Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PIVOT 4A LESSON EXEMPLAR Para FILIPINO 5

Learning Area FILIPINO 5


Learning Delivery Modality (ONLINE Distance Learning)

Paaralan PILA ELEMENTARY Baitang 5


TALA SA SCHOOL
PAGTUTUR Guro VERLYNNE R. LOGINA Antas Filipino
O Petsa ABRIL 20, 2021 Markahan Ikatlo
Oras 10:00 ng umaga Bilang ng Araw 1

I.LAYUNIN
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. F5PB-IIIf-
h-19

A. Pamantayang Pangnilalalaman
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang
iba’t ibang teksto at kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagahan ang paggawa ng timeline sa nabasang
kasaysayan, pagsasalaysay sa napakinggan teksto at
naipapahayag ang sariling opinyon o katotohanan base sa isang
pahayag.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC) F5PB-IIIf-h-19

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang Opinyon o Katotohanan
kasanayan)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC pahina-164
PIVOT 4A BOW pahina-63
b. Mga Pahina sa Kagamitang Alab Filipino 5 p. 140 – 141
Pang mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Alab Filipino 5 p. 140 – 141
d.Karagdagang
Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/
Panturo para sa mga Gawain sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-
Pagpapa unlad at Pakikipagpali- 19_sa_Pilipinas
han
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Balik-aral
Laro: Sino Ako?
Panuto: Ibibigay ng guro ang mga detalye at sasabihin
ng mga mag-aaral kung ano ang tinutukoy sa
pamamagitan ng pagtaas ng plaskard.

Alamin
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay
maipapahayag ang sariling opinyon o katotohanan base
sa isang pahayag.

Opinyon ay isang pahayag na nagsasabi kung ano ang


iniisip o nadarama ng isang tao tungkol sa bagay o isyu.
Masasabi natin na ang isang pahayag ay opinyon o kuru-
kuro ay isang saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao.
Ito ay maaaring walang sapat na batayan.
Ang isang opinyon ay madali ring matutukoy sapagkat
karaniwang ginagamitan ito ng mga pahiwatig tulad ng:
● Sa aking palagay

Halimbawa: Sa aking palagay matatagalan pa bago mawala


ng lubusan ang COVID-19.
● Naniniwala ako na

Halimbawa: Naniniwala ako na may siyam na buhay ang


pusa.
● Marahil

Halimbawa: Kahit ginagawa ng mga guro ang lahat ng


paraan marahil hindi pa rin ito sapag para mapatuto ang
mga bata ngayon may pandemya.
Katotohanan ang isang pahayag kung nagsasabi o
nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring naganap.
Masasabing katotohanan kung may sapat na batayan o
patunay. Ito ay mga pangyayaring tunay na naganap o
nangyari.
Halimbawa:
1. Sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020.
2. Halos boung mundo ang naapektuhan ng COVID-19.

B. Pagpapaunlad Pangkatang Gawain:

Pangkat Masaya
Pagsagot ng Simple Krosword na Puzzle

Pangkat Masunurin
Tukuyin kung Opinyon o Katotohanan

Pangkat Magalang
Paglikha ng maikling Tula tungkol sa Opinyon at
Katotohanan
Pangkat Matapat
Pagbuo ng Poster tungkol sa Opinyon at Katotohanan

Palalimin mo pa ang iyongC.pagkaunawa sa aralin, subukin mo


Pagpapalihan
ang iyong kaalaman sa pagsagot sa mga gawain.

Kwebang Saksi sa Kasaysayan ng Himagsikan

Malinaw pa ang mga detalye ng digmaan mula sa mga kwento ni


Mang Arseng, mga kwentong paulit-ulit na sinalaysay ng
kanyang lolong beterano noon panahon ng mga Kastila.
Isa itong karangalan para sa kanya dahil sa mahigit 5,000
kataong naninirahan sa Barangay Pangil, sa bayan ng Amadeo,
bukod tanging siya lamang ang magarang nakakapagkwento ng
kasaysayan ng kweba.
Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga
mumunting kweba na di umano’y naging kanlungan ng mga
katipunerong taga Amadeo at kumanlong sa kanyang mga
kasamahang katipunerong mula sa ibang bayan.
“Ayon sa aking lolo, dahil kawalan ng masisilungan ang mga
katipunero noon, mas komportableng pahingaan nila ang
kwebang malapit sa ilog. Mas sariwa ang hangin at tanging
lagaslas lamang ng tubig ang maririnig bukod sa tago ang lugar
mula sa kababayan,” panimula ni Arsenio Romasanta, 89,
habang itinuturo ang kweba.
Noong pumutok ang mga pag-aaklas sa iba’t ibang panig ng
Katagalugan kasabay ng sunod-sunod na pagdakip at pagpatay sa
mga Pilipino noon, ginawa nilang kuta ang kweba. Naging
pananggalan ang yungib sa mga napipintong pagsalakay ng mga
Hapon.
Naghanap sila ng mga Pilipinong nais sumapi sa Katipunan at
hindi rin naman sila nabigo,” paliwanag ni Mang Arseng.
Patuloy pa rin ang kwento ng kasaysayan ni Mang Arseng na sa
bawat pangungusap na binibitiwan, humuhulma ito ng isang
larawan ng pakikibaka ng mga Pilipino noon. Maraming kwento
na ang narinig tungkol sa kanila ngunit naiiba sa lahat ang
kwento ni Mang Arseng.
Likha ni: ROLANDO C. BAYBAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Base sa binasang teksto sa itaas. Suriin kung ang
sumusunod na pahayag. Isulat ang OPINYON, kung
ito ay kuro-kuro, saloobin, palagay o paniniwala ng
isang tao at KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay
nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring
naganap at may sapat na batayan o patunay. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sapalagay ko si Mang Arseng ay isa sa mga katipunero
na naan sa kweba.
2. Matatagpuan ang kweba sa bayan ng Amadeo.
3. Sapatagal ko nangamatay ang mga katipunero sa gutom
dahil sa kweba sila nakatira.
4. Marahil na naging katipunero ang buong pamilya ni
Mang Arseng.
5. Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga
mumunting kweba.

D. Assimilation Buoin ang talata sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Paglalapat Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Masasabi natin na ang isang pahayag ay


____________________kung ito ay isang saloobin,
palagay o paniniwala ng isang tao. Samantalang ang
___________________kung may sapat na batayan o
patunay. Ito ay mga pangyayaring tunay na naganap o
nangyari.
V. ASSESSMENT
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Base sa binasang tekstong Ang Pagdakip kay Bonifacio,
tignan sa Enklosure. Suriin kung ang sumusunod na
pahayag. Isulat ang OPINYON, kung ito ay kuro-kuro,
saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao at
KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay nagsasabi o
nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring naganap at may
sapat na batayan o patunay. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Naganap ang pagkahuli at pagpatay kay Andress
Bonifacio sa lalawigan ng Kabite.
2. Marahil maraming namatay sa naganap sagupaan sa
pagitan ng dalawang pangkat.
3. Sa aking palagay malaki ang galit ng pamahalaan laban
kay Anders Bonifacio.
4. Nangyari ang madugong sapupaan ay noong April 28,
1897.
5. Naniniwala ako na nagsaya ang pangulong Emilio
Aquinaldo sa pagkamatay ni Andres Bonifacio.

VI. REFLECTION Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na
_______________________________________________
Nabatid ko na
_______________________________________________
Naisasagawa ko na
_______________________________________________

VERLYNNE R. LOGINA
Guro I
PILA ES

LANIE S. ROMAN
Punungguro II

You might also like