Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St. Dominic De Guzman School, Inc.

Caypombo, Santa Maria, Bulacan


Tel. nos. (044) 7984294 / 0922 291 0776
Gov’t Recognition no. E-077 S.2008; S-034 S. 2010; SHS Permit No. 336 S.2015

PETSA: Agosto 16,2021


(Unang Linggo / Unang Markahan)

BANGHAY-ARALIN SA _Filipino – Ikaapat na Baitang

I. Layunin
a. Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa kung paano nabubuo ang mga salita.
b. Nabibigyang halaga ang kaalaman tungkol sa iba’t ibang kaalaman uko sa
paksang tatalakayin.
c. Nakabubuo ng mga halimbawang pangungusap gamit ang iba’t ibang salita
batay sa mga paraang ginamit.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Paraan sa Pagbuo ng Salita
Kagamitan: Aklat at iba pang mga makabagong teknolohiyang kagamitan
Sanggunian: BINHI (Wika at Pagbasa) ni Ester V. Raflores

III. Pamamaraan
 Introduksyan
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagpuna sa Kapaligiran
- Pagtala sa Lumiban

B. Pagganyak
Sisimulan ang klase sa pamamagitan ng isang activity o laro na
tinatawag na “ I CAN HEAR YOUR MESSAGE” sa larong ito
lalapatan ng tono ang iba’t ibang mga letra. Huhulaan naman ng
mga mag-aaral ang salitang hinuhuni ng isang kalahok batay sa
tunog na ibinigay.

 Interaksyon
a. Pagkakaroon ng balik-aral o balik tanaw tungkol sa mga paksang
naaalalang tinalakay noong nakaraang taong pampaaralan.
b. Paglalahad ng iba’t ibang mga paraan kung paano nakabubuo ng
mga salita.
c. Pagbibigayan ng mga halimbawa ng kani-kaniyang paraan sa
pagbuo ng salita.
IBA’T IBANG PARAAN KUNG PAANO BINUBUO ANG MGA SALITA

a. PAYAK- Salitang binubuo ng salitang ugat lamang. Hindi na maaring hatiin pa


ang mga salitang-ugat.

Halimbawa:
Klase, una, bahay, tama, kuha, malas

b. MAYLAPI- Nakabubuo ng salitang maylapi sa pamamagitan ng pagkabit ng


panlapi sa salitang-ugat. Ito ay maaring unlapi. Gitlapi, hulapi at kabilaan.

Halimbawa:
Unlapi- masikip, pagsunod, umuna
Gitlapi- gumising, tinanghali
Hulapi- isipan, naisin
Kabilaan- kaibigan, paralan

c. INUULIT- Ang salitang inuulit ay nabubuo sa pamamagitan ng salitang ugat.

Halimbawa:
Maaga-aga gabi-gabi
Maagang-maaga buong-buo

d. TAMBALAN- Ang pagtatambal o pagsasama ng dalawang magkaibang salita.

Halimbawa:
Silid+aralan= silid-aralan
araw+gabi= araw-gabi

 Integrasyon

Pagsasagot ng isang pagsasanay gamit ang sangguniang libro sa


pahina 16. Pagsasanay 9 at 10.

*Paglalahad ng Kahalagahan:

Mateo 5:9
“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,
sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

IV. Pagtataya

Pagsasagot ng isang pagsasanay gamit ang sangguniang libro sa pahina 17.


Pagsasanay 11 at 12.
V. Takdang Aralin

Magsaliksik at pag- aralan ang susunod na paksang tatalakaying “ Bahagi at


Ayos ng Pangungusap”

Inihanda ni: Bb. Mariel Ann D. Pacheco

You might also like