Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

1

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education

College of Graduate Studies and Teacher Education Research

FIL 804 Intelektuwalisasyon ng Wika sa Iba’t ibang Domeyn Pangwika

SIPAT SURI SA WIKANG POST MILLENIAL: BATAYAN AT LUNSARAN NG

GAMPANIN NG PANUKALANG TEORYANG IMPORMALISMONG

HENERASYUNAL SA INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO

isinagawa ni:

Kelvin G. Lansang

isinumite kay:

JOEL C. MALABANAN. PH.D.


2

PANIMULA

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-

intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino

ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa

ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy

din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng

ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng

mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas

madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na

ginagamit noong unang panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang

pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang

antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay

gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang

pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya. May malalim na halaga ang wika sa ating

lipunan.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do

they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-

30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang

Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay siyang magiging

tulay tungo sa matatag at matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay

Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multikultural,
3

nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi

lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na

Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang

baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at

malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki ang naging gampanin nito noon at

magpahanggang ngayon.

Tinuran naman ni Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat

sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang

umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay

gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng araw-araw na

pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga

simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa tuwing

makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang

ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang Wikang

Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto,

kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago

rin ng mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang

nakasanayan. Ayon kay Mario I. Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang Kalagayan ng

Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, “Hindi ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang

problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang

panahon nina Quezon sa pamahalaang Commonwealth kalahating siglo ang nakararaan.

Pinag-uusapan na iyan kahit noong mahigit apat na raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang

nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga

makabagong salita na kung minsan ay nagbubunsod ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.


4

Tulad na lang ng paglaganap ng Jeje words, Beki language¸ at marami pang ibang nauusong

salita na nagiging kadahilanan ng mga orihinal na termino at kahulugan nito.

Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas, isang Journalist at taga-ulat

ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the Filipino Language. Sa

dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng mga

Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng isang partikular

na mensahe na nakasulat sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda, ay

nahirapang basahin ang mensahe dahil sa sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang

salita samantalang mabilis naman itong naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa kanila,

ang wikang Jejemon ay uso at pamilyar na sa kanilang henerasyon.

Sa kasalukuyan, malaki ang kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa

paglaganap at paglaho ng ilang mga salita. Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad

naman ni National Artist for Literature Virgilio Almario Ang hindi paggamit ng ilang

salitang Pinoy sa pera na nawawala sa sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang

hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng

Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang

lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario

na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.

Kung lilimiin, pinagtibay ni Caroll (1964), ang proposisyon na ang wika ay isang

sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa

loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng

kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o

natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.


5

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay

napagtibay bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22 sa

ilalim ng Artikulo XII Seksyon VI.

Sa kabilang banda, artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014

sa Tomasino Web ay nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala

tuwing buwan ng Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo

ay mga Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga

bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.

Lahat sila ay nagkakaisa na dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at

pagyamanin ang wikang kinagisnang upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na

pag-ikot ng mundo- dahil itinatanag ang wikang Filipino upang maging ilaw tungo sa

pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan. Subalit ang malaking

hamon kaugnay sa pagkilala sa ebolusyon ng wika gayundin sa pagyabong nito ay ang pantay

na pagtingin sa dalawang rabaw: sa PORMAL at sa di- Pormal na antas nito.

Nagbunsod ang pahayag ni Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa

Wikang Filipino (KWF) bilang isa sa mga inspirasyon ng papel na ito. Ayon sa kanya, malaki

ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw nagawain ng bawat Pilipino.

Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang

ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng

pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitannila dahil natamo

nila ang pangangailangan ng bawat isa.

Dagdag pa sa nagpaigting sa pagnanais na maisagawa ang mungkahing pananaliksik

na ito ang tinuran nina Barker at Barker (1993), na ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari

raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa


6

rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o

adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at susunod pang

henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan

ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating

pagkakamali.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mananaliksik ay nagnais na masagot sa pag-aaral na isinagawa ang mga


sumusunod na katanungan:

Pangunahing Katanungan:
Paano magagamit ang ipinanunukalang Teoryang Impormalismong Henerasyunal
bilang batayan at lunsaran ng pagpapaibayo ng intelektwalisasyon ng wikang
Filipino?

Tatlong Tiyak na Katanungan:


1. Anu- ano ang mga salitang nasa ilalim ng ‘di- pormal na antas ng wikang Filipino ang
ginagamit ng mga post millenial sa kasalukuyan?
2. Ano ang katangian ng mga salitang nasa ilalim ng ‘di- pormal na antas ng wikang
Filipino na ginagamit ng mga post millenial sa aspekto ng:
2.1 Morpolohiya;
2.2 Sintaksis;
2.3 Semantika?
3. Paano maihahalayhay at magagamit sa mga lunsarang pampagtuturo ang mga salitang
nasa ilalim ng ‘di pormal na antas ng wikang Filipino na ginagamit ng mga post
millenial sa kasalukuyan?
4. Gaano ang kabisaan ng pagsandig sa Teoryang Impormalismong Henerasyunal bilang
batayan at lunsarang pampagtuturo sa asignaturang Filipino sa iba’t ibang strand ng
antas Senior High School?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
7

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman, makilatis at

masuri ang palabuuan at pala-ugnayan ng impormal na antas ng wikang Filipino. May mga

tuntunin ng paggamit ng wika at pagsusuring panggramatika, pansemantika at pansintaktika

na sasandigan sa gagawing pag-aaral.

Bukod pa riyan, magiging tunguhin ng ipinapanukalang pananaliksik na ito ang mga

sumusunod:

1. masuri ang palabuuan at palaugnayang post- millennial gamit ang mga natalakay na

pagsusuring panggramatika at mga nakalap na pamamaraang pampagsusuring

pansemantika

2. makapagbalangkas ng mungkahing programang pampagtuturo at pang-interbensyon

sa asignaturang FIlipino sa Senior High School na nakabatay sa mga panukalang

modelong pang-instruksyon at pang-interbensyon na nakaangkla sa teoryang

ipinapanukala

3. matugunan ang resiprokal na suliraning pangwika ng mga mag-aaral

4. makapagpanukala ng teoryang IMPORMALISMONG HENERASYUNAL bilang

isa sa mga tungkong pundasyon ng lokalisasyon, intelektwalisasyon at

istandardisasyon ng wikang Filipino

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri at matukoy ang kasalukuyang anyo ng


wika na gamit ng mga post millenial sa Pilipinas. Ang magiging bunga ng pananaliksik
na ito ay inaasahang maaaring magbigay-daan sa mas mabisang pagsusuri sa gagamitin,
sasandigan at pagbabatayang napapanahong pananaliksik sa Panitikan, Wika at iba pang
disiplina na tuwirang may ugnayan asignaturang Filipino.

Una, bagama’t ang pag-aaral ay nakatuon sa palarawang pagsusuri ng wika ng


kabataan sa makabagong panahon, ito ay magpapakita ng sipat kwantitatibo na maaaring
8

limiin ng mga guro kaugnay sa pagbatid sa pagiging mabisa ng mga maka-21 siglong
dulog sa sistema ng pagtuturo sa ilalim ng K to 12 Curriculum. Anumang
masusumpungang bunga ng pananaliksik na ito ay maaari ding magbunsod ng
masinsinang pagrerebisa, muling pagbubuo o pagpapanatili ng mga dulog pampagtuturo
sa Filipino sa kabuuan.

Ang natuklasan sa pananaliksik na ito ay maaaring maging salalayan ng kritisismong


konstruktibo kaugnay sa mga ipinanukala, ipinapanukala at ipapanukala na pagpapabuti
sa mga learning portals sa asignaturang Filipino sa senior high school lalo na sa panahon
ng Digital Age na kadalasa’y nakokompromiso dahil sa reserbasyon na ituro nag
kurikulum sa wikang Ingles. Sa paglalahat, hindi rin maikakaila na sa pag-aaral na ito ay
maglalagos at inaasahang maipapabatid sa mga tagapamahala ng Kagawaran ng
Edukasyon ang katotohanang may potensyal na mas maging mabisa ang instruksyon ng
mga kursong TVL kung sasandigan ang wikang Filipino bilang mapananaligang
alternatibo sa pagtuturo ng kontent at ng praktika- at mas aagapay nang lalo sa
intelektwalismo ng wikang Filipino sa nagdudumaling panahong kontemporaryo.

Ikatlo, makikita rin ang pag-aaral bilang isang alternatibong paraan upang
matunghayan ng mag-aaral ang kalikasan at bagong bihis ng ugnayan sa ika-21 siglo.
Ang kakaibang dulog sa kung paanong ang isang mag-aaral o guro sa kontemporaryong
panahon ay makakamit ang mahahalagang impormasyon at ideya ng isang teknikal na
aralin sa pamamagitan ng paglalangkap ng ‘di- pormal na wika na gamit nila sa araw-
araw, ang pagkasangkapan dito at sa wikang Filipino sa kabuuan bilang midyum ng
pagtuturo at pagkatuto ay inaasahang magbubunsod ng pagkamit sa mas mataas na antas
ng karunungan. Ang pag-aaral na ito ay pasinaya sa pagtingin sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto na inaalalayan ng paggamit ng pormal at ‘di pormal na antas ng wikang
Filipino nang balikatan at maaaring mapatunayang mainam at mabisa sa kung tawagin ay
digital natives upang sila ay maging ganap na digital learners.

BALANGKAS KONSEPTWAL
9

PAMAMARAAN/ DALOY NG PAG-AARAL

MGA YUGTO NG PANANALIKSIK MGA TUKOY NA GAWAING

PAMPANANALIKSIK
- pagtukoy at pagsasagawa ng

UNANG YUGTO: pagkalap at paghahalayhay ng isang

glosaryo ng mga salita/ pahayag na

PAGKALAP nasa ilalim ng impormal na antas na

wika sa dulog diachronic:

a. dekada millennia (2000’s)

b. dekada post- millennia (2010- )

- pagsusuri sa mga nakalap na

salita/parirala sa glosaryo sa antas:

IKALAWANG YUGTO: - MORPOLOHIYA

- SINTAKSIS

PAGSUSURI - SEMANTIKA

- pagbuo ng ipotesis na papatunayan

sa isasagawang pananaliksik

- pagpapanukala sa Teoryang

IKATLONG YUGTO: Impormalismong Henerasyunal


10

bilang tugon sa paglalarawan sa

PORMULASYON NG ISANG dayakronik na pagbabagong

TEORYANG PANGWIKA kinasangkutan ng wikang impormal

sa nakalipas na halos limang dekada.

- paglilinaw sa saklaw ng katuturang

konseptwal ng teoryang ipapanukala

- pagbuo ng dayagram na

magpapakita sa biswal na

interpretasyon ng teorya.

- paghahanda sa mga pangunahing

pangangailangan sa paglalapat ng

iskima at mg kaugnay na literature at

pananaliksik na maaaring sumuporta

sa teorya.

- Paghahanda ng mga potensyal na

lunsarang pampagtuturo sa

asignaturang Filipino sa antas Senior

High School

- pagtukoy sa populasyon ng

pananaliksik

IKAAPAT NA YUGTO: - pagtukoy sa sample population ng

pananaliksik

PAGSASAGAWA NG ISANG - paghahanap ng istandardisadong

PANANALIKSIK UPANG BIGYAN NG instrumento o paglikha/

PAGTITIBAY ANG NABUONG pagpapavalideyt ng likhang


11

PANUKALANG TEORYA instrumento

- paghahanda ng mga legal na

dokumento gaya ng mga liham

pahintulot

- paghahanda ng programang pang-

instruksyon na gagamitin

(BLENDED LEARNING-

FLIPPED CLASSROOM

INSTRUCTION)

- ang programang ito ay may

valideyted na modelong:

- L - IMIIN

- O - OBSERBAHAN

- D - DALUMATIN

- I – ISABUHAY

- Ihahanda rin ang programang pang-

interbensyon na gagamitin na

babansagang: MODELONG

PETMALU

- P agtukoy sa sanhi ng kahinaan ay

sandigan

- E laborasyon sa tukoy na sanhi ng

kahinaan ay kailangan

- T ukoy na interbensyon sa

kahinaan ay bigyang kabatiran


12

- M itigasyon sa interbensyon sa

naabatid ng kahinaan ay huwag

kalimutan

- A gapayan, alalayan, akayin ang

mag-aaral habang interbensyon ay

tinutugunan

- L umikha ng bagong pagtataya at

pagtatasa upang matukoy kung

natugunan ang kahinaan

- U litin ang proseso ng

interbensyon hanggang makamit

ang inaasahang pangmag-aaral na

kaunlaran

- pagsasagawa ng isang pananaliksik

na eksperimental (PRE-TEST/

POST TEST BASED)

- pagkakaroon ng serye ng mga

maikling pagsusulit sa gitna ng pre

test at post test.

- Sa aktwal na pagtuturo ng aralin,

pipili lamang ang mananaliksik ng

isang guro sa senior high school na

kakatawan sa isang strand ng TVL.

Maaaring manggaling ang mga guro

sa alinman sa anim na distrito ng

Maynila. Ibibigay sa kanila lahat ng


13

kailangang materyales, oobserbahan

at idodokumento ang magiging

yugto ng pagkatuto.

- Sa Flipped Classroom Instruction,

gagamitin ang Facebook at Google

Classroom sa proseso ng instruksyon

- Sa Intervention Program,

gagamitin ang Electronic Based

Intervention sa proseso ng

pagbibigay ng lunas turo sa bawat

yugto ng pagkatuto.

- kakalapin ang mga resulta at

magsasagawa ng istadistikal na

pagsusuri, magsasgawa ng

interpretasyon at konklusyon sa

isinagawang pananaliksik

- ANG TEORYANG

IMPORMALISMONG

HENERASYUNAL AY TUWIRAN

AT ‘DI TUWIRAN NA

GAGAMITIN SA BUBUUING:

- Learning plans at Pedagohiya

- Kagamitang Biswal

- Teacher Made Instructional Videos

at Materials

- E- Intervention Kit
14

IKALIMANG YUGTO:

- pagbibigay ng komprehensibong

PAGTITIBAY NG PAGPAPANUKALA rekomendasyon sa mga susunod na

SA NABUONG TEORYA mananaliksik na nais tingnan ang

kabisaan at kaangkupan ng teoryang

ipinanukala sa mas malawak na

danas at pagsusuri

- paglalatag ng teoryang nabuo sa mga

kinauukulang ahensya gaya ng

DEPED, CHED at KWF at

pagsasagawa ng kaugnay na

pananaliksik upang mas matukoy

ang kabisaan ng integrasyon ng

ipinanukalang teorya sa edukasyon

sa bagong kadawyan

- paglalathala ng mga journal at

artikulo kaugnay sa ipinanukalang

teorya

- pagsasagawa ng mga seminar

workshap at diskusyon kaugnay sa

nabuong teorya

- pagkuha ng intellectual property


15

right sa nabuong teorya

SAKLAW AT LIMITASYON

INAASAHAN LAMANG ANG MGA SUMUSUNOD SA PAGSUSURI AT

PANANALIKSIK NA ITO:

1. MASIPAT AT MASURI ANG MORPOLOHIYA, SINTAKTIKA AT SEMANTIKA

NG DI- PORMAL NA ANTAS NG WIKA WIKA BATAY SA NAKALAP NA

LEKSIKOGRAPIYANG POST- MILLENIAL. HINDI SANGKOT SA PAG-

AARAL ANG PAGSIPAT SA PONOLOHIYA O PALABIGKASAN/

PALATUNUGAN.

2. MAKAPAGPANUKALA NG ISANG TEORYANG PANGWIKA NA MAAARING

MAGDAGDAG NG PUNDASYON SA KONTEKSTWALISASYON AT

LOKALISASYON NG WIKANG FILIPINO TUNGO SA INAASAM NA GANAP

NA PILIPINISASYON NG KURIKULUM HINDI LAMANG SA KURSONG

FILIPINO, MAGING SA MGA KURSONG TEKNIKAL/ BOKASYUNAL. ANG

TEORYA AY HINDI NAGLALAYONG TUWIRANG BANGGAIN ANG

INSTRUKSYON NG LEKTYUR AT PRAKTIKAL SUBJECT NG KURSONG

TVL NA NAKASANDIG SA WIKANG INGLES BAGKUS AY MAGHAIN

MUNA NG ALTERNATIBONG DULOG SA SANDALING MATANTO ANG

KABISAAN NITO.

3. MAKAPAGBALANGKAS NG PROGRAMANG PAMPAGTUTURO AT PANG-

INTERBENSYON NA NAKASANDIG SA PANUKALANG TEORYA NA


16

TUTUGON SA RESIPROKAL NA SULIRANIN NG MGA MAG-AARAL SA

MGA KURSONG TVL. HINDI PAGBABATAYAN SA PANANALIKSIK ANG

KATAYUANG PANLIPUNAN NG MAG-AARAL NA GAGAMITIN SA

PANANALIKSIK BAGKUS AY ANG MGA NAKALAP LAMANG NA SALITA

NA KANILANG GAMIT NA NASA ILALIM NG DI- PORMAL NA ANTAS NG

WIKA.

4. MATUKOY ANG KABISAAN NG PANUKALANG TEORYA SA

PROGRAMANG PAMPAGTUTURO, PANG-INTERBENSYON SA TUKOY NA

POPULASYON BILANG SAMPLE POPULATION LAMANG NA MAGIGING

IMPRESYON AT INTERPRETASYON NG TARGET POPULATION- ANG

DIBISYON NG MAYNILA.

Mga Sanggunian

Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):


http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-
filipino

Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):


http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/
The Varsitarian. (2012, September 9). Retrieved from Varsitarian:
http://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_eko
nomiya

You might also like