FILipino5 ST4 - Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 5

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


(Ikalawang Markahan)

Pangalan: ________________________________ Iskor: _____

I. Ayusin ang mga pinaghalong letra para mabuo ang kaisipang ipinapahayag sa bawat bilang. Ang pahayag ang may
kinalaman sa mga uri ng sanggunian. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang.

1. Ito ay isang uri ng pangkalahatang sanggunian na nagbibigay impormasyon sa mga mahahalagang tao at bagay. Ipinapaliwanag
ang kasaysayan ng mga makatutuhanang pangyayari.
C A N A L M A - _______________________________

2. Ito ay aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay ng mga kaalaman sa lahat ng sangay nang karunungan, kung saan ang mga
lathalain ay inayos nang paalpabeto.
S A Y Y A P E D K L O E N- __________________________

3. Ito ay aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pagkakahating
pulitika at iba pa. Ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar ay makikita rito.
S A T L A - ___________________________

4. Ito ay aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika na nakaayos nang paalpabeto at may kaukulang paliwanag o
kahulugan; talatinigan.
Y O R S I D K A N U Y- ________________________________

5. Ito ay isang teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa buong
mundo.
T E N I N R E T- _____________________________

6. Ang magasin ay babasahing publikasyon na naglalaman ng maraming tala na kadalasang kinapapalooban ng mga patalastas. Ito
ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
N I S A M G A - _______________________________

7. Ito ay isang palapad na ilustrasyon ng mundo o bahagi nito.


A A P M - ______________________

8. Ito ay isang palapad na ilustrasyon ng mundo o bahagi nito.


N A I N G U G N A S- ____________________________

9. Ito ay isang uri ng babasahin na kung saan makikita o makakabasa ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa sa araw-
araw.
A P A H Y A N A G -____________________________

10. Ito ay isang bilog na replica ng mundo.


O B G L O - __________________________

II. Tukuyin mo kung ang isinasaad sa bawat bilang ay ISLOGAN o PATALASTAS.

___________________11. Ito ay isang uri o anyo ng komunikasyon para sa pagmemerkado o pamimili at ginagamit upang
mahimok ang mga madla.
___________________12. Ito ay kadalasang binubuo ng 5-15 na salita.
___________________13. Isang maikling mensahe na nakakaantig ng damdamin at madalas nagdudulot ng matagal na impresyon
o leksyon sa mambabasa o nakikinig.
___________________14. Maaaring maging gabay rito ang mga sagot sa katanungang ano, kailan, saan at paano.
___________________15. Mas nagiging mabisa ang dating kapag may tugma (rhyme) sa huling pantig ng
mga parirala.

III. Salungguhitan mo ang angkop na uri ng midya o kaisipan na ginamit sa pagsulat ng isang islogan. Pumili sa loob ng
panaklong.

16. “Hindi matutularan ang haligi ng tahanan sapagkat ang buhay nila ay sa pamilya nakalaan.” ( Pagmamahal sa Pamilya,
Pagmamahal sa Kapwa, Pahmamahal sa Sarili)
17. “Bakuran tamnan, magandang kalusugan makakamtan.” (Kapaligiran, Kalinisan, Kalusugan )

18. “Ang paglilingkod sa iba ay katangian ng tunay na tagasunod ni Cristo". (Komersyo, Politika, Relihiyon)

19. “Kung walang corrupt, walang mahirap". (Komersyo, Politika, Relihiyon)

20. “ABS-CBN News Channel: "Your news channel. Your partner". (Komersyo, Politika, Relihiyon)

Ibigay ang kahulugan ng bawat salita sa Hanay A. Piliin ang sagot mula sa Hanay B. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
21. lambat A. pagiging marumi ng kapaligiran
22. magsarili B. nahaharap sa pinsala o kapahamakan
23. baybayin C. sukat ng haba ng katumbas ng 12 pulgada
24. nanganganib D. kasangkapan mula sa nilalang sinulid o lubid na
25. polusyon ginagamit sa pangingisda
26. talampakan E. magawa ang mga bagay nang walang tulong mula sa iba
27. damong-dagat F. anomang damo o halamang tumutubo sa dagat o sa mga
batong nararating ng tubigdagat
G. lupa sa gilid ng dagat

Piliin ang letra ng tamang sagot tungkol sa sanaysay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

28. Sa aling bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Kanlurang Negros?


A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. Kamaynilaan

29. Ayon sa artikulo, saan pupunta kung gustong sumisid sa dagat at makakita ng iba't ibang isda at halamang-dagat?
A. Silay B. Cauayan C. Bacolod D. Victorias

30. Anong kilalang pista ang ginaganap sa Bacolod?


A. Sinulog B. Kadayawan C. Panagbenga D. Maskara

31. Anong impormasyon tungkol sa Kanlurang Negros ang mahahanap sa iyong binasa?
A. relihiyon C. magagandang tanawin
B. pag-uugali ng mga tao D. mga yamang-dagat

32. Bakit tinatawag na Sugar Bowl of the Philippines ang Kanlurang Negros?
A. Asukal ang kanilang pangunahing produkto.
B. Malalambing ang mga tao sa Kanlurang Negros.
C. Mahilig sa matatamis na pagkain ang mga tao sa Kanlurang Negros.
D. Asukal at iba pang matatamis na kakanin ang produkto ng Kanlurang Negros.
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang (33)__________ ay pagpapaikli ng anomang binasang akda o teksto. Kung gagawa ako ng buod ng isang
kuwento ay hindi ko sasamahan ng aking sariling (34)___________ at saloobin na galing sa may akda.

Ang (35) _____________ ay isang programa sa radyo, telebisyon, at maaari ring pelikula na nagsisilbing libangan.
Gumigising din ito sa diwa at damdamin ng isang tao kapag naging mabisa ang pagkakalahad nito.

Basahin at unawain ang talata. (15 puntos)


Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol. Subalit
kapag pinagsama-sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng
pamilya ay parang tingting—mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang buong
pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap.

Basahin at unawain ang mga talata. Sagutin ang mga tanong sa bawat talata.

1. Ano ang paksa ng nabasang talata?

2. Saan maihahambing ang miyembro ng pamilya? Bakit?

3. Ano ang kailangan upang magtagumpay ang isang pamilya?

Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Labing-apat na taon si Andres nang mamatay ang kaniyang
magulang. Gumawa at nagtinda siya ng abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang mensahero sa isang
kompanya. Naging ahente rin siya ng iba pang kompanya.

1. Ano ang paksa ng napakinggang talata?

2. Ano ang kaniyang itinitinda?

3. Ano ang ugaling taglay ni Andres Bonifacio?

You might also like