Portfolio in Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Proyekto

sa
Filipino
Panimula:
Ito ay nagsimula noong taong 1996 hanggang kasulukuyan; ang
panahong ito ay itunuturing na bagong Republika ng Pilipinas na
kung saan ang panitikan ay isinalin sa magazine, pelikula, radyo,
at internet. Pinaniniwalaan na sa panahong ito kakikitaan ng
pagmamahal sa sariling bansa ang mga Pilipino sa salita at sa
gawa.

Ang nilalaman ng mga sulatin sa kontemporaryong panitikan ay


pumapatungkol sa realidad o sa totoong buhay. Makikita dito ang
repleksyon ng buhay ng mga mamamayang Pilipino, uri ng
pamahalaan, at pamamaraan ng pamamalakad sa bansa.

Ang panahong ito ay kakikitaan ng mga modernong kagamitan upang


itampok ang panitikang Pilipino. Si Mars Ravelo, Ryan Cayabyab,
Eraserheads, at Freddie Aguilar ay ilan sa mga tao na maitutring
sa Kontemporaryong Panitikan.

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng


modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at
magasin ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa
tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba
lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang
kontemporaryong panitikan.
TALAAN NG NILALAMAN:
I. Panimula
II. Dahon ng pasasalamat
III. Pagtatalaga
IV. Panalangin
V. Talambuhay
Talaan ng nilalaman
1. Talambuhay ni Mahatma Gandhi
2. Cycle of Event ( WWII)
3. Poster Slogan( Pang-aabuso sa kababaihan)
4. Talambuhay ni Propeta Mohammad
VI. Repleksyon
Dahon ng Pasasalamat

Nagpasalamat ako sa pagbibigay ng pagkakataon na


makagawa ng g anitong Portfolio sa Filipino. Ninanais ko
na gamitin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga
sumusunod:
Sa aking minamahal na mga magulang, kapatid na palaging
nariyan upang sila ay gabayan, ipagdasal at suportahan
habang ginagawa ang pananaliksik na ito;

Sa aking mga kaibigan na palaging nariyan upang ako ay


pakinggan, bigyan ng payo, mga ideya at lakas ng loob na
ang gawain na ito ay aking mapagtatagumpayan;

Higit sa lahat sa Panginoon, na nakinig at tumupad sa


mga panalangin, nagbigay ng talas ng isipan at malakas na
pangangatawan. Dahil kung wala Siya ang proyektong na ito
ay hindi mapagtatagumpayan.
Panalangin
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po
ang araw na ito sa aming lahat upang
magampanan namin ang aming sariling tungkulin.
Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa
pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami
ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa.
Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang
paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-
araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang
sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming
salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang
inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang
aming sandigan at kalakasan.

Amen.
Dedikasyon

Inihahandog ko ang proyekto na ito sa aking


mga magulang, kamag-aral, kapwa
mananaliksik, guro sa Values Education at
higit sa lahat, sa Panginoong Diyos. sa
aking guro.

Sa poong lumikha. Nais ko pong magpasalamat


sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin, sa
patuloy na paggabay at pag-iingat mo po sa
akin. At dahil po sa inyo nandito po ako at
nag aaral hindi ko po sasayangin ang
ibinigay ninyong buhay saakin. At salamat
sa lahat ng pagsubok sa buhay nandiyan ka
at hindi mo po ako pinababayaan. Salamat sa
mga taong ibinigay mo at nakilala ko na
naging parte ng malungkot at, masaya,
magulo, at makabuluhang buhat ko. At dahil
po diyan ikaw po ang inspirasyon ko sa pag-
gawa nitong portfolio na ito.
Abstrak:

Ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin,


panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda,
makahulugan at masining na mga pahayag. Ang tunay na kahulugan ng
panitikan ay nakikita sa mga katotohanang ito tungkol sa mga
ideya, isipan, at damdamin ng tao gaya ng pag-ibig, kalungkutan,
kaligayahan, panibugho, galit, pagkahabag, pag alipusta,
paghihiganti at mga iba pa.

Ang panitikan ay lakas na nakapagbabago sa pag-unlad ng lipunan


at kabihasnan. Ang panitikan ay liwanag na walang pagmamaliw.
Mamamatay lamang ito kung wala ng wika sa daigdig at ang mga
tao’y hindi na nakapagpapahayag ng kanilang damdamin at isipan.
Ang tunay na panitikan ay kalipunan ng mga diwa, panaginip at
damdamin ng tao na nasusulat sa maganda, madiwa at masining na
pahayag.

Ang panitikan at kasaysayan ay magkaugnay. Ang panitikan ang


nagbibigay ng inspirasyon at nagpapagalaw ng damdamin ng tao
samantalang ang kasaysayan ay siyang gumaganap o kumikilos upang
tuparin ang ipinahahayag ng panitikan.

Ang panitikan ay maaaring pasalita o pasulat. Kung ito ay


pasalita ay nasasalin sa mga sumusunod na salin ng lahi sa
pamamagitan ng pagkukuwento ng mga matatanda.

Ang panitikang Pilipino ay may pambihirang kabuuan. Ito’y


nagsimula sa mga pasalitang tradisyon, bago pa masakop ng imperyo
ng Madjapahit ang Pilipinas. Ang mga kalapit-bansa ng Pilipinas
gaya ng Indonesya, Malaysia, Indiya, Arabia at Cambodia’y nangag-
ambag ng kani-kanilang panitikan sa Pilipinas gaya ng mga epiko,
alamat, kuwentong-bayan, awiting bayan, karunungang bayan at mga
iba’t ibang uri ng dula.

Sa pagdating ng mga Kastila, ay kanilang pinalaganap ang mga


tradisyong Europeong napapaloob sa comedia, corrido, awit,
cenakulo, pasion at zarzuela.

Ang panitikan ay nahahati sa dalawang pangkalahatang uri, ang


tuluyan at patula. Ang tuluyan ay nasusulat sa karaniwang takbo
ng pahayag. Ang mga halimbawa nito’y nobela, maikling kuwento,
talambuhay, dula, talumpati, sanaysay, balita at ulat. Ang tula
naman ay nahahati sa apat na uri, ang tulang paawit, tulang
pasalaysay, tulang padula at tulang patula.

Mohandas Karamchand Gandhi (Talambuhay)

Dito sa India, sa lalawigan ng Porbandar, noong ika-2 ng


Oktubre, 1867 isinilang si Mohandas Karamchand Gandhi. Ang
kanyang pamilya ay Hindu, at sinunod ang lahat ng tradisyon ng
India. Pinalaki siya ng kanyang ama sa magagandang halimbawa ng
buhay. May isang pangyayari sa kanyang kabataan na nagsilbing
panuntunan niya sa buhay. Minsan siya’y nagkamali at nagtapat sa
kanyang ama. Sa halip na siya’y kagalitan at parusahan, ito’y
napaiyak at siya’y niyakap nang buong pagmamahal at pang-unawa.

Si Gandhi ay nagtungo sa London upang mag-aral ng


pagkamanananggol. Ngunit pagbalik niya sa India, nahirapan siyang
manungkulan kaya’t tinanggap niya ang isang tungkulin sa Timog
Africa, na kung saan marami siyang kababayang nagtatrabaho.
Doon nakita ni Gandhi ang mga paghihirap sa mga Hindu, at ang
malaking agwat ng pagkakaiba sa pakikitungo ng mga Puti sa mga
hindi nila kakulay ng balat.

Masidhing tinutulan ni Gandhi ang gayong kawalang-katarungan. May


isang pangyayari sa loob ng korte na hindi niya malilimutan.
Inutusan siya na mag-alis ng turban, ngunit mahinahon siyang
tumutol at lumisan. Minsan naman sa isang tren na kinasasakyan ni
Gandhi, bagama’t ang tiket niya ay first class siya’y pinalilipat
sa third class sa dahilang siya’y hindi Puti kundi isang Indian.
Hindi siya tuminag sa pagkakaupo at ipinaglaban ang kanyang
karapatan sa upuan ng tren. Siya’y itinapon sa labas ng tren ng
mga konduktor. Nangangatog sa isang sulok ng istasyon, isinumpa
ni Gandhi na hindi siya muling magpapaapi nang ganoon kahit na
mahirapan pa siya.

Simula noon, ang kanyang naging misyon ay ang tahimik at


mapayapang rebolusyon. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan na
huwag pumikit sa kawalang katarungan at pang-aapi. At binalaan
din sila ni Gandhi sa maaaring danasin sa hindi nila pagsunod.
Ibinigay niyang halimbawa ang di-ilang ulit niyang pagkaaresto at
pagkakulong.

Nang bumalik siya sa Timog Africa mula sa sandaling pagdalaw sa


India, isang pangkat o grupo ng mga taong galit nag alit ang
naghihintay sa kanya sa pantalan. Hindi sila sang-ayon sa kanyang
simulain. Napigilan lamang ng asawa ng hepe ng pulisya ang mga
tao kaya siya’y pinayagang makaalis at makapunta sa bahay ng
kanyang kaibigan.

Nang gabi ring iyon, ang pulutong ng mga taong nag-aabang sa


kanya sa daungan ay pinaligiran ang bahay ng kanyang kaibigan.
Kailangang iligtas ni Gandhi ang kanyang kaibigan pati na ang
tahanan nito. Nagpanggap siyang pulis at siya’y tumakas patungong
istasyon ng tren.

Makalipas ang ilang taon, si Gandhi ay nagbalik sa India. Siya’y


nagtatag ng mga pangkat na kakalaban sa mga Ingles. Sa pamumuno
niya, tumanggi silang magbayad ng di-makatarungang buwis, hindi
bumili ng panindang Ingles, nag-adhikaing maging Malaya, at
nagsimulang di sumunod sa pinaiiral na mga kautusang Ingles.

Maraming ulit siyang napiit ngunit binalewala niya ito. Siya’y


nakahandang makulong para sa marangal na dahilan. Maraming
pagpapakasakit, at pagtititis ang ginawa niya upang makamit ang
mabuting pagtingin at pakikitungo sa mga mayayaman, mga kaawa-awa
at sa mababang pangkat ng lipunan sa India.
Ibig niyang sumapit ang kalayaan ng India. Ngunit nang ito’y
maisakatuparan, wala ring namagitang kapayapaan sa dalawang
malaking pangkat panrelihiyon, ang Muslim at Indian. Kapwa
nagkasala ang dalawang grupong ito ng kabangisan at pagdanak ng
dugo

Subalit ang pagpapakasakit ng isang tulad ni Gandhi upang maging


tiwasay ang buhay ay hindi pinahalagahan ng ilan niyang
kababayan. Noong ika-30 ng Enero, 1948, siya’y pinatay ng isang
panatikong Indian na hindi makaunawa sa pagmamahal at paggalng ni
Gandhi sa lahat ng uri ng relihiyon sa daigdig.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGIDIG

Pandaigdigang labanán
na nagsimula noong
ika-1 ng Setyembre
taóng 1939. Natapos
ito noong ika-2 ng
Setyembre 1945, at
nasangkot ang
karamihan ng mga bansa
sa daigdig at bawat
kontinente na may
naninirahan. Inuturing
ito na pinakamalawak,
pinakamahal at
pinakamadugong labanán
sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang
mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan
ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga
makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at
pagpapalawak ng kanilang teritoryo
SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
NASYONALISMO GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE
Layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa
ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong
panlipuna, pampulitika, pangkultura, at pangkabuhayan ng
rehiyon.
NASYONALISMO PAGHIHIGANTI NG GERMANY
Dahil sa pagkatalo sa WWI, tuluyang humina ang sandatahang
lakas ng Germany. pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng
Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
Layon ni Hitler na labagin an kasunduan sa Versailles na
naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang
makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig,
pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop.
PAGKAKAMPIHAN/ALYANSA Pagsasanib ng Austria at Germany
(Anschluss) Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang
kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay
sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya,
Gran Britanya at Estados Unidos).
PAGKAKAIBA NG IDEOLIHIYA DIGMAANG SIBIL SA ESPANYA Nagsimula
ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng
dalawang panig: ang pas istang Nationalist Front at ang
sosyalistangPopular Army.
PAGKAKAIBA NG IDEOLIHIYA
PANG-AAGAW Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Noong 1931, inagaw
ng Japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga
Bansa ang Japan at sinabing ang ginawang ito ay paglusob.
Kasunod ng pagkundena,itiniwalag sa Liga ng mga
PANG-AAGAW Paglusob sa Czechoslovakia Noong Setyembre 1938,
hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan
na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng
Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich.
Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa
Germany.
Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Ang Germany naman ay
tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang
pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay
isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag- aarmas.
Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang ng puwersa ng
Germany. Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa ang
Germany.
Pagsakop ng Italya sa Ethiopia Sa pamumuno ni Benito Mussolini,
sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng
Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League)
Paglusob ng Germany sa Poland Huling pangyayari na nagpasiklab sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa
Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany
sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov,
isang kasunduan ng hindi pakikidigma.
MAHAHALAGANG KAGANAPAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo
ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga
ito.Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at
ang Polish Corridor
ALLIES POWER VS AXIS POWERS
•DIGMAAN SA EUROPE •UNITED STATES AT DIGMAAN
•DIGMAAN SA PASIPIKO
DIGMAAN SA EUROPE FRANCE/GREAT BRITAIN VS GERMANY ang mga hukbong
Pranses at Ingles ang nag- abang sa likod ng Maginot Line. Ang
Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang
kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala).
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga
Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng
layuning demokrasya.
Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang
United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng
lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng
puwersang Alyado ang United States noong 1941
DIGMAAN SA PASIPIKO
Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor ng mga Hapon, ang
mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak
ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga.
Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang
Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United
States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay
tinawag na “Day of Infamy.”
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng
mga Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake
Islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop
sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere
WAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Tagumpay ng Allies sa Europe ang mga hukbong Alyado ay lumapag at
dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng
mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Nagsimula sa
pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong
Ang Pagbagsak ng Germany Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D- DAY),
lumapag sa Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral Eisenhower.
Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang mga Nazi.
Ang Pagbagsak ng Germany Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay
ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre.
Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo
ang mga Nazi.
Ang Tagumpay sa Pasipiko Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay
ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre.
Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo
ang mga Nazi.
Ang Tagumpay sa Pasipiko Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral
McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon.
Ang Tagumpay sa Pasipiko ATOMIC BOMB SA NAGASAKI AT HIROSHIMA
MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian.
Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na
mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig. Natigil
ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming
bansa.
Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo
ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito. Napagtibay ang
simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng
mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan
Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel,
Iran, Iraq at iba
Propeta Muhammad

Si Propeta Muhammad [sumakanya


ang kapayapaan at mga biyaya]
ay ipinanganak sa Makkah sa
taong 570. Dahil sa ang kanyang
ama ay namatay bago ang kanyang
kapanganakan at ang kanyang ina
ay namatay kaagad pagkatapos ng
yaon, siya ay pinalaki ng
kanyang tiyuhing mula sa
iginagalang na tribo ng
Quraysh. Siya ay lumaking
iletrado, walang kakayahang
bumasa at sumulat, at
nanatiling ganito hanggang sa
kanyang kamatayan. Ang kanyang
mga mamamayan, bago ang kanyang
misyon bilang isang propeta, ay
mangmang sa agham at karamihan sa kanila ay iliterado. Habang
siya ay lumalaki, siya ay naging kilala sa pagiging
makatotohanan, matapat, mapagkakatiwalaan, mapagbigay, at
dalisay. Siya ay lubusang mapagkakatiwalaan na binansagan nila
siyang ang Mapagkakatiwalaan. Si Muhammad ay napakarelihiyoso,
at matagal na niyang kinamuhian ang pagkawasak at idolatriya ng
kanyang lipunan.

Sa gulang na apatnapu, si Muhammad ay nakatanggap ng kanyang


unang rebelasyon mula sa Diyos sa pamamagitan ni Anghel Gabriel.
Ang mga rebelasyon ay nagpatuloy sa loob ng dalawampu’t tatlong
taon, at ang mga ito ay sama-samang nakilala bilang ang Qur’an.
Nang nagsimula na siyang bumigkas ng Qur’an at ipangaral ang
katotohanan na ipinahayag ng Diyos sa kanya, siya at ang kanyang
maliit na grupo ng mga tagasunod ay dumanas ng pang-gigipit mula
sa mga di-mananampalataya. Ang pang-gigipit ay lumala nang
napakatindi na sa taong 622 ay binigyan sila ng Diyos ng pag-
uutos na lumikas. Ang paglikas na ito mula sa Makkah patungo sa
lungsod ng Madinah, mga 260 milya sa hilaga, ay hudyat ng
pagsisimula ng kalendaryong Muslim.
Matapos ang ilang taon, si Muhammad at ang kanyang mga
tagasunod ay nakabalik sa Makkah, kung saan pinatawad nila ang
kanilang mga kaaway. Bago mamatay si Muhammad , sa gulang na
animnapu’t tatlo, ang kalakhang bahagi ng Peninsulang Arabia ay
naging Muslim, at sa loob lamang ng isang siglo ng kanyang
pagkamatay, ang Islam ay kumalat sa Espanya sa Kanluran at
hanggang sa Silangan sa Tsina. Kabilang sa mga dahilan sa mabilis
at mapayapang pagkalat ng Islam ay ang katotohanan at kalinawan
ng doktrina nito. Ang Islam ay nanawagan para sa pananampalataya
sa isang Diyos lamang, na Siyang tanging karapat-dapat sa
pagsamba.
Ang Propeta Muhammad ay isang perpektong halimbawa ng isang
matapat, makatarungan, maawain, mahabagin, makatotohanan, at
matapang na tao. Kahit na siya ay isang tao lamang, siya walang
bahid sa lahat ng mga masasamang katangian at nagsikap lamang
para sa kapakanan ng Diyos at ng Kanyang gantimpala sa Kabilang
Buhay. Karagdagan pa rito, sa lahat ng kanyang mga pagkilos at
pakikitungo, siya ay palaging maalalahanin at matatakutin sa
Diyos.

Isang Ulila Ang Ipinanganak


Si Aminah ay nagsilang sa isang anak na lalaki sa taong 570. Ang
lolo ng bata ay pinangalanan siyang Muhammad, nawa'y ang awa at
pagpapala ni Allah ay sumakanya, na nangangahulugang 'isang
kapuri-puri', isang pambihirang pangalan sa Arabya.

Kaugalian sa Arabya na ang mga sanggol ng mga mararangal na


pamilya ay dinadala sa disyerto sa mga Bedouin. Si Muhammad ay
lumaki sa sambahayan ni Halima na kanyang ina-inahan at natutunan
ang mga pamamaraan ng disyerto. Siya ay dumadalaw sa Meka kada
ilang mga buwan upang makipagkita sa kanyang ina, at bumalik muli
sa disyerto. Pagkaraan ng maikling panahon, nang si Muhammad ay
anim na taon pa lamang, ang kanyang inang si Aminah, ay
nagkasakit at pumanaw habang sila ay nasa isang paglalakbay. Ang
kanyang lolong si Abdul Muttalib ang nag-alaga sa kanya at
itinuring siyang tulad ng kanyang sariling anak. Gayunpaman, nang
ang batang si Muhammad ay walong taon pa lamang, siya ay pumanaw
din. Ang kanyang tiyuhing si Abu Talib ang magtataguyod sa kanya
mula ngayon.

Si Abu Talib ay mahal na mahal ang kanyang pamangkin at isinasama


pa kapag siya ay maglalakbay papuntang Sirya at ibang lugar para
sa pangangalakal.

Bilang isang Pastol


Gayunpaman, si Abu Talib ay hindi masyadong mayaman tulad ng
kanyang ama, kaya si Muhammad ay kailangang magtrabaho para
kumita sa kabuhayan at tulungan ang kanyang tiyuhin. Sinimulan
niya ang kanyang karera bilang isang pastol, pinangangalagaan ang
mga kawan ng mga tupa at kambing para sa mga tao ng Meka. Ang
isang pastol ay natututo ng dakilang pakikitungo sa
responsibilidad. Kailangan niyang gabayan ang mga tupa, ng sama-
sama bilang isang kawan, at pangalagaan din ang mga ito mula sa
mga maninila.

Ito rin ay nagtuturo sa pastol ng pagtitiis at nagbibigay sa


kanya ng maraming panahong mag-isip at magmuni-muning malayo sa
labis na ingay ng lungsod.

Marami sa mga propetang ipinadala ni Allah sa ibang mga komunidad


ay kilala bilang mga pastol sa ilang mga bahagi ng kanilang buhay
dahil ang ikinabubuhay ng isang tao ay may malaking kinalaman sa
kanyang pagkatao.

Ang Kanyang Reputasyon

Si Muhammad ay isa sa ilang tumangging sumamba sa mga idolo mula


pa lamang sa napakabatang edad. Siya ay dadalaw sa Ka'bah subalit
itutuon lamang ang kanyang pagsamba kay Allah. Siya rin ay umiwas
sa pagkain ng anumang karneng kinatay sa pangalan ng idolo.
Matapos ang pagpapastol ng ilang taon, siya ay nagka interes sa
kalakalan at naging negosyanteng pinangangalakal ang mga kalakal
ng mga tao para sa kanila. Karamihan sa mga taong maharlikang
kabilang sa mga Quraysh ay mga mangangalakal ang propesyon.
Gayunpaman, si Muhammad ay nangibabaw sa iba dahil sa kanyang
katapatan at sinseridad. Agad siyang nakilala sa Meka bilang al-
Amin, 'ang matapat.' Gayundin, kilala siya dahil sa kanyang
mataas na moralidad, malinis na karakter, at pag-iwas sa alak,
pagsusugal, bawal na relasyon, at iba pang mga bisyo.
Repleksyon

Ang panitikan ay minanang hiyas na nagsisilbing


tulay na nag-uugnay sa atin sa ibaibang kultura ng
bansa sa daigdig. Sa bawat pahina ng panahong
nagdaan, nabubuksan din ang ating kamalayan at pag-
unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang
Asyano sa daigdig ng mga alamat, maikling kuwento,
sanaysay, dula, tula, pabula, at iba pa. Ang pantikan
ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang
naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon
ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari nating
pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at
magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.
Bukod rito, kung pag-aaralan natin ang mga panitikan,
mas magiging pamilyar tayo sa hindi lamang sa mga
pagkakamali ng ating mga ninuno, kundi pati na rin sa
mga tagumpay nila. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay
nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring
isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas
maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at
mas mabibigyan ito nang halaga.

Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa mga


instrumento ng rebulosyon ang panitikan. Makikita ito
sa panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng
mga Kastila. Dahil sa mga sulat ni Rizal at iba pang
mga bayani, nabigyang inspirasyon ang mga Pinoy na
lumaban para sa kanilang mga karapatan at kalayaan.
Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating
buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon
na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya
naman, bilang miyembro ng lipunan, tayo ay napag-iisa
ng panitikan.

You might also like