Fil9 q2 Mod19 Kulturangtaglayngkuwento Version2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
11

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 19
Kulturang Taglay ng Kuwento

Department of Education ● Republic of the Philippines


1
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2, Linggo 5 - Module 19: Kulturang Taglay Kuwento
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module


Author: Christin P. Yañez
Evaluators/Editors: Gerelyn H.Tupac, MT II, Terry P. Anisco, T III
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva,OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 19
Kulturang Taglay ng Kuwento

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 19 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 10
Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 13
Karagdagang Gawain ……………………………… 15
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16
Sanggunian ……………………………… 16

iv
Mo
dyul 19 Kulturang Taglay ng
Kuwento
Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, matutunghayan ang masinsinang pagtalakay


sa mga kulturang Asyano na makikita sa binasang maikling kuwento.
Iniisa ang mga kultura at tinukoy ang mga sitwasyong panlipunan na
kababanaagan ng nasabing kultura.

Layunin ng modyul na ito na kilalanin ng mag-aaral ang kanyang


kultura. Nang sa gayon, mas maunawaan niya ang kanyang sarili at
ang kanyang lahi. Ninanais din ng modyul na ito na malaman ng mag-
aaral ang kultura ng ibang bansa na makikita sa Asya upang matuto
siyang gumalang sa pagkakakilanlan ng ibang lahi.
Ang pag-unawa sa sarili at sa lahi ang magdadala sa isang mag-
aaral tungo sa tagumpay dahil mas matutukoy niya ang kanyang
kalakasan at kahinaan. Malalaman niya kung paano gamitin ang
kanyang kalakasan at paunlarin ang kanyang kahinaan. Magdadala rin
ng kapanatagan ng kalooban at kapayapaan sa mundo ang paggalang
ng kapwa sa ibang kultura.

Nilalaman ng Modyul

Aralin 19 - Pagtukoy sa Kulturang Nakapaloob sa Binasang Kuwento

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa


binasang kuwento (F9PB-IIe-f-48)

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

• nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento;

v
• natutukoy ang sitwasyong panlipunan sa kasalukuyan na
kakikitaan ng kultura.

vi
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigaysa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
Subukin

Para bilang 1-10. Alamin kung anong kulturang Asyano ang makikita sa
sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Alam mo ba kung paano at saan ka nakakuha ng lisensiya gayong maraming


retirado at walang trabaho ang ‘di makakuha?”
a. pagtulong sa kapwa c. pagiging mapamaraan
b. paglapit sa may kapangyarihan d. lahat ng nabanggit

2. “Hindi ka magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”


a. pagtanaw ng utang na loob c. labis na pagbubuklod ng pamilya
b. pagiging magalang d. wala sa nabanggit

3. "Kinakalinga ka ng pamahalaan. Nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon. Kapag


umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”
a. pagiging palaasa sa pamahalaan c. pagtulong sa kapwa
b. pagbabagong buhay d. pagpapatawad sa nagkasala

4. “Gagawin ko kung anumang ipag-uutos ng pamahalaan.”


a. pagsunod sa magulang c. pagtanaw ng utang na loob
b. paggalang sa may kapangyarihan d. parehong B at C

5. “Sa palagay ko’y matutuwa ang ina mo. Kung buhay siya,
ipangangalandakan niya-negosyante na ang anak ko.”
a. pagkakabuklod ng pamilya c. pagpapahalaga sa anak
b. pagsisikap ng anak d. wala sa nabanggit

6. “Halos bagong taon na. Puwede kang manatili ngayong Bagong Taon sa amin.”
a. pagtanaw ng utang na loob c. pagtulong sa kapwa
b. pagkakabuklob ng pamilya d. pagpapahalaga sa anak na lalaki

7. ”Marami namang panahon. Huwag mong tapusin lahat. Di ka dapat magpagod,


Bagong Taon pa naman.”
a. pagpapahalaga sa Bagong Taon c. Bagong Taon, bagong buhay
b. pagpapahalaga sa pamilya d. pagdiriwang kasama ang pamilya

8. “Pagkatapos, dapat magtrabaho ka na. Aayusin mo at hahanapan kita ng nobya.”


a. paggabay ng magulang para sa tagumpay ng anak
b. pagpili ng magulang sa magiging kinabukasan ng anak
c. pangingialam ng pamilya sa personal na buhay
d. pagmamalasakit ng pamilya sa trabaho ng anak

9. “Sapatos na tatak - Perfection mula sa Shenzen free economic zone. Huling


tawag na.”
a. pagkahilig sa mga materyal na bagay
b. pagkahilig sa mga produktong branded
c. pagtangkilik sa sariling produkto
d. pagtangkilik sa produkto ng iba
10. “Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan
kakatok ang oportunidad.”
a. Pagiging masipag c. pagkakaroon ng positibong pananaw
b. Pagiging matiisin d. pagkakaroon ng posibilidad sa buhay

11. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay?


a. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob.
b. Kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata,
c. paandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho.
d. Maaayos din ang lahat

12. Paano masasabing ang tao ay duwag?


a. Gusto niyang lumaban
b. pero wala siyang lakas.
c. Kaya magpapanggap siyang tanga,
d. umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag.

13. Ano ang ibig sabihin ng nagdidikta?


a. Saanman siya magpunta,
b. laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin;
c. sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.
d. Wala sa nabanggit

14. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Isa siyang basurahan o isang pirasong
basahan na nais magtago sa isang butas.”?
a. Marumi ang tingin niya sa saril.
b. Hindi niya nakikita ang sarili.
c. Kinubli siya ng isang basahang may butas.
d. Minamaliit niya ang kanyang sarili.

15. Bakit kailangang hindi umayaw at maghintay?


a. Para magtagumpay ka sa buhay
b. Dahil hindi mo alam kung kailan ka papalarin
c. Sapagkat ang tao ay kailangan magsumikap
d. Dahil sa buhay ang umaayaw ay hindi nagwawagi
Aralin Pagtukoy sa Kulturang
Nakapaloob sa Binasang
19 Kuwento

Balikan
Naaalala mo pa ang kwento tungkol sa isang bilanggo na
nagbagong buhay?
Tama! Siya si Li Huiquan.
Muli mong balikan ang mga pangyayari sa kwentong
Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S.
Zafra.
Basahin mong mabuti ang nasa ibaba. Mga dayalogo iyan na
nagmula sa kuwento.
Pagkatapos, kilalanin mo kung si Tiya Luo o Li Huiquan ang
nagpahayag ng dayalog.
Isulat ang sagot sa patlang.

Gawain 1

1. “Alam mo ba kung paano at saan ka nakakuha ng lisensiya


gayong maraming retirado at walang trabago ang ‘di makakuha?”
2. “Hindi ka magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”
3. "Kinakalinga ka ng pamahalaan. Nagkamali ka na. Kalimutan mo na
iyon. Kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”
4. “Gagawin ko kung anumang ipag-uutos ng pamahalaan.”
5. “Sa palagay ko’y matutuwa ang ina mo. Kung buhay
siya, ipangangalandakan niya-negosyante na ang anak ko.”
6. “Halos bagong taon na. Puwede kang manatili ngayong Bagong
Taon sa amin.”
7. ”Marami namang panahon. Huwag mong tapusin lahat. Di ka dapat
magpagod, Bagong Taon pa naman.”
8. “Pagkatapos, dapat magtrabaho ka na. Aayusin mo at hahanapan
kita ng nobya.”
9. “Sapatos na tatak - Perfection mula sa Shenzen free economic
zone. Huling tawag na.”
10. “Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang
nakaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.”
Tuklasin

Gawain 2
Mapapansin na kakikitaan ng kulturang Asyano ang mga dayalogo na nasa
HANAY A. Tukuyin mula sa HANAY B kung anong kultura ang masasalamin sa
mga dayalogo. Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
Dayalogo mula sa kuwento Kultura
1. “Alam mo ba kung paano at saan ka nakakuha
a. pagbibigay ng mas
ng lisensiya gayong maraming retirado at walang trabaho higit na pabor sa
ang ‘di makakuha?” pamilya o kamag-
anak
2. “Hindi ka magpapasalamat kay Tiyo Li mo b. pagdiriwang ng
sa lahat ng tulong niya?” Bagong Taon

3. "Kinakalingakang pamahalaan. c. positibong pananaw


Nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon.Kapag umulit sa buhay
ka, wala nang tutulong sa iyo.”
d. pagkalinga ng
4. “Gagawin ko kung anumang ipag-uutos ng pamahalaan sa
pamahalaan.” kanyang
pinaglilingkurang
mamamayan

5. “Sa palagay ko’y matutuwa ang ina e. arranged marriage o


mo. Kung buhay siya, ipangangalndakan niya- “bugaw’ o
negosyante na ang anak ko.” matchmaker

f. pagkahilig sa
branded
6. “Halos bagong taon na. Puwede kang
manatili ngayong Bagong Taon sa amin.”
g. pagpapahalaga sa
tagumpay ng
7.”Marami pang panahon.’Wag mong tapusin pamilya
lahat. Di dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.”
h. pagtanaw ng utang
na loob
8. “Pagkatapos, dapat magtrabaho ka na.
Aayusin mo at hahanapan kita ng nobya.” i. pagkakabuklod ng
pamilya

j. pagkapit
9. “Sapatos na tatak - Perfection mula sa sa may free
Shenzen j. kapangyarihan
economic zone. Huling tawag na.”

10.“Mas mabuting maghintay kaysa umayaw,


dahil walang nakaaalam kung kailan kakatok ang
oportunidad.”
Suriin

Gawain 3
Basahin at unawain ang kaisipang makikita sa kuwento. Pagkatapos,
ipaliwanag ang kaisipang ito sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pahayag.

Kaisipang Hango sa Kuwento Paliwanag


1. Kailangang palakasin niya Ang kaugaliang Pilipino sa pagkakaroon ng
ang kaniyang loob; kung positibong pananaw sa buhay ay makikita kung
ididilat lamang niya ang
kaniyang mata, paaandarin
ang utak, at di-matatakot
magtrabaho, maaayos ang
lahat.
2. Saanman siya magpunta, Ang pagkontrol sa kilos ng kapwa ay
laging may nagsasabi sa nakabubuti kapag
kaniya kung ano ang dapat
at di-dapat gawin; sa
pagtingin sa kaniya nang Minsan, mababa ang tingin natin sa ating sarili
mababa, umaangat ang sapagkat
kanilang sarili.

3. Gusto niyang lumaban, Ang negatibong kaugaliang Asyano na pag-


pero wala siyang lakas. iwas sa problema ang masasalamin sa
Kaya magpapanggap kaisipang ito dahil
siyang tanga, umiiwas sa
mga nagmamasid at
nagmamatyag.
4. Isa siyang basurahan o Kapag tayo ang nakaaangat, may pagkakataon
isang pirasong basahan na na mababa ang tingin natin sa iba kaya
nais magtago sa isang
butas.

5. Mas mabuting maghintay Mabuti ang patuloy na pagsisikap sa kabila ng


kaysa umayaw, dahil mga pagsubok, nang sa ganoon
walang nakaaalam kung
kailan kakatok ang
oportunidad
Pagyamanin

Gawain 4
Pumili ng limang kulturang nasa HANAY B ng Gawain 2. Ilagay ito sa kahon.
Pagkatapos, magbigay ng isang pangyayari o sitwasyon na nagpapakita ng
nasabing kultura. Maaari mong naranasan o nasaksihan ang ibibigay mong
pangyayari o sitwasyon.

Kultura Pangyayari o Sitwasyon


Isaisip

Gawain 5
Isulat ang iyong sagot sa tanong na nasa loob ng balloon sa inilaang patlang.

Ang pagiging positibo at palangiti ay buhay na buhay sa ating mga Pilipino kahit gaanuman
kabigat ang ating problema. Ano ang masasabi ko sa ugaling ito?

Sagot:

Nabasa ko rito na sa Panahon ng Kastila pa nagsimula ang kaugaling Pilipino na


paglapit sa may kapangyarihan para humingi ng pabor.
Paano ko kaya mababago ang kaugaliang ito?

Sagot:

Talamak sa pamilyang Pilipino ang pagpapanatili ng isang anak na may pamilya na sa


tahanan ng kanyang mga magulang. Paano ko kaya ito maiiwasan?

Sagot:
Isagawa

Gawain 6

Bumuo ng isang maikling kwento na naglalaman ng kultura ng alinmang


bansa sa Asya. Dapat hindi lalampas ang kuwento sa 200 na salita. Gamiting gabay
ang pamantayan sa ibaba. Isulat ang kuwento sa inilaang espasyo.

Binigyan 5 puntos 3 - 4 puntos 1 - 2 puntos


ng Tuon Natatangi Katamtamang Nangangailangan ng
Kagalingan Tulong
Taglay ang lahat ng 2-3 Elemento 1 Elemento lamang
Elemento elemento ng lamang ang taglay ang makikita sa
maikling kwento. kwento.
Malinaw na malinaw Hindi gaanong Hindi makikita ang
na makikita ang malinaw na tatlng bahagi ng
Bahagi tatlng bahagi ng makikita ang tatlng maikling kwento.
maikling kwento. bahagi ng maikling
kwento.
Lantad na lantad Hindi gaanong Walang kulturang
ang pagpapakita ng lantad ang makikita sa kuwento.
Kultura kultura. . kulturang nais
ipakita ng kuwento.
Gawain 7

Magmasid ka sa iyong sariling tahanan. Alamin ang


kulturang Pilipino na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa
rin ng inyong pamilya. Kilalanin ang positibo at negatibong
bunga ng pagsasabuhay ng kulturang ito. Sundin ang anyo
sa ibaba sa pagbibigay ng inyong sagot.

Positibong bunga Kultura Negatibong bunga


Buod

Sa modyul na ito, muling tinalakay ang kuwentong


Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S.
Zafra. Ginawang lunsaran ang kuwento upang matukoy ang
kulturang nakapaloob sa mga akdang panitikan ng mga bansa sa
Asya.

Ginamit ang dayalogo ng nabanggit na kwento upang


matukoy ang kulturang Asyano. Mula sa pagkilala ng kultura,
tinukoy rin ang mga sitwasyong panlipunan sa kasalukuyan na
kakikitaan ng nakilalang kultura mula sa maikling kuwento.

May gawain rin na hahasa sa isipan ng mag-aaral na


magpaliwanag at mangatwiran sa kanilang pinaniniwalaan.

12
Tayahin

Para bilang 1-10. Alamin kung anong kulturang Asyano ang makikita sa
sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Alam mo ba kung paano at saan ka nakakuha ng lisensiya gayong


maraming retirado at walang trabaho ang ‘di makakuha?”
a. pagtulong sa kapwa c. pagiging mapamaraan
b. paglapit sa may kapangyarihan d. lahat ng nabanggit

2. “Hindi ka magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”


a. pagtanaw ng utang na loob c. labis na pagbubuklod ng pamilya
b. pagiging magalang d. wala sa nabanggit

3. "Kinakalinga ka ng pamahalaan. Nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon. Kapag


umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”
a. pagiging palaasa sa pamahalaan c. pagtulong sa kapwa
b. pagbabagong buhay d. pagpapatawad sa nagkasala

4. “Gagawin ko kung anumang ipag-uutos ng pamahalaan.”


a. pagsunod sa magulang c. pagtanaw ng utang na loob
b. paggalang sa may kapangyarihan d. parehong B at C

5. “Sa palagay ko’y matutuwa ang ina mo. Kung buhay siya,
ipangangalandakan niya-negosyante na ang anak ko.”
a. pagkakabuklod ng pamilya c. pagpapahalaga sa anak
b. pagsisikap ng anak d. wala sa nabanggit

6. “Halos bagong taon na. Puwede kang manatili ngayong Bagong Taon sa amin.”
a. pagtanaw ng utang na loob c. pagtulong sa kapwa
b. pagkakabuklob ng pamilya d. pagpapahalaga sa anak na lalaki

7. ”Marami namang panahon. Huwag mong tapusin lahat. Di ka dapat magpagod,


Bagong Taon pa naman.”
a. pagpapahalaga sa Bagong Taon c. Bagong Taon, bagong buhay
b. pagpapahalaga sa pamilya d. pagdiriwang kasama ang pamilya

8. “Pagkatapos, dapat magtrabaho ka na. Aayusin mo at hahanapan kita ng nobya.”


a. paggabay ng magulang para sa tagumpay ng anak
b. pagpili ng magulang sa magiging kinabukasan ng anak
c. pangingialam ng pamilya sa personal na buhay
d. pagmamalasakit ng pamilya sa trabaho ng anak

9. “Sapatos na tatak - Perfection mula sa Shenzen free economic zone. Huling


tawag na.”
a. pagkahilig sa mga materyal na bagay
b. pagkahilig sa mga produktong branded
c. pagtangkilik sa sariling produkto
d. pagtangkilik sa produkto ng iba
10. “Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung
kailan kakatok ang oportunidad.”
a. Pagiging masipag c. pagkakaroon ng positibong pananaw
b. Pagiging matiisin d. pagkakaroon ng posibilidad sa buhay

11. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay?


a. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob.
b. Kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata,
c. paandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho.
d. Maaayos din ang lahat

12. Paano masasabing ang tao ay duwag?


a. Gusto niyang lumaban
b. pero wala siyang lakas.
c. Kaya magpapanggap siyang tanga,
d. umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag.

13. Ano ang ibig sabihin ng nagdidikta?


a. Saanman siya magpunta,
b. laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin;
c. sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.
d. Wala sa nabanggit

14. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Isa siyang basurahan o isang pirasong
basahan na nais magtago sa isang butas.”?
a. Marumi ang tingin niya sa saril.
b. Hindi niya nakikita ang sarili.
c. Kinubli siya ng isang basahang may butas.
d. Minamaliit niya ang kanyang sarili.

15. Bakit kailangang hindi umayaw at maghintay?


a. Para magtagumpay ka sa buhay
b. Dahil hindi mo alam kung kailan ka papalarin
c. Sapagkat ang tao ay kailangan magsumikap
d. Dahil sa buhay ang umaayaw ay hindi nagwawagi
Karagdagang Gawain
Nagmula sa kuwentong Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Guinigundo ang
mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang kulturang Pilipino ang makikita sa sitwasyon.

“Ginto..Ginto..Baka po kayo may ginto riyan?Mga mama..mga ale..ginto..”, ang alok-


anyaya ng isang babaeng nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang
lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.

Kultura

“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?”,
sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.

Kultura

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad.


Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at pulseras.

Kultura

“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon?
Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo
lang ang ating salitaan, ha? Kahit hindi nakasulat. . .ikaw ang bahal?”
Kultura
Susi sa Pagwawasto

1. D
2. A
3. D
4. A
5. C
6. B
7. A
8. C
9. B
10. D
11. D
12. C
13. B

Sanggunian
Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. 3rd Floor, Bonifacio Bldg.,
DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600. DepEd-
Bureau of Secondary Education Curriculum Development Division, n.d.
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like