Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan - Modyul 4
Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
EPP4AG-0d-6
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/ Pagtatanim
ng Halamang Ornamental EPP4AG-0d-6
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: AJ Ghail Powao
Editor: Ronald C. Campugan and Daryl A. Cortes
Tagasuri: Ronald C. Campugan, Arlyn Y. Gempesao,
Tagaguhit: AJ Ghail Powao
Tagalapat: Ronald C. Campugan, Daryl A. Cortes
Subject Area Supervisor: Marina Gretchen A. Ompad
Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Allan B. Matin- aw, Mary Jane J. Powao
Aquilo A. Rentillosa, Cristina T. Remocaldo
Division ADM Coordinator: Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division

Department of Education – Region VII- CARCAR CITY DIVISION

Office Address: Department of Education Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)
P. Nellas St. Poblacion III, Carcar City, Cebu
Telefax: (632) 8634- 1072; 8634- 1054; 8631-4985
Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com
4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan- Module 4

Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/


Pagtatanim ng Halamang Ornamental
EPP4AG-0d-6
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/ Pagtatanim ng Halamang Ornamental
EPP4AG-0d-6!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Pamamaraan sa
Pagpapatubo/ Pagtatanim ng Halamang Ornamental EPP4AG-0d-6!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul na


ito naipamamalas ang kaalaman at kasanayan sa mga paraan sa paghahanda ng
mga itatanim o patutubuin.

Pagkatapos ng module na ito inaaasahang ang mag-aaral ay:


1. naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/ pagtatanim ng
halamang ornamental EPP4AG-0d-6
1.4.1 pagpili ng itatanim.
1.4.2 paggawa/ paghahanda ng taniman.
1.4.3 paghahanda ng mga itatanim o patutubuin at itatanim
1.4.8 pagtatanim ayon sa wastong pamamaraan

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay kahong paglilipatan ng punla na dapat ay may tamang sukat.


a. kahong taniman
b. kahong punlaan

c. kahong ornamental
d. kahong para sa buto
2. Sa kahong punlaan ang mga inihahalo ay ang mga lupa, buhangin at _________.

a. bato
b. luwad
c. apog

d. humus

5
3. Ano ang dapat gagawin sa buto bago ito ilipat sa kahong pulaan?
a. Ibabad magdamag c. linisin

b. patuyuin d. lutuin
4. Ano ang gagawin sa kahong punlaan hindi pa lumalabas ang mga unang sibol?
a. ibilad sa araw c. takpan

b. diligan d. linisin
5. Ilang tunay na dahon meron ang punla bago ilipat sa permanenting pagtataniman.
a. 1-3 na dahoon c. 3-5 na dahon

b. 2-4 na dahoon d. 4-6 na dahoon


6. Ano ang gagawin sa punla bago angatin at alisin sa kahong punlaan?
a. diligan c. patuyuin

b. linisan d. ibilad sa araw


7. Ano ang gagamitin sa pag-angat ng punla?
a. gulok c. patpat

b. pala d. dulos
8. Ano ang gagawin sa dahoon ng mga punla?
a. kagatin c. pangusan

b. putolin d. diligan

9. Ano ang gagawin sa kamang taniman upang ito ay magsilbing gabay sa paggawa
ng butas?
a. Lagyan ng tulos sa magkabilang dulo ng kamang taniman at tali.
b. Lagyan ng panukat.
c. Lagyan ng butas.
d. Lagyan ng marka.

10. Ano ang gagamiting pambutas sa kamang taniman na tatamnan ng mga buto?
a. gulok c. patpat
b. dulos d. bara

6
Aralin
Wastong Pamamaraan sa

4
Pagpapatubo/ Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

shorturl.at/ijuH9

Tingnan ang larawan sa itaas. Paano mo kaya ito ayusin na kaaya-aya itong tingnan?

Nais mong ayusin ang inyong bakuran, upang makagawa ng simpleng landscape
gardening. May dati nang mga tanim na mga halaman at puno sa bakuran ninyo. Nang
may natutuhan ka na sa pagpapaganda ng bakuran mula sa iyong guro tungkol sa
simple landscaping gardening, nagkaroon ka ng ideya na gawin ng pagbabago ang
pagkakaayos ng bakuran ninyo. Sa pagbabago ng espasyo, naisip mong maraming
bagay ang maaaring gawin.

7
Balikan

Panuto: Balikan muna natin ang ating natutuhang mga wastong kagamitan at
kasangkapan ng paghahalaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang sumusunod ay ilang sa mga kasangkapan sa paghahalaman. Isasaayos ang


mga titik upang mabuo ang pangalan ng mga kasangkapan at ibigay ang gamit nito.

1. G A D E R E R A ____________________

2. L A K Y A Y A K ____________________

3. A L A P ____________________

4. I K P O ____________________

5. S L O D U ____________________

8
Tuklasin

Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng


Taniman ng Halamang Ornamental

Kung ang inyong bakuran ay matagal nang may tanim na mga halaman at puno,
maaari bai tong baguhin?

May magiging maayos at mapalamuti ang iyong bakuran kung ang gagawa
ng simpleng landscape gardening. Alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung
sakaling hindi maganda ang dating mga tanim, maaaring dagdagan ng lupang mataba
o anumang organikong bagay na maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga
pananim kapag tuyo, matigas, at bitak-bitak ang lupa. Ganito rin ang mangyayari
kapag malagkit at sobrang basa ang lupa.

9
Suriin

Tignan mo ang larawan o “picture tree” at pag-aralan ang nilalaman nito.

Mga Wastong Paraan ng Pagtatanim

Di tuwirang - Tuwirang pagtatanim-


pagtatanim- paglilipat ng ginagawa sa
punla sa tamang pamamagitan ng
taniman paghulog kaagad ng buto
o binhi kung saang
bahagi ng kama ibig
itong patubuin.

Mga Paraan Mga Paraan

1. Ihanda ang kahong punlaan na 1. Diligin ang inihandang lupa


may tamang sukat. Tiyakin na at hayaang makasipsip ang
may butas ito sa ilalim upang sapat na tubig.
madaluyang ng tubig. Paghaluin
ang tig-iisang katlong bahagi ng
lupa, buhangin at humus sa loon
ng kahong inihanda.

10
1. Ihanda ang mga buto ng 2. Gumawa ng hanay sa
halamang itatanim. Ibabad pamamagitan ng paglalagay
ang mga ito nang magdamag ng tulos sa magkabilang
bago itanim at patubuin sa dulo ng kama at pagtatali ng
kahong punlaan. pisi sa bawat tulos. Magsilbi
2. Takpan ang kahong punlaan itong gabay sa paggawa ng
habang hindi pa lumalabas butas
ang unang sibol. Gumamit ng
3. Sa pamamagitan ng patpat
panakip tulad ng dahoon ng gumawa ng butas na may
saging at iba pa. sapat na layo. Dagdagan
3. Unti-unting ilantad ang ang distansiya kung ang
kahong punlaan, kapag dahoon ng halamang
nagsimula nang sumibol ang itatanim ay mabukadkad
mga buto.
4. Alisin ang takip kung husto na • Kung tag-init ang lupa
ang tubo ng mga punla. Piliin ay buhaghag at
at alisin ang mga punlang mabuhangin, laliman
payat at dikit-dikit. ang butas.
5. Hintaying magkaroon ng • Kung sa panahon ng
dalawa hanggang apat na taglamig at ang lupang
gagamitin ay siksik,
dahon ang mga punla bago
gawing mababaw ang
ilipat sa permanenting butas.
pagtataniman. 4. Hugutin at alisin ang tulos at
6. Diligan ang mga punla bago pising ginagamit. Ihulog ang
angatin at alisin sa kahong dalawa hanggang tatlong
punlaan. buto o binhi sa mga butas
7. Gumamit ng dulos at angatin na ginawa. Takpan ng lupa
nang buong ingat ang punla at bahagyang pipiin ng
at ingatang di mapinsala ang kamay.
mga ugat.
8. Pungusan ng dahon ang mga 5. Diligan ang kamang
punla. Tiyakin ang taniman. Gawin ito ng buong
pagpupungas ay hindi ingat upang mapangalagaan
gaanong malapit sa tangkay. ang mga butong tanim.
9. Ilipat nang buong ingat ang
mga punla sa permanenting
pagtataniman at alagaang
Mabuti. Iwasan ang paglilipat
Mga Hakbang na Dapat
ng punla sundinang
kung matindi sa Paghahanda ng Punla
1. Bumuo ngsikat ng araw.
kahon, maaaring yari sa yero o kahoy may sukat ng 30x45 sentimetro.
2. Butasan ang ilalim ng kahon upang may daluyan ang sobrang tubig.
3. Lagyan ng lupa ang kahon. Ito ay pinaghalong mahusay na lupa, buhangin at
humus. Gawing tig-isang katlong bahagi ang bawat isa.
4. Piliin at pantayin ang lupa sa kahon.

11
Pagyamanin

Ayon sa natutunan mo sa mga wastong pamamaraan ng pagtatanim; ang


tuwiran at di-tuwiran, pag-aralan ang nakikita mong lay-out ng taniman.
Ipaliwanag ang gamit nito at kung bakit kailangan ito sa paghahalaman. Isulat sa
kuwadernong sagutan.

➢ Sa anong paraan ng pagtatanim ito ginagamit?

Isaisip

Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining na


pagtatanim at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang pantanim upang
makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat halamang itatanim.
Ang pagtatanim ay may dalawang pamaraan. Ito ay ang tuluyang
pagtatanim o tuwiran at ang paglilipat ng punla o di-tuwiran.
Ang tuwirang pagtatanim ay payak at madaling gawin. Ang di tuwirang
pagtatanim ay kinakailangan magpunla at ilipat ang sibol sa takdang panahon sa
kamang taniman.
Kung nais mong maging kaakit- akit ang lugar ng inyong taniman, ang
magandang disenyo ng lupa ay nakaangat nang bahagya at may mga iba’t ibang
hugis ng bato sa mga gilid ng lugar na tataniman ornamental ay malawak, lagyan
ito ng mga accessories gaya ng pergola, maliit na fish pond, garden set at grotto.
Kung ito naman ay di gaanong malawak, simpleng kaayusan lamang ang bagay
na ilagay ng mga palamuting banga o porselanang sisidlan.

12
Isagawa

Basahin at sundin ang mga hakbang sa paghanda ng mga itatanim o


patutubuin .

1. Gumawa ng kahon punlaan o kaya balde na di na ginagamit.


2. Ihanda ang mga matatabang lupa o humus at ilagay sa kahong punlaan og balde
na di na ginagamit.
3. Pumili ng halamang ornamental na maaaring itanim sa pamamagitan ng di-
tuwirang pagtatanim.

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik sa
tamamg sagot sa sagutang papel.

1. Sa kahong punlaan ang mga inihahalo ay ang mga lupa, buhangin at _____.
a. bato c. apog
b. luwad d. humus
2. Ano ang dapat gagawin sa buto bago ito ilipat sa kahong
pulaan?
a. Ibabad magdamag c. linisin
b. patuyuin d. lutuin
3. Ano ang gagawin sa kahong punlaan hindi pa lumalabas ang
mga unang sibol?
a. ibilad sa araw c. takpan
b. diligan d. linisin
4. Ito ay kahong paglilipatan ng punla na dapat ay may tamang sukat.
a. kahong taniman c. kahong ornamental
b. kahong punlaan d. kahong para sa buto

13
5. Ilang tunay na dahon meron ang punla bago ilipat sa permanenting pagtataniman.
a. 1-3 na dahoon c. 3-5 na dahon
b. 2-4 na dahoon d. 4-6 na dahoon

6. Ano ang gagamitin sa pag-angat ng punla?


a. gulok c. patpat
b. pala d. dulos

7. Ano ang gagawin sa punla bago angatin at alisin sa kahong


punlaan?
a. diligan c. patuyuin
b. linisan d. ibilad sa araw

8. Ano ang gagawin sa kamang taniman upang ito ay magsilbing


gabay sa paggawa ng butas?
a. Lagyan ng tulos sa magkabilang dulo ng kamang
taniman at tali.
b. Lagyan ng panukat.
c. Lagyan ng butas.
d. Lagyan ng marka.

9. Ano ang gagamiting pambutas sa kamang taniman na


tatamnan ng mga buto?
a. gulok c. patpat
b. dulos d. bara

10. Ano ang gagawin sa dahon ng mga punla?


a. kagatin c. pangusan
b. putolin d. diligan

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa sagutang kwaderno ang iyong sagot.

Paano mo maisasagawa o mapapanatili ang wastong pamamaraan sa


paghahanda ng taniman ng halamang ornamental?

15
16
Tayahin Balikan Subukin
1. a 1. b
1. REGADERA
2. a 2. d
2. KALAYKAY
3. c 3. a
3. PALA
4. b 4. c
4. PIKO
5. b 5. b
5. DULOS
6. d 6. a
7. a 7. d
8. a 8. c
9. c 9. a
10. c 10. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
2015. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Group, Inc. .
2019. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Patnubay ng Guro. Pasig City,
Philippines 1600: FEP Printing Corporation.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

18

You might also like