GR6 Fil 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL

First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6


ARALIN 1: PERLAS NG SILANGAN, MUTYA NG ASEAN

PANGKALAHATANG KAISIPAN

Ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ay samahan ng mga bansa sa


Timog-Silangang Asya na itinatag noong ika-8 ng Agosto o ng limang orihinal na kasapi nito:
Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Nalaunan, sumapi rin sa samahan ang
Brunei Darussalam, Vietnam, Myanmar, Laos, at Cambodia. llan sa mga mithiin ng ASEAN ang
tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon, paigtingin ang ugnayang pangkalakalan ng mga
kasaping bansa, at palalimin ang pagpapahalaga ng mga mamamayan ng ASEAN sa kasaysayan at
kultura ng mga kasaping bansa. Bukod sa pagkakaroon ng mga tanggapang magpapatupad ng mga
mithiin ng ASEAN, tuloy-tuloy rin ang ugnayan ng mga pinuno at kinatawan ng mga kasaping
bansa upang mapag-usapan kung paano pa mapaigting ang kanilang kooperasyon.

TUNGUHIN SA PAGKATUTO

Sa araling ito, masasabi mo na:


1. Magagawa kong mabigkas ang mga ponemang suprasegmental: diin at antala.
2. Magagawa kong makasipi ng isang talata mula sa huwaran.
3. Magagawa kong makapagbigay-kahulugan sa salitang hiram.
4. Magagawa kong magamit ang pangkalahatang sanggunian (diksiyonaryo at tesawro)
5. Magagawa kong matukoy ang uri ng pangngalan sa pangungusap.

PAGTUKLAS

Gawain 1: PROUDLY ASEAN!


Paano nagiging mahalagang samahang pampolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ang ASEAN?
Ano-ano pa ang mga gawain nito na nagpapaigting ng ugnayan at kooperasyon ng mga kasaping bansa?
Buksan ang iyomg aklat sa pahina 2-3 at basahin ang artikulo tungkol sa ASEAN Economic Community at
sagutan ang mga kaakibat na tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong bansa ang kasapi sa ASEAN?

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 1 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6

2. Ano ang ASEAN Economic Community? Ano-ano ang mga inisyatibong pinagbabatayan nito?

3. Ano-ano ang kalakasan ng ASEAN biklang isang samahan pang-ekonomiya?

4. Sang-ayon ka bas a pag-iisa o integrasong pang-ekonomiya ng ASEAN? Sa iyong palagay,


makabubuti ba ito sa Pilipinas?

Gawain 2: PILIIN MO ANG PILIPINAS

Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Maari kang gumamit ng internet sa gawaing ito.

MINDORO
Lokasyon Wika Mga Kilalang Tanawin Mga Kilalang Produkto

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 2 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6

PAGLINANG

Gawain 3: PALAWAKIN ANG IYONG TALASALITAAN

Buksan ang iyong aklat sa pahina 3-4 at sagutin ang pagsasanay sa talasalitaan.

Gawain 4: NAMNAMIN ANG PANITIKAN

Ang Mindoro ang pampitong pinakamalaking isla sa Pilipinas na nasa gawing timog ng Luzon at
gawing hilagang-silangan ng Palawan. Nahahati ito sa dalawang bahagi ang nasa silangan, ang Oriental
Mindoro at ang nasa kanluran, ang Occidental Mindoro. Malaking bahagi ng isla ay agrikultural at tahanan
ng tamaraw. Dito rin matatagpuan ang ilang kilalang destinasyong panturismo gaya ng Puerto Galera,
Sabang Beach, Lubang Island, Apo Reet National Park, at ang Bundok Halcon. Bukod sa pagiging sikat na
pook-pasyalan, alam mo bang ang Mindoro ay may kasaysayang mauugat pa bago ang pagdating ng mga
mananakop na Espanyol? Buksan ang iyong aklat sa pahina 5-8 at basahin ang isang kuwento kung paano
nabuo ang Mindoro. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang isla ng Mait bago pa dumating ang mga mananakop.

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

2. Paano nakikipag-ugnayan ang mga taga-Mait sa mga dayuhan? Paano nakatutulong sa kanila ang
ganitong gawain?

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 3 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6
3. Bakit humina ang bentahan ng mga bagay ng pawikan? Ano ang naisip na pamalit dito?

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

4. Sang-ayon ka ba na magtanim na lang ng bulak kaysa palay upang maipagpatuloy ang


pakikipagkalakalan?

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

5. Paano naging “Mindoro” ang “Mait”?

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

6. Sang-ayon ka bang maituturing nang kabihansan o sibilisasyon ang mga Pilipino bago pa dumating
ang mga mananakop? Ipaliwanag.

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria) LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 4 of 11
MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6

7. Bakit kailangan ng isang bansa ng ugnayang panlabas (foreign affairs)? Paano makatutuong sa bansa
ang pagiging bahagi ng pamayanang internasyonal.

Nilalaman (6) Mekaniks (4) Kabuuan (10points)


Pamantayan
(Criteria)

Gawain 5: BALANGKASUNOD-SUNOD

Buksan ang iyong aklat sa pahina 9 at kumpletuhin ang nakalarawang balangkas.

Gawain 6: PONEMANG SUPRASEGMENTAL: DIIN AT ANTALA

MGA DAPAT ISAISIP

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
- ay katawagang panlingguwistika sa mekanismo ng pagbigkas tulad ng pataas at pagbaba, paghaba at
pag-ikli, at paglakas at paghina ng mga ponema o tunog sa isang wika.

A. DIIN
- ay ang lakas na inuukol sa pagbigkas ng isang pantig ng salita. Maaari itong malumay, malumi,
mabilis o maragsa.
- maari ring ang lakas na inuukol sa pagbigkas ng buong salita. Ginagawa ito upang mabigyan ng
tuon ang salita sa loob ng pangungusap.
- basahin ang mga halimbawa sa iyong aklat sa pahina 11.

B. ANTALA
- ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita. Ginagawa ito kapag mahaba ang sinasabi at nais putul-
putulin ang mga ideya upang mas maunawaan ng mga tagapakinig.

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 5 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6
- basahin ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat sa iyong aklat sa pahina 11. Pansinin ang
mga guhit na pahilis (/), ito ay hudyat o kumakatawan sa antala sa pagbabasa.

Kung kakayanin ay gumawa ng isang audio-visual presentation na nagpapakita


ng iyong pagbasa ng balita sa pagsasanay A sa pahina 12. Bibigyan ng karagdagang
puntos kung sino man ang makagagawa ng gawaing ito. Ipasa ang video sa aking gmail
account – jansen.baculi@maryschild.edu.ph.

Gawain 7: BALIK-TANAW

A. Isulat o i-type sa kahon kung ang pangngalang may salungguhit ay pambalana o pantangi.

1. Dapat na maging malusog ang ating pamilya.

2. Sabado ang regular na araw ng pag-eehersisyo namin.

3. Sa Robinas Mall kami madalas na nag-eehersisyo.

4. Makabubuti ang pag-inom ng Bear Alphine Milk o iba pang

masustansiyang inuman.

5. Sa halip na junk foods ay iba’t ibang prutas ang aming kinakain.

B. Isulat o i-type sa kahon kung ang pangngalang may salungguhit ay tahas, basal o lansakan.

6. Kaligayahan ni Nanay na ipagluto kami ng masustansyang pagkain.

7. Mas gusto ng pamilyang kumain ng isda kaysa sa karne.

8. Siguradong lalakas na namang kumain ang pangkat ng mga lalaki sa

pamilya.

9. Bumili kami ng isang buwig ng saging bilang panghimagas

10. Sinasamahan ni Inay ng pagmamahal ang kanyang mga luto kaya’t

talagang masarap ito.

MGA DAPAT ISAISIP

PANGNGALAN
- tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 6 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6
Uri ng Pangngalan ayon sa katangian
 Pantangi – ito ay mga pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, gawain, at pangyayari. ito ay karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
 Pambalana – ito ay balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, poo, hayop, at
pangyayari. Ang pangnglang ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.

Uri ng Pangngalan ayon sa tungkulin


 Tahas o Kongkreto – mga pangkaraniwang pangngalan na nakikita at nahahawakan.
Halimbawa: karne, isda, gulay

 Basal o Di kongkreto – ito ay mga pangngalang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip,
nangugunita o napapangarap.
Halimbawa: kaligayahan, karangalan, pangarap

 Lansakan – mga pangkaraniwang pangngalang nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami o bilang.


Halimbawa: grupo, organisasyon, komite, pangkat

Gawain 8: BOOKWORM

A. Maglabas ng mga sumusunod na sanggunian kung mayroon ka nito sa inyong tahanan. Hanapin ang
mga salitang ilalarawan sa bawat bilang. Isulat o i-type ang iyong sagot sa pulang kahon, isulat din
kung saang sanggunian mo ito nahanap: Diksiyonaryo at Tesawro.

Ano ang salitang


Ano ang salitang
kasingkahulugan
ugat ng
ng salitang
panginoon?
ganda?

Ano ang ibig Ano ang salitang


sabihin ng kasingkahulugan
salitang Hiraya? ng OPO?

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 7 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6

MGA DAPAT ISAISIP

PANGKALAHATANG SANGGUNIAN
 Diksiyonaryo – ito ay isang aklat na naglalaman ng mga salitang nakaayos nang
paalpabeto. Ibinibigay nito ang baybay, bigkas, bahagi ng pananalita,
pagpapantig, at kahulugan ng isang salita
 Tesawro – kahalintulad nito ang diksyunaryo. Ang pagkakaiba lamang ay
nagtataglay ito ng kasingkahulugan at mga kaugnay na konsepto ng mga salita.
 Basahin at unawain ang mga halimbawa sa pahina 15-16 sa iyong aklat.

B. Sipiin mula sa disksiyonaryo ang kompletong lahok (saslita, uri ng kayariang pangwika, pagpapantig,
paraan sa pagbigkas, at kahulugan) ng salita sa bawat bilang. Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa
pangungusap. Tukuyin ang sangguniang ginamit.

Pagpapantig at Kayariang
Salita paraan ng Pangwika Kahulugan
pagbigkas
1. Asya
Pangungusap
Sanggunian
2. ekonomiya
Pangungusap
Sanggunian
3. kultura
Pangungusap
Sanggunian
4. politika
Pangungusap
Sanggunian
5. kooperasyon
Pangungusap
Sanggunian

C. magbigay ng lipon ng mga salitang magkakalapit ang kahulugan sa mga salita sa ibaba. Gumamit ng
mapagkakatiwalaang tesawro. Tukuyin ang sangguniang ginamit.

Salita Kasingkahulugan Sanggunian


1. Ganda
2. Hirap
3. Lakas

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 8 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6

PAGPAPALALIM

Gawain 9: SALIKSIKIN

Ikaw ay isang field researcher sa isang sikat na documentary series show sa telebisyon. Ibinigay sa
iyo bilang assignment ng producer ang paksa tungkol sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ASEAN.
Kailangan mong maipakita sa gagawing dokumentaryo ang mga ilang kinakailangang impormasyon: kalian
sumapi rito ang Pilipinas; para saan ang organisasyon; ano-anong tungkulin o pananagutan ang
ginagampanan dito ng Pilipinas kaugnay sa pagiging kasapi; at paano ito nakatutulong sa bansa. Itala ang
mga impormasyong makakalap sa anyo ng isang talatang hindi hihigit sa 10 pangungusap. Tukuyin ang

ginamit na sanggunian.

Analytic Rubric
4 3 2 1 Iskor
PAMANTAYAN
MAHUSAY NATUGUNAN UMUUNLAD NAGSISIMULA
Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw
t ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang introduksyon
INTRODUKSYON
Malinaw na pangunahing ang at ang
nakalahad ang paksa gayundin pangunahing pangunahing
pangunahing paksa ang panlahat na paksa subalit paksa. Hindi rin
gayundin ang pagtanaw ukol hindi sapat ang nakalahad ang
panlahat na dito. pagpapaliwanag panlahat na
pagtanaw ukol ukol dito. pagpapaliwanag

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 9 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6
dito. ukol dito.
Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop
DISKUSYON bawat talata dahil may sapat na sa detalye ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay
ORGANISASYON mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado
NG MGA IDEYA pagkakasunud- mga talata subalit mga talata ang
sunod ng mga hindi makinis subalit ang mga pagkakalahad ng
ideya; gumamit ang ideya ay hindi sanaysay.
din ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
KONKLUSYON naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasya
palagay o paksa batay sa mga tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at
inisa-isa sa isa sa bahaging mga katwirang
bahaging gitna. gitna. inisa-isa sa
bahaging gitna.
TOTAL

PAGLILIPAT

Gawain 10: RESEARCH? RESEARCH!


Ikaw ay isang mambabasa ng mga kuwento. Habang binabasa mo ang “Alamat ng Mindoro,”
napansin mong may mga salitang hindi gaanong pamilyar sa iyo. Naisip mo ang kabataang mambabasang
tulad mo na maaaring maantala ang pag-unawa sa teksto dahil sa malalalim na salita. Dahil dito, gagawa ka
ng munting glosari para sa kanila. Tumukoy ng limang malalalim na salita sa kuwento at hanapin ang
kahulugan ng mga ito sa diksiyonaryo o tesawrong online. Kopyahin ang kahulugan ng mga salita at ilagay
ito sa talahanayan sa ibaba. tukuyin din ang mga sangguniang ginamit. Tatayain ang iyong ginawa ayon sa
pagiging kompleto ng mga lahok na salita, katumpakan ng kahulugan, at kredibilidad ng sangguniang
ginamit.

Salita Kahulugan Sanggunian


1.

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 10 of 11


MARY’S CHILD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
First Park Subdivision, Daraga, Albay FILIPINO 6
2.
3.
4.
5.

SARILING-PAGTATAYA

Sagutin ang reflective thinking graphic organizer sa ibaba.

3
Narito ang tatlong na bagay na natutunan
ko sa araling ito:

2
1. Narito ang dalawang na bagay na nais kong
maalala sa araling ito:
2.
3. 1.
2.

1
Narito naman ang tanong na nais kong itanong.

Sanggunian:

 Kasanayan sa Filipino 6 – Diwa Textbooks, Alvin Ringgo C. Reyes


 Pinagyamanang Pluma 6 ikalawang edisyon – Phoenix Publishing House, Ailene G. Baisa – Julian

LEARNING MODULE – Elementary Department s. 2020 Page 11 of 11

You might also like