Mayo Lyrics

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAMBUNGAD

LAUDATE DOMINUM
Manoling Francisco, SJ

*Laudate Dominum! Purihin ang Diyos!


O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!

1. Sa bayang sinalanta, bubong ang 'Yong kalinga


sa binagyo ng dahas, kaloob Mo ang lakas.

2. Sa 'ming mga may sakit, lunas ang Iyong pag-ibig.


Sa 'ming dahop sa buhay, yaman ang may kaagapay.

3. Sa 'ming nangungulila buklod ang pagsasama.


Sa nilimot ng lipunan, tinawag Mo sa handaan.

4. Kalikasang nilikha, tulay ng langit at lupa,


sanlibutang pinagpala, Iyong pinagkatiwala.

HALINA SA PIGING NG DIYOS


Henry de Jesus

Halina, halina sa piging ng Diyos.


Awitan S’ya ng papuri, magdiwang at magalak.
Aleluya, Aleluya!

Halina, halina sa piging ng Diyos.


Pasalamatan natin t’wina sap ag-ibig na hatid N’ya.
Aleluya, Aleluya!

Halina, halina sa piging ng Diyos.


Purihin S’ya’t dakilain. Ang Diyos na Hari natin.
Aleluya, Aleluya!

PAG-AALAY
(Ascension)
TAYO’YS SUMIGAW SA GALAK
Ferdz M. Bautista

Tayo’y sumigaw sa galak, Kasabay ng mga trumpeta.


Ipagbunyi natin ang Panginoong umakyat sa kalangitan!
1. Magdiwang lahat ng mga nilikha.
Pumalakpak kayong may awit at tuwa
Bilang papuri sa Diyos na dakila.

2. Purihin ang Diyos, S’ya ay awitan.


Ang Diyos ang Hari ng lahat ng mga bansa.

3. Aleluya! Aleluya! Pumalakpak kayong may awit at tuwa!


Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!

(Pentecost)
ESPIRITU NG PANGINOON
Ferdz M. Bautista

Espiritu ng Panginoon, lumukob sa sansinukob.


Baguhin aming loob, Aleluya! Aleluya!

1. Espiritung Banal, Tanglaw ng aming buhay!


Ama ng mga mahihirap, lakas naming lahat!

2. Kaibigan at Patnubay, pasayahin pusong nalulumbay,


Pag-alabin, ito’y turuan ng kapwa namin ay paglingkuran.

3. Marumi ay ‘yong palinisin, ang lanta’y panariwain.


Sakit nami’y gamutin, sumasamong iligtas Mo kami!

KOMUNYON
(Ascension)
ANG POO’Y UMAKYAT SA KALANGITAN
Ferdz M. Bautista

Ang Poo’y Umakyat sa kalangitan,


Aleluya, Aleluya!
Siya’y naluklok sa kanan ng Ama,
Aleluya, Aleluya!

1. O Diyos ako’y handa na na magpuri at umawit ng awiting masigla!


Gumising a kaluluwa! Gumising a at magsaya!

2. Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan!


Nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan!

3. Sa ibabaw ng mga langit, ikaw ay itinanghal,


At dito naman sa daigdig, ay ang iyong kapurihan!
(Pentecost)
NAWA SA ‘TI’Y MANAHAN ESPIRITUNG BANAL
Ferdz M. Bautista

Nawa sa ‘ti’y manahan Espiritung Banal,


Upang ang pagsasalo sa Katawan ni Hesukristo’y
magdulot ng pagbabago’t pag-unlad.

1. Halina Espiritung Banal,


Liwanagan aking pang-unawa,
Upang aking mabatid ang ‘yong utos.
Palakasin ang aking puso laban sa mga kaaway.

2. Pag-alabin aking kalooban


Sa ‘yong tinig nais Mo’y magawa ko na,
‘di na ipagpapaliban pa,
Ni ipagpapabukas pa!

PANGWAKAS
AWIT SA PANGINOONG MULING NABUHAY
Fr. Manny Manicad

Refrain:
Mabuhay Ka Panginoon, Panginoong muling nabuhay
Sa aming mga puso, sa salita at gawa.
Upang kami’y maging buhay, Buhay Mong sambayanan.

Sa bawat paggalaw, pangarap man o pananagutan


tulutan po ninyo kayo ang manguna
upang lahat ng aming pagtugon ay pagdakila sa Iyo.

Sa mga gawain, ikaw ang aming daan,


ang katotohanan at ang aming buhay
kaya Panginoon mabuhay ka sa lahat naming buhay.

You might also like