Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino IV

Jared Yuson

Gurong Nagsasanay Pebrero 20,2021

Petsa

G.Charlie Job Sumili

Gurong Tagapagsanay

I. Layunin

Sa tulong ng mga iba't-ibang gawain, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang na may 75% na
kawastuhan ay inaasahang:

A.natutukoy ang kahulugan ng pabula;

B. nakapagbabahagi ng aral sa kwento ,at

C. nakagagawa ng pagsasadula ng isang pabula

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Kwentong Bayan;Pabula

B. Sanggunian: https://noypi.com.ph/pabula/

https://youtu.be/G-mM8Oxagn8

C. Kagamitan: Mga larawan, Chalk, cartolina,Marker,Manila Paper,LCD TV (ppt,bidyu klip)

D. Pagpapahalaga: Kooperasyon, Pagiging mapagkumbaba

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain

Ang guro ay tatawag ng tatlong mag-aaral para magbigay ng rebyu sa paksa ng nakaraang talakayan
gamit ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang nakaraang paksa na tinalakay?

2. Anu-ano ang mga ibinigay na halimbawa ng maikling kwento?


3. Ano ang mga elemento ng kuwento?

B. Pagganyak

Maggpapakita ang guro ng isang bidyu klip ukol sa isang kwentong na pinamagatang "Ang Kuneho at
Ang Pagong" . Pagkatapos, magtatanong ang guro ukol sa kwentong nakita .

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Ano ang ginawa nila Pagong at Kuneho?

3. Bakit natalo si Kuneho at nanalo si Pagong?

4. Ano ang aral na makukuha sa kwento?

5. Sa tingin mo, ano ang tatalakayin natin ngayon ?

C. Paglalahad

Ano ang Pabula?

Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kinapupulutan ng magandang aral. Mga
hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan dito.

Elemento o Bahagi ng Pabula

Tauhan

Ito ang anumang hayop na gumaganap sa istorya o kwento.

Tagpuan

Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong maging dalawa
o higit pa.

Banghay

Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa kwento.

Aral

Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.
D. Paglalapat

Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo . Bawat grupo ay gagawa ng pagsasadula base sa kanilang
nakatalagang pabula . Pagkatapos, sasabihin nila ang mga aral na mapupulot sa kwento. Bawat grupo ay
bibigyan ng sampung minuto para sa paghanda.

1. Ang Uwak na Nagpanggap

2. Ang Inahing Manok at ang kanyang mga sisiw

Kriterya:

Pagiging malikhain- 30%

Nilalaman-30 %

Ekspresyon ng mukha -30%

Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit-10%

Kabuuan. -100%

E. Pagtataya

Gamit ang story ladder, ayusin ang mga pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang pabula na nasa
ibaba kabilang ang tauhan tagpuan , banghay at aral ng kwento. Isulat ito sa isang pirasong papel.

Ang Lobo at Ang Kambing

*Agad na tumalon ang kambing sa balon at doon niya nalaman na siya’y niloko lamang ng lobo.

*Dumating ang isang kambing na uhaw na uhaw. Narinig nito ang tinig ng lobo kaya siya’y agad na
lumapit sa balon.

*Nakalabas ang lobo sa balon dahil sa tulong ng Kambing ngunit di siya tinulungan ng lobo at
pinatawanan lamang ito.

*Pagdaka’y naiwanan ang kambing na malungkot sa malalim na balon.

*May isang lobo na nahulog sa tuyong balon. Sinikap niyang tumalon ng mataas upang makaahon ngunit
ito’y bigo.
ARAL

5.
BANGHAY
4.

3.

2.

1.

TAGPUAN

TAUHAN

IV. Takdang Aralin

Basahin ang nasa pahina 170-171.

You might also like