Professional Documents
Culture Documents
Mr. Bueno Fil 9 PPT WK 4
Mr. Bueno Fil 9 PPT WK 4
Mr. Bueno Fil 9 PPT WK 4
IKA-APAT NA LINGGO
UNANG KWARTER
“PUTING KALAPATI,
LIBUTIN ITONG
SANDAIGDIGAN.”
(Tula) (Malaysia)
MENSAHE MULA SA BIBLIYA
JUAN 14:27 “Kapayapaan ang iniiwan ko
sa inyo. Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng
ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong
mabalisa. Huwag kayong matakot.”
MENSAHE MULA KAY FR. AL
Ngunit sa liwanag na ito ng Espiritu
Santo, sa karunungang ito na inilagay
ng Espirity Santo sa ating mga puso,
malinaw ninyong mauunawaan ang
kahulugan ng mga salita ng Panginoon
at ang mga misteryo ng Panginoon.
HULYO 6, 2020
UNANG ARAW
KASANAYAN SA PAGKATUTO
• Nabibigkas nang maayos at may
damdamin ang tulang binasa (PS)
• Natutukoy ang mga salitang
magkakasingkahulugan sa loob ng tula
(PT)
PAGBIBIGAY-HINUHA
(PANGKLASENG GAWAIN) –
10 MINUTO
Pagpapakita ng larawan.
•Ano ang kadalasang sinisimbolo ng
kalapati?
•Ano-anong katangian ng kalapati na
naging dahilan para sa simbolong
iyon?
PAGBASA (PANGKATAN/
PANGKLASE/ INDIBIDWAL
NA GAWAIN) – 20 MINUTO
“Puting Kalapati, Libutin Itong
Sandaigdigan.”
Ni: Usman Awang
Salin ni: A. B. Julian
SA MGA PANGYAYARING WALANG
KATIYAKAN,
KUNG SAAN ANG TAO’Y NAGHIHINALA’T
TUWINA’Y MAY AGAM-AGAM
LUMIPAD ANG KALAPATI UPANG LAKBAYIN
ANG SANDAIGDIGAN
SA KANYANG PUTING PAKPAK NA HANAP
AY KAPAYAPAAN
HABANG SAGISAG NG PAGKAKASUNDO’Y
PATULOY NA BUMABANDILA.
PUTING KALAPATI, LIBUTIN ITONG
SANDAIGDIGAN
ANG HANGING PANGGABI’Y IYONG
PANARIWAIN
ANG MGA BULAKLAK IYONG
PAMUKADKARIN.
ITONG AMING MGA LABI’Y IYONG
PANGITIIN.
PAGKAT SA IYO NA ANG PAG-ASA AY
DI NAWALA
SA IYONG HININGA, HANGING
SARIWA NAGMULA
ITONG SANDAIGDIGAN,
PANIWALAIN MO SA KAPAYAPAAN
HABANG PUSO’Y PUMIPINTIG SA
GABI NG KATAHIMIKAN.
NGUNIT IKAW NA PALAMARA
TULAD NG ALABOK, HUMAYO KA’T
MAWALA
PAGKAT MUNDO MO’T BANTAYOG
AY GUMUHO NA
NGAYON AY MAY BAGONG
HINAGAP NA KAYGANDA
BILANG REPLEKSYON NITONG
BUHAY NA MAPAYAPA.
TALASALITAAN (PANGKLASENG
GAWAIN) – 10 MINUTO
Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga salita
sa loob ng tula na magkasingkahulugan.
Bibigyan din ng kahulugan ng klase ang
mga salitang hindi pamilyar sa kanila.
HULYO 7, 2020
IKALAWANG ARAW
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang tula ayon sa (PB)
•Nilalaman
•Elemento
PAGPAPAKAHULUGAN SA
TULA (PANGKATANG
GAWAIN) – 15 MINUTO
“Puting Kalapati, Libutin Itong
Sandaigdigan.”
PANUTO
Hahatiin ang klase sa walong pangkat. Bawat
pangkat ay bibigyan ng dalawa-tatlong
taludtod mula sa tulang binasa. Magkakaroon
ng pagbabahaginan ang bawat pangkat
tungkol sa kahulugan ng mga taludtod ng
tula. Magkakaroon din ng pag-uulat.
PAGSUSURI SA TULA AYON
SA ELEMENTO
(PANGKLASENG GAWAIN) – 25
MINUTO
“Puting Kalapati, Libutin Itong
Sandaigdigan.”
SANGKAP NG TULA
Ibang halimbawa:
•Wastong indayog
•Tamang bigkas ng mga salita