Professional Documents
Culture Documents
Prayer Session Prayer Points
Prayer Session Prayer Points
Prayer Session Prayer Points
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga
pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang
ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito
kami upang siya'y sambahin.”
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't
tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong,
“Saan ba isisilang ang Cristo?” Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng
propeta:
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw
ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong
mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako
man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa
paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa silangan ay tumigil sa tapat ng
kinaroroonan ng bata. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang
bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila
at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na
huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.
(maglaan ng ilang sandal ng katahimikan at bigyang puwang ang salita ng Diyos na manuot sa
ating puso ay diwa)
MGA GABAY SA DASAL:
1) Sa ngayon, ano talaga ang pinakainaasam-asam mo, batay sa mga bagay na iyong
binibigyang-halaga sa buhya? Pangalanan at linawin ang mga ito.
2) Basahin at pagnilayan ang Mateo 2:1-12. Dito, makikita natin ang kuwento ng mga
Mago sa knialng paghahanap sa pagsunod sa tala ng Bethlehem.
Sa iyong buhay, anong mga “tala” ang iyong hinangad at hinanap? Saan ka dinal ng
mga ito?
Paano nagbago ang takbo ng iyong buhay dahil sa paghahangad at paghahanap ng
mga “talang” ito?
“Ang nais ko sa aking pagpanaw ay maalala ako, hindi kung gaano ako kadakila, kalakas o
katalino. Gusto kong maalala bilang isang taong naglingkod, nanindigan at nagsalita ng
katotohanan at naging tapat sa mga ginnawa-isang taong nagmahal at sumunod kay
Kristo.”
4) May isang dasal si Henri Nouwen tungkol sa mga hangad ng kanyang puso. Kunin ito
at dasalin upag makahugot ng lakas at pag-asa.
“O Diyos, ako ay isang taong maraming mga kahilingan, hangarin at mithiin. Ang ilan sa
mga ito ay maaaring matupad, at ang iba naman ay hindi. Subalit sa kabila ng lahat ng mga
katuparan at mg kabiguan, umaasa pa rin ako sa Iyo.
Alam kong hinding-hindi mo ako iiwan, at tutuparin mo ang iyong mga pangako. Kahit hindi
nangyayari ang mga bagay na ayon sa aking kagustuhan alam kong nangyayari ang mga ito
ayon sa Iyong nais, at sa huli, ang mga ito ay ang pinakamabuti para sa akin.
Panginoon ko, biyayaan moa ko ng lakas para patuloy akong umasa sa Iyo, lalo na kung ang
aking mga kahilinga’y hindi natutupad. Huwag mong hayaang malimutan ko na ikaw ay
Pag-ibig. Amen!” (hango sa “With Open Hands”)