Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DIVINE WORD COLLEGE OF BANGUED- HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pangalan: ______________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 3.1
Topiko: Tekstong Impormatibo
Mga Guro: Bb. Maribelle A. Lozano, Gng. Marie I. Rosales, Gng. Michelle T. Tayhon at G. Jerome
Biares

What I Need to Know


Isang maligaya, masagana, at positibong taong 2021 sa iyo! Maligayang pagbabalik sa
iyong pag-aaral. Nawa’y mas palakasin ka pa ng iyong paniniwala sa Poong Maykapal na
matatapos din ang mga pangyayaring ating kinakaharap sa kasalukuyan.
Sa pagbubukas ng bagong taon ay ang pagbubukas din ng bagong aralin sa asignaturang
ito. Bilang buena mano sa taong ito, mapapag-aralan mo ang tungkol sa Tekstong Impormatibo
na maghahatid sa iyo sa mundo ng katotohanan sa mga bagay-bagay sa iyong kapaligiran.
Makakatulong ang mga araling nakapaloob sa kabanatang ito sa pagsulat ng isang pananaliksik
sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.

Learning Objectives
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa
3. Nakasusulat ng isang tekstong impormatibo

What I Know
Bago ang talakayan, gawin muna ang paunang pagsasanay.
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
______________ 1. Ito ay uri ng teksto na inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.
______________ 2. Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwang kung bakit
naganap ang isang pangyayari.
______________ 3. Mahalaga ito sa pagsulat ng tekstong impormatibo dahil nakatutulong itong
makabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideya na gustong maikinyal ng may-
akda.
______________ 4. Ito ay sulatin na naglalayong magbigay paliwanag nang malinaw tungkol sa
iba’t-ibang paksa.
______________ 5. Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon tungkol
sa tao, hayop, at mga pangyayari sa paligid.

What’s New
Sa linggong ito, magpopokus tayo sa pagtalakay sa tekstong impormatibo.
Makakatulong ito upang ika’y magkaroon pa nang mas malawak ng kaalaman sa tekstong ito.

What’s In It
Nalagpasan mo na ang unang pagsubok. Nasisiguro kung nasasabik ka ng matutuhan ang
tungkol sa bagong aralin. Tayo nang magsimula.

TEKSTONG IMPORMATIBO
 naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
inaayunan tungkol sa iba’t ibang paksa tulad sa mga hayop, isports, agham, kasaysayan,
gawain, heograpiya, panahon at iba pa
 layunin din ng ganitong uri ng teksto na maghatid ng kaalaman, magpaliwanang ng mga
ideya, magbigay kahulugan sa mga ideya at maglatag ng mga panuto o direksiyon
1

This module is a property and exclusive use of the Divine Word College of Bangued HIGH SCHOOL
DEPARTMENT. Any duplication and reproduction, storing in any retrieval system, distributing, posting o
uploading online as well as transmitting in any form or means (photocopying, electronic sharing), without prior
written permission is STRICTLY PROHIBITED.
 uri ng babasahin na di-piksiyon
 ang mga impormasyong nailatag sa tekstong ito ay hindi nakabase sa kaniyang sariling
opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kaniyang
pagpabor o pagkontra sa paksa
 sa pagbabasa ng ganitong uri ng teksto, napagyayaman ng mambabasa ang kaniyang
kaisipan sa mga bagay-bagay
 halimbawa nito ay: mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopediya, almanak,
batayang aklat at dyornal, ulat, pananaliksik, artikulo, polyeto/brochure sanaysay,
mungkahing proyekto, balita

(Ang mga sumusunod na pahina ng libro ay maipapadala sa iyong group chat ngayong
wala pa kayong libro)
 Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo (pahina 11-12).
1. layunin ng may-akda, 2. pangunahing ideya, 3. pantulong na kaisipan, 4. mga estilo sa
pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin, 5.
paggamit ng mga nakalarawang representasyon, 6. pagbibigay-diin sa makahulugang
salita sa teksto, at 7. pagsulat ng mga talasagutan
 Mga Uri ng Tekstong Impormatibo (pahina 12-13)
1. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
3. Pagpapaliwanag

Tignan at basahin ang isang halimbawa ng Tekstong Impormatibo sa iyong aklat pahina 14-18.

What’s More

Maghanda ka na. Dahil sa puntong ito ay ang pagsisimula ng iyong pagsasanay upang maging
mahusay sa araling ito. Gawin ang mga sumusunod na gawain upang matamasa ito.

Pagsasanay 1
Sumangguni sa iyong aklat titik A pahina 20 (dalawang puntos bawat bilang) at titik B
pahina 21(isang puntos bawat bilang). Isulat ang iyong mga sagot sa likurang bahagi ng papel
na ito.

What I Have Learned

Ang Tekstong Impormatibo ay naglalayong magbigay ng mga karagdagang kaalaman


upang tayo ay mas marunong sa buhay. Gamit ang mga impormasyong nakapaloob sa tekstong
ito ay napapa-unlad natin an gating karunungan. Maibabahagi natin ito sa pamamagitan ng
paggawa din ng ganitong teksto upang maging kapaki-pakinabang din ito sa iba.

What I Can Do
Binabati kita! Nasa panghuling bahagi ka na ng module na ito. Ibahagi ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng paggawa ng panghuling pagsasanay.

Pagsasanay 2
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormatibo tungkol sa bakuna sa COVID-19. Dahil
pawang katotohanan lamang ang pagbabatayan sa pagsulat ng ganitong teksto, magsaliksik ng
mga datos upang mapa-unlad ang tekstong iyong isusulat. Isulat ito sa likod ng modyul na ito.
Nilalaman- 5 Organisasyon- 5 Orihinalidad-5 May sapat na sanggunian/batayan-5

References: Dayag, Alma M.,del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik pages 7-24, 927 Phoenix Publishing House, Inc. 2017
https://www.scribd.com/document/470954547/MODULE-1-PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBA-T-IBANG-
TEKSTO-TUNGO-SA-PANANALIKSIK-docx--

2
3

You might also like