Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TEKSTONG DESKRIPTIV (PAGLALARAWAN)

Ano ang Tekstong Deskriptiv?

Ang tekstong deskriptiv ay isang uri ng teksto na napapalooban ng paglalarawan ng laki,


hugis, anyo, hubog, lagay, layo, tindi, labo, o linaw at kulay ng inilalarawang tao, bagay, lugar,
pangyayari at kaisipan.

Dalawang uri ng Paglalarawan:

1. Karaniwang Paglalarawan

Ito ay isang klaseng paglalarawan na naghahatid ng mga mahahalagang


kaalaman hinggil sa katotohanan na hindi naglalaman ng sariling pananaw, kuru-kuro at
damdamin ng taong naglalarawan.

2. Masining na Paglalarawan
Ito ay isang paglalarawan na bukod sa ito’y napapalooban na ng karaniwang
paglalarawan, nadadagdagan pa ito ng paglalarawan na nagpapahiwatig ng mga
matalinhagang pahayag tulad ng tayutay at idyoma.
HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIV (PAGLALARAWAN)
ANG INILALARAWAN KARANIWANG MASINING NA
PAGLALARAWAN PAGLALARAWAN
Senador Miriam Defensor Santiago matalino matalas ang isipan na
sintalas ng kay Rizal
Ang Simbahan ng Quiapo luma luma tulad ng simbahan ng
baclayon sa Bohol
Isla ng Boracay ( Boracay Beach Pino ang mga buhangin Kasimpino ng asukal ang
Resort) mga buhangin
ama taga paghanapbuhay Haligi ng tahanan
edukasyon mahalaga Singhalaga ng isang
kayamanan
Pista ng Sto. Nino de Cebu maraming tao di-mahulugang karayom sa
daming tao
Ikalawang Digmaang Pandaigdig maraming namatay bumanak ang dugo
(WWII)
litson malutong Sinlutong ng isanng
chicharon
Sanggol Walang kamuwang-muwang Anghel ng tahanan
Iphone 12 Pro Max mahal Singmahal ng isang 48” LED
TV

HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIV

ANG TAO AT KALIKASAN

Basura! Marumi at mabaho. Sa tingin n’yo sinong may kagagawan nito? Sinong may kagagawan kung
bakit lubhang nasisira na ang ating kalikasan? Ang ating Inang Kalikasan ay nilikha ng Diyos para alagaan
natin. Ang kalikasan na dati’y puno ng mga mayayabong at mabeberdeng puno na hitik na hitik sa
bunga, ang mga anyong tubiig na sagana sa mga yaman, ang kaaya-aya at sariwang simoy ng hangin na
tila ay pumapawi sa pagod ng mga nagpapahinga ay hindi na natin nararanasan at natunghayansa
kasalukuyan. Ga-bundok na mga basura na itinapon sa ilog, batis, o kahit sa dagat na sumisira sa mga
yaman na nabubuhay sana rito , ang dati’y kulay asul na dagat at mala-kristal na tubig na dumadaloy sa
mga ilog, batis, sapa at sa talon ay ngayon ay para nang isang karbon sa itim dahil sa sobrang dami ng
galling sa mga itinambak na mga basura na sanhi ng pagkakalason ng mga suso, isda korales at iba pang
mga lamang dagat. Sino nga ba ang may kagagawan nito?
Tao! Oo, ang tao, ang mga tao, tayo na binigyan ng pagkakataon ng Diyos para pangalagaan ang kanyang
mga nilikha at upang magsilbing tirahan natin na nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay
ay tayo lang pala ang sumisira nito. Isang napakalaking kahihiyan na ginawa natin dahil nilapastangan
natin ang regalo ng Diyos para sa atin. Huwag nating ipagkaila. Tayong mga tao na nilikha ng Diyos ang
mismong sumira sa regalong kanyang handog. Kung makapagsalita lamang ang kalikasan ay tiyak
susumbatan niya tayo at sabihin sa atin, “ Ang kapal naman ng mukha ninyong mga tao! Ako ang inyong
Inang kalikasan . Ako ang nagbibigay sa inyo ng lahat para kayo ay mabuhay. Ibinigay ko sainyo nang
libre ang tubig, mga puno, sariwang hangin, ang paligid na inyong matitirhan, pagkain, ang mga damit, at
lahat ng yaman para kayo ay mabuhay, subalit ano ang ginawa n’yo? Sinisira n’yo ako mga tao , inaabuso
at nilalapastangan. Pinapatay n’yo ako at unti-unti n’yo na ring pinapatay ang mmga sarili n’yo. Bakit
kayo ganyang?”, hinagpis ng kalikasan.

Unang nilikha ng Diyos ang kalikasan para mabuhay tayong mga tao at upang alagaan natin ito. Kaya’t
magisip-isip tayo. Huwag tayong magbulag-bulagan at magbibingi-bingihan. Bakit hindi natin suklian ang
kabutihang ipinakita sa ating Inang kallikasan? Wakasan natin ang kanyang paghihirap. Gawin natin ito
ngayon na hindi pa huli ang lahat. Tayo na’t sama-sama at magkaisa dahil walang makakaligtas sa galit at
hagupit ni Inang kalikasan. Kaya tao, magbago kana.s

You might also like