Panalangin NG Pagtatapos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panalangin ng Pagtatapos

Pinamunuan ni: Drew Copuyoc


Sinulat ni: Ken Abante at ng mga kaibigan sa Campus Ministry Office
 
Mahal naming Panginoon:
 
Sa aming pagtatapos, bigyan Mo kami ng biyaya ng kamalayan
na makita Ka sa lahat, at mabatid na ang lahat ay nakapaloob
sa nag-uumapaw na pagmamahal Mo.
 
Biyayaan Mo kami ng biyaya ng pagpapakumbaba,
nang maikintal sa aming isip na ang aming kaganapan
ay bunga ng Iyong Mapagbigay na Kamay,
at sa pamamaraang ito, magpasalamat nang taos puso sa Iyo:
 
Sa aming pagtatapos, nagpapasalamat kami sa aming mga guro
na nagsilbing Tinig Mong nagbunyag ng Iyong Salita.
Biyayaan Mo kami ng katapatan
upang ibahagi rin ang Iyong Salita sa aming kapwa
 
Nagpapasalamat kami sa mga pinuno ng pamantasan
na nagsilbing Paningin Mong umaasa’t nangangarap para sa amin at sa bayan
Linangin Mo kami sa Iyong Banal na Pag-asa
nang lumabay lamang ang aming mithiin para sa bansa
 
Nagpapasalamat kami sa aming mga magulang
na nagsilbing Bisig Mo na yumakap sa amin sa kahirapan o ginhawa.
Bigyan Mo kami ng lakas
upang mayakap din namin ang aming kapwa na lugmok sa karalitaan
 
Nagpapasalamat kami sa aming mga kaibigan
na nagsilbing Puso Mo na nagpaalab ng aming mga damdamin sa saya’t inspirasyon.
Gawaran Mo kami ng tatag ng loob
upang tahakin ang landas ng katarungan
 
Nagpapasalamat kami sa tahanan namin sa Ateneo,
kung saan nananahan ang Iyong dalisay na Pagmamahal
at tumatahan ang lahat ng nababalisang puso.
 
At sa aming pagtatapos, ‘wag sana kaming mangamba ‘pagkat--
Ano nga ba ang kapanatagan sa kasalukuyan,
kapayapaan sa kinabukasan at pagpapalaya sa nakaraan,
sa kasiguruhan na Kami’y minahal, minamahal
at mamahalin Mo sa kabuuan ng panahon?
 
Amen.

You might also like