Ang Pagtataguyod NG Wika Sa Kolehiyo Elizalde at Zamora

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Elizalde, Michaela Noreen L.

Zamora, Maria Allana S.


P – 201

A. Paano ipinaglaban ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya ng iba't ibang grupo
sa pangunguna ng Tanggol Wika?

Noong 2013, sa pamumuno ng League of Defenders ng Wikang Filipino (Tangol WIKA),


nagsimulang labanan ang mga Pilipinong iskolar, guro, mag-aaral at mahilig sa kaligtasan ng Filipino
bilang isang paksa sa antas ng unibersidad. Nilagdaan ng Punong Komisyoner na si Kom. Patricia
Licuanan na wala na ang Filipino bilang bahagi ng GE Subjects sa antas kolehiyo sa bisa ng CHED
Memorandum Order (CMO) bilang 20, serye. Ayon sa komite, ang pagbabagong ito ay bahagi ng
pagpapaunlad ng edukasyon ng mga unibersidad ng Pilipinas sanhi ng pagpapatupad ng mga batas k-12.
Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito. Ang
adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng
diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng
magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Pinagtibay naman ng humigit-
kumulang 200 guro na delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) – na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora Batnag, dating
direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) – noong Mayo 31, 2013 ang isang resolusyon na
tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA
SA ANTAS TERSYARYA ” (inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong
2014). Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa mga opisyal
ng PSLLF) ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala
na sabagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang asignaturang
Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat
patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat: “sa antas tersyarya nagaganap at lubhang
nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat,
pagsasalin, pagsasalitang pang madla at kaalamang pangmidya.” Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa
kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong
bansa. Sa kabutihang-palad, tuloy ang pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyon ng
iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa.
Sanggunian:

San Juan, D.M. (n.d.). Tanggol wika presentation - Filipino SA Kolehiyo. Academia.edu.

https://www.academia.edu/12144474/Tanggol_Wika_Presentation_Filipino_sa_Kolehiyo

San Juan, D. M. (2017). Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL

WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento.


https://www.academia.edu/34914308/Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_Fi
lipino_TANGGOL_WIKA_Internal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumen
to_2014_2017

Tanggol wika. Tanggol Wika. (n.d.). https://tanggolwika.org/.

You might also like