Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SELF LEARNING MATERIAL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Petsa: Hunyo 21-25, 2021

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik
sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
(F11PU-IVef-91)
 Nagagamit ang mga katuwirang lohikal at ugnayan ng idya sa pagsulat ng isang
pananaliksik. (F11WG-IVgb-92)
 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.
(F11EP-IVij-38)

Layunin
 Naipapaliwanag ang pangangalap ng datos.
 Nakasusulat ng sariling burador ng papel pananaliksik.
 Nakasusunod nang maayos ang pamamaraan sa pagsulat ng burador.

Subukin:
Panuto: Isulat nag salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at Mali naman kung
hindi.

1. Lahat ng mga impormasyong mula sa internet ay maaaring magamit.

2. Ang mga datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing pananaliksik.
3. Ang pahayagan ay hanguang sekundarya o pumapangalawa lamang,
4. Magkaiba ang burador at draft.
5. Nahahati sa yugto ang pananaliksik sa silid-aklatan.
Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang ibinigay at gawin ang kasunod na bilang.

Halimbawa:

Paksa: Covid 19

I. Mga Kukuning detalye

a. Kailan ito nagsimulang kumalat?
b. Paano ito nakamamatay?
II. Pagkukunan ng Detalye
a. Artikulo, pahayagan, magasin
b. Libro
c. internet.

Paksa: ____________________________________

I. Mga Kukuning Detalye

a. _____________________________________
b. _____________________________________
II. Pagkukunan ng detalye
a. _____________________________________
b. _____________________________________
Alam mo ba?

Aralin 1 Pangangalap ng Datos

Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiyanilalaman,

diwa, bigat at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa
ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na
paraan, hindi na maaaring pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso
sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos. Kung
walang datos, walang susuriin o sasaliksikin.

Magiging madali ang paghahanap ng mananaliksik ng mga datos kung mayroon

siyang susunding gabay o guide. Makikita ang huwaran o pattern ng kanyang
gagawin at mapapadali pa ito. Makatutulong ang balangkas na ito upang malaman
kung ano lang ang hahanapin ng manunulat.

Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-
aklatan. Ito ay ang sumusunod:

Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng

mga aklat.

Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng

mga aklat at artikulo at ng pagpili ng sipi o citation mula sa mga babasahin.

Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, kompyuter,

printouts, at iba pang sanggunian.

Nakakatulong ang mga yugtong ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa

pangangalap ng mga impormasyon sa gagawing pagsusulat. Maliban sa mga aklat
na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga magasin,
dyaryo at iba pang babasahin (Bernales et al., 2009).
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa Bernales, et al., (2012) ang mga
hanguang primarya (primary sources) ay:

1. Mga indibidwal o awtoridad,

2. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity,

katutubo o mga minorya, negosyo, samahan, simbahan at pamahalaan,

3. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at

ekonomiks at iba pa, at

4. Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng konstitusyon, batas kautusan,

treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at

talaarawan o diary.

Ang mga hanguang sekundaryo (secondary sources) naman ay:

1. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanak

at atlas,
2. Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at newsletter,
3. Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng feasibility, nailathala man ang mga ito o
hindi, at • Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

1. Ang Survey- ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pagunawa

ng katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Layunin ng
survey na maglarawan, maglahad, magsalaysay, mangatuwiran ng tiyak na
bilang ng kasagutan na nasasakop na populasyon ng pag-aaral.
Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Survey
• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng survey
• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong instrumento sa pagsasagawa ng
survey
• Pagsasagawa ng aktuwal na survey
• Pagtatala at Pag-aanalisa • Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa
survey

2. Ang panayam o interview ay isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng

datos mula sa pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa
taong kinakausap. Layunin ng panayam na makakuha ng makabuluhang
impormasyon sa kinakapanayam. Samakatuwid, malaki ang gampanin ng
epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan upang mapagtagumpayan
ang pamamaraang pakikipanayam.

3. Imersiyon- ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos Madalas

itong gawing paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative. Karaniwang
ginagamit sa dokumentasyon upang mas maging buo at komprehensibo ang
datos. Nais makuha ng imersiyon ang layuning maipabatid ang panlabas,
panloob, ibabaw at ilalim na kuwento sa likod ng datos. Naglalaan ng matagal na
panahon ang mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa komunidad na
pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng mananaliksik ang karanasang ginagawa
ng mga pagkukunan ng datos. Sa ganitong paraan mas nararamdaman ng
mananaliksik ang mismong pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t
naipapahayag niya ang mas malalim na interpretasyon sa paksang pinag-
aaralan.
Aralin 2- Pagsulat ng Unang Burador

 Burador o draft- tentatibong kabuuan ng papel.

- Unang hakbang para sa aktuwal at mekaninal na pagsulat ng
panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa
pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugay nito.

Bahagi ng Teksto

1. Panimula- kaligiran at suliranin

2. Katawan- nakapaloob dito ang mga impormayon na magpapatibay o
magpapaliwanag ng iyong paksa at pinakamahab na bahagi.
3. Wakas- ang buod ng teksto at kongklusyon at resulta.

Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at
nakapapagod na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito
masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat. May mga simpleng gabay
upang mabuo ang ninanais na teksto:

1. Magsimula sa isang paksang pangungusap

- Simulan sa paksang pangungusap ang iyong unang talata. Mainam na
sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang bahagi
ng unang talata.
2. Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan.
Nararapat na maipresenta ang mga tiyak na detalye— tulad halimbawa ng
pangangatuwiran, ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang
maging kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.
3. Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan
ang pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang
mabuti upang hindi maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.
4. Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat
ipagwalang-bahala ang mga tamang estruktura o kaayusan ng gramatika o
maging simpleng paggamit ng mga bantas. Hangga’t maaari ay error- free
ang kabuuan ng ating teksto.

Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay dapat na
isaalang-alang sa pagbuo ng burador.
1. Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na
paraan gamit ang grapikong pantulong.
2. Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o
konsepto, posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang
matukoy ang dibisyon ng mga konsepto.
3. Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o
pananaliksik. Maikli, malinaw, pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.
Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hanguan ng datos napabibilang ang mga
sumusunod:

A- Hanguang Primarya C. Hanguang Elektroniko

B- Hanguang Sekundarya

1. Interbyu sa isang saksi o witness sa banggaan ng motorsiklo at jip.

2. Tesis bilang hanguan
3. Sarbey kung sino ang sang-ayon sa same-sex marriage.
4. Programang Sineskwela
5. www.google.com
6. Dokumentaryo ng mga reporter o mamamahayag.
7. Department Order 58 s. 2017
8. Manila Bulletin
9. Tulang Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
10. 1987 Philippine Constitution
Isagawa
Panuto: Mula sa inyong napiling paksa sa nakaraang talakayan, umpisahan na
ang paggawa ng burador.

Paksa ___________________________

1. Panimula
_________________________________________________________________________

2. Katawan

3. Wakas
______________________________________________________________________

4. Metodolohiya
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka sa Paggawa ng Konseptong Papel
Kraytirya 6 5 4 3 2 1
Kohirens Lahat ng Halos Maraming Maraming Iilan Walang
mga ideya lahat ng ideya ang ideya ang lamang ideya
ay mga ideya magkakau hindi ang ang
magkakaug ay gnay sa magkakau hindi magkak
anay sa magkakau isa’t isa. gnay sa magkak augnay
isa’t isa. gnay sa isa’t isa. augnay sa isa’t
isa’t isa. sa isa’t isa.
isa.
Kaisahan Lahat ng Halos Maraming Maraming Iilan Walang
ideya ay lahat ng ideya ang ideya ang lamang ideya na
malinaw. ideya ay malinaw hindi ang malinaw.
malinaw. malinaw ideya na
malinaw.
Empasis Lahat ng Halos Maraming Maraming Iilan ang Walang
ideya ay lahat ng ideya ang ideya ang ideya ideya na
nabigyang- ideta ay nabigyang hindi ang nabigya
diin. nabigyang -diin nabigyang nabigya ng-diin.
-diin. -diin. ng diin..
Kasapatan Naibigay Halos Maraming Maraming Iilan lang Walang
ang lahat naibigay naibigay hindi ang naibigay
ng lahat ng na naibigay naibigay na
material. material. material. na na material.
material. material.
Kabuuan

Pagtataya
Panuto: Tatayahin ang ginawa sa pamamagitan ng Rubrik.

Sanggunian
Dilag and Ranara. (n.d.). file:///C:/Users/mamonica08/OneDrive/Desktop/2020-
2021/ADM/PAGBASA/4TH%20QUARTER/Pagbasa11_Q4_Mod11_Pagbuo%20ng%20Konseptong
%20Papel_v3.pdf.

You might also like