA MAY B. ANDALLO


Cayapa National High School, Lagangilang District

Quality Assurance and Development Team

MARLENE C. ABAOAG, Ed.D.


Education Program Supervisor –Aral. Pan.

RIZA E. PERALTA RYNWALTER A. PAA


Librarian II Project Development Officer II

RONALD T. MARQUEZ .
Education Program Supervisor for LRMS

Consultants:

HEDWIG M. BELMES
Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division

SORAYA T. FACULO, Ph.D.


Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, Ed.D., CESO VI


Officer In-Charge Office of the Schools Division Superintendent

iv
Talaan ng Nilalaman
Page
Karapatang Sipi …………………………………………………..……...…..…. ii
Paunang Salita …………….…………………………………………...…….… iii
Pagkilala………………………………………………………………. …….…... iv
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………….……. … v
Pahinang Pamagat……………….………………………………………………. 1
Alamin ……………………………………………………………………………... 2
Subukin…………………………………………………………………. 3
………….
Lesson Proper……………………………………………………………………. 5
Balikan…………………………………………………………………………. 5
Tuklasin……………………………………….………….………….…………. 6
Suriin……………………………………...…………….……………………… 8
Pagyamanin ………………………………………...……………….………… 9
Gawain I……………………………………….…………………………… 9
Gawain 2…………………………………………………………………… 10
Isaisip ……………………………………………………………………………… 11
Isagawa ………………………………………………………………...….……… 12
Tayahin …………………...………………………………………………….…… 13
Karagdagang Gawain…………………………………………….……………… 14
Mga Sagot……………………………………………………………………….. 15
Sanggunian… ……………………………………………………...…….…….… 16

Ang Pilipino sa Pambansang


Kaunlaran
Modyul sa Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
v
RHODA MAY B. ANDALLO
Developer

Alamin

Sa puntong ito, ikaw ay may ganap nang kaalaman sa mga programang


pangkaunlaran ng Pilipinas na naglalayon na tugunan ang iba’t ibang isyu at
suliraning pangkaunlaran na kinakaharap ng ating bansa.

Ngayon, alam mo ba ang bahaging iyong gagampanan sa kaunlaran ng iyong


sarili at

vi
ng ating bansa? Sa modyul na ito mo malalaman ang iba’t ibang stratehiya na
maaari mong gamitin upang makatulong sa kaunlaran ng iyong sarili at ng bansang
Pilipinas.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod:

1. Mailarawan ang iba’t ibang paraan na maaaring magawa upang


makatulong sa pansarili at pambansang kaunlaran;
2. Matukoy ang bahaging gampanin sa pansarili at pambansang kaunlaran;
3. Mapahalagahan ang mga stratehiya at plano para sa pansarili at
pambansang kaunlaran;
4. Makapagplano para sa pansarili at pambansang kaunlaran; at
5. Matukoy ang mga aral na maaaring matutuhan sa iba’t ibang kwento ng
pag-asa.

Subukin
2

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao?.


a. puhunan b. sarili c. lupa d. pamilya

vii
2. Ang kakapusan ay nararanasan ng lahat.
a. Tama, dahil laging kulang ang pera para sa pangangailangan.
b. Tama, dahil ang kakapusan ay bahagi ng buhay
c. Mali, ang isang tao ay maaaring hindi kapos dahil gumagastos lamang siya
batay sa kanyang pantustos.
d. Mali, ang mga mayaman ay hindi nakakaranas ng kakapusan.

3. Ang pagbabayad ng buwis ay _________


a. Obligasyon sa pamahalaan.
b. Bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan.
c. Pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan.
d. Pinagkukunang yaman.

4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng pag-iimpok (savings)


a. Kita (Income) – gastusin (expenses).
b. Kita = impok
c. Kita + kita = impok.
d. Kita – impok = gastusin

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat na maging batayan ng pagkwenta ng dapat


kitain sa pagnenegosyo at investment.
a. Inflation rate
b. Interest rate
c. Floating rate
d. Exhange rate

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong sa sama-samang paglaya sa


kakapusan?
a. Pagboto ng matalino.
b. Pagsali sa kooperatiba.
c. Paggawa.
d. Pagbabayad ng buwis

7. Ang kalayaan sa kakapusan ay nagpapakita ng


3
a. Kakayahan na tustusan ang mga pangangailangan.
b. Kakayahan na tustusan ang mga kagustuhan.
c. Kakayahang magnegosyo.
d. Kagustuhang mag retiro.

8. Aling investment ang may pinakamaliit na panganib?


a. Mutual Fund
b. Dollar Deposit

viii
c. Stock Trading
d. Savings Deposit

9. Ilang porsyento ng iyong kita bawat buwan ang iyong dapat itabi bilang impok?
a. 20% b. 15% c. 0% d. 5%

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng tagumpay?


a. Support b. Vision c. Strategy d. Confidence

Balikan
4

Gawain: SALI-HABI

Tukuyin ang salitang inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag gamit ang


mga pinaghalo-halong letra. Gamitin ang code na naibigay sa hulihan upang
matukoy ang konseptong may kaugnayan sa mga nabuong salita.

ix
1. Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human
development sa mga kasaping bansa nito

2. Itinuturing na pinakamahalaga o tunay na yaman ng isang bansa

3. Ito ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at kanilang kakayahan ang
pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa

4. Palatandaang ginagamit upang sukatin ang kahirapan ng mga bansang


kasapi sa UN

5. Mahalagang salik sa pagsulong ng ekonomiya na nakatutulong sa paglikha


ng mas maraming produkto at serbisyo.

Tuklasin
5

Ang tsart sa ibaba ay hango sa United Nations Development Programme


(Human Development Report 2015). Dito makikita ang estado ng mga bansa batay
sa iba’t ibang mga panukat ng pag-unlad. Suriing Mabuti at sagutan ang kasunod na
mga katanungan.

x
https://www.slab.pt/observatoriodasdesigualdades/wp-content/uploads/2017/04/fig1_hdr.png

Pamprosesong Tanong:
6
1. Aling sampung mga bansa ang itinuturing na maunlad sa taong 2015?
2. Saang kontinente matatagpuan ang karamihan sa mga mauunlad na bansa?
3. Pang-ilan ang Pilipinas batay sa tsart? Paano inilalarawan ng nasabing ulat
ang antas ng pag-unlad ng bansa?
4. Ano sa iyong palagay ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang
matamo ang pambansang kaunlaran?

xi
5. Bilang isang Pilipino, ano ang maaari mong gawin upang maging bahagi sa
pagtamo ng pambansang kaunlaran?

xii
Suriin

Upang matamo ang pambansang kaunlaran, bawat isa sa atin ay mayroong


kakayahang makatulong sa pagkamit nito.

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga
mamamayan. Bawat isa ay may bahaging gampanin sa pag-unlad ng bansa.
Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa
pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang
paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Ang paglaya
sa kakapusan ay hindi magiging sapat upang umunlad ang bansa. Kailangan ng
sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan.
Maaaring gawin ang mga sumusunod bilang ilan sa mga stratehiya na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang
pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng
sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng
edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa;

2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa


anomalya at korupsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at
pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging
tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at
pagsasawalang kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay,
sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.

MAABILIDAD
3. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang
paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa 18
paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng
puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na makikinabang at tatangkilik
ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng
kooperatiba ay mga kasapi rin na naniniwala sa sama samang pag-unlad.

4. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat


nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang
kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

MAKABANSA
5. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa
pamamahala ng barangay, gobyernong lokal at pambansang pamahalaan upang
maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang
gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.

8 xiii
6. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay
nawawalatuwing tinatangkilik natin ang dayuhan produkto. Dapat nating pagsikapan
na tangkilikin ang gma produktong Pilipino.

MAALAM
6. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran
ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga
isyung pangkaunlaran upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim
na kabatiran sa mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa.

7. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa


komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan
lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at
pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo
ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng
mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Pagyamanin

Gawain 1: YAKANG-YAKA

Panuto: Mahalagang malaman ang mga suliraning pinagdadaanan ng pamilya at


maging bahagi sa mga solusyong gagawin upang matugunan ito. Balikan ang mga
karanasang nalagpasan ng iyong pamilya at punan ang kasunod na tsart.

SULIRANING
PANGKABUHAYAN TAON NG SOLUSYONG
EPEKTO
NA NARANASAN KAGANAPAN GINAWA
NG PAMILYA
1.
2.
3.
4.
5.

1. May mga paraan ba na naisagawa ang inyong pamilya na katulad ng mga paraan
na tinalakay sa araling ito?
______________________________________________
___________________________________________________________________

2. Maari kayang magamit ang mga paraan na nabanggit sa araling ito sa pagtugon
sa mga suliraning kinaharap ng inyong pamilya? Paano?
________________________

xiv
___________________________________________________________________
3. Ano kaya ang naging susi sa matagumpay na paggamit ng mga paraang iyong
sinulat sa tsart? ____________________________________________________
9
_________________________________________________________________

Gawain 2: PAG-ISIPAN MO

1. Nawalan ng hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil sa kawalan


ng naipon na pera para sa mga sitwasyong ganito ay laging nag-aaway ang
iyong mga magulang. Sila ay nagsisisihan at nagsusumbatan kung sino ang
may mali. Kapwa sila nawalan ng lakas ng loob. Ang tatay mo ay natutong
uminom ng alak habang ang nanay mo naman ay naglalabada upang may
panggastos sa araw araw. Ano ang yong gagawin? Magbigay ng limang
hakbang na iyong maisasagawa na nagpapakita ng paglalapat ng mga
natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.

A. ____________________________________________________
B. ____________________________________________________
C. ____________________________________________________
D. ____________________________________________________
E. ____________________________________________________

2. Ang inyong kapitbahayan ay magulo, maingay, at maraming tambay.


Maghapong nagsusugal ang mga kababaihan. Sila ay nagbabakasakali na
swertihin at mayroon silang maipandagdag sa gastusin sa bahay. Ang mga
kalalakihan naman at mga tambay at nag-iinuman magdamag. Ang mga bata
naman ay pinababayaan sa paglalaro maghapon sa kalsada dahil sa
masisikip ang mga bahay. Ang mga kabataan ay maagang nagsisipag-asawa
dahil sa maagang pagbubuntis. Ang mga ilan na nakatapos ng pag-aaral ay
hindi makakuha ng trabaho. Ano ang maaaring magawa upang mapabuti ang
lugar na ito?

A. ____________________________________________________
B. ____________________________________________________
C. ____________________________________________________
D. ____________________________________________________
E. ____________________________________________________

10
xv
Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Pagkatapos ay sagutan ang mga kasunod
na mga tanong.

Noong nakaraang labing-anim na taon, ang Lungsod ng Naga ay tinuturing na


isa sa pinkamahirap na lugar sa Pilipinas. Mayroon itong kakulangan na P1 milyong
piso, bawal na pasugalan, at 20% ng kanyang populasyon ay maituturing na
mahirap.
Sa pamumuno ni Mayor Jesse Robredo, ang Naga ay umunlad. Ang kanyang Per
Capita Gross Produc at 115% na mas mataas sa pamabansang Per Capita Product.
Ang kanyang ekonomiya ay lumalaki ng 6.5% kada taon. Sabi ni Mayor Robredo,
ang susi sa pag-unlad ng Naga ay ang sama-samang pagkilos ng kanyang mga
mamamayan. Nagsagawa sala ng People Empowerment Program sa Naga. Ang
bawat mamamayan mula sa magsasaka, street vendor, mahirap, mayaman,
mayroon o walang pinag-aralan ay isinama sa konsultasyon kung paano
patatakbuhin ang lokal na pamahalaan, gagastusin ang buwis, at ano ang mga
proyektong panglungsod na itataguyod. Dahil sa People Empowerment Program na
ito ay nagkaroon ng damdamin ang mga taga Naga na sila ang nagpapatakbo ng
kanilang Lungsod at hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan.
Dahil sa pakikilahok ng taong bayan ang Lungsod ng Naga ay nagtamo ng
mga
pandaigdigan at pambansang pagkilala dahil sa kanilang kakaibang pamamahala ng
kanilang Lungsod.

Sagutin: Magbigay ng tatlong aral na maaaring matutuhan mula sa kwento ng


tagumpay na ito.

1.
___________________________________________________________________
2.
___________________________________________________________________
3.
___________________________________________________________________

xvi
11

Isagawa

Panuto: Bilang mabuting mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang


pakikiambag mo sa pag-unlad ng ating bansa? Ilahad ang kasagutan sa
pamamagitan ng paggawa ng Campaign Slogan. Gamiting gabay sa paggawa ang
kasunod na rubrik.

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS


Nilalaman Ang ginawang campagn slogan ay 10
mabisang nakapanghihikayat sa mga
makababasa nito.
Pagkamalikhain Ang paggamit ng mga angkop at 10
malalim na mga salita ay akma sa
disenyo at biswal na presentasyon
upang maging mas maganda ang
slogan.
Kaangkupan sa tema Angkop sat ema ang ginawang slogan. 5
Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng slogan. 5

xvii
Tayahin
12
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao?.


a. puhunan b. sarili c. lupa d. pamilya

2. Ang kakapusan ay nararanasan ng lahat.


a. Tama, dahil laging kulang ang pera para sa pangangailangan.
b. Tama, dahil ang kakapusan ay bahagi ng buhay
c. Mali, ang isang tao ay maaaring hindi kapos dahil gumagastos lamang siya
batay sa kanyang pantustos.
d. Mali, ang mga mayaman ay hindi nakakaranas ng kakapusan.

3. Ang pagbabayad ng buwis ay _________


a. Obligasyon sa pamahalaan.
b. Bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan.
c. Pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan.
d. Pinagkukunang yaman.

4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng pag-iimpok (savings)


a. Kita (Income) – gastusin (expenses).
b. Kita = impok
c. Kita + kita = impok.
d. Kita – impok = gastusin

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat na maging batayan ng pagkwenta ng dapat


kitain sa pagnenegosyo at investment.
a. Inflation rate
b. Interest rate
c. Floating rate
d. Exhange rate

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong sa sama-samang paglaya sa


kakapusan?
a. Pagboto ng matalino.
b. Pagsali sa kooperatiba.
c. Paggawa.
d. Pagbabayad ng buwis

xviii
7. Ang kalayaan sa kakapusan ay nagpapakita ng
13
a. Kakayahan na tustusan ang mga pangangailangan.
b. Kakayahan na tustusan ang mga kagustuhan.
c. Kakayahang magnegosyo.
d. Kagustuhang mag retiro.

8. Aling investment ang may pinakamaliit na panganib?


a. Mutual Fund
b. Dollar Deposit
c. Stock Trading
d. Savings Deposit

9. Ilang porsyento ng iyong kita bawat buwan ang iyong dapat itabi bilang impok?
a. 20% b. 15% c. 0% d. 5%

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng tagumpay?


a. Support b. Vision c. Strategy d. Confidence

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa gitna ng masalimuot na kapanahunan ng buong mundo dahil sa


pandemyang dulot ng COVID-19 virus, at ng mga samu’t saring usapin tungkol sa
teritoryo ng ating bansa, bawat isa ay may magagawa upang malagpasan natin ito.
Lumikha ng 2-3 talatang tula na nanghihikayat sa bawat Pilipino na huwag mawalan
ng pag-asa, bagkus dapat na makiisa para sa sama-samang pag-unlad ng ating
bansa.

RUBRIK:
Nilalaman – 50%
Organisasyon – 20%
Kaugnayan sa Paksa – 30%

xix
Mga Sagot
14

ISAISIP
Ang sagot ay nakabatay sa pag_unawa
ng mag-aaral

ISAGAWA
Nakabatay sa rubriks ang magiging
marka ng mag-aaral

KARAGDAGANG GAWAIN
Nakabatay sa rubriks ang magiging
marka ng mag-aaral

BALIKAN
TAYAHIN
1. B
2. C
3. A
4. D
5. A 15 Sanggunian
6. C
7. A
1. 8. B Bernard R. Balitao, martiniano D. Buising, D.J
9. A Garcia, Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul
10. A

xx
para sa mga mag-aaral, Kalihim Armin A.Luistro FSC at Panggalawang
kalihim Dina S. Ocampo Ph. D year 2015

2. DepEd, Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa mga mag-aaral


unang Edisyon year 2015, Bernard R. Balitao, martiniano D. Buising, D.J
Garcia, Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mga mag-aaral,
Kalihim Armin A. Luistro FSC at Panggalawang kalihim Dina S. Ocampo Ph.D
year 2015

Online References:
1. https://puzzlemaker.discoveryeducation.com/double-puzzle/result
2. https://www.slab.pt/observatoriodasdesigualdades/wpcontent/uploads/201
7/04/fig1_hdr.png
3. https://dl.documents.pub/download/8443d25a37a40055ac1fb218569c3db
a165ecc8f9d305f320bd77dafba7e8323964137efd367d2f6790df5993a5dc
b44523ca4687ec78ffea555b5eeff9e93661A0o8cN481GVqgAVVVvEFSs5
3z9SeXQ7dXeqHK0hkud+P2eLtGkoQ
%2FIu+dBOHx1hSwpVSdyGfamXkqITTGY1ftGGE%2F3H0S+fUAGHe0S
%2F21ZrtCVeBXfGUmQ6c9UIa5Fn
4. https://24e183bd-a-5d88330f-s-
sites.googlegroups.com/a/deped.gov.ph/mylrmds/resources/grade-ten/Aral
%20Pan%20G10%20EASE%20Modyul%2018%20Ang%20Pilipino%20sa
%20Pambansang%20Kaunlaran.pdf?
attachauth=ANoY7co9pPNorsDjLnElhvCtpOtYMv27eg66MJChNA3qVm5x
cDCqefQ5HJDZG1pRPAHJ1z-
Ed_xi9bzSSESP3MVdPdjG5qfGhAhM8MDbawTrePks3EooiNYWFP13N0
ZfjzsN05K1P89VZd9z4iYuawMTfRPMatmbyAVqogQm0VMtkavPUmlJ1L9
hkBYVFcXmcW-vz36H25uAuedmyXQwNazZn1s-Y3-fKKKwwNpn-
LVvf2DEQrCUG3wy7arca4jQ2xs5aVEErxM9DB2Dd3VUT8JQzIucBYEWlp
ZaVh-ihIsoYxZy7DGDRTUSWwOvMqo4o8umoS0Ttex-
&attredirects=0&d=1

16

xxi
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Abra
Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra
Telephone No.: (074)614-6918
e-mail: abra@deped.gov.ph
Website: http://www.depedabra.com
LRMS Website: https://lrmsabra.blogspot.com

xxii

You might also like