Professional Documents
Culture Documents
M2L3 Handout7 Lesson Plan Si Pilong Patagotago
M2L3 Handout7 Lesson Plan Si Pilong Patagotago
I. Mga Layunin
A. Layuning Ekspresibo
1. Maunawaan na may tamang oras para sa paglalaro
2. Masiyahan sa larawan at diyalogo ng mga tauhan sa kuwento
B. Layuning Instruksiyonal
1. Maibigay ang kahulugan ng mga bagong salita
2. Makilala ang mga detalye
3. Mahinuha ang mga nararamdaman ng mga tauhan
4. Mapagsunod-sunod ang mga pangyayari
5. Makapagbigay ng hinuha kung ano ang maaaring maging pagbabago sa ugali ng tauhan
6. Makapaglista ng mga angkop na pagkakataon para maglaro
II. Nilalaman
A. Paksa
Kuwento: Si Pilong Patago-tago
Isinulat ni: Kristine Canon
Iginuhit ni: Leo Alvarado
Inilimbag: Adarna House 2004
ELLN DIGITAL 61
II. Pamamaraan
A. Bago Magkuwento/Magbasa
a) Paghahawan ng Balakid
Nakataas ang aking kamay habang nililinis ang aparador. Subukan nating
gayahin ang posisyon ng aking kamay. (Ipagaya sa mga bata ang posisyon ng
kamay sa loob ng isang minuto.) Hindi ba’t nakangangalay ang ganitong
posisyon? Ano ang ibig sabihin ng nakangangalay? Ano ang naramdaman ng
inyong mga braso? Ano ang iba pang po sisyon na nakangangalay?
Katabi ng aming aparador ang lalagyan ng maruming damit. Matagal-tagal nang
hindi nakapaglababa ang aking nanay kaya naman marami na kaming tambak
na labada. Narito ang larawan ng aming tambak na labada. Ano ba ang ibig
sabihin ng tambak na labada?
Katulad ninyo, mahilig ding magtago ang bidang bata sa ating kuwento. Alamin natin kung
kung sino siya at kung saan-saan siya nagtatago?
ELLN DIGITAL 62
Makinig kayong mabuti sa ating kuwentong pinamagatang “Si Pilong Patago-tago.” (Sabihin
kung sino ang sumulat at gumuhit nito.)
B. Habang nagbabasa ng kuwento
Maaari ninyo ba akong tulungan habang binabasa ni teacher ang librong ito? Sa tuwing
itataas ko ang aking kaliwang kamay (maaaring ibang hudyat ang ibigay), sabay-sabay ninyong
isisigaw ang salitang “Bulaga!” Subukan nga natin. (Magsanay ng 2-3 beses hanggang sa maging
handa na ang lahat)
Huminto sa iba’t ibang bahagi ng kuwento. Itanong sa mga bata kung saan kaya susunod na magtatago
si Pilo.
C. Pagkatapos Magkuwento/Magbasa
A. Mga Pangkatang Gawain
Ibigay ang mga panuto para sa mga sumusunod na gawain.
ELLN DIGITAL 63
B. Talakayan
c. Ano kaya ang nararamdaman ng kanyang mga kasambahay sa tuwing pagtataguan sila ni
Pilo? Bakit kaya ganito ang kanilang nararamdaman?
f. Ano kaya ang naramdaman niya nang hindi niya makita ang kanyang nanay? Kung kayo si
Pilo, ano ang mararamdaman ninyo?
i. Tama! Hindi naman masamang maglaro. Tandaan lang natin na may oras para sa bawat
gawain.
Ano kaya magandang oras para sa paglalaro?
Pakinggan natin ang ulat ng Pangkat 5.
ELLN DIGITAL 64
C. Gawaing Pagpapayaman
Ngayon, oras na para tayo naman ang maglaro ng taguan. Makinig kayong mabuti sa aking
mga paalala para mas maging masaya at ligtas ang ating paglalaro.
Sabihin sa mga mag-aaral kung saan-saan lamang maaaring magtago. Ito ay upang maiwasan na
magtago sa malalayong lugar ang mga bata.
Handa na ba kayo?
ELLN DIGITAL 65