Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

L’Altra Montessori School, Inc.

Banghay Aralin sa Filipino 7

FILIPINO 7
(Agosto 02, 03, at 04, 2021)
I. Layunin

 Napapahalagahan ang mga aral sa akdang “Si Pilandok at ang Batingaw”.


 Nalalaman ang pinagmulan ng Kuwentong-Bayan at iba pang mga halimbawa nito.
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong-Bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
 Nagagamit nang wasto ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay.
 Nakapagtatala ng mga ambag sa pagpapaunlad ng bayan.

II. Nilalaman
 Paksang Aralin:
- Si Pilandok at ang Batingaw. (Pahina 5-9)
- Ang Pinagmulan ng Kuwentong-Bayan (Pahina 11-12)
- Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay.
 Sanggunian:
Canlas., Tapang., Guerero III, et al, Punla Binagong Edisyon, Pahina 5-18.
 Materyales: Powerpoint Presentation, Laptop, at Makukulay na Larawan

III. Pamamaraan

Una at Ikalawang Araw:


(Agosto 02, at 03, 2021)
(Verbal Intelligence and Visual Intelligence)
A. Paggalugad/Pakikilahok
Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan patungkol sa taong nagsusumikap sa buhay at hihingin sa mga mag-
aaral ang kanilang sariling hinuha sa larawang kanilang nakikita.

B. Paglalahad/Pagtatalakay
sa Paksa
- Pagbabasa sa kuwentong “Ang pagbabagong anyo ni Pulansai.”
- Pagbibigay ng mga mahahalagang tanong patungkol sa akdang nabasa.
1. Ano ang katangian ng dalawang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan nangyari ang kuwento?
3. Ano ang suliranin ni Pilandok?
4. Paano niya tinugunan ang kaniyang suliranin?
5. Maihahalintulad ba sina Pilandok at Somusun sa Alongan sa isang taong nakilala na
ninyo?
L’Altra Montessori School, Inc.
Banghay Aralin sa Filipino 7

Ikatlong Araw:
(Agosto 04, 2021)
(Verval and Visual Intelligence)
C. Pagpapalawig ng Paksa
- Pagbabalik tanaw sa natalakay na paksa.
- Pagtatalakay sa pinagmulan ng Kuwentong-Bayan.
- Pagbibigay ng mga halimbawa ng Kuwentong-Bayan.
- Pagtatalakay sa mga Pahayag sa Pagbibigay Patunay.
- Pagbibigay ng mga halimbawa sa mga Pahayag sa Pagbibigay Patunay.

IV. Pagtataya:
-Ibabahagi sa klase ang kanilang nasaliksik na Kuwentong-Bayan mula sa kahit anong lugar.

V. Takdang Aralin
-Magsaliksik sa Internet ng isang kuwentong-bayan mula sa kahit anong lugar. Pagkaraan,
kinakailangang sumulat ng maikling talata na sumasagot sa sumusunod na tanong: “Ano-
anong tradisyon o kaugalian ninyo ang ipinapakita pa rin sa ibinahaging Kuwentong-Bayan?”

- Basahin ang Pabulang may pamagat na “Ang Alimaung at ang Usa” sa pahina 19-20.
Pagkatapos, sagutin ang katanungan kung naranasan mo na bang lokohin ng iyong kapuwa?
Ano ang iyong ginawa at ano ang iyong naramdaman? Ipasa ito sa ating Google Classroom.

Checked but please add the needed information I asked. Thank You Ms Abby.
Ma’am Dina M. Tuquero – July 26, 2021

EDITED NA PO. Thank you, Ma’am!

You might also like